Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ticklo sa Quezon City ang tatlong namara ng isang taxi at ng hold-up sa driver nito.
00:06Nang hindi sila bigyan ng pera, sinaksak nila ang driver.
00:10At nakatutok si James Agustin.
00:16Walang kawala sa hot pursuit operation ng polisya sa barangay Balonbato, Quezon City,
00:20ang tatlong lalaki na nasa likod naman nun ng pang-hold-up sa isang taxi driver.
00:24Ang 38 anyo sa lalaking biktima, sugatan matapos magtamo ng saksak sa bato katagiliran.
00:30Ayon sa polisya, sumakay ang mga sospek sa Munoz at nagpapatid sa Balintawa.
00:34Pinilit siya na ibigay yung pera na kita ninyo sa kanya, tinutukan siya ng patalib nito sa leeg.
00:42Nung hindi binigay sa kanya, silaksak na siya sa leeg, likod na leeg niya, tapos tagiliran,
00:49sabay kuha yung pera sa harap ninyo. Sabay takbo na rin yung tatlo.
00:52Hindi na nabawi mula sa mga sospek ang higit 3,000 pisong pera, maging ang ginamit na kutsilyo.
00:58Ayon sa polisya, inaalam pa nila kung may ibang kasabwat ang mga sospek.
01:01Yung modos nila is dati sila na nililimos, ngayon is medyo hindi na sila contended sa gano'n.
01:09Ngayon nag-re-resort na sila sa, parang nag-uusap na sila, may meeting of minds na sila
01:14to come up, to come up hindi sa parang planned na pang-hold up.
01:22Dinala sa Talipapa Police Station ang mga sospek.
01:25Doon positibo silang kinilala ng biktima na nang-hold up umano sa kanya.
01:29Itinanggi naman ng tatlo mga aligasyon laban sa kanila.
01:31May po namin ginawa yun po sir.
01:35Pero ano, sumakay kami ng jeep ng asawa ko.
01:39Bigla po pinara yung jeep ng pulis.
01:42Pagkaanong kasama ka pero natulog ka, may iba-iba tulogan.
01:46Wala po akong alam dyan.
01:47Nung gabing yung bumili lang po ako ng kanin, tapos napadal lang ako sa ano na yun.
01:54Nasampahan na ang mga sospek na reklamong robbery.
01:57Para sa Gemma Integrated News, James Agustina, Katuto, 24 Horas.
02:01Lumabas na mayroong kalakating bilyong pisong insertion sa intelligence funds ng PNP ngayong taon,
02:09ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia.
02:12Sinabi niya yan sa pagdilig sa Senado, kaugnay ng hinihinging budget ng PNP sa 2026.
02:17Dagdag ni Remulia, isinauli nila ito sa opisira ng Pangulo dahil hindi naman nila ito hiningi.
02:23Hindi pinakalanan ni Remulia ang nasa likod umano nito, pero anya, ang tinutukoy niya ang siya ring nag-request ng 3,000 container ng isda.
02:32Matatandaan nung September, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel na pilit na humihingi noon si dating Congressman Zaldico ng permit
02:41para sa importation ng 3,000 container ng isda, bagay na hindi niya pinagbigyan.
02:46Pinalawig pa ng gobyerno ang food program nito kung saan binibigyan ng 3,000 pisong e-voucher ang mga piling mahihira para ipambili ng pagkain.
02:58Nakatutok si Bernadette Reyes.
03:04Masayang namili ang mag-inang Marian at Jillian ng mga gulay, bigas at iba pang pagkain sa Kaniwa Store sa San Andres Sports Complex sa Maynila.
03:12Wala kasing gastos dahil hindi pera ang pambili rito, kundi electronic voucher na bigay rin sa kanila sa ilalim ng walang gutong program ng DSWD.
03:23Ito ang Refuel Project.
03:25Malaking bagay po kasi minsan po na inaabot kami walang pera. Kahit pa paano kung wala kami ang pera may pambabawin yan.
03:313,000 pisong halaga ng pagkain ang pwedeng bilihin ng bawat pamilyang benepisyaryo na mas madaling mamonitor dahil high-tech.
03:39Isa-scan lang ang voucher card nila.
03:41Ito yung tinatawag na mobile point of sale device.
03:45Sa pamamagitan ng makinang ito, malalaman na ng isang beneficiary, ang kanyang purchase history at maaari na rin mag-advance order.
03:53Kailangan lang iskan ang kanilang card at lalabas na ang iba't ibang mga detalye.
03:59Pero hindi basta pagkain, kundi yung pasok sa pinapayagan ng DSWD.
04:04Mas tansya po, gulay, rutas. Kahit pa sa eskwela, nagbabawag po siya ng mga gulay.
04:09Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, layo ng Refuel Project, na dumami ang bilang ng mga makikinabang sa walang gutom program.
04:18Sa susunod na taon, dadami na sa 600,000 ang magiging benepisyaryo.
04:25Pagdating ng 2027, paabutin na po natin ng 750,000 na pamilya.
04:31Ang hangarin namin ay umabot sa yung 1 milyon.
04:35Pagmamalaki ng Pangulo, nakatulong ang programa sa pagpapababa ng bilang ng nagugutom o food poor gaya ng lumaba sa isang SWS survey.
04:44Oktubre, nung nakaraang na taon, ay 48.7% ang sinasabing hunger rate.
04:54Bumaba na po at naging 41.5% itong Marso.
04:59Bukod sa voucher, tuturuan din ng mga beneficiary sa tamang nutrisyon.
05:04Part netong programa na ito is an education, nutrition education session.
05:09Makikita niyo yan mamaya.
05:10Kung saan bago sila mag-redead ng pagkain, tinuturuan sila ng kahalagahan ng iba't ibang klaseng food groups.
05:15Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
05:20May dumaloy na pag-asa sa mga residenteng apektado ng lindol sa Bogos City sa Cebu.
05:33Sa gitna kasi ng kawalan ng supply ng tubig, umusbong sa kanilang barangay ang isang bukal, Kuya Kim.
05:39Ano na?
05:40Sa pagyanig ng magnitude 6.9 na lindol dito sa Bogos City, Cebu, isa raw sa mga naging hamon sa mga residente ang maghanap ng malilis na tubig.
05:51Yung inuming tubig po, binibigyan naman yung pangligo, panghugas ng plato at saka panglaba, yun yung medyokan sa amin.
05:59Naputol po talaga yung supply pagkatapos ng lindol, kaya wala na po talaga kaming ibang mapagkukuha na ng tubig.
06:06Hanggang dumaloy daw ang pag-asa sa kanilang komunidad.
06:11Nang sa tabing dagat ng barangay Gairan, meron silang nadiskubre, isang bukal.
06:17At ang tubig daw na dumadaloy dito, napakalinaw.
06:20Crystal clear po talaga siya, hindi talaga nauubos yung tubig dito.
06:25Kinagamit namin yung tubig sa pangligo at yung panghugas ng plato, panglaba.
06:30Marami po talaga na kinabang nun.
06:32Malaking tulong talaga, parang sa kabila ng lahat na sakuna na naranasan namin,
06:38meron pa rin bukal na dumating, siguro bigay ng may kapal.
06:44At sa kabila daw ng mga nagsulputang sinkhole sa kanilang bayan,
06:48ang mga residente, hindi rin natatakot na lumapit sa bukal para mag-igib ng tubig.
06:53Alam lang po namin na dito sa may dalampasiga namin is medyo mabato siya.
06:57Hindi naman po siya halo yung ilalim siguro.
07:00Malinis nga ba ang tubig na dumadaloy mula sa bukal?
07:03At ligtas nga ba ang lumapit dito?
07:09Ayon sa eksperto, ang bukal na sumulput sa dalampasiga ng barangay Gairan,
07:13resulta daw ng magnitude 6.9 na lindol.
07:15Ang tawag sa fenomenon na yan ay earthquake-induced release of groundwater doon sa mga fractured rocks natin.
07:25Ang tubig na dumadaloy mula rito, posible daw na galing sa mga tinatawag na aquifers.
07:29Yung aquifers, yun yung rock layers natin nag-hold ng groundwater natin.
07:34And during earthquake, possible na disrupt yung groundwater flow.
07:38So, nag-induce siya ng mga excess pressure.
07:41Naghanap talaga siya ng dadaanan.
07:45In using that water, hindi natin siya advisable hanggat hindi siya dumadaan ng commercial purification for human consumption.
07:53But generally, sa mga non-essential use, pang-ligo, pang-hugas, pang-dilig, pwede naman siyang gamitin.
08:01Pero hindi pa delikado para sa residente na lumapit sa bukal?
08:04When we speak on a geological timeline, in the future, pwede siyang maging sinkholes.
08:10But for now, early stage pa lang yan.
08:12Mahalaga rin na mapag-aralan nito ng kinahukulan.
08:16In-assess na po siya, pero as of now, hindi pa talaga siya na-focus kasi yung inuna pa talaga yung paglalagyan talaga ng mga IDPs natin.
08:25Laging tandaan, kimportante ang may alam.
08:27Ito po si Kuya Kim nagpapaalala.
08:29Sa gitna ng sakuna, may dadaloy at dadaloy na pag-asa.
08:32Kahit tapos ng pinagbidahang series na lolong, nagsasanay sa isang Filipino martial arts si Ruru Madrid.
08:44Umaasa siyang maipapasa niya rin ito sa mga kabataan balang araw.
08:48Makichika kay Atena Imperial.
08:52Habang hindi pa jam-packed ang schedule ni Ruru Madrid sa mga shoot at taping,
08:57sinasamantala niyang magsanay ng martial arts na interest na niya simula pagkabata.
09:03Mahal ko yung martial arts eh.
09:05Gusto ko yung napapagod yung sarili ko. I love learning new skills.
09:09At least thrice a week ang training niya ng Filipino martial arts na laraw-kali-pamuok sa kanyang coach.
09:15Meron tayong sariling Aten eh.
09:17Ito talagang Pilipino.
09:19So might as well, ito yung bibit-bitin ko.
09:21At I'm hoping na makahawa ko sa mga kapwa natin Pilipino at makapagbigay tayo ng inspirasyon sa mga kabataan na itray nila ito.
09:30Aside from working out regularly, dagdag ito sa health and wellness routine ng aktor.
09:35Marami kang matutunan dyan. Hindi lang yung skills but also yung disiplina.
09:39Nakikita rin ni Ruru na balang araw, ibabasa niya sa mga kabataan ang natutunang laraw-kali-pamuok.
09:46Gusto kong ibuhos lahat ng energy at attention ko dito.
09:52At i-master ko siya. Eventually, ang goal ko or ang na-visualize ko is maging lakan ako someday, maging teacher.
10:00And I get to go sa mga schools, makapagturo sa mga bata about Filipino martial arts.
10:07At kung magkaroon ng upcoming projects na kailangan uli ng action scenes,
10:11alam na ni Ruru na he's more than ready for the role.
10:14Kung ano yung hindi ko nagawa doon sa last project ko, gagawin ko siya dito.
10:19I always want na hanapin yung best version ng sarili ko all the time.
10:24In-impound ng Land Transportation Office o LTO, ang isang luxury car sa tagig na sinita dahil walang plaka.
10:37Lumalabas kasi ng importer ng luxury car ay pareho nang binilhan ng mag-asawang diskaya ng kanilang mga sasakyan.
10:45Ayon sa LTO, 2024 pa na rehistro at na-release ang plaka para sa sasakyan pero hindi pa ikinabit at nakaselyo pa.
10:55Nakikipag-ugnayan din ang LTO sa Bureau of Customs para malaman kung nagbayad ng karampatang buwis ang may-ari ng sasakyan.
11:04Wala pang pahayag ang Korean National na sinasabing may-ari ng luxury car.
11:09Kailangan namin munang temporary siya i-impound kasi yung system na nag-import sa sasakyan ng mga diskaya,
11:23ito rin yung nag-import nitong sasakyan na ito at nirehistro rin doon sa old system ng LTO na pinag-uusapan namin ngayon kung paano napapasok doon.
11:34Apat na dayuhang wanted sa kanika nilang bansa ang nasa kote sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu at Cagayan de Oro City.
11:42Dalawa sa inaresto ang may Interpol Red Notice habang ang isa, sampung taong nagtagos sa Pilipinas.
11:48Nakatutok si John Consulta.
11:50Exclusive!
11:51Habang nasa kasarapan ng paglalaro ng golf sa Cebu City ang tatlong target ng koreano,
12:00unti-unti silang ninalapitan ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit.
12:08Hanggang sa...
12:09Inaresto ang tatlo.
12:20Dalawa sa kanila may Interpol Red Notice habang ang isa naman,
12:24nagpakilala ng Pilipino gamit ang isang pecking ID.
12:28Agad tayong nag-deploy ng ating tracker team at natuntun nga natin yung pinagtataguan nila.
12:32Nalaman natin na madalas silang maglaro ng golf dito sa isang area sa Cebu kaya doon natin sila sinundan.
12:39At nung matukoy nga ng ating mga operatiba na nandun sila sa area ay agad nilang pinuntahan at hinuli itong mga subject fugitives natin.
12:49Pinaghanap ang mga koreano na sa kanilang paggamit ng mga pecking identity at dokumento para sa kanilang modus operandi.
12:56Sila ay wanted sa Korea dahil sa panluloko or sa loan fraud scheme.
13:04So sinasabi na kumita sila ng mahigit sa 120 million pesos sa scheme na ito.
13:14You are being arrested through a mission order signed by our commissioner.
13:17Bumagsak naman sa kamay ng BIFSU sa Cagayan de Oro City ang isang 59-anyos na Japanese national na isang dekada nang nagtatago sa Pilipinas dahil sa kanyang atraso sa bansang Japan.
13:30Ten years na at matagal na rin siya dito nagtatago sa kasong assault.
13:34So sinasabi na may hiniraman siya ng pera at nang hindi nga siya napahiram ay binugbog niya ito at nagtamo ng malubhan tama ang kanyang biktima.
13:44Sinisikap pa namin makuha ang panig na mga dayuwang inaresto na naharap sa deportation sa kanilang mga bansa.
13:50Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
13:57Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na sila mismo ang nagtayo ng mga istrukturan na mataan ng Philippine Coast Guard o PCG sa Bajo de Masinloc.
14:07Ayon naman sa impormasyong nakalap ng PCG, nakalagay na ito noong 2010 o mas matagal pa.
14:14Nakatutok si Chino Gaston.
14:19Ang noong unay palaisipan kung ano ang mga namataang istruktura sa Bajo de Masinloc na napansin ang Philippine Coast Guard noong Maritime Domain Awareness Flight noong lunes
14:29na kumpirma na ngayong hindi raw bago at lumalabas na itinayo mismo ng Armed Forces of the Philippines ilang dekada na ang nakakaraan.
14:36Sa mga litratong ibinahagi ng source ng GMA Integrated News, makikitang kinakapitan na ng marine growth at lumot ang parting nasa ilalim ng tubig.
14:46Samantalang ang patusok na parting nasa ibabaw ng tubig may bakas na ng kalawang.
14:52Mga big at posted daw ito na inilagay noon bilang paghahanda sa pagtayo ng isang monitoring outpost sa Bahura.
14:58Ang Philippine Coast Guard nakatanggap din ang impormasyon na taong 2010 o maaring mas matagal pa itinayo ang mga nakitang structures.
15:17Batay daw ito sa satellite imagery mula sa mga panahong iyon.
15:21It's not just as early as 2023. We are now retrieving images way back earlier that this structure has been there already.
15:33So this is not something new. I think the structures there is already more than enough telling na malaman natin it goes early as 2010.
15:44Pero hindi nagpapakakampante ang PCG dahil sa mga bagong lagay na boya ng China Coast Guard sa loob at labas ng baho ni Masinlok na nasa loob ng Exclusive Economic Zone.
15:56Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok? 24 oras.
16:04Bumiyay pa norte ang ilang kapuso star para magpasaya sa mga pista sa Pangasinahan at Isabela.
16:10Sinuklia naman niya ng mga taga roon ng masasarap nilang delicacies.
16:14May report si Diane Locallano ng GMA Regional TV.
16:21Nag-uumapaw ang kasiyahan sa Alaminos Laguna sa pagdiriwang ng Coramblan Festival 2025.
16:28Isang linggong selebrasyon ng pagbibigay-pugay sa masaganang ani, kultura at pananampalataya.
16:35Tampok ang tatlong pangunahing produkto ng bayan, coconut, rambutan at lanzones.
16:42Kasabay nito ang kapistahan ng patron ng Alaminos, ang Nuestra Senora del Pilar.
16:46Sa gabi ng pasasalamat, dinumog ang kapuso stars mula sa katatapos lang na hit GMA Afternoon Prime Series,
16:55My Father's Wife.
16:57Si Nakayli Padilla, Jack Roberto at kay Zelle Kenucci, nagbigay saya at kilig sa mga Alaminense.
17:04Oh my gosh, ang saya-saya ng energy ng lahat. I feel so accepted and loved here.
17:10First time po mag-perform dito and sobrang init ng pagtanggap ng mga tao sa amin. Maraming maraming salamat sa inyo.
17:16Sobrang ramdam na ramdam namin yung warmth ng pagtanggap sa amin ng mga Alaminense.
17:22Bukod sa pinaka-inabangang street dancing competition, may cookfest hapagkainan sa Alaminos din kung saan bida ang niyog bilang pangunahing sangkap.
17:35I love it because I love adobo and I love gata. So I'm feeling ko masyap sya sa kanin. So yes, hard. I love the dish.
17:45I deserve na maging champion. For me, ang reach ng last year, ng sauce, favorite ko adobo. First time ko matingin ng adobo na ganito with rambutan.
17:58Biyahing etsyage, Isabela naman ang mga kapusong sina Julian San Jose, Isabel Ortega, Zonya Mejia, Seb Pajarillo, John Wick de Guzman at May Bautista.
18:09Tinikman nila ang masasarap na lutong etsyagenyo mula sa mga ulam hanggang sa mga kakanin.
18:16Ilan nga sa mga binabalik-balikan na delikasi dito ay ang Kuribengbeng na isang native delikasi na gawa sa giniling na mais at saba na inilutong sa dahon ng saging.
18:28Nakisaya rin sila sa Mangle Festival.
18:31Ang Mangle Festival ay pinagdiriwang bilang pagpupugay sa mga yogad warrior na silang mga unang nanirahan sa lugar.
18:38Pagkilala rin ito para sa kanilang katabangan sa pakikipaglaban para sa bayan.
18:43Iba't-ibang aktibidad ang mas nagpapasigla sa kapistahan sa Itsyage Municipal Grounds.
18:51Real na real naman ang naramdaman saya ng crowd nang makita na ang cast ng sanggang dikit for real na sila John Wick, Seb at Zonya.
19:02Nakaka-inlove na performances ni na Isabel Ortega.
19:05At The Voice Kids PH Coach and Asia's Limitless Star, Julian San Jose.
19:12Natutuwa ako at talagang sobrang nakakahappy yung energy ng ating mga kapuso.
19:18Mula sa JMA Regional TV at JMA Integrated News, Diane Loquelliano, nakatuto 24 oras.
19:28Itinalagang bagong Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK si dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr.
19:37Pinangunakan ni Pangulong Bobong Marcos ang pagpapanumpa kay Acorda.
19:41Pinalitan ang dating PNP Chief si Gilberto Cruz.
19:44Pamumunuan ngayon ni Acorda ang komisyong nag-iimbestiga sa mga criminal group.
19:47April 2024, nang magretiro siya bilang PNP Chief.
19:52Buwis buhay ang pagsagip sa isang asong nahulog sa sinkhole kasunod ng lindol sa San Remigio, Cebu.
20:00Gamit ang lubid, bumaba sa sinkhole ang isang lalaki habang inaalalayan ng iba pang residente.
20:07Kinailangang talian ng lubid ang aso para may angat mula sa butas.
20:11Ayon po sa uploader, naibalik na sa may ariang aso.
20:15Samatala, isang sinkhole din ang namataan sa mabundok na bahagi ng barangay Maslog sa Tagobon sa Cebu.
20:22Ayon sa Tagobon MDRRMO, malayo ang sinkhole sa residential area pero nagsasagawa pa rin sila ng assessment.
20:30May apat na sinkhole din nakita sa baybayin ng parehong barangay.
20:34Ang Philippine Coast Guard maglalagay ng mga boyas sa lugar para limatahan ang pagpasok doon ng publiko.
20:42Pinaalalahanan ang mga tao na huwag munang pumunta malapit sa mga sinkhole.
20:48Nilinaw ni Pocwang na hindi siya nag-i-endorso ng sugalan.
20:52Kasunod niya ng pagkalat online ng video ginamitan ng AI para magmukain i-endorso siya ng isang gaming platform.
20:59Ang paalala ni Mamang Pocwang sa chika ni Nelson Canlas.
21:04Pukot sa negosyo kong ito, may hindi lalaro akong magugustuhan niyo rin.
21:08Kumalat sa social media ang video nito ni Mamang Pocwang na ang tila sinasabi ay pag-i-endorso ng gaming platform.
21:17Pero ang video, deep fake pala o minanipula.
21:22Kinuha ang video niya mula sa isang live selling video at pinatunga ng boses na gawa ng AI o artificial intelligence.
21:30O sa mga kapanood pa lang?
21:33O makakapanood po ito, pakiblack na lang.
21:35Hindi po talaga ako nag-i-endorso ng mga online gaming.
21:38Bilang ina, alam ko pong hindi magandang sugal sa pamilya, nakakasira po yan.
21:43Ingat po tayo kasi anlala talaga ng AI ngayon.
21:47Sobrang anlala.
21:47Isa lang si Pocwang sa maraming naging biktima ng deep fake.
21:52Para makaiwas sa mga mapanlinlang na posts, bantayan ang ilang red flags o signs.
21:59Kabilang dyan ang tila hindi sabay na audio tulad ng pagsasalita sa napapanood na video.
22:05I-check din kung legit at mapagkakatiwala ang accounts ang nag-post o nag-share.
22:11Red flag din kung unlike din na mag-i-endorso ang isang tao ng produkto o serbisyo.
22:19Paalala naman ni Pocwang, matindi na ang lokohan online kaya dapat maging maingat.
22:26Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
22:28And that's my chika this Thursday night.
22:33Ako po si Ia Ataliano, Miss Vicky Emile.
22:36Thanks, Ia.
22:37Salamat, Ia.
22:38At iya ng mga balita ngayong Webes, 70 araw na lang po at Pasko na.
22:43Ako po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
22:46Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
22:49Ako po si Emile Sumangit.
22:50Mula po sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
22:54Nakatuto kami 24 oras.
22:58Ako po si Vicky Morales para sa mga balita ngayong Webes, 70 araw na lang po at Pasko na paglilingkod sa bayan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended