00:00Sa namang makasaysayang ceremonial turnover ang naganap kamakainan lang sa National Library of the Philippines
00:05kung saan dito ay personal na ibinigay ang kopya ng 1902 edition ng 1875 Carta General del Archipelago Filipino.
00:15Ano nga ba ito? Let's all watch this.
00:18Sa bawat pahina ng kasaysayan, nakatago ang kwento ng ating bansa.
00:24Isa ang mga dokumento sa humuhubog sa ating pagkakakilanlan at nagpapaalala sa susunod na henerasyon kung gaano kahalaga ang kasaysayan.
00:34Sa ginanap na ceremonial turnover sa National Library of the Philippines,
00:39personal na nagdonate si former Supreme Court Senior Associate Justice Antonio T. Carpio
00:44ng isang kopya ng 1902 edition ng Carta General del Archipelago Filipino
00:49na formal na tinanggap ni na NLP Director Cesar Gilbert Q. Adriano at Assistant Director Edgardo B. Quiros.
00:58Isa itong mapa na nagpapakita ng mahalagang bahagi ng teritoryo ng bansa
01:02kabilang ang Scarborough Shoal na tinukoy noon bilang Bajo de Masinlok at ang Kalayaan Island Group o Spratlys.
01:10Ang dami nagsasabi sa atin na yung mga isla outside the treaty lines katulad ng Scarborough Shoal at ni Kalayaan
01:18Island Group
01:19ay hindi sa atin dahil labas sa treaty lines.
01:23Yun ang problema. So this will answer that question.
01:27Sa loob ng pitong taon, hinanap ni Atty. Carpio sa iba't ibang bansa ang orihinal na kopya ng mapang ito.
01:34Sa isang exhibit sa Cebu, nakilala niya ang isang map collector na may hawak ng hinahanap niyang kopya.
01:41Well, because this is the National Library, it's a repository of books, of documents.
01:48A map is a document. At saka the students come here, dapat makita nila.
01:53You don't have to explain to the students na Scarborough Shoal and Kalayaan Island Group are Philippine Territory
02:00kasi nakalagay sa mapa, noong 1734 pa.
02:04Sa pagkakaroon ng ganitong makasaysayang dokumento sa National Library,
02:10nagiging accessible ito sa publiko, lalo na sa mga estudyante at kabataan.
02:16Dito nila maaaring makita, pag-aralan at maunawaan ang mga ebidensya ng ating kasaysayan.
02:24Mahalaga po yung mga ebidensya ng ganito dahil binibigyan po tayo ng perspektibo na hindi po natin madalas na nakikita
02:29po
02:29o natututunan nga po sa edukasyon.
02:31Kasi ngayon lang din nasa kolehyo ako, ngayon ko lang din po nalaman na mayroon pala yung Treaty of Washington.
02:37So maganda po talaga na pag-isipan natin na or atenda natin yung mga ebidensya ng ganito.
02:42Sa pagkakaloob ng mapang ito sa National Library, muling pinapaalala na ang kasaysayan at mga lumang dokumento
02:50ay mahalagang bahagi ng pag-unawa sa ating kultura at pambansang kaalaman
02:55na nagsisilbing gabay sa mas maliwanag at makabuluhang kinabukasan para sa bawat Pilipino.
Comments