- 17 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Patay ang isang murder suspect sa Cebu, matapos makipagbarilan sa mga aarestong polis.
00:07May report si Femarie dumabok mula sa GMA Regional TV.
00:19Nauwi sa enkwentro ang operasyon ng polisya laban sa isang 44-anyos ng murder suspect.
00:24Pinuntahan siya sa kanyang bahay ng mga otoridad, matapos ituro ng mga saksi bilang ang bumaril at pumatay sa isang
00:3246-anyos na food salad vendor sa barangay Sangat sa San Fernando Cebu nitong Sabado.
00:39Pinuntahan siya ng polisya para aarestuhin.
00:41Ngunit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan ito sa mga rumispunding polis gamit ang long firearms at iba pang armas.
00:49Umabot ng halos limang oras ang barilan.
00:53Nanirespundihan na rin ng mga polis mula sa Karating Lungsod at ng Regional Mobile Force Battalion.
00:58Nang malapit ng man-neutralize, bigla na lamang nagliyab ang bahay ng sospek habang nasa loob pa ito.
01:05Patuloy pang inaalam ang sanhinang sunog.
01:08Sinubukan pa umanong tumakas ng sospek mula sa nasusunog nitong bahay, pero nabaril na siya ng mga rumispunding polis.
01:15Ayon sa inisyal na embestigasyon, pinaghinalaan umano ng sospek na asit ng polis ang biktima.
01:21Ayon, nakastorya po na ko ang anak niya, Karun. Kitawagan niya, during ito, itong negosyasyon na mo, nananghit na daw,
01:30naga-ilabyo na.
01:31Nananghit na daw, baga nandigyan siya mo surrender daw.
01:34Isang polis naman ang nasugatan sa kanang braso, pero nasa ligtas na kalagayan na.
01:39Ang sospek ay dati nang nasangkot sa pagpatay sa isang barangay kapitan sa Nagas, Cebu noong 2010 at sa pamamaril
01:48sa anak ng dating alkaldi ng Carcar City noong 2012.
01:52Naresto rin ang sospek noong 2017 sa isang checkpoint matapos makumpiskahan ng iligal na droga at hindi lisensyadong baril.
02:00Nitong Setiembre lang ito, nakalaya.
02:02Para sa Jamie Regional TV at Jamie Integrated News, Femarie Dumabuk, nakatutok 24 oras.
02:12Pinagkakandaan ng mga otoridad ang posibleng dagsaparin ng mga bibyake sa Semana Santa, sa kabila ng mahal na gasolina at
02:19diesel.
02:20Pakonswelo sa ngayon ang diskwento sa toll. Nakatutok si Rafi Tima.
02:28Nagaandaan na ang pamunuan ng North Luzon Expressway o NLEX para sa nalalapit na mahal na araw.
02:33Ipapatigil muna ang mga construction at road improvements doon simula March 27.
02:38Inaasahan kasing dagsaparin ng mga uuwi sa kanila mga probinsya, pero hindi na ganun kadami gaya ng mga nakarang taon
02:44dahil na rin sa taas ng presya ng krudo.
02:47Maaring bumaba po yung total volume po natin, pero sa tingin po namin makakaranas pa rin po tayo ng pagkonges
02:54during yung rush hours at saka yung mga days na nakikita natin,
02:59lalong-lalo na po yung uwian po sa Merkoles Santo ng hapon hanggang gabi at ganun din po yung sa
03:06Webes ng umaga.
03:07Ang Department of Transportation, naghahanda na rin para sa Semana Santa. 20% ang pagtaas sa bilang ng pasahero ang
03:14inaasahan.
03:14Right now, we have sufficient personnel to deploy. We will be on 24-7 making sure that our passengers are
03:23safe and secure.
03:24In case lang meron pong magsamantala o magtaas ng pamasahe po or kung hindi man mali yung kanilang servisyo, alam
03:31nyo po, isumbong nyo agad po sa site.
03:34We will file cases po doon sa mga involved na personnel.
03:39Ayon sa pamunuan ng North Arizona Expressway o NLEX, pansin nga nila ang pag-uba ng volume ng mga sasakyan
03:45mula nang tumaas ang presya ng langis.
03:48Nangunguna po yung government na yung offices ngayon is 4-day work week na lang po.
03:53So that's also one factor kung bumaba po yung volume po namin dito sa NLEX and SCTX.
04:00Para gumaan naman ang pasarin ng mga motorista, ngayong araw ipinatupad na ang toll discount sa mga expressway.
04:06Unang nag-anunsyo ang Metro Pacific Tollways Corporation noong nakarang linggo na magkakaroon ng kabiyahe rebate program kung saan babalik
04:13sa dating rate ang kanilang toll rate.
04:15Para sa mga piling sasakyan sa loob ng dalawang buwan, makikinabang dito ang mga Class 2 public utility buses, modernized
04:22jeepneys at Class 3 vehicles na dadaan sa NLEX, SCTX at CAVITX.
04:27Ibababa ulit yung toll rate to the level po nang bago kami mag-increase this year.
04:33So that's about for NLEX is from 12 pesos to 72 pesos depending on yung entry at saka yung class
04:42ng sasakyan.
04:43Ang operator ng SLEX at Star Tollway na ganunsyo na rin ang rebate program na nagsimula ngayong araw.
04:49Balik din sa lumang rate ang mga sasakyang sakop ng programa tulad ng mga public utility jeeps at UV Express,
04:55public utility buses at modern jeepney at mga cargo trucks at trailers.
04:59Sa SLEX, mula 13 hanggang 39 pesos ang matitipid depende sa class at biyahe.
05:059 pesos hanggang 26 pesos naman ang matitipid na mga bibiyahe sa Star Tollway kada biyahe depende sa class at
05:11destinasyon.
05:12Ayon sa Department of Transportation, magkakaroon din ang discounted toll rate sa Manila-Cavite Toll Expressway, R1 Expressway Extension at
05:20Muntinlupa-Cavite Expressway.
05:21Malaki raw ang pasasalamat ng DOTR sa mga toll operator dahil malaking tulong ito para sa mga PUV drivers na
05:28hirap na dahil sa taas ng langis.
05:31Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima nakatutok, 24 oras.
05:37Bumulusok pang lalo sa 60 pesos and 30 centavos ang palitan ng piso at dolyar ngayong araw.
05:44Nakatutok si Maki Pulido.
05:50Bagong record low ang halaga ng piso matapos itong kumina pa ng 20 centavos.
05:56Nagsara ang palitan ngayong araw sa 60 pesos and 30 centavos kada dolyar.
06:01Paliwanag ng isang ekonomista, resulta ito ng patuloy na pressure sa Philippine Peso
06:06dahil malaki ang demand sa US Dollars na pambili ng nagmamahal na petrolyo sa world market.
06:12Palagay ko hindi na yan bababa pa sa katulad nung dati na nasa 57, 58.
06:18Malaki ang dimagbatin sa dolyar kasi kailangan natin bumili ng petrolyo sa mas mataas na presyo.
06:25Mula ng sumiklabang gulo sa Middle East, bumaba na ang Philippine Stock Exchange ng mahigit 500 points.
06:32It's a natural reaction to uncertainty, right? With what prices in the commodities market are also showing.
06:41Maybe it's really a knee-jerk reaction. It's not driven by fundamentals, right?
06:46It's driven by the reaction knee-jerk of a lot of the investors.
06:49So as long as we're good in terms of the macro fundamentals.
06:53Ayon sa financial analyst na si Jonathan Ravelas, ang pagbenta ng stocks kung may masamang pangyayari, walang epekto sa kita
07:01ng mismong kumpanya.
07:03Mas aalalahanin daw ng mga negosyo, halimbawa ang pagmahal ng transportasyon at kuryente na epekto ng gera sa ekonomiya.
07:10Walang epekto sa kanila yun. Kumbaga, yung pera na, yung delist nila, ang ginagamit na yan ng kumpanya, nakuha na
07:19nila yung pera na yan.
07:20Yung binibenta lang is the ownership na meron.
07:23Pero mga foreign investor na may balak mamuhunan ang negosyo sa bansa, maaaring ipagpaliban muna ito o kaya umatras kung
07:31tumagal pa ang gulo, ayon kay Leko.
07:32Maaaring umatras ang mga foreign investor na kasalukuyan ng namumuhunan sa bansa, pero hindi raw ito agaran.
08:02Mandato ng Banko Sentral ng Pilipinas ang pag-stabilize ng halaga ng piso at kontroli ng inflation o bilis ng
08:09pagmahal ng presyo ng bilihin sa pamamagitan ng pag-issue ng mga pulisiya.
08:14Inaabangan ang desisyon ng Monetary Board na sa April 23 pa ang nakatakdang meeting.
08:19Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katuto, 24 Oras.
08:27Mga kapuso, opisyal na nang nagtapos ang pag-iral ng Amihan o Northeast Monsoon sa bansa.
08:33Udiat naman yan ang pagsisimula ng warm o dry season o yung tag-init.
08:38Ayon sa pag-asa, asahan sa mga susunod na araw o linggo ang unti-unting pagtaas ng temperatura.
08:44Karaniwan sa hapon o tanghali ang matinding init kaya iwasan ang pagbibilad ng matagal sa tirik na araw.
08:50Kung hindi maiwasan ang outdoor activities, magpahinga sa mga lugar na malilim o ventilated,
08:55uminom ng maraming tubig, magsuot ng preskong damit at huwag kakalimutang magdala ng payong o proteksyon sa init.
09:03Lobhang delikado po lalo sa mga senior citizen o may iniindang karamdaman ang matinding init na posibleng maawi sa heat
09:10stroke.
09:10Gaya ngayong araw, pinakamataas pa rin ang heat index o damang init na posibleng maranasan bukas sa Dagupan City, Pangasinan,
09:17hanggang 40 degrees Celsius yan.
09:21Maalinsangan din ang panahon sa iba pang bahagi ng bansa.
09:23Pero kahit opisyal na ang taginit, hindi pa rin nga alis ang posibilidad ng ulaan dahil sa easterlies at localized
09:30thunderstorms.
09:31May mga makapal na kaulapan sa Visayas.
09:33Base sa datos ng Metro Weather, umaga pa lamang bukas may ula na sa summer provinces.
09:38Magpapatuloy yan sa kapon.
09:39May ilang lugar sa probinsya na makakaranas ng heavy rains kaya maging handa sa baka o paghuhon ng lupa.
09:45Uulanin din ang ilang bahagi ng Leyte, Bicol Region sa Luzon, ang uulanin, particular sa Kamalinasur, Albay at Sorsogon.
09:53Kalat-kalat naman ang ulan sa Mindanao.
09:55Dito sa Metro Manila, mababa ang siyasa ng ulan pero huwag pa rin kakalimutan ng pagdadala ng payong.
10:04Hindi napigilang maging emosyonal si Gen Z sparkle singer-actress Stephanie sa pilot ng kanyang Afternoon Prime series na Born
10:11to Shine.
10:12Proud ang buong cast kabilang si veteran na actress Tessie Tomas na pinuni naman ang mga nasa likod ng kamera.
10:19Makitsika kay Aubrey Carampel.
10:25Simula pa lang ng pilot episode ng New West Kapuso Afternoon Prime series na Born to Shine.
10:34Napaiyak na si Stephanie nang ipasilip ang kanyang karakter na si Jenny Sikat.
10:40Isa po yun sa pinaka-favorite ko na chinoot namin kasi parang sobrang naramdaman ko po talaga na parang totoong
10:49buhay.
10:51Yung feeling na pag nabot mo na yung pangarap mo, ito na yung feeling.
10:55And yung story po kasi ni Jenny, ganun siya magpo-flow na yung journey niya hanggang sa mabot niya yung
11:01pangarap niya.
11:02So, exciting po yung mga susunod na mga episode.
11:06Kasama ni Zephani na nanood ang buong cast at production team.
11:13May cameo sa pilot episode si na Julian San Jose at Raver Cruz
11:20na gumaganap as Young Dara and Young Dio, Christopher Martin as Young Perry
11:26at Mikey Quintos na younger version ng karakter ni Manilin Reynas as Minchi na nanay ni Jenny.
11:33Sobrang kaba ng grupo dahil sabi namin ito na yung simula.
11:39Sana mapanood nila at panuori nila.
11:41At ang dami nating nag-comment, ang dami. Thank you po talaga.
11:46Nakilala na rin si Amelia Jalari na ginagampanan ni Tessie Tomas,
11:50ang intimidating mother ni Dara, played by Vina Morales.
11:55Pinuri rin ni Tessie ang mga nasa likod ng kamera.
11:57A good serie starts with a very good script. Tapos a very solid cast, good direction, good editing.
12:04It could probably be the most exciting serie in the afternoon for GMA 7.
12:10Nang matapos ang episode, palakpakan at nagyakapan ang cast na feeling proud sa kanilang palabas.
12:19Sa mga susunod na episodes, mas makikilala pa ang iba pang karakter ng musical drama series
12:25at mapapakinggan din ang original songs na ginawa para sa serye.
12:31Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga kapuso natin na ngayon pa lang ay sumama sa amin sa pilot
12:36episode.
12:36Sana po samahan niyo kami hanggang dulo ng kwento ng bawat karakter ng Born to Shine.
12:43Obri Carampel, updated sa showbiz sa Pine.
12:47Simula na ang 50% discount sa pamasahe ng LRT2 at MRT3,
12:53pero hindi pa tiyak kung hanggang kailan.
12:57Malaking tulong yan, lalo't may mga dating nagdadala ng sasakyan na nagtitrena rin ngayon.
13:04Nakatutok si Maris Umali.
13:09May mga suki ng MRT3 na muntik pang makaiwan ng sukli.
13:13Marami pa kasi hindi nakakaalam na 50% ang discount sa pamasahe simula ngayong araw.
13:18Dito po sa fair matrix ng MRT3 na nakapaskil na rito sa teller,
13:23ang dating P28 na end-to-end na pamasahe mula North Avenue hanggang Taft Avenue ay naging P14 na lamang.
13:32Yung P24 ay naging P12 na lang.
13:35Yung P20, naging P10 na lang.
13:37Pinakamababang singil ay P6.
13:40Dahil sa 50% discount, kapantay na ng lahat ng mga estudyante, senior citizen at PWD
13:46ang pamasahe ng lahat ng mga karaniwang pasahero.
13:50Malaking bagay yan sa nursing assistant na si Marites.
13:53Lalo't nagmahal ang singil ng iba niyang sinasakyan.
13:56Meron na sa tricycle, P20, nagiging P25 na ngayon.
14:00Sa bus, P50, nagiging P55.
14:03Pag aircon, naging P55 to P60.
14:06Tulong din yan sa mga nagtitrain na lang imbis na mag-drive sa EDSA para makatipid ng gas.
14:12From Nubaliches to Pasay, dalawang araw kulang ang full tank yun.
14:17So ngayon, nag-MRT na kayo?
14:19Ang laki ng hinahawa, laki ng dagdag sa pang-araw-araw na budget ko sa transportation.
14:28Ang mawawalang kita ng MRT pupunan ng dagdag subsidiya mula sa kabanan bayan.
14:33Kaya ang tanong, hanggang kailan ang discount ng MRT-3?
14:36Mag-aantay tayo ng abitus sa presidente kung hanggang kailan nito.
14:4150% din ang discount ng LRT-2 para rin sa lahat ng pasahero.
14:46P35 million pesos kada buwan ang mababawas sa kita nito, na sasaluhin din ang gobyerno.
14:51Wala silang kailangan ipakita, pero yung nalininawin ko, yung naka-50% na ngayon,
14:57like yung mga estudyante, senior citizen, PWDs, 50% na sila, so wala nang further discount yun.
15:03Malaking bagay sa amin yung tipid na yun.
15:06For me, it's a good thing po, since nagtas na po talaga yung presyo ng gas.
15:11Sa single journey ticket, 8 pesos hanggang 18 pesos depende sa destinasyon,
15:16habang sa stored value card o beep card ay mula 6 pesos and 50 centavos hanggang 16 pesos and 50
15:22centavos.
15:23Sa kabila ng hiling ng isang mambabatas na ilibre na ang pamasahe sa trend,
15:27hanggang 50% discount lang sa ngayon ang pinatutupad ng MRT-3 at LRT-2.
15:32Sa ngayon po, yan po ang ating guidance, 50% discount across the board.
15:38So, yun po ang ating pinai-implement sa ngayon.
15:41Ang LRT-1 naman na pinatatakbo ng isang pribadong kumpanya,
15:46wala pang anunsyo kung magkakaroon ng katulad na diskwento.
15:49Para sa GMA Integrated News, Marise Umali, Nakatutok, 24 Horas.
15:53Para sumapat ang supply ng langis, pansamantala na rin pinayagan ang pag-import ng Euro 2 petroleum products
16:01kahit dati na itong ipinagbawal dahil mas marumi at mas nakadudulot ang polusyon.
16:07Bahagi po ito ng mga hakbang ng gobyerno para makalikom ng dagdag na supply.
16:12At nakatutok si Mav Gonzalez.
16:17Sa gitna ng gyera sa Middle East, siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos na may sapat na supply ng langis sa
16:23bansa.
16:24Ayon sa Department of Energy, may supply pa tayo ng langis hanggang Abril.
16:28May required sila na 15 days, pero ang capacity nila siguro 40, ano?
16:35So they have to replenish every 40 days, let's say.
16:39So we have more than enough time to order the next batch.
16:46Para masiguro ang supply ng langis sa bansa,
16:49pansamantala ang pinayagan ng DOE ang pag-import ng Euro 2 petroleum products.
16:53Pero ang pwede lang gumamit nito ay yung mga sasakiyang gawa noong 2015 o mas lumapa.
16:59Mga traditional jeepney, power plants, generators at marine at shipping industry.
17:04Mas mura pero mas mataas ang emisyon ng Euro 2 kumpara sa Euro 4 na standard ngayon sa Pilipinas.
17:11Mataas ang sulfur content ng Euro 2 kaysa sa Euro 4.
17:15Ang mas mataas na sulfur content, mas nakakadumi at nakakasira ng makina.
17:20Mas nakakapagdulot din ito ng polusyon.
17:22Pero dahil sa anilay extraordinary circumstances sa Middle East na nakaapekto sa petroleum markets,
17:28kinakailangang magpatupad ng temporary regulatory measures para masiguro ang sapat na supply.
17:34At magkaroon ng akses sa mas maraming uri ng produktong petrolyo.
17:38Pero sa tingin ng energy expert na si Atty. Noel Baga, bagaman makakatulong ito sa supply ng langis,
17:44hindi ito sapat, lalo't patuloy pa rin sumisirit ang presyo ng produktong petrolyo.
17:48Very helpful ito sa oil industry natin para mas may leeway ang ating oil companies na mag-import ng oil.
17:56Even though dirtier oil siya, pero para may leeway siya na mas marami siyang ma-import para sa energy security.
18:01Ngunit hindi sapat ito para i-address ang oil crisis.
18:05Ayon sa Center for Energy Research and Policy o SERP,
18:08nasa 60 araw ang reserba ng langis ng Pilipinas,
18:11higit na mas mababa sa reserba ng ibang bansa sa Asia.
18:15Tulad ng Japan, na 250 days ang reserba ng langis.
18:19Nung kahi ng SERP, dapat magkaroon ng strategic petroleum reserve ang Pilipinas,
18:23tulad noong 1970s hanggang 1980s na pinapatakbo ng Philippine National Oil Company.
18:30Mas maganda rao kung nasa pang isang taon ang reserba.
18:33Napaka-thin margin lang nung 60 days.
18:35Mas mabuti talaga kung meron tayong strategic petroleum reserve na i-establish yung gobyerno
18:41para meron tayong mas pang matagalan na supply ng langis.
18:45It will be established by the government at kung may oil crisis,
18:48pwedeng ibenta ng gobyerno yung langis neto at subsidized prices
18:52ang mababang halaga sa taong bayan.
18:55Si Sen. Cheese Escudero, naghainan ng panukalang batas
18:59na layong magtayo ng sariling crude oil tank storage facility ang gobyerno.
19:03Para maging panangga sakaling magkaroon ng geopolitical crisis,
19:07magkaproblema sa supply o magkaroon ng biglang pagtaas ng presyo.
19:11Sa ilalim ng panukala,
19:13kayang mag-imbak ng pasilidad ng supply na pang 90 hanggang 180 days
19:17na pangangailangan ng buong bansa.
19:19Sa gitna naman ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa,
19:23lumabas sa monitoring ng PNP sa mahigit labing apat na libong gas stations
19:27na mahigit apat na raang gas stations na ang nagsara.
19:30Dinirekta na po natin ito sa Department of Energy.
19:32Para sila po ang mong determine kung ang natural pagsasara ng 400
19:36may kaugnayan sa possible hoarding na nasabi mga gas stations.
19:40Sabi ng PNP, may dalawang kaso ng naisan pa,
19:44hoarding at profiteering sa magkahiwalay na lugar sa Eastern Samar.
19:47Ayon sa PNP, nagmumonitor sila bilang bahagi ng kanilang paghahanda
19:52kung magkaaberya sakaling magka-oil crisis.
19:55Para sa GMA Integrated News,
19:56Mav Gonzalez nakatutok, 24 oras.
20:04Ni-release na ni Never Say Die star Jillian Ward
20:06ang pinakabago niyang single entitled Pumapag-ibig.
20:10E tulad ng lyrics sa kanta,
20:12may nakapag-knockout na nga ba sa puso ni Jillian?
20:15It's a cheeky yan ni Aubrey Karampel.
20:25Full of love and good vibes.
20:28Yan ang hatid ng newest song ni star of the new gen Jillian Ward
20:32na Pumapag-ibig.
20:33Kinanta niya yan for the first time ng live
20:36with a full band sa All Out Sundays.
20:39May pagka-pop, rock and very danceable
20:41ang newest track ni Jillian
20:43na tungkol sa pag-express ng feelings for someone you love.
20:52E kanino kaya niya dini-dedicate ang kanta?
20:56Sa lahat ng mga pumapag-ibig.
20:58Ayan. Ano lang, tsaka sa mga taong gusto nilang happy lang,
21:02alam mo yun, ma-express yung nakakamdaman nila
21:06na masaya sila, may nagpapasya sa kanila.
21:09Natanong din si Jillian kung tulad ng kanta,
21:12siya ba mismo pumapag-ibig na?
21:15Magsisino nga lang ako pag sinabi kong hindi.
21:19Going back sa kanyang single,
21:22sabi ni Jillian na kipag-collaborate daw talaga siya sa composers
21:25at tumulong sa pag-rewrite ng lyrics
21:28for a more personal touch.
21:30Pag uma-acting ako,
21:33mayroon ako mga characters na piniplay,
21:35pero pagdating naman sa music,
21:36gusto ko talagang,
21:38ito yung maging way ko na
21:39ma-express ko yung sarili ko bilang si Jillian.
21:42Pumapag-ibig is out now on digital music platforms,
21:46pero marami pa raw plano si Jillian for her music.
21:50Mas ine-effortan ko talaga na
21:51mas makaroon ako ng knowledge sa music,
21:54tapos nagtitrain din ako parati sa pagsayo ko po
21:58and nagsistart na rin ako mag-voice lessons
22:01and meron na rin ako mga nakabangko na songs na ako yung nagsulat.
22:05Like ako lang mag-isa nagsulat
22:06na soon i-release ko siya sa tamang panahon.
22:10Yan yun, yan yung video, yan yung makakabuk pala na kitatay.
22:13Sa ngayon, busy din si Jillian
22:15sa GMA Prime Action Drama Series na Never Say Die.
22:18Bukod sa patindi ng patindi na ang mga eksena sa serye,
22:22inaabangan din ang characters
22:24ni Lian Valentin,
22:26Heath Hornales
22:27at Eman Baco sa Pacquiao.
22:29Sobrang dahil pa pong mangyayari sa Never Say Die.
22:33Dahil pa pong action na mangyayari
22:34pero mayroon din mga
22:36iyakan scenes,
22:37kilig scenes,
22:39happy scenes,
22:39comedy.
22:40So, lahat na nga po sa Never Say Die,
22:42halo-halo eh.
22:43Aubrey Carampel
22:46updated sa Showbiz 7X.
Comments