00:00Magkahihwilay na nararatipikahan ngayong araw ng Kamara at Senado ang Bycam Report sa P6.793 Trillion Peso 2026 National Budget.
00:10At para walang duda sa paggastos, magkakaroon din daw ng Transparency Portal para sa proyekto ng mga ahensya.
00:16Balitang hati din Jonathan Andal.
00:18People-centered budget ang tawag ng mga senador at kongresista sa pinirmahan nila kahapon na Bycameral Conference Committee Report para sa P6.793 Trillion Peso 2026 National Budget.
00:36Ang gusto po namin itawag dito sa budget na ito ay isang people-centered budget.
00:41Ito pong budget na ito ay talagang pinaghihirapan na buuin ng Kongreso at ng Senado at ginawa po namin ang lahat para ito po ay maging transparent, accountable.
00:54This is a product of the very first open Bycam in history.
01:00Ito naman po ay ginawa po natin dahil gusto po natin maibalik ang tiwala ng taong bayan sa ating pamalaan.
01:07Mamayang hapon, raratipikahan na ng hiwalay ng Kamara at Senado ang Bycam Report ng budget para maging General Appropriations Bill
01:15na ipapadala rin daw agad mamaya kay Pangulong Bongbong Marcos para pirmahan o di kaya i-veto kung may hindi a-aprubahan.
01:22Confident naman kami na walang mabiveto dito dahil very close yung aming coordination sa executive at very close yung coordination namin sa mga ahensya.
01:31Wala pong pork barrel sa 2026 budget.
01:33Dati nang sinabi ng Malacanang na pag-aaradan muna ng Pangulong 2026 budget kaya sa unang linggo na ito ng Enero mapipirmahan.
01:40Isa sa mga pagbabago sa 2026 budget ay ang pagbabawal na sa mga politiko na makialam sa pamimigay ng ayuda ng gobyerno.
01:48Lahat po ng types, AX, MAIP, TUPAD, covered na po yun. Mayroon pong prohibisyon sa political involvement.
01:55Hindi rin sila pwedeng maglagay ng mga tarpaulin or paraphernalia during the distribution.
02:03Para iwas korupsyon naman at para madaling bantayan ang paggasto sa kabanang bayan,
02:08iniutos na ngayon sa 2026 budget na magkaroon ng mga ahensya ng Transparency Portal.
02:13So meron po dong project monitoring, project status, nandun na po kung na-bid, magkano na-bid, sino yung contractor,
02:20ano yung actual status ng implementasyon ng mga proyekto.
02:23So yun po talaga yung main safeguards natin para siguraduhin na lahat mo ng mga proyekto ay na-implement ng tama.
02:31Sa 23 senador at kongresistang miyembro ng BICAM, labing isa lang ang humarap kahapon at personal na pumirma.
02:38Higit kalahati ang wala.
02:39Yung mga hindi nakapunta, nagpadala ng authorization for their e-signatures.
02:43All 11 BICAM members will vote in favor of the ratification of the Bicameral Conference Committee report.
02:51Naka-official business po sila sa ngayon.
02:53Nilinaw naman ni Swan Singh na hindi ni-impluensyahan ang liderato ng Kamara ang mga kongresista para bumoto sa 2026 budget.
03:00Yan yung matapos sabihin ni Batangas Rep. Leandro Leviste na inalok daw siya ng incentive na 151 million pesos na alokasyon sa 2026 budget
03:10ng isang abogadong nagpakilalang galing daw sa opisina ni Swan Singh.
03:14Hindi po ini-impluensyahan ng House leadership ang sino mang individual na miyembro ng kongreso, ng Kamara, na bumoto kung paano mang paraan.
03:26Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments