00:00Tuloy ang ikalawang araw ng transport strike ng ilang transport groups.
00:04Kontra po yan sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
00:07May unot on the spot si Romel Balasbas ng Super Radio DZBB.
00:12Romel?
00:13Connie, two hole lang daw ang P5,000 na ayuda sa pampublikong transportasyon
00:19ayon sa piston dito sa Metro Manila South.
00:22Ayon kay Lilloy Latoreno, piston coordinator sa Metro Manila South
00:26at membro ng transport group para sa Biyaheng Baklaran Divisoria,
00:30maliit ang P5,000 na ayuda na pang dalawang araw lang nilang magagasto sa mataas na presyo ng diesel ngayon.
00:363,000 kada araw na umano ang nawawala sa kanila dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.
00:42Hanggang ngayon naman walang tugon ng Pangulo sa panawagan nilang ibasura ang Oil Deregulation Law
00:47tanggalin ang Excise Tax at Value Added Tax o VAT sa mga produktong petrolyo.
00:52Alas 7.30 ng umaga nang magsimula ang kanilang programa at balak nilang magmarcha patungong Menjola.
00:58Kahapon, 86 na membro nila ang lumahok sa Tigil Pasada at inaasahang ganitong bilang muli ang lalahok ngayong araw.
01:06Samantala, nagpapatuloy ang pagbibigay ng P5,000 ayuda ng DSWD sa mga tricycle drivers sa Palaniag Gym, Barangay San Junisio
01:14sa Paraniake.
01:15Ayon sa City's Social Welfare and Development Office, umabot sa mahigit 2,000 tricycle drivers ang nabigyan ng ayuda nitong
01:23Martes at Merkules hindi pa kasama ang datos kahapon.
01:26Ngayong araw, mahigit 400 naman ang target mabigyan ng ayuda.
01:30Ayon kay Arthur Glenn Pacano, Supervising Administrative Officer ng CSWD Paraniake, walang problema sa pamahagi ng ayuda ngayon.
01:38Lahat kasi ng problema gaya ng kawalan ng pangalan sa master list ay agad namang natutugunan.
01:44Sa entrance pa lang ng Palaniag Gymnasium, naroon na matauhan ng CSWD para i-verify ang pangalan ng tricycle driver.
01:50At kapag naroon nga, diretsyo na sa matauhan ng DSWD na nagbibigay ng ayuda.
01:55Ang isang tricycle driver na si Michael, na 1991 pa na mamasada, gagamitin umano sa pambili ng kanyang gamot ang
02:02ayuda at ang matitira ay pang gasolina.
02:05Umaasa siya na matatapos na ang gulo sa Middle East para bumaba ang presyo ng gasolina.
02:10500 pesos na umano ang nawala sa kanyang kita.
02:13Connie.
02:14Maraming salamat, Romel Balasbas ng Super Radio DZBB.
Comments