Skip to playerSkip to main content
Sasakyan daw ng HIGANTE?

This is ate awe from awe republic, salamat sa panonood hanggang sa muli.
#awerepublic
Transcript
00:03HUMMER H1X3
00:04Mas mataas pa ang gulong ng sasakyang ito kaysa sa tao.
00:08Ito ang HUMMER H1X3, ang pinakamalaking sasakyan sa buong mundo.
00:14Ang gulong nito ay nagkakahalaga ng $25,000 o 1.4 million pesos bawat isa.
00:22Grabe ano, isipin niyo po, isang gulong lang mas mahal pa sa brand new Toyota Innova.
00:28Sa laki nito, paano kaya makapasok o makasakay nito?
00:32Kung iniisip mong stationary o pang display lang ito, nagkakamali ka dahil ang sasakyang ito ay nadadrive talaga.
00:40Yun nga lang, kailangan talaga na may mag-assist, lalo na sa pagliko nito.
00:45Samantala, ang Caterpillar 6090FS naman ang currently pinakapowerful at pinakamalaking hydraulic excavator sa mundo
00:54na may bigat na nasa 1,102 tons o humigit kumulang 1,000,000 kilograms.
01:01Sa isang scoop lang nito, ay kayang makakuha ng 103 tons na lupa
01:06at kaya nitong makapagload ng halos 10,000 tons ng lupa kada oras.
01:12At ito naman ang Bagger 293, ang heaviest land vehicle ever built.
01:17Ngunit ito rin kaya ang pinakamalaki?
01:20Ang dambuhalang makinang ito ay ginagamit sa mga large-scale open pit mining sa iba't ibang panig ng mundo.
01:27Sa sobrang laki nga nito, ay nagmistulang langgam na ang mga tao rito.
01:33Ito ang Hammer H1X3, ang pinakamalaking sasakyan sa buong mundo na pinapagana ng apat na diesel engine.
01:41Meron itong 46 feet na haba, 20 feet ang lapad at may taas na umabot sa 21.6 feet.
01:49Tatlong beses itong mas malaki kaysa sa normal na Hammer H1, kaya't dito nakuha ang pangalang H1X3.
01:57Ang kahangahangang sasakyan ito ay pagmamayari ni Sheikh Hamad bin Hamdan Alnayan, isang miyembro ng royal family sa UAE.
02:06Fan ng mga kakaiba at marangyang sasakyan ang bilyonaryong Sheikh Hamad, kaya naman espesyal na ipinagawa ang Hammer H1X3 para
02:15mismo sa kanya bilang isang custom project.
02:19Ang loob ng sasakyan ay parang duplex apartment.
02:22Para makapasok dito, kailangan mong dumaan sa isang secret door sa ilalim ng sasakyan.
02:28Pag-akit mo sa hagdan, unang bubungad sayo ang kitchen at nasa gilid naman ang banyo.
02:34Sa bahaging ito naman, makikita ang isang diesel engine. May tig-isang engine ang bawat apat na gulong ng sasakyan
02:41ito.
02:41Kapag naman umakyat ka sa second floor, bubungad sayo ang parang apartment.
02:47Ang upper lounge na ito ay may 60 square meters na space. Parang maliit na hangout area. Tamang-tama lang
02:54para makapag-relax.
02:56Mayroon din itong full-on apartment window blinds o blackout blinds para takpan ang mga bintana.
03:02Ang driver's seat ay nasa likurang bahagi ng sasakyan. At ang apat na engine ay pwede mong istart o istop
03:09ng paisa-isa.
03:10Patunay lang na ang Hammer H1X3 ay kaya talagang bumiyahe. Ngunit malinaw rin hindi ito magiging madali.
03:18Sa pagliko pa lang ay pahirapan na. Ang top speed nga pala nito ay 32 kilometers per hour.
03:24Dumako naman tayo sa minahan. Ito ang Bagger 293 Bucketwell Excavator, ang itinuturing na pinakamalaki at pinakamabigat na land vehicle
03:35sa mundo.
03:36Mayroon itong bigat na umaabot sa mahigit 14 million kilograms, may habang 225 meters at may taas na 314.9
03:45feet.
03:46Ang bucket wheel nito ay may diameter na higit sa 69.9 feet at binubuo ng 18 buckets. Kaya rin
03:54itong maghukay ng humigit kumulang 218,880 na tonelada ng lupa bawat araw.
04:01Ang German Industrial Company na TACRAF ang nasa likod ng paggawa nito noong 1995. Ginagamit nila ito sa pagmimina sa
04:10isang brown coal mine malapit sa hambak sa Germany.
04:13Pinapatakbo ito sa ilalim ng kontrol ng limang operator na tinitiyak ang katumpakan at kaligtasan sa bawat operasyon nito.
04:22Kayang gawin ng Bagger 293 ang trabaho ng 40,000 miners ng 24-7 habang mas mura ang gastos at
04:30may kapasidad itong maghukay ng mahigit 1 billion dollars na halaga ng brown coal kada taon.
04:36Sa huli, ipinapakita lang ng mga naglalakihang vehicle na ito kung gaano kalayo at kalaki ang magagawa ng mga tao
04:45kapag pinagsama-sama ang talino, teknolohiya at determinasyon upang makabuo ng mga bagay na tila imposible lang sa una.
04:54Kayo mga ka-awesome, may alam ba kayong biggest na makikita lang sa Pilipinas?
04:59Yung maipagmamalaki po natin. Hindi po kasali ang biggest corrupt politician ha?
05:04This is Ati O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!

Recommended