- 5 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mahigit 200,000 flood control projects na ininspeksyon ng AFP at PNP
00:06ang nadiskubring pawang mga ghost project.
00:09Ayon sa AFP, nakitang hindi talaga nasimulan ng mga proyekto
00:13mula 2016 hanggang sa kasalukuyan.
00:16Patuloy naman ang pag-inspeksyon nila sa iba pang flood control projects.
00:20Sa kabuan, nasa 30,000 proyekto ang ibinigay sa kanila ng ICI para inspeksyonin.
00:30Rest assured na we will be giving the complete report to ICI
00:34for them to facilitate and pass up their investigation.
00:38These are the efforts, ito yung participation ng Armed Forces of the Philippines
00:42na binigyan tayo ng tasking kasi sa sobrang dami ng mga projects implemented,
00:47hindi kakayanin ng DPWH for even a mere inspection
00:51that if these projects are existing and not.
00:54Now if there are particular projects that was inspected,
00:57I think all of these were submitted and further evaluation again by the DPWH.
01:03Handa umanong magpa-lifestyle check ang buong first family.
01:08Tugun yan ng Malacanang sa isang ulat na ang distrito ni
01:11Olokos Norte 1st District Representative Sandro Marcos
01:15ang may pinakamalaking natanggap na allocable funds.
01:18Sinugot din ng Malacanang ang sinita ng Commission on Audit
01:22na may labing apat na milyong pisong hindi pa nakokolektang gastos
01:26para sa foreign trips ng ilang ahensya.
01:29Nakatutok si Mariz Umali.
01:31Sa gitna ng mga aligasyong maging sila ay sangkot sa korupsyon.
01:39Handa raw kumasa sa lifestyle check si na presidential son at house majority floor leader
01:43Sandro Marcos at ang buong first family.
01:46Nandiyan na po yan.
01:47Wala mong pinagbabawa sa lifestyle check.
01:49Kahit sino po.
01:51Open po na.
01:52Open po.
01:53Even before.
01:54Sagot ito ng palasyo sa lumabas na ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ
02:00na napunta sa distrito ni Olokos Norte Rep. Sandro Marcos
02:04ang pinakamalaking parte ng tinatawag na allocable funds.
02:08Ang allocable funds ay pondong ibinibigay ng DPWH sa mga congressional districts
02:13at sa ulat, tinawag itong bagong anyo ng pork barrel.
02:17Batay sa PCIJ report, aabot sa humigit kumulang 15.8 billion pesos daw
02:23ang natanggap ng distrito ng majority leader mula 2023 hanggang 2025.
02:28Habang ang ibang kongresista, nasa 1 hanggang 10 billion pesos lamang ang nakuha.
02:33Meron pang ilan na walang nakuha.
02:35Mas malaki rin umano ang natanggap ng distrito ng majority leader
02:38kumpara sa ilang distrito mas malaki ang populasyon.
02:42Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
02:45nabasa na raw ni Pangulong Bombong Marcos ang lumabas na ulat.
02:48Alam naman po ng Pangulo na alam ni Congressman Sandro Marcos
02:52ang kanyang ginagawa at alam niya po kung paano ito sasagutin.
02:57But as of now, I cannot speak for in behalf of Congressman Sandro Marcos.
03:03At sabi naman po niya, siya po ang nag-voluntaryo.
03:07Kung ano man po ang issue sa kanya, siya mismo ang pupunta sa ICI
03:10para maimbestigan po siya.
03:12Bigyan lamang po siya ng date para po magkaroon ng tamang schedule.
03:17Hinihinga namin ng pahayag si Rep. Marcos kaugnay ng ulat ng PCIJ.
03:22Sinagot din ni Undersecretary Castro ang issue ng pag-flag ng Commission on Audit
03:26sa 14 million pesos na hindi pa raw nakokolektang gastos
03:30para sa foreign trips ng iba't ibang ahensya.
03:33Paglilinaw ng palasyo, inabunohan muna ng Office of the President
03:36ang mga gastusin sa biyahe.
03:38Kaya ang mga ahensya pangaraw ang may obligasyon na mag-remit sa kanila.
03:43Ayon sa report ng COA, hanggang December 31, 2024,
03:47may 14,403,827 pesos and 63 centavos na overdue receivables
03:53mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan
03:56na ginasos muna ng OP para sa airfare at hotel accommodation
04:00ng mga opisyan na bumiyahe sa abroad.
04:02Ipinunto rin ang COA na malaking bahagi ng mga ito
04:05ay may isa hanggang dalawang taon nang di na babayaran.
04:08Nang tanungin kung bakit naantala ang bayad ng mga ahensya,
04:12sinabi ni Castro na may mga prosesong administratibo at auditing
04:15na kailangang sundin.
04:17Collection letters were already issued in April and May 2025.
04:22Of the said amount, 7,887,555.64 or 55% were already collected to date.
04:32The OP consistently monitors the outstanding bills
04:35through monthly aging report and sending of collection demand letters.
04:39Para sa GMA Integrated News, Marise Umali, nakatutok 24 oras.
04:45Bukod sa DPWH, may proyekto rin sa LTO,
04:49ang SunWest Corporation ni dating Congressman Zaldico.
04:52Ang ilan sa mga yan, pinuna ng Commission on Audit
04:56dahil sa mga kakulangan kahit bayad na.
04:59Nakatutok si Joseph Moro.
05:00Hanggang sa Land Transportation Office o LTO may proyekto,
05:08ang SunWest Corporation na ayon mismo sa ahensya
05:11ay hindi nagagamit.
05:13Yan ang kanilang Central Command Center o C3 project
05:16na nagkakahalaga ng 946 million pesos.
05:20May mga dapat na kameras na dapat ilagay all over the Philippines.
05:24Wala po yung nangyaring yan.
05:27At saka hindi po siya, sa totoo lang, hindi po siya gumagana.
05:30Tsaka overpriced, may overpayment pa po ito na 26 million.
05:35Isa lang yan sa tatlong proyekto ng SunWest sa LTO
05:38na pinunan ng Commission on Audit sa 2024 Annual Audit Report nito
05:42sa Department of Transportation na nakakasakop sa LTO.
05:45Halos dalawang bilyong piso ang halaga ng mga kontrata sa LTO ng SunWest
05:51na pag-aaring dating Akobical Representative Saldi Co.
05:55Kasosyo o kajoint venture ng SunWest
05:58ang tatlong iba pang kumpanya para sa C3 project contract
06:01na pinasok ni lahat ng LTO noong 2020.
06:04Pero ayon sa COA, bigo ang technical venture na tugunan ng technical requirements
06:08ng LTO na nakaapekto sa pagtakbo ng proyekto.
06:12Hindi raw iprinisinta sa isinagawang audit inspection
06:15ang ilang component ng proyekto gaya ng video analytics system,
06:19data analytics platform at reporting tool.
06:22Sabi ng COA, lugi ang gobyerno sa pagtanggap sa proyekto
06:26ang maraming kakulungan kahit bayad na.
06:29Ayon pa sa COA, hindi gaano nagagamit ang ilang feature nito
06:32tulad ng video analytics system.
06:34Dagdag ng COA dahil hindi maayos ang pag-review sa halaga ng kontrata,
06:38sobra ang naging presyo nito at ang bayad sa supplier sa halagang 26.99 milyon pesos.
06:45Inirekomenda ng COA sa LTO na singili ng supplier sa mga pagkukulang nito
06:50at humingi ng refund para sa sobrang bayad.
06:52Sagot umano ng LTO sa COA,
06:54ibinigay ng supplier ang lahat ng requirement
06:57at wala umanong overpayment sa proyekto.
07:00Pinunarin ng COA ang hindi efektibong paggamit ng IT Training Hub
07:03at Road Safety Interactive Center sa LTO Central Office
07:07na nagkakahalaga pa naman ng halos tig kalahating bilyong piso.
07:11Ayon sa LTO, proyekto rin ng SunWest ang mga ito.
07:15Isang three-story building ang IT Training Hub
07:18kung saan gagawin ang mga training at seminar
07:20sa pamamagitan ng mobile devices.
07:23Pero sa ginawang inspeksyon ng COA,
07:25natuklasa na ginawang opisina ng Traffic Safety Division
07:28ang first floor ng Gusali,
07:29habang ginawa mga dorm rooms ang second at third floor,
07:32bagaman binakante na sa ngayon
07:34maliban sa isang inooko pa ng isang empleyado.
07:37Pinunapang walang kayusan sa mga kwarto
07:40at hindi ka nais-nais na amoy.
07:42Nakatambak lang umano sa record room ng IT Hub
07:44ang mga gamit para sa recording training materials
07:47tulad ng mga desktop computer,
07:49mikropono, audio mixer at headphones.
07:52Isang record room ang pansamantalang ginamit
07:54bilang bodega ng Traffic Safety Division.
07:57Pinayagan din ng LTO na gawing dormitoryo
07:59ng ilang empleyado ang training hub
08:01ng libre, sagot pa ng LTO ang kuryente at tubig.
08:05Wala namang bisita ang Road Safety Interactive Center
08:08ng puntahan ng COA.
08:10Wala rin guidelines sa paggamit nito
08:12at walang plano, programa o accomplishment report
08:14mula nang matapos ng 2023.
08:17Samang-ayon ng LTO sa rekomendasyon ng COA
08:20na magladag ng guidelines
08:21sa paggamit ng Training Hub at Interactive Center.
08:24Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong,
08:27nakatutok 24 oras.
08:33Magandang gabi mga kapuso.
08:35Ako pong inyong Kuya Kim,
08:36magibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
08:39Ipapasyal namin kayo sa isang lugar
08:41kung saan may libu-libong makukulay
08:43at nagagandang isda.
08:45Pero hindi ito sa Aquarium Park,
08:46kundi sa isang bahay lang sa Pampanga.
08:49At ang may-ari nito,
08:50umasensong buhay dahil sa pagbreed
08:52sa mga isdang kung tawagin
08:53ay betta fish.
08:55Ang mga bumibisita sa bahay ni Romel
09:01sa Angela City sa Pampanga,
09:03nagkakaroon daw ng fish of mine.
09:05Ang bahagi kasing ito ng kanilang bahay,
09:07nagmisto ng isang giant aquarium.
09:09Nakakarelax pagmas na ng libu-libong mga isda
09:11na may mahahabang palikpik
09:13at napakatingkad na mga kulay.
09:15Ang tawag sa mga isdang ito,
09:17betta fish.
09:18Yung mga betta fish po is
09:19napakaganda po ng mga kulay nila,
09:21talagang iba-iba.
09:22Kaya raw nawili si Ronel
09:23na magbreed ng mga betta fish
09:25ay dahil napakadali daw nitong alagaan.
09:27Nabubuhay sila sa malitlang na lagayan
09:29and yung kanilang pagkain
09:30is napakatipid din po.
09:32At di gaya ng ibang mga isda
09:33na inaalagaan sa aquarium.
09:35Hindi nila kailangan ng erator
09:37yung parang tinatawag nating oxygen.
09:39Ang mga betta fish kasi
09:41o betasplendents
09:42kaya ang huminga ng atmospheric air
09:44o yung hangin na mula sa ibabaw ng tubig.
09:47Yan ay dahil sa kanilang tinatawag
09:48na labyrinth organ,
09:50isang espesyal na organ
09:51na matatagpuan sa kanilang ulo.
09:52At maniwala kayo at hindi.
09:54Ang libu-libong betta fish
09:55ni Ronel ngayon
09:56nagsimula lang daw
09:57sa isang pares itong January.
09:59Dati ay bumili lang po ako
10:01ng dalawang peraso
10:02na niregalo ko sa aking mga anak.
10:05And then yun,
10:06sinubukan ko silang i-breed.
10:07Four months,
10:08lumaki po yung mga anak nila
10:09umabot ng 500 pieces.
10:11Hindi pwede na pagsamahin
10:12lahat ng baba at saka lalaki.
10:13So, isang peri lang talaga yan.
10:15Yung unique lang kasi nito is
10:16yung lalaki yung nag-aalaga
10:18ng egg.
10:19Sa isang batch kasi
10:20magdepende din yan
10:21sa size ng female
10:22na napoproduce ng egg.
10:24So, siguro mga
10:24100 to 300 eggs
10:27sa isang batch.
10:29At maganda yung setup mo
10:31is malaki yung chance
10:33na matas yung survival.
10:34Naisipan ko na magandang business
10:36yung betta fish.
10:37Kaya nag-import na ako
10:38from Thailand.
10:40Bawat pares ng betta fish
10:41na ibebenta raw ni Ronel
10:43ng 350 pesos.
10:45Ngayon, halos 20,000 pieces
10:47na betta fish na ibebenta
10:50kada dalawang linggo.
10:51So, beta po ako ng malaki.
10:53Halos umabot ng 20,000 pesos
10:56up to 30,000 pesos
10:58yung kinita ko
10:59nung nag-start ako.
11:00Marami na po ako nakipundar
11:02dahil sa pag-aalaga po
11:03ng mga betta fish
11:03nakabili po ako ng aking motor,
11:05nakapagpagawa na rin po ako
11:06ng bahay,
11:07fish nakapagano na rin po ako
11:09ng office ko,
11:10nakabili ako ng halos
11:11sampung computer.
11:13Pero alam niyo ba
11:14may isa pang tawag
11:15sa mga betta fish?
11:16Kuya Kim!
11:18Ano na?
11:22Ang mga betta fish
11:24ay kilala din sa tawag
11:25na Siamese fighting fish.
11:26Siamese,
11:27dahil ang mga istang ito
11:28ay unang dinomesticate
11:29may gitwan-tausan years
11:30ang nakakaraan
11:31sa Thailand
11:32ng lumang pangalan
11:33ay Siam.
11:34At kaya naman
11:35fighting fish
11:35na mga lalaking betta fish
11:37napaka-teritorial.
11:38Kapag pinagsama-sama sila
11:40sa isang lalagyan
11:41sininag-aaway
11:41hanggang sa sila'y mamatay.
11:43Kaya pagpapasabong
11:44sa mga betta fish
11:45ginawang libangan
11:46noong unang panahon
11:47sa Thailand.
11:48Sa batala,
11:49para malaman ang trivia
11:50sa likod ng viral na balita
11:51ay post o ay comment lang
11:52hashtag
11:52Kuya Kim!
11:53Ano na?
11:54Laging tandaan,
11:55kimportante ang may alam.
11:57Ako po si Kuya Kim
11:58at sagot ko kayo
11:5824 Horas.
12:04Mabilis na tsikayan tayo
12:05para updated
12:06sa showbiz happenings.
12:09Mainit na sinulubong
12:10ng Pinoy fans
12:11si Miss Universe
12:122025 third runner-up
12:13at Tisa Manalo.
12:15Sa kanyang grand
12:16homecoming parade
12:17sa Maynila,
12:18kitang suporta
12:19ng kanyang pagbabalik bansa.
12:20Suot ang kanyang
12:21white stunning gown
12:22na perfect fit
12:23sa kanyang crown
12:24ang atang beauty
12:25na tinaguri ang
12:26pambansang manika.
12:31Love is so bad
12:32cast
12:32goes to
12:33Bulacan State University.
12:35Pilang bahagi
12:36ng kanilang
12:36The Paikot-ikot Tour,
12:38game na nakisaya
12:39ang bida
12:39ng MMFF film
12:41na sina
12:41Will Ashley,
12:42Dustin Yu
12:43at Bianca Rivera
12:44na nakununang hilig
12:46at hiyawan
12:46ang pagbisita
12:47ng tatlo.
12:49Mapapanood na
12:49sa December 25
12:50ang Love is so bad
12:52na collab film
12:53ng GMA Pictures,
12:54Star Cinema
12:55at Regal Film.
12:58Kapuso It Girl
12:59Gabby Garcia
13:00is glowing
13:01on her 27th birthday.
13:03Sa kanyang birthday post,
13:04nag-iwan ng mensahe
13:06si Gabby
13:06sa kanyang younger self
13:07telling her
13:08na proud siya
13:09sa mga na-survive niya
13:10for the past years
13:11na puno raw
13:12ng lessons,
13:13wins,
13:14and growth.
13:15Happy birthday, Gabby!
13:18Muli na namang
13:19kinilala
13:20ang mga programa
13:20at personalidad
13:22ng Kapuso Network
13:23sa Anak TV Seal Awards
13:252025.
13:27Kabilang dyan
13:27ang inyong 24 oras
13:29na gabi-gabing
13:30nagahatid
13:31na mga napapanahon,
13:33totoo,
13:33at maaasahang balita.
13:35Nakatutok si
13:36Bernadette Reyes.
13:37Pinili ng libu-libong
13:42magulang at professionals
13:43bilang child-friendly
13:44and child-sensitive shows
13:45ang mahigit
13:46dalawang pong programa
13:47ng GMA
13:48at isa ang 24 oras
13:51sa mga binigyan
13:52ng Anak TV Seal Award.
13:54In the age of misinformation
13:56and disinformation,
13:57it is all the more
13:58incumbent upon media
14:00to create content
14:01that is truthful,
14:03factual,
14:04relevant,
14:05and right.
14:06Asahan po ninyo
14:07na amin po
14:08yang ipagpapatuloy
14:09hanggang sa hinaharap.
14:10Maraming salamat po
14:11muli sa Anak TV.
14:13Ginawaran din ang Anak TV Seal
14:15ang 24 oras weekend
14:16at unang hirit.
14:18Gayun din ang kapuso mo
14:19Jessica Soho
14:20at mga programa
14:20mula sa GMA Public Affairs Group.
14:23Mga programa
14:24mula sa GMA Entertainment Group.
14:27At tatlong programa
14:28ng GMA Regional TV
14:29and Synergy.
14:30Sa GTV,
14:31limang programa
14:32ang ginawaran
14:33ng pagkilala.
14:34Dinomi na rin
14:35ang kapuso shows
14:36sa pangungunan
14:37ng 24 oras
14:38at kapuso mo Jessica Soho
14:40ang top 10 favorite programs.
14:42Sa unang pagkakataon din,
14:44iginawad ang Anak TV Seal
14:45Online 2025.
14:47Panalo riyan
14:48ang mga programa
14:49ng GMA International
14:50na Pinoy at Sea,
14:52Hanap ng Puso
14:53ng Global Pinoy
14:54at Global Pinoy Unlimited.
14:56Pinarangala naman
14:57bilang Hall of Famer
14:58si Alden Richards
14:59na isa ring
15:00net makabata
15:01star awardee.
15:02Ang parangal na ito
15:03ay ginagawad
15:04sa online influencers,
15:06digital creators
15:07at artists
15:08na ginagamit
15:09ang kanilang platforms
15:10para makapang-inspire,
15:12mang-educate
15:13at makapagpakalat
15:14ng kindness
15:15sa digital space.
15:16This is another reminder
15:18for me
15:18to keep on pursuing,
15:20keep on giving inspiration
15:21to a lot of people,
15:24especially the kids
15:25who is watching
15:27and, you know,
15:29looking at us
15:30from afar
15:31with the things
15:31that we do.
15:32Kapwa awardee
15:33ni Alden
15:34si na ex-PBB
15:35Celebrity Collab
15:36housemates
15:36Will Ashley
15:37at Mika Salamangka.
15:39Gayun din si Caprice Cayetano
15:41ng PBB
15:41Celebrity Collab
15:42Edition 2.0.
15:44Anak TV Makabata
15:45Star Television Awardee
15:46naman
15:47si na David Licauco,
15:48Barbie Forteza,
15:49Gabby Garcia,
15:51Shaira Diaz,
15:52Marco Masa
15:53at Chris Chu.
15:54Ito lamang ay
15:54sumisimbolo
15:56na may ginagawa
15:56kaming mabuti
15:57para sa ating
15:58mga kabataan.
15:59For us to be chosen,
16:00it really means a lot
16:01and it's,
16:03like I always say,
16:04it's an inspiration for us
16:05and a motivation
16:06to continue
16:07to do better.
16:08You play a very important role
16:10in influencing
16:11the growth
16:13and the future
16:13development
16:14of mga bata.
16:15Pag may anak TV seal
16:17nakalagay
16:18o nakadikit
16:18sa programa,
16:20ibig sabihin
16:21hindi dapat matakot,
16:22hindi dapat mabahala
16:24ang mga magulang
16:25o yung mga guardian
16:26kasi
16:26hinimay-himay na yan
16:29ng taong bayan.
16:30Para sa GMA Integrated News,
16:32Bernadette Reyes,
16:33nakatutok 24 oras.
16:36Mahigit 6 na milyong piso
16:38ang ibibigay ng gobyerno
16:39sa mga naulila ng OFW
16:41na nasawi sa malaking sunog
16:42sa isang residential complex
16:44sa Hong Kong.
16:45Bibigyan din ng ayuda
16:46ang iba pang Pilipinong
16:48na apektuhan.
16:49Ang isa sa kanila,
16:50ikinwento ang pagligtas
16:52sa kanyang alaga.
16:53Nakatutok si Marisol
16:54Abduraman.
16:55Umiiyak na humihingi ng tulong
17:04ang OFW na si Narisa Katubay
17:06habang karga-karga
17:08ang kanyang alagang bata
17:09sa Hong Kong.
17:10Kabababalang nila
17:11ng mga oras na yun
17:12mula sa kadalawang putatlong palapag
17:14na isa sa mga nasusunog
17:15ng gusali sa Type-O-D Street.
17:17Nakita ko na po yung apoy na
17:19nakita ko na yung gilid
17:22ng building namin
17:23is umakapoy na din.
17:25Yung chihelas ko na goma
17:27is alam po sulog na sinog
17:28yung dumitikit na siya sa sinog.
17:30Ano pinambalot mo sa kanya, Ading?
17:33Katalan lang po ang dami.
17:35Umiiyak na yung baby.
17:37Oo, kasi na po yung
17:39siguro yung pag-higpit po
17:41ng paghahawak sa kanina.
17:42Yung pagbabakit po dun sa 11
17:44mag-ahinan lang po.
17:45Parang yung nawala
17:47ng pag-ahaw sa namin.
17:48Ati, parang hindi ko na
17:49makaama.
17:51Parang hindi ko na
17:52maabot yung
17:52ano ba?
17:53Yung baba ground floor.
17:55Parang ang feeling ko
17:56bakit hindi natatapos
17:57yung bagbang.
17:59Ganitong tapang din
18:00ang ipinakita na isa pang OSW
18:02na si Rodora Alcaraz
18:04nang iligtas din niya
18:05ang kanyang alagang bata.
18:06Sa tindi ng tinumong mga sugat
18:08hanggang ngayon
18:09ay nagpapagaling pa siya
18:10sa ospital.
18:11Kaya ganun na lang
18:12ang pag-aalala
18:13ng kanyang kinakasama
18:14na si Francis.
18:16Kachat pa lang daw niya
18:16si Rodora
18:17nung araw na mangyari
18:18ang sunog.
18:19Nung nadinig ko po yun
18:20para po ako kinabahan
18:22hindi ko na po alam
18:23yung gagawit.
18:23Malaya nga po
18:23at wala akong magawa.
18:25Ang ginawa ko po
18:25nung araw na po yun
18:26nag-aat na agad po ako
18:27ng 5 p.m. sa tarbaho
18:28at umuwi po sa amin.
18:29Nadatunan ko po nga po
18:30yung inakot
18:31pamilya ko po
18:32iyak na iyak
18:32sa kapayang anak.
18:33Napakarap po
18:34na makikita mo yung anak
18:35kung gaiiyak na iyak
18:36na hindi mo po alam
18:36yung papaliwanag.
18:37Sa ngayon
18:38ay tila na bunutan na daw
18:40ng tinig si Francis
18:41na makachat ang asawa.
18:48Sabi ng konsulada
18:49ng Pilipinas sa Hong Kong
18:50natuntunan ang lahat
18:52ng 72 OFW
18:53na napektuhan
18:54ng sunog.
18:56Isa ang sinuwimpalad
18:57na nasawi
18:57si Marian Esteban.
18:59Ayon sa kapatid ni Marian
19:00ang employer nito
19:01ang nagbalita
19:02sa kanila
19:03sa nangyari.
19:03Nakalabas pa po sila
19:05ng bata
19:06at saka yung kapatid ko
19:08sa bahay nila
19:09na trap na lang po sila
19:10sa 9th floor.
19:12Galing sila
19:12ng 24th floor
19:14tapos na
19:15dun sa 9th floor
19:16nila natalipuan.
19:18Labis ang hinagpis
19:19at panghihinayang nila
19:20lalot matapos
19:21ang higit isang dekadang
19:23pag-OOFW
19:24sa Lebanon at Hong Kong.
19:25Plano na raw ni Marian
19:26na manatili sa Pilipinas
19:28para makapiling
19:29ang 10 taong gulang na anak.
19:31Ikakasal na rin sana
19:32si Marian
19:33sa kanyang partner
19:34sa December 27
19:35at nang huling makausap
19:36ang kapatid noong Martes
19:38pinag-uusapan
19:39ng araw nila
19:39ang pagnenegosyo.
19:40Sabi niya
19:41uuwi ako
19:42at mag-bisnes na lang
19:43tayo dyan.
19:44Tayo-tayo ng grocery
19:46tapos kainan.
19:48From the start
19:48ano na yan sir
19:49eh
19:49OFW na talaga
19:51hindi siya nag-stay
19:52ng Pilipinas
19:53ng matagal.
19:54Opo.
19:54Oo.
19:55Lagi lahat kami
19:56ang kapatid niya
19:57natulungan niya yan.
19:58Wala rin pagsigla
19:59ng hinagpis
20:00ang mga magulang
20:01ni Marian
20:01sa Jones Isabela.
20:03na hindi nila
20:03nagawang ipagdiwang
20:04ang karawan
20:05ng kanyang amakahapon
20:06lala sa mapait
20:07na trahedya.
20:08Sobrang sakit sila.
20:14Imbes na
20:15masaya kami
20:16ay naragsak kami
20:18at Pasko
20:19ang mga aana
20:21takas kami
20:21at tinuan.
20:22Mas mabilis
20:23kung mga mayaw
20:24dati
20:25bang kayo
20:25po.
20:26Magkita
20:28ni mid-kain.
20:29Di na magmi
20:30bakit
20:31anak mid-kain
20:32tatabi
20:32na
20:32mag-ambayag
20:35na.
20:35Pilipinas sa Hong Kong
20:48at binigyan
20:48ng paunang tulong
20:49bukod sa ibibigay
20:51ng relief goods.
20:52Magbibigay din
20:52ang tulong pinansyal
20:53ang Department of Migrant Workers
20:55at ang OWA
20:56sa mga nasunugang
20:57OFW.
20:58Ang gobyerno
20:59naman ng Hong Kong
20:59magbibigay
21:00ng 150,000 pesos
21:02sa apektadong
21:03domestic worker.
21:04Mahigit
21:05750,000 pesos
21:06naman
21:06para sa mga
21:07nasugatan.
21:08Habang mahigit
21:096 million pesos
21:10namang ibibigay
21:11sa pamilya
21:12ng mga namatay.
21:13Para sa GMA Integrated News,
21:16Marisol Abduraman
21:18na Katuto
21:1924 Oras.
21:21Voluntaryong sumuko
21:23sa Pasig Regional Trial Court
21:25si Porak Mayor Jaime Kapil
21:27para magpiyansa
21:28sa kasong graft
21:29kaugnay ng Pogo
21:30sa kanyang bayang.
21:32Mahigit
21:32600,000 piso
21:33ang ibinayad
21:34na piansa ni Kapil
21:36para sa 7 counts of graft.
21:38Ayon kay Kapil,
21:39hindi siya nagtatago
21:40at magbabalik
21:42trabaho na rin
21:42sa munisipyo bukas.
21:44Itinakda ng korte
21:45ang arraignment
21:46at pretrial
21:47sa kaso niya
21:48sa December 11.
21:50Noong biyernes,
21:51nag-issue
21:52ang Pasig RTC
21:54ng arrest warrant
21:55kay Mayor Kapil
21:56pero bigo itong
21:57maisilbi ng otoridad
21:58sa kanyang bahay
21:59sa Porak, Pampanga.
22:01Ang kaso
22:01ay kaugnay
22:02ng umunoy koneksyon
22:03ng alkalde
22:04sa Lucky South 99
22:05ang pinakamalaking pogo
22:07na niraid
22:08ng mga otoridad
22:09na nag-operate
22:10sa bayan ng Porak.
22:12Sinuyod
22:14ng MMDA
22:15ang ilang kalsana
22:16para maibsa
22:17ng bumibigat
22:18na Christmas rush traffic.
22:20Ilang iligal
22:21na nakaparada
22:22ang tinikitan
22:22at hinatak
22:23na katutok
22:24si Oscar Oida.
22:25Papalapit na nga
22:30ng papalapit
22:30ang Pasko
22:31pero ang heavy
22:32gat na traffic
22:33na dala nito
22:34dama na.
22:35Depende sa oras,
22:37bumper to bumper
22:38na
22:38ang daloy
22:39saan ka man
22:40magpunta.
22:40Kaya ang mga
22:42mga tawa ng MMDA
22:43Special Operations
22:44Group Strike Force
22:45lalo pang
22:46dumuobol time
22:47sa pagbabantay
22:48sa gabal
22:49sa mga major roads
22:50na daraanan
22:51ng mga motorista
22:52sa kanilang
22:53mga kaliwatka
22:54ng Christmas lakad.
22:55Tulad na lang
22:56ng Sukat Road
22:57sa Paranaque
22:57kung saan
22:58ilang illegally
22:59part na sasakyan
23:00na naman
23:01ang inabutan.
23:03Nagkatikitan,
23:04nagkahatakan
23:05tulad ng sasakyan
23:07ito
23:07sa isang
23:08talyer sa lugar.
23:09Sa bangketa
23:10na kasi mismo
23:11kinukumpuni.
23:12Ang masaklap
23:13nasa tapat pa naman
23:15ito
23:15ng pedestrian crossing.
23:17Sa may barangay
23:18San Dionisio naman
23:19sako pa rin
23:20ang Sukat Road
23:20sa may tulay
23:22pa mismo
23:22pumarada
23:23ang ilan
23:24kaya
23:24nahatak din.
23:27Wala rin kawala
23:27ang ilang sasakyang
23:28ipinarada pa
23:29sa ilalim
23:30ng footbridge.
23:31Ang Sukat Road
23:32ay isang major artery
23:34ng Paranaque
23:35at South Metro
23:36kaya pag mabagal
23:37dito
23:38automatic delayed
23:39na
23:39ang biyahe
23:40sa buong South.
23:42Apektado
23:42pati ang ating
23:43paliparan.
23:45Alam naman natin
23:45ang Paskong Pinoy
23:46marami sa atin
23:47mga nasa ibang bansa
23:48uuwi po yan
23:49so yung
23:50transportation means
23:51such as yung mga
23:52airport natin
23:53mahalaga po yan
23:54to ensure
23:54na hindi po magkakaroon
23:55ng traffic congestion
23:56para hindi rin po
23:57madelay
23:58ang ating mga
23:59kababayan
23:59who wishes to go
24:00out of the country
24:01or yung iba naman po
24:03from other countries
24:03coming home
24:04to Manila
24:05or to the Philippines.
24:05Ang Aurora Boulevard
24:07sa Pasay
24:08na isang mabuhay lane
24:10bantay sarado rin
24:11sa mga enforcer
24:12ng MMDA.
24:14Kanina
24:14ilan din
24:15ang natikitan
24:16sa lugar.
24:17May truck pang
24:18lumagpas sa bangketa
24:19ang ang uso
24:19ang nahatak.
24:21Pati mga sagabal
24:22sa bangketa
24:23kinumpis ka.
24:25Ang purpose po nito
24:25is to serve
24:26as an alternate means
24:28na kung saan
24:28pag alam natin
24:29na hindi may iwasan
24:31na magkakaroon
24:31ng traffic congestion
24:32sa mga major
24:33toro pairs
24:33such as EDSA,
24:35Rojas Boulevard,
24:36adyan po ang
24:37Quezon Avenue.
24:38So ito mga mabuhay lanes
24:39it will lessen
24:40the travel time
24:41ng ating mga kababayan.
24:42Di rin naman
24:43pinalagpas ng MMDA
24:45ang mga secondary roads
24:46tulad na lang
24:47ng Chino Ross Extension
24:49sa May Taguig.
24:50At di nalang sila
24:52basta nanikip
24:53hinatakpan nila
24:54ang ilang sasakyang
24:55alanganin
24:55ang pagkakaparada.
24:58Sinita rin
24:58ang ilang establishmento
24:59na umabot na sa bangketa
25:01ang operasyon
25:02gaya ng isang car wash
25:04sa lugar.
25:05It's part of our
25:06responsibility
25:07and part of our
25:08jurisdiction
25:09na itong mga
25:09secondary roads
25:11dito po sa Maynila
25:12na maiayos po natin
25:14at malesen po natin
25:15yung mga obstructions.
25:17Nang balikan namin
25:18ngayong gabi
25:18ilang sasaken pa rin
25:20ang iligal
25:20na nakaparada
25:21sa bahagi
25:22ng Chino Ross Extension.
25:24Kabilang dyan
25:24ang truck
25:25na nagbababa
25:26ng kalakal
25:27at mga triskel
25:28na nasa mismong
25:29no parking sign.
25:31Sa ibang bahagi
25:32naman ng Taguig
25:33may mga jeep
25:34pang nakaparada
25:35sa magkabilang gilid.
25:36Pinunta ng
25:37GMA Integrated News
25:38ang Barangay Magallanes
25:39sa Makati
25:40pero wala umunong
25:41available
25:42para magpa-interview.
25:43Patuloy naman namin
25:44sinusubukan kunin
25:45ng payag
25:46ng Barangay
25:47Fort Bonifacio
25:47sa Taguig.
25:49Para sa GMA Integrated News
25:51Oscar Oida
25:52nakatutok
25:5324 oras.
25:56Kinontra
25:56ng Office of the Solicitor General
25:58ang hiling ni Senador
25:59Bato de la Rosa
25:59na temporary restraining order
26:01mula sa Supreme Court
26:02para pigilin
26:03ang sinasabing
26:04arrest warrant
26:05ng International Criminal Court
26:07laban sa kanya.
26:07Sa komento nito sa Korte
26:09sinabi ng OSG
26:10na hindi raw
26:11nakapagpakita
26:12si Dalarosa
26:13ng aktual na kaso
26:14o kontrobersya
26:15at hindi rin umano nito
26:16natukoy
26:17ang anumang
26:18legal question
26:19na maaring
26:19aksyonan ng Korte.
26:21Hypothetical lamang
26:22daw ang issue
26:23at inuunahan
26:24lamang daw nito
26:24ang gobyerno
26:25para hindi siya maaresto.
26:27Simula nang lumabas
26:28ang ugong
26:28na may ICC
26:29arrest warrant
26:30laban sa Senador.
26:32Hindi na dumalo
26:32sa mga sesyon
26:33ng Senado
26:33si Dalarosa.
26:34Sa mga bumabatikos
26:36kay Dalarosa
26:36sinabi ni Senate President
26:38Tito Soto
26:38na maaari silang maghain
26:40ng ethics complaint
26:41sa Senado.
26:43Pagay naman
26:43ni Senador Ping Lakson
26:44kay Dalarosa
26:44kung wala itong balak sumuko
26:46galingan na lamang raw
26:48ang pagtatago.
26:49Samantala
26:50nagain din ang OSG
26:51ng manifestation
26:52para muling
26:53irepresenta sa Korte
26:54ang mga opisyal
26:55ng gobyerno
26:56na inereklamo
26:57kaugay
26:57ng pag-aresto
26:58kay dating Pangulong
26:59Rodrigo Duterte.
27:01Ang OSG
27:01ay pinamumunuan
27:02ngayon
27:03ni Solicitor General
27:04Darlene Berberabe.
27:06Matatandaang
27:06sa ilalim noon
27:07ni dating Solicitor General
27:08Menardo Guevara.
27:10Tinanggyan ng OSG
27:11na maging abogado
27:12ng mga opisyal
27:13ng gobyerno
27:13sa paniwalang wala
27:15jurisdiction
27:16ang ICC
27:17sa Pilipinas.
27:18Sa isang pahayag,
27:19sinabi ng abogado
27:20ni Duterte
27:21at Dalarosa
27:21na hindi dapat
27:22pabago-bago
27:23ang posisyon
27:24ng OSG
27:25depende saan
27:26niya'y
27:26political weather.
27:28Far from perfect man
27:34ang mga pinagdaanan
27:35sa kanyang 15 years
27:36sa showbiz
27:37na nanatiling
27:38dedicated sa kanyang craft
27:39si Asia's multimedia star
27:41Alden Richards
27:42at sa kanyang pagsalang
27:43sa GMA Integrated News
27:44interviews
27:45nag-open
27:46si Alden
27:47tungkol sa kanyang
27:47biggest regrets
27:48at fears.
27:50Makichika
27:50kay Nelson Canlas.
27:52Alden Richards,
27:53welcome again
27:54and thank you
27:55Matindi ang emosyon
27:57sa muling pag-upo
27:58ni Alden Richards
27:58sa GMA Integrated
28:00News Interviews.
28:01Nag-se-celebrate
28:02ng 15 years
28:03in showbiz
28:04ang Asia's
28:04multimedia star
28:06at muli naming
28:07binalikan ng ilang
28:07mga emotional
28:08milestones
28:09ng kanyang karera.
28:10Lingid sa kaalaman
28:11ng marami.
28:12Muntik na raw
28:12mag-quit sa showbiz
28:13si Alden.
28:14I'd like to consider
28:15that as a mild
28:16burnout already
28:17na hindi ko lang
28:17inacknowledge.
28:19I just look at it
28:20na parang
28:20sabi ko,
28:22teka parang
28:23sana ba ako
28:23papunta talaga?
28:24And then I wanted
28:25to go back to school.
28:26Siyempre yung dilemma,
28:27yung push and pull
28:28when I reached
28:29the point of giving up,
28:32di ako nakakalimutan
28:33lagi ni Lord
28:33talaga to
28:34bring me back
28:36again
28:38to my feet.
28:39Napa-open din
28:39sa isa sa kanyang
28:41biggest fear in life
28:42si Alden.
28:43Nas-pressured ka?
28:45Yes.
28:47Definitely.
28:47Because siyempre
28:48it comes with age din siguro.
28:50Siguro my fear is
28:52wow.
28:59I might road
29:00alone.
29:09Yan lang siya dumating.
29:10Minsan kasi
29:11wala talaga akong
29:14pakialam sa sarili ko eh.
29:17Mas
29:17kumbaga parang
29:20yung mga importante
29:23muna.
29:28So,
29:30yan lang parang
29:31ngayon lang siya dumating
29:35actually
29:35sa akin
29:36just now
29:37when I said it.
29:40That's my fear.
29:41I might grow
29:42old
29:43alone
29:43and I don't want
29:44that to happen.
29:45Sa buhay naman parang
29:46we all get what we deserve.
29:50You reap what you sow.
29:51Pagmamahal
29:52at pasasalamat
29:53mas marami pang
29:54emosyonal na tagpo.
29:56I think that's my mission.
29:58Doon ako
29:59na-fuel
30:00to
30:00yung
30:03like whatever it is
30:04that I'm feeling
30:05gusto ko na si-share ko siya.
30:06Ayoko siyang sinasarili.
30:07Sa pagpapatuloy
30:09ng GMA Integrated News
30:10Interviews
30:11Alden Bukas
30:12ni Nelson Canlas
30:13updated sa
30:14Showbiz Happenings.
30:16And yes,
30:18it is confirmed
30:19or confirmed
30:20engaged na
30:21si Kapuso actress
30:22Carla Abeliana.
30:24Kinumpirma ni Carla
30:26ang good news
30:26sa GMA Integrated News.
30:28Kahapon,
30:29marami ang kinilik
30:30sa ipunost ni photo
30:31ni Carla
30:32kung saan
30:32suot niya
30:33ang isang singsing
30:34habang may
30:35ka-holding hands.
30:36Sa past interviews
30:37sinabi ni Carla
30:38na matagal
30:39na niyang kilalang
30:40fiancé
30:40bago pa sila
30:41nagsimulang mag-date.
30:43Nabanggit din niya
30:44na mas gusto niyang
30:45maging private
30:46ang love life.
30:47Congratulations, Carla!
30:52And that's my chika
30:53this Tuesday night.
30:54Ako po si Ia Adaliano,
30:55Miss Mel,
30:56Miss Vicky,
30:56Emil.
30:57Thanks, Ia!
30:58Salamat sa iyo, Ia!
30:59Thanks, Ia!
31:00At mula sa lahat
31:01ng bumubuo
31:02na 24 oras,
31:04taos puso po
31:05ang aming pasasalamat
31:06sa paggawa ninyo
31:07sa amin
31:08ng Anak TV Seal Award.
31:10Maraming salamat din po ha
31:12sa pagsama sa amin
31:13sa top 10
31:14favorite programs.
31:16Maraming salamat po,
31:17mga kapuso.
31:19At yan ang mga balita
31:21ngayong Martes,
31:22mga kapuso,
31:2223 araw na lang,
31:24Pasko na!
31:26Ako po si Mel Tianco.
31:27Ako naman po si Vicky Morales
31:28para sa mas malaking misyon.
31:30Para sa mas malawak
31:31na paglilingkod sa bayan.
31:32Ako po si Emil Sumangil.
31:34Mula sa GMA Integrative News,
31:36ang News Authority ng Pilipino,
31:38nakatuto kami,
31:4024.
31:40Pasko na ang Pasko
31:41Pasko na ang Pasko
31:42Puno ng Pasko
31:43Puno ng Pagmamahal
31:46Mula sa'yo
31:47Puso
Be the first to comment