00:00Pare-parehong pinatay sa isang compound sa Nueva Ecija
00:04ang isang negosyanteng senior citizen at dalawa niyang tauhan.
00:08Tinutunton ngayon ang naplakahang SUV na namataan sa pinangyarihan ng krimen.
00:13Nakatutok si Jonathan Andal.
00:18Sa ibaba ng hagdanan, may lolong duguan, nakagapos ang mga kamay at may tama ng bala sa ulo.
00:24Siya si Romulo Sanggalang, 82 anos, negosyante.
00:29Ang kanyang katabing lalaki, nakaupo, nakagapos din ang kamay, may tama ng bala at pinuluputan ng alambre sa leeg gamit
00:36ang screwdriver.
00:37Siya naman ang driver ni Sanggalang na si Theodore Sanggalang.
00:42Sa taas ng hagdan, sa loob ng tinutuloyan nilang converted container, may babae namang may tama ng bala sa katawan.
00:48Siya si Rose Yuzon, kasambahay ng negosyante.
00:51Lahat silang tatlo may tama ng bala at natagpuan kahapon sa loob ng isang compound sa Puroquatro, Barangay Balok, sa
00:58bayan ng Santo Domingo sa Neba Isiya.
01:00Sabi ng mga testigong nakausap ng pulisya, may nakita silang sasakyan na pumasok sa compound bago nila narinig ang pamamaril.
01:28Sabi ng pulisya, ang negosyo ng biktima ay buy and sell ng truck at may mga lupang sakahan sa Santo
01:33Domingo.
01:34Wala pa po tayong malinaw na nakikitang motibo.
01:39Nadatnan ng mga pulis na nakabukas sa mga pintuan ng sasakyan ng biktima.
01:43Tila hinalughog din ang mga gamit sa loob ng container.
01:46Sabi ng pulisya, nawawala ang isang lisensyadong baril ng negosyante, pati na ang cellphone nito at ng kanyang driver.
01:52May mga CCTV camera daw sa loob ng compound pero binaklas daw ng mga salarin ng DVR o digital video
01:58recorder.
01:58Kaya wala ngayong makuhang footage sa loob.
02:01Nagpunta na sa pulisya kanina ang anak ng biktimang negosyante.
02:04Tumanggi muna siya magpa-interview pero nananawagan siya ng hustisya.
02:07Sa crime scene, may nakuhang 9mm na baril.
02:10Mga magazine samot sa rigbala na may kasama pang suppressor o silencer na posibleng sa negosyanteng biktima ayon sa pulisya.
02:17May mga basyo ng kalibre 45 baril.
02:19Patuloy ang investigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen at sa pagtugis sa nasa likod ng pagpatay.
02:25Para sa GM Integrated News, Jonathan Andal na Katutok, 24 Horas.
02:30Mga kapuso, sensitibong balita po, isang fetus na isinilid sa styrobox ang nadiskubre sa kisame ng isang hotel sa Quezon
02:38City.
02:39At ayon po sa staff ng hotel, tatlong araw na raw nangangamoy ang fetus.
02:44Nakatutok si Dano Tingkungko, exclusive.
02:50Laking gulat na mga tauhan ang isang hotel sa Cubao, Quezon City, nang tumambad ang isang patay ng fetus na
02:55nakasilid sa isang styrobox.
02:57Nakita nila ito sa kisame ng banyo ng isang silid sa ikatlong palapag habang naglilinis kaninang pasado las dos na
03:04madaling araw.
03:05Ayon sa mga roomboy na nakausap ng GM Integrated News, natuntun nila ang kaawa-awang lagay ng sanggol dahil sa
03:11matinding amoy na hindi na raw nila matiis.
03:14Sobrang bao na malansa po na amoy ganun.
03:18Sabay hindi po namin matagpuan kung saan po nagmumula hanggang pinasok po na kasamahan ko yung CR at natagpuan niya
03:27sa kisame yung amoy na malansa.
03:302-2-3 days, pero napaka maliit lang na amoy.
03:34Tapos yung bag ng kaapon na hindi ko na talaga matiis.
03:38Parang nag-upgrade siya, nakita po ako na parang box.
03:41Nang yada po yun, tapos nakabalot pa ng plastic.
03:46Nang unang madiskubre ang styro box, hindi mo na ito binuksan agad ng mga roomboy hanggang dumating kaninang umaga ang
03:52kanilang supervisor.
03:54Wala pa pong...
03:55Wala pang busig na.
03:56Opo. Ang ginawa po namin, pinaabot po namin ng umaga hanggang sa...
04:00Sinabi na po ng mga kasamahan po namin sa dito sa loob na buksan po namin.
04:05Hindi po po namin binuksan kasi inintay po po na magpang umaga po.
04:09Na po yun, na ayaw pang umaga ang chef.
04:11Opo, opo.
04:12Kasi ayaw rin namin magano nang wala po yung supervisor.
04:16Tumanggi muna magsalita ang supervisor habang iniimbisigahan pa raw ang kaso.
04:20Nang makitang fetus ang laman ng styro, nireport nila ito sa barangay na siya namang tumawag sa pulisya.
04:26Bandang tanghalid, dumating ang QCPD Soko para iproseso ang styro box.
04:31Inaalam na ng pulisya kung kailan iniwan sa hotel ang fetus at sino ang mga magulang nito.
04:36Para sa GMA Integrated News, Dano at Ingko, nakatutok 24 oras.
Comments