00:00Nagka-isang bagong majority block sa Senado na i-donate ang isang buwan nilang sweldo
00:04para makatulong sa relief efforts sa mga lugar na sinalantan ng Lindol sa Mindanao.
00:09Sa kanilang joint statement, nagpahayag ng pag-asa ang bagong majority na makikiisa sa kanila,
00:16ang minority block, para ipakita sa mga Pilipino na kaya nilang magkaisa para sa isang magandang layunin.
00:23Ayon sa mga Senador, nais nilang ipaabot ang mensahe ng kanilang aksyon
00:27na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga taga Mindanao.
00:32Bukod sa mga miyembro ng minority, nanawagan rin ang mayorya sa buong bansa na ipagdasal
00:37ang mga biktima ng Lindol at tumulong sa abot o abot ng kanilang makakaya.
00:42Samantala, namahagi ng pagkain ang mga orpisina ni Sen. President Alan Peter Cayetano
00:48at Senador Pia Cayetano sa mga pintanong residente ng Davao,
00:51kasunod ng malakas na Lindol at nansunog na tumama sa Davao Convention and Trade Center.
00:56Ayon sa kanilang mga opisina, magpapatuloy ang relief operation sa iba pang bahagi ng Davao City
01:02at maging sa General Santos City.
Comments