00:00Late na sa trabaho ang ilang commuter dahil wala silang masakyan jeep palapit sa Pasig Market.
00:06May unang balita live si EJ Gomez.
00:08EJ!
00:13Ivan, good morning.
00:14Naku, marami nga ang mga pasaherong stranded dito sa Pasig Palenque.
00:19Bawas kasi ang mga bumabiyahing jeep ngayong araw.
00:25Karamihan sa mga commuter dito ay yung mga papasok sa kanilang eskwela o trabaho.
00:30May mga nakausap tayong kalahating oras ng naghihintay ng masasakyan.
00:35Unahan daw kasi ang mga pasahero tuwing may dadating na jeep.
00:39Kaya iilan lang ang nakakasakay.
00:42Ang mga babae at matatanda nakikipaghabulan na rin.
00:46Ayon sa ilang commuter, ganito rin ang sitwasyon nila kahapon.
00:49Late na nga raw sila sa kanilang mga trabaho.
00:54Ivan, ito yung sitwasyon ngayon.
00:56Ang mga biyahe dito sa kinatatayuan namin ay biyaheng Pasig patungong Marikina,
01:03Pateros, ilang municipality sa Rizal, Pati, Quiapo.
01:08Yung mga nakikita ninyong mga nagaantay.
01:10Ang inaantay niya na ay Pasig, Quiapo na jeep ngayon.
01:12Yung mga dumadaan na jeep, karamihan ay puno na.
01:15Tapos ilang mga kababaihan at matatanda na rin.
01:18Yung talaga nakita natin na nakipaghabulan na rin.
01:21Makasakay lang sila.
01:21May mga jeep na yung mga nakasabit eh higit sa isa, dalawa.
01:25May nakita tayo nagsisiksikan para lang sila ay makasakay,
01:28makalarga na at makapunta sa kanilang mga pupuntahan.
01:31Yan muna ang latest mula rito sa Pasig City.
01:34EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
01:39Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
01:44para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments