00:00Mga Kababayan, Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh.
00:05Madayaw umayong adlaw ka ninyong tanan.
00:08Magandang araw sa inyong lahat.
00:11Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin
00:13ay isang mabigat na dagok
00:15sa hangarin nating magkaroon ng mapayapa
00:18at masaganang buhay para sa bawat pamilyang Pilipino.
00:23Hindi normal ang ating pinagdaraanan.
00:26Ito ay epekto ng mga krisis sa labas ng ating bansa.
00:30Kabilang ang digmaan sa gitnang silangan
00:32na direktang nakakaapekto sa presyo ng pagkain,
00:36langis at iba pang pangunahing pangangailangan.
00:40Sa kabila nito,
00:41ang tanggapan ng pangalawang Pangulo
00:44ay patuloy na nagsasagawa ng mga programa
00:47na noon pa man ay nakatuon ng tumulong
00:50sa inyo na makatipid at makaraos sa araw-araw.
00:55Ang Kampanya ng Pagbabago sa Edukasyon
00:58ay nagbibigay ng tulong sa gamit pampaaralan
01:01ng ating mga mag-aaral.
01:04Ang bus ng OVP ay patuloy na nagbibigay ng libreng sakay
01:09para sa ating mga commuters sa Metro Manila,
01:13Cebu, Bacolod, Davao at Tacloban.
01:16Ang magnegosyo taday ay magpapatuloy
01:20upang mapunan ang kapital ng maliliit na negosyo.
01:23At ang rice boxes ay patuloy na ipinamamahagi
01:28sa mga nangangailangan,
01:30lalo na sa panahon na tulad ngayon.
01:34Kasabay nito,
01:35nagpapatupad din kami ng mga cost-cutting measures
01:38sa loob ng aming tanggapan
01:40upang matiyak na mas maraming pondo
01:43ang mapupunta sa direktang tulong sa taong bayan.
01:47Hindi na itutuloy ng OVP
01:50ang pasidungog at kasarilayan sa buwan ng Hunyo.
01:54Ang mga ito ay dalawang malalaking pagtitipon
01:58para sa LGBTQ community
02:01at para sa Year 4 Accomplishment Report
02:04ng aking termino.
02:06Sahalip ay nakalaan sanang pondo
02:09para sa mga nasabing aktibidad
02:11ay idadagdag na lamang sa budget ng RISE Project.
02:15Sa mga darating na buwan,
02:17inaasahan natin lalong magiging mahirap
02:21ang sitwasyon sa pagkain
02:22dahil sa banta ng El Niño
02:24mula sa Abril hanggang Hunyo
02:27at posibilidad ng pagbaha
02:29mula Hulyo hanggang Setiembre
02:32dahil sa bagyo at pagulan.
02:35Sa ating pagtitipid,
02:37unahin natin ang sapat na pagkain
02:40para sa ating pamilya.
02:43Pagpapagamot sa may sakit,
02:45at ang edukasyon ng ating mga anak.
02:49Ang pinakamabisang panlaban sa krisis
02:52ay kahandaan.
02:55Simulan na nating planuhin
02:56ang ating mga hakbang
02:58hanggang sa katapusan ng taong 2026.
03:03Kasama na ang pagharap
03:05sa posibleng pagkawalanan trabaho,
03:07patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain,
03:10at risk reduction measures laban sa epekto
03:14ng matinding init at mga pagbaha sa ating kabuhayan.
03:18Maliit man ang tanggapan ng pangalawang Pangulo,
03:22makakaasa kayo na bawat isa sa amin
03:25ay patuloy na naglilingkod
03:28at nagahanap ng paraan
03:29upang makatulong sa taong bayan.
03:32Tayo ay isang bayang may matibay at malakas
03:36na pananampalataya sa Diyos.
03:38Kaya patuloy tayong manalangin ng taimtim
03:42at naway bigyan ang ating bansa
03:45ng lakas, gabay, at pagkakataon
03:49tungo sa tunay na mapayapa
03:52at masaganang buhay.
03:55Syukran.
04:08Syukran.
04:09Syukran.
04:16Syukran.
04:20Syukran.
Comments