00:00Gumugulong na ang pamimigay ng 5,000 pisong ayuda ng gobyerno para sa mga TNVS drivers sa Metro Manila.
00:07Maagang dumagsa ang mga driver kaninang madaling araw sa Quezon City Memorial Center.
00:13Ang ilang po sa kanila hindi raw bumiyahe kagabi para mauna sa pila.
00:18Halos 3,000 TNVS drivers sa lungsod ang target mabigyan ng tulong pinansyal
00:23at namigay na rin po ng ayuda sa Payout Center sa Sports Complex sa Barangay 171 sa Caloocan.
00:30Pasado alas 5 ng umaga, nagsimulang pumila ang mga driver.
00:34Alas 6 ng umaga naman nang simulan doon ang verification process.
00:38Tuloy-tuloy rin ang pamimigay ng ayuda sa mga kwalifikadong TNVS drivers sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila,
00:46sa San Dionisio Sports Complex sa Paranaque at sa Capitolio Amphitheater sa Pasig.
00:51Ang ilang TNVS driver nagreklamo dahil wala raw sila sa listahan ng mga mabibigyan ng cash aid ngayong araw.
01:00Paglilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, galing ang mga listahan sa Transport Network Companies o TNC.
01:13Paglilinaw Niw
Comments