00:00Kahit lumampas na sa edad na sangdaan, hindi pa raw natatanggap ng apat na AITA ang kanilang centenarian cash gift mula sa gobyerno.
00:08Paglilinaw ng DSWD na ilipat na ang programa ng pamamahagi nito sa National Commission for Senior Citizens noon pang 2025.
00:17Balitang hatid ni Jonathan Andal.
00:19Viral online ang video na ito ng apat na AITA centenarians na lagpas sandaang taong gulang na.
00:37Pero hanggang ngayon, hindi pa raw nakatatanggap ng sandaang libong cash gift mula sa gobyerno.
00:49102 years old na siya pero wala pa siyang nakuha ng centenyal, yung 100,000.
00:55Sa ilalim ng RA No. 119820 Expanded Centenarians Act, lahat ng senior citizens makatatanggap ng 100,000 pesos kapag tumuntong sa sandaang taong gulang.
01:0610,000 pesos naman kapag tumuntong sa edad na 80, 85, 90 at 95.
01:13Pinuntahan na ng DSWD sa kapas tarlak ang apat na AITA centenarians at binigyan ng tig-sampung libong pisong cash assistance.
01:20Pero paglilinaw ng DSWD, wala na sa kanila ang centenarian cash gift program na ilipat na sa NCSC o National Commission for Senior Citizens noon pang 2025.
01:30Pero ayon sa hencha, kwalipikado sa cash gift ang apat na AITA.
01:35Hindi kami dapat umabot ng 101, 102 or 103 nang wala silang natatanggap.
01:40Dapat by 100, may natanggap na sila.
01:42Sa amin kasi ganun kami noon.
01:44Without the need of a demand or an application, we give it to you.
01:49But sa NCSC, binago nila.
01:51Batay sa website ng NCSC alinsunod sa batas,
01:54kailangan makuha na ng beneficaryo ang kanyang cash gift sa loob ng isang taon,
01:58pagtungtong nito sa mga nabanggit na edad.
02:01Sabi ng NCSC sa isang pahayag pinoproseso na nila ang pamamahagi ng tig-sandaang libong piso sa apat na AITA
02:06kahit wala pa silang natatanggap na aplikasyon mula sa mga ito.
02:10Hindi raw nabigyan ang mga ito noong 2024.
02:12Kasunod ang paglipat ng programa mula DSWD papuntang NCSC noong 2025.
02:17Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments