00:04Welcome sa Yakutsk, ang pinakamalamig na siyudad sa buong mundo.
00:10Ang temperature dito ay bumababa hanggang negative 64.4 degrees Celsius.
00:16Sobrang lamig niyan.
00:18Isipin mo na lang, three times na mas malamig ito kumpara sa nagyielong freezer ng refrigerator ninyo.
00:25Sa sobrang lamig, kapag iniwan mo ang saging sa labas, sa loob lang ng ilang minuto ay maaari mo na
00:32itong gawing martilyo.
00:34Maging ang noodles at itlog na ito ay tila ba lumulutang dahil sa tigas.
00:39Ang mga sinampay ay titigas na parang plywood.
00:52At kung magahagis ka naman ng mainit na tubig sa ere, ay agad itong nagiging ice crystal.
00:58Hindi na kailangan ng freezer sa palengke dahil ang mga karne ay kusa na lang na for frozen.
01:04Ang paborito nilang snack dito ay hilaw na karne ng kabayo.
01:09A frozen raw horse meat.
01:20At kapag nasa labas ka na walang jacket, ay maaari kang mamatay sa loob lamang ng 20 minutes.
01:28Paano kaya nakakasurvive ang mga residente sa napakalamig na lugar na ito?
01:33At sa tingin ninyo, naliligo pa kaya sila dito?
01:44Ang syudad ng Yakutsk ay kilala bilang pinakamalamig na syudad sa buong mundo.
01:50Ito ang capital city ng Saka Republic, isang autonomous region sa Russia.
01:56Sabi ng ilang turista, napakahirap daw mamuhay sa Yakutsk para ka daw nasa nagyielong impyerno.
02:03Gayun pa man ay tahanan nito ng mahigit 300,000 na katao na bachil-chil lamang.
02:09Ang buong syudad ng Yakutsk ay nakatuntung sa tinatawag na permafrost o frozen ground, na ilang taon ng solidong yelo
02:18at hindi pa natutunaw.
02:19Literal na nasa ibabaw ng yelo ang buong syudad.
02:23Dahil dito, ang mga bahay nila ay nakaangat sa lupa para maiwasang matunaw ang permafrost.
02:30Makikita rin sa syudad ang naglalakihang mga water pipes na nakalitaw sa ibabaw ng lupa.
02:36Bawal kasing maghukay at maglagay ng pipes sa ilalim ng permafrost.
02:41Ang Yakutsk ay merong tag-init at napakahapang taglamig na nag-uumpisa sa October hanggang May.
02:48At tuwing sasapit ang taglamig, bumabagsak ang temperatura dito na naglalaro sa negative 40 to negative 50 degrees Celsius.
02:57Ang karaniwang temperatura ng nag-iyelong freezer ng refrigerator ay nasa negative 20 degrees Celsius lamang.
03:05So ibig sabihin, dobli ang lamig sa Yakuts kumpara sa usual na freezer.
03:10Sobrang lamig na niyan, pero sabi ng isang residente doon,
03:14Ah, today very warm!
03:17Ang pinakamababang temperatura na natalas sa kasisayan ay nasa negative 64.4 degrees Celsius.
03:25Kasing lamig yan ang temperatura ng Mars at 3 times na mas malamig sa usual freezer.
03:31Dito, lahat ay nagiyelo. Puno ng snow ang mga daan, mga puno at halos hindi mo makita ang paligid dahil
03:40sa fogs.
03:41Kapag nag-iwan ka ng saging sa labas, pagkalipas ng 20 minutes ay tiyak na titigas ito na parang bato
03:48at maaari ng gamitin bilang martilyo.
03:52Maging ang noodles at itlog na ito ay tila ba lumulutang dahil sa tigas.
03:57Ang mga gadgets gaya ng kamera at cellphone ay mabilis ding nawawala ng battery dito.
04:03At kung maghahagis ka naman ng mainit na tubig sa ere, ay agad itong nagiging ice crystal.
04:09Ganito katindi ang lamig sa Yakutsk.
04:16Bihira lamang lumabas ang mga residente ng Yakutsk tuwing taglamig.
04:21Kapag kasi nanatili sila sa labas ng mahigit 20 minutes, ay maaari nila itong ikapahamak.
04:27Maaaring mapuno ng snow ang kanilang mga pilik mata, buhok at buong katawan.
04:33Maaaring magdulot rin ito ng tinatawag na frostbite.
04:36Isang injury dulot ng sobrang lamig.
04:39Halimbawa nito ay ang pamamaga ng mukha, tenga, mga daliri ng kamay at paa.
04:45Kaya naman nagsusuot talaga ang mga residente dito ng tamang kasuotan para maiwasan ang frostbite.
04:52Sa sobrang lamig ng lugar, pinaniniwalaang kapag ang isang tao ay mananatili sa labas ng walang jacket,
04:59sa loob lamang ng mahigit 20 minutes, ay maaari niya itong ikamatay.
05:05Hindi rin sila nagsusuot ng eyeglasses na may metal frame dito,
05:09dahil ang metal ay nagiging yelo at dilikit ito sa mukha.
05:13At sa oras na huhuba rin ito ng tao, ay maaaring mapunit ang kanyang balat.
05:19Kapag sobrang lamig na talaga ng temperatura, ay kinakansila naman ang mga trabaho at skwela.
05:25Bawa lumabas ang kahit sino.
05:27May mga public transportation naman sa lugar na kayang gumana sa kabila ng lamig.
05:33Nagtatravel ang mga tao patungo sa trabaho at skwela sa pamamagitan ng bus at may mga taxi din.
05:39Ang mga taong may sariling mga sasakyan, inilalagay nila ang mga sasakyan sa mga heated garages at binabalot nila ang
05:48batery nito.
05:49Kapag gagamitin naman nila ang sasakyan, ay pinapaandar nila ito buong araw.
05:54Dahil kung papatayin nila ito, ay mahihirapan na silang paandarin ito.
05:58Pagdating naman sa pagkain, ang pangunahing produkto nila ay isda at karne.
06:03Ngunit ang paborito nilang snack ay ang hilaw na karne ng kabayo.
06:08Dito, hindi na kailangan ng refrigerator.
06:11Normal mong makikitang nakasabit sa labas ng bintana ang mga karne o pagkain ng mga residente.
06:18Ang iba naman ay gumagawa ng isang buong kwarto sa kanilang bahay na nagsisilbing refrigerator.
06:24Ganon din sa palengke, hindi na nila kailangang gumamit ng ice chest dahil dinidisplay lang nila ang kanilang mga paninda
06:31na naka-arrange na parang mga bulaklak.
06:34Ang mga nagtitinda ay makikitang nakatayo sa mga fur rugs na mula sa mga hayop.
06:40Ito ay upang mapanatili nilang mainit ang kanilang paa dahil literal silang nakatayo sa yelo.
06:47Sa mga rural areas ng Yakuts, karamihan ay walang water treatment facility.
06:52Kaya ang tanging source ng inumin tubig ay ang nagyiyelong lawa at ilog.
06:57Tinatabas nila ito gamit ang chainsaw at dinadala ang mga bloke ng yelo sa loob ng bahay.
07:05Nilalagay nila ito sa loob ng drum na may tubig para matunaw.
07:09Medyo mainit sa loob ng bahay kaya kusang natutunaw ang yelo.
07:13Pinapakuluan nila ito at pagkatapos pwede na itong inumin.
07:17Sa wakas ay mai-enjoy na rin ni Vladimir ang kanyang mainit na kape.
07:22Ngunit ang isa pang tanong, naliligo pa kaya ang mga tao dito?
07:27Bago natin yan alamin, kung ikaw ang tatanungin, kaya mo kayang mabuhay sa syudad ng Yakutsk?
07:32Pakilagay ang inyong opinion sa comment section.
07:38Kahit sobrang lamig ng Yakutsk, kahit papaano ay naliligo naman ang mga tao dito.
07:44Ngunit bihira lamang.
07:45Karamihan sa kanila ay naliligo isang beses sa isang linggo.
07:49Ngunit kahit hindi daw sila naliligo, ay wala naman daw amoy.
07:53Dahil ang mga mikrobyo ay hindi daw kayang mabuhay sa ganitong environment.
07:59Kapag maliligo naman sila, ay para itong adventure at medyo pahirapan.
08:04Dahil hindi gumagana ang mga hot water pipes sa lugar dahil magyayelo ito,
08:09kailangan muna nilang kumulekta ng yelo galing sa frozen na lawa na gagamitin pampaligo.
08:15Minsan naman ay inahaluan nila ito ng snow.
08:18Tapos ay paiiniti nila ito sa bathhouse.
08:22Aabutin daw ng 5 hours ang pagpapaimit dahil kailangan ang temperatura ng bathhouse
08:27ay nasa mahigit 100 degrees.
08:30Meron din silang mga tinatawag na walruses
08:33na naniniwalang nakakapagpatibay ng kanilang immune system
08:37ang pagliligo sa mga frozen lakes o rivers.
08:40Isipin mo pa lang na lulubog ka sa nagyielong tubig,
08:44di ba nakakanginig na?
08:46Marami ang nagtatanong sa mga lokal
08:48na kung bakit hindi na lang sila lumipat sa ibang lugar na hindi ganun kalamig.
08:53Ngunit isa lang ang kanilang tugon.
08:55Kung para sa mga tagalabas ay torture ang klima,
08:58sa kanila ay normal lamang ito
09:01at itinuturing nila ang Yakutsk bilang kanilang tahanan.
09:05This is your Ateo from Our Republic.
09:07Hanggang sa muli and stay awesome!
Comments