00:00Nagbigay ng Visa Relief ang Justice Department sa mga dayuhang na-strandin sa Pilipinas
00:05dahil sa tension sa gitnang silangan.
00:07Yan ang ulat ni RR2B.
00:12Pinalawig ng Department of Justice ang pananatili sa Pilipinas ng ilang dayuhan
00:16na naapektuhan ng kansiladong flights dahil sa patuloy na sigalot sa gitnang silangan.
00:21Inatasan ni Justice Secretary Frederick Vida ang Bureau of Immigration
00:25na magbigay ng Visa Relief sa mga foreign national na hindi makabiyahe paalis ng bansa.
00:30Nilagdaan ng Department Order noong March 9.
00:33Ang mga dayuhan na may expired na visa mula noong February 28 ay maaaring manatili sa Pilipinas hanggang April 1.
00:39Hindi na rin sila sisingili ng anumang bayarin, multa o penalty sa kanilang pag-overstay.
00:44Ayon kay Vida, bahagi ito ng tulong ng pamahalaan sa mga taong direktang naapektuhan ng sigalot sa Middle East.
00:50Isa rin anya itong paraan ng Pilipinas upang ipakita ang pakikiisa sa panahon ng pandaydigang krisis.
00:56Samantala nanawagan din si Secretary Vida ng pagkakaiisa sa loob ng DOJ upang magtipid ng enerhiya at krudo
01:02dahil sa lumalalang krisis sa langis dahil pa rin sa sigalot sa Middle East.
01:07Hinihikayat niya ang mga kawalin ng kagawaran at kanilang mga pamilya na manguna sa pagtitipid ng enerhiya at gasolina
01:12bilang suporta sa panawagan ng pamahalaan para sa mas epektibong paggamit ng enerhiya.
01:17Kaugnay ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paitingin ang energy conservation sa mga ahensya ng gobyerno.
01:24Matatandaan na noong March 9, ipinatupad sa DOJ ang 4-day workweek, pagbawas sa mga opisyal na biyahe
01:30at mas malawak na paggamit ng mga online platform upang makatipid sa enerhiya at gastusin.
01:36Ayon sa DOJ, kung magiging konsisten sa pagtitipid sa enerhiya,
01:40posibleng makabawas ng hanggang 20% o higit pa sa konsumo ng enerhiya na makatutulong upang maibsan ang epekto ng
01:47krisis sa langis.
01:49RR2BCE para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments