Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, tinitiyak ng DTI na walang mangyayaring taas presya ng mga pangon na himbilihin sa mga susunod na
00:06araw hanggang April 16.
00:09Pero paano ang presyuhan pagkatapos ng petsang yan?
00:13Alamin sa pagtutok ni JP Soriano.
00:18Hindi naman daw ito panic buying, pero talagang pang tatlong linggong supply kung mamili si Mila sa supermarket na ito
00:25sa Quezon City.
00:26Sa gitna ng pag-alagwa ng presyo ng langis, sana rao ay di rin magtaas ang presyo ng mga basic
00:31goods gaya ng kape, asukal, dalata at mantika.
00:35Sa sweldo ng tao, ang hirap hindi pa tumataas.
00:38Ang hirap i-budget pero yung kailangan lang talaga.
00:42Pero ayon sa Department of Trade and Industry, nakapulong na nilang samahan namang manufacturers at retailers o yung mga groceries
00:47sa Pilipinas.
00:48At matapos ang kanilang meeting, ginarantayan ng DTI, wala raw magtataas sa presyo ng mga pangunahing produkto o yung mga
00:54basic goods.
00:54Hanggang sa mga susunod na linggo.
00:56So we will not have any price increase up to April 16.
01:00And we will keep on updating them kasi may mga ibang food po na hanggang end of April, wala pong
01:06price increase.
01:07Ayon Gay Trade Secretary Christina Roque,
01:10tiniyak na mga manufacturer at retailer na may sapat na mga pangunahing bilihin tulad ng sardinas,
01:15corned beef, cup noodles, bottled water, kape, gatas, ilang dairy products, at kandila.
01:22Pero dahil walang katiyakan kung hanggang kailan ang krisis sa Middle East,
01:26posibleng tumaas ang presyo ng mga bilihin pagkatapos ng April 16?
01:30We will update, titingnan natin ulit, because we click o ausap ka ng mga manufacturer.
01:35Sa Mayo o Hunyo naman, posibleng tumaas ang presyo ng gulay at ibang agricultural products,
01:40ayon sa Department of Agriculture.
01:43Bagaman kapakanan na mga magsasaka ang iniisip ng DA,
01:46kailangan din daw protektahan ang mga mamimili.
01:49Kaya kasama raw sa mga plano ang pag-aangkat ng mga produkto.
01:53Palagi naman ikinukonsidera ang importasyon para itame ang inflation.
01:58Kasi aminin natin mas mura yung bigas, mas mura ang karning baboy, yung karning manok,
02:03kaysa dun sa pinuproduce natin.
02:05Mas importante na mayroon tayong inventaryo ng mga agricultural commodities.
02:12Nagbabadya rin tumaas ang presyo ng manok at baboy dahil sa mas mahal na imported feeds.
02:18Apektado kasi ang produksyon ng feeds dahil sa mataas na presyo ng krudo.
02:22Baging ang presyo ng isda, posibleng ring tumaas, sabi ng DA,
02:26dahil mas kakaunti ang mga nangingisda dahil pa rin sa mahal ng krudo.
02:30Pagdating naman sa bigas, na kay Pangulong Bongbong Marcos na ang rekomendasyon ng National Price Coordinating Council
02:36na magtakda ng 50 pesos na price cap sa imported rice para raw mapigilan ang pagtaas ng presyo nito sa
02:44mga pamilihan.
02:45Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended