Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Paglabag sa Constitution ang pagpaayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa budget insertions ayon kay Vice President Sara Duterte.
00:06Pero wala daw siyang balak maghain ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
00:11Pero handa daw siyang palitan si Marcos kung kakailanganin.
00:14Nakatutok si Sara Hilomen Velasco ng GMA Regional TV.
00:18Para kay Vice President Sara Duterte, wala nang kwestiyon kung sangkot si Pangulong Bongbong Marcos sa isyo ng budget insertions sa General Appropriations Act o GAA.
00:33Hindi ko na kailangan sabihin na kasali yung oong Pangulo dyan.
00:38Kasi kitang kita naman natin, kanino bang pirma?
00:40Ang ebidensya ng kanyang participation is yung pirma niya sa gaang.
00:46Sinasabing naging daan ang mga budget insertions kaya napondohan ang mga flood control projects na kalaunan ay nadiskubreng substandard o mga ghost projects.
00:57Sabi ni Duterte, isang culpable violation of the Constitution na pinayagan ng Pangulo ang budget insertions kahit nakita niya ang ginawa ng Kongreso sa budget.
01:08Pero wala daw balak siyang mag-file ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
01:12Why will we waste our time in filing an impeachment complaint na alam naman natin hindi papansinin ng House of Representatives?
01:25Pero handa daw siyang pumalit sa pwesto bilang Pangulo sakaling kailanganin.
01:30There is no question about my readiness. I presented myself to you when I was a candidate for vice president with the understanding that I am the first in line in succession.
01:43Pinresenta ko sa'yo, tumakbo ako bilang vice president. Pinresenta ko sa inyo yun ang sarili ko at alam ko na first in line ako sa succession.
01:53Hinihinga namin ang pahayag ang malakanyang kaugnay nito.
01:57Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Sarah Hilomen Velasco, nakatutok 24 oras.
02:05Nilinaw ng Justice Department na hindi kasama si Undersecretary Jose Cadiz Jr. sa mga nag-iimbestiga sa kagawaran sa maanumalyang flood control projects.
02:19Yan ay kasunod ng pagdadawit sa kanya ni dating Congressman Zaldico na tumanggap umano ng milyong-milyong piso para dalhin sa bahay ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:29Ayon sa DOJ, naka-leave mula November 21 hanggang 28 si Cadiz at wala rin namang aplikasyon for travel authority abroad.
02:40Nang tanungin kung iniimbestigahan siya ng kagawaran, ayon kay DOJ Acting Secretary Frederick Vida, wala silang jurisdiksyon sa bagay na ito.
02:50Patuloy namin kinukuha ang panig ni Jose Cadiz sa mga aligasyon ni Co.
02:59Dalwa po kami na hindi na-assignan to interview any of the witnesses.
03:04Hindi visible sa akin yung mga evidence being gathered, yung testimonies ng potential witnesses,
03:12similarly with Jose Cadiz.
03:16So, until today po, he is not involved in any of the ongoing investigations relative to the flood control issues of the Department of Justice.
03:27We will maintain our resolute conviction and belief that we need to bring this to the end, na kailangan natin, tulad ng mandato ng Presidente, where the evidence will lead.
03:42Pinunaan ni Sen. Ping Lakson ang paglobo ng pondo para sa ayudang assistance to individuals in crisis situations tuwing may eleksyon.
03:51Ngayong taon, pinakamalaki raw ang nakuhan ng dalawang distrito sa Davao.
03:54Pero sabi ni Vice President Sara Duterte na gamit ang naturang pondo para sa congressional candidates ni dating House Speaker Martin Romualdez.
04:03Nakatutok si Jonathan Andal.
04:05Sa deliberasyon ng plenaryo sa Senado sa budget ng DSWD, tanong ni Sen. Ping Lakson,
04:14bakit daw tuwing may eleksyon, tumataas ang pondo ng Ayudang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AX?
04:22Ang AX ay isang social welfare program ng DSWD na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food,
04:30or financial assistance sa mga kwalipikadong individual.
04:34Sabi ni Lakson, ang 23.6 billion na pondo ng AX noong 2021, tumalon sa 39.8 billion noong 2022 na election year.
04:44Bumaba sa 36.8 billion noong 2023, bumaba ulit sa 34.3 billion noong 2024.
04:51Pero ngayong 2025 na election year ulit, lumobo na naman ang AX sa 44.4 billion pesos.
04:58Ginagamit ito sa politika, not really intended na tulungan yung talagang nangangailangan.
05:08So hindi ito driven ng needs, kundi driven ng politics.
05:14Baka maraming legislators na nagre-request pag election year, di ko alam, no? Baka ganun. Baka ganun ang nangyayari.
05:21That's exactly my point, Mr. President.
05:23Ayon kay Lakson, ngayong 2025, ang pinakamalaking nakakuha ng pondo ng AX ay ang Davao City, 1st at 2nd District,
05:32habang ang may pinakamaliit na AX funds ay sa Sulu, 1st at 2nd District.
05:37Ang tanong ko, anong crisis meron sa Davao City na wala sa Sulu?
05:43Let's be clear, the crisis referred to in AX are personal crisis.
05:48When we speak of these areas, I would say, Mr. President, all over the country, there are families in crisis, personal crisis.
05:57Ang kapatid ni Vice President Sara Duterte na si Rep. Paulo Duterte ang nanalo noong eleksyon 2025 sa Davao City, 1st District,
06:05habang ang pamangkin niyang si Rep. Omar Duterte ang nanalo sa 2nd District.
06:10Pero sabi ng Vice Presidente na gamit daw talaga ang AX para pondohan umano ang mga congressional candidate ni dating House Speaker, Martin Romualdez.
06:20Dito makikita natin na ginamit ang AX para sa politika.
06:26Ginamit nila ang AX to fund congressional candidates that were backed up by Speaker Martin Romualdez.
06:37Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni Romualdez.
06:41Hiling naman ang Vice, tignan din kung magkano ang nakuhang pondoh ng AX sa iba pang congressional district na may kongresistang pumirma sa impeachment complaint laban sa kanya.
06:51Meron ng congressman na nagsabi, di ba, na yung budget hinamit para bayaran sila para pumirma sa impeachment.
07:00Hindi lang sa flood control projects o hard projects, meron din binigay galing sa soft projects tulad ng AX.
07:09Ang payo ni Sen. Laxon sa mga taga-DSWD, huwag nang hayaan ang mga politiko na manghimasok sa mga pamimigay ng ayuda ng ahensya.
07:17Para sa GMA Integrated News, ako po si Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
07:27Magandang gabi mga kapuso!
07:29Ako pong inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
07:33Ang mga alagang aso ng isang mag-asawa mula sa Buanggal der Norte, nakahanap daw ng kamatch sa isang matching.
07:40Alamin natin ang kwento ng pagkakaibigan ng mga aso at ng unggoy na si Moimoy.
07:47A dog is a man's best friend daw.
07:52Pero ang best friend ng mga aso ng ito mula gutalak sa Buanggal del Norte.
07:56Hindi raw tao, kundi isang unggoy.
07:59Birmis silang nakikipag-bonding sa matching.
08:01Ang mga aso at ang BFF nilang unggoy na si Moimoy.
08:05Mga alaga ng mag-asawang dodong at ching.
08:07Taong 2017, nagkupupin daw nila si Moimoy, nang makita nilang mag-isa ito sa bukit.
08:11Nakita po namin si Moimoy nung nagkuma kami sa kinakahol ng aso.
08:16Papakawalan namin sana, sir, pero maliit pa kasi.
08:19Kaya hindi siya mabuhay kung ibalik namin sa forest.
08:23Kaya inalagaan muna namin para siyang bata.
08:26Tapos nagihingi ng pagkain kapag utom.
08:28Hindi naman ako nahirapan sa pagalaga ng unggoy kasi mabait naman siya.
08:32Si Moimoy napamahal daw sa mga kumukup sa kanya.
08:35Kaya kahit ibalik man daw nila ito sa bubat, umuwi pa rin daw ito sa kadiratahanan.
08:38Gusto na niya at napamahal na din namin.
08:41Parang anak na, tinuring namin.
08:43Wala kasi kaming baby.
08:44Kapitid naman daw ang turing ni Moimoy sa mga alagang aso na mag-asawa.
08:49Parating niyang kasama yung aso ko kung saan kami magpunta.
08:52Kaya man niya pagtulog sa gabi.
08:54Kaya napamahal na din siya sa aso.
08:56Yung mga monkeys naman, very intelligent animals yan.
09:01Social animals sila.
09:02Susana sila na may mga kasama silang ibang mga hayop na kagaya nila.
09:06So, dahil si Moimoy wala naman siyang kasama ang mga unggoy, baka rin natutunan niya rin na itong mga aso na ito, yung mga kasama niya.
09:16Pero batid ni Dodong na sa pag-viral ni Moimoy, maaari ito mawiin sa kanya ang alaga.
09:21Kaya handa ro siyang magproseso ng mga kaukulong papeles para mag-indigal ang pag-alaga niya kay Moimoy.
09:26Willing ako na i-process si Moimoy kasi ayaw ko talaga ibigay sa iba yung alaga ko kasi alam ko na may kakayahan ako na mag-alaga kay Moimoy.
09:34Since juvenile pa lang yung unggoy, nasa kanila na hindi na yun basta-basta pwedeng i-release a wild.
09:40Masyado na siyang sanay na nanggabayang yung resources niya dun sa tao.
09:44At sa batas lang naman, merong mga proper processes para mag-handle or mag-keep ng wild animals.
09:52So, depende naman dun sa DNR kung paano sila mag-de-deal with this.
09:56Napakahalaga talaga si Moimoy sa amin kasi wala kaming anak. Parang naling tao na parang napamahal na namin.
10:02Pero may ideya ba kayo kung anong klaseng unggoy si Moimoy?
10:07Huya Kim! Ano na?
10:12Si Moimoy ay isang makaka-fasticularis filipinensis o Philippine long-thead makak.
10:18Endemic ang mga unggoy na ito sa kagubatan, bakawan at kabundukan ng Pilipinas.
10:22Sila'y mga omnivore. Ibig sabihin, kumakain sila ng halaman at hayop.
10:26Maliban sa mga prutas at dahon, kumakain sila ng insekto, alimango at maliliit na hayop.
10:31Sa pantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita, i-post o i-comment lang.
10:36Hashtag Kuya Kim, ano na?
10:38Laging tandaan, kimportante ang may alam.
10:40Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 horas.
10:44Isa na namang yulo ang nagpakitang gilas sa larangan ng gymnastics.
10:55Siya si Carl Eldrum, na hindi lang isa kundi dalawang nasungkit na bronze medal sa 2025 Artistic Gymnastics Junior World Championships.
11:05Bukod sa mga Pinoy, extra proud din ang kanyang kuya na si Double Olympic Gold Medalist Carlos Yulo.
11:13Nakatutok si JP Soriano.
11:15Iba ang tatak yulo.
11:20Yan ang pinatunayan ni Carl Eldrum matapos magkamit ng double bronze sa 2025 Artistic Gymnastics Junior World Championships.
11:29Nitong linggo lang, nakuha ni Eldrum ang unang bronze medal para sa men's floor exercise sa score na 13.7333.
11:37Extra sweet ang podium finish ni Eldrum dahil nakamit niya ang medalya sa kabila ng sprained ankle.
11:45Masakit pa rin po. We still managed to compete with it and we still managed to get bronze even though I injured myself yesterday.
11:55But you know guys, we will fight in the very end to the end.
12:00Kahapon, isa pang bronze ang nakuha ni Eldrum para naman sa Horizontal Bar Finals.
12:05Present doon ang supportive parents ni Eldrum na naging emosyonal pa sa kanyang pagkapanalo.
12:20Siyempre, nagbigay suporta ang kuya niyang si Double Olympic Gold Medalist Carlos Yulo.
12:27Para sa GMA Integrated News, JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
12:33May narecover ulit ang mga otoridad na piraso ng mga buto sa Taal Lake.
12:39Sa gitna pa rin yan, pagkahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabongero na sinasabing inilibing umano sa lawa.
12:45Ayon sa mga otoridad, hinihinalang mga buto ito ng tao at itinerd over na sa SoCo team.
12:50Sa ngayon, nasa kustudiya na ito ng RFU 4A Cavite at CIDG Batangas para isa ilalim sa mas malalim na pagsusuri at investigasyon.
12:59May git dalawang libong pamilyang binaha sa Habongga, Agusan del Norte, kasunod ng pananlasa ng bagyong verbena.
13:10May ilang natabunan pa ng gumuhong lupa ang tirahan.
13:13Nakatutok si Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
13:17Mga lupang nakatabo na sa ilang kalsada, mga kalat na naanod, mga sasakyang na puno pa ng putik at basura.
13:29Ilan lamang ito sa mga iniwang pinsala.
13:32Matapos ang malakas na ulan, hatin ng bagyong verbena sa bayan ng Habongga, Agusan del Norte.
13:37Ang kaniad tong mga kabalayan, karoon, nahimong, puro siyuta na lamang.
13:44Kinihuman ang nahitabong dakong landslide din sa barangay A. Beltran sa lungsod sa Habongga, Agusan del Norte.
13:51Epekto gyapon sa bagyong verbena.
13:55Swerte'ng nakaligtas ang pamilya ni Rodrigo.
13:58Itinuturing rin na pangalawang buhay ni Aris ang milagrong makaligtas sa sakuna.
14:22Ilang minuto lang kasi bago ito gumuho, tinawag siya ng kanyang kaibigan.
14:26Ari na ako, wala na natabunan na gano'n toon.
14:30Purot ang mga gamit.
14:32Ang nabili na ako, short round, drip.
14:36Okay, wala ko ay baro dito ng dahik.
14:39Emosyonal rin nang makausap namin si Nana Eleonora.
14:43Nalubog sa baha ang kanyang tindahan at bahay sa barangay Balinguan kahapon.
14:49Mahigit, 70 taon na raw siyang nakatira sa lugar.
14:52Pero, ngayon pa lang niya naranasan ang ganong klaseng baha.
14:57Sila nalang mahiba o kung sa ilang ika-tabang ba?
15:01Ang mga opisyal sa itong goberno kung sa ilang ika-tabang sa amo.
15:08Dawa ito na mo sa ulay sa payan.
15:10Salamat yun kayo.
15:14Umaapila ng tulong ang mga residente.
15:17Ayon sa LGO, nasa mahigit 2,000 na pamilya o mahigit 9,000 na mga individual ang apektado ng pagbaha.
15:25Ang pinaka-goal mo ginato sa tanan, disaster operation, disaster response kay zero casualty.
15:31And we're glad niya, kaluhi sa ginoong, luwas sa mga habungan noon.
15:37Sa wala may, doon ay mga report of evacuies, na ay mga report of mga need rescue noon, pero luwas sila tanan.
15:47Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Cyril Chavez, nakatutok 24 oras.
16:01Bukas na mapapanood sa big screen ang level up na katatukutang hatid ng KMJS Gabi ng Lagim the Movie.
16:08Pero bago yan, napunong muna ng kilig ang premiere ng pinikula dahil sa tila exclusive meet and greet doon.
16:15Nang sparkle stars na sina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao.
16:20Makichika kay Aubrey Carampel.
16:25Ang black carpet premiere ng pilikulang KMJS Gabi ng Lagim, naging Gabi ng Lambing.
16:32Dahil yan, sa dalang kilig ng unang pakikita ni na star of the new gen Jillian Ward
16:37at young boxer and new sparkle artist na si Eman Bacosa Pacquiao.
16:45Agad nag-viral ang meet and greet video na mayroon ng mahigit 14 million views
16:51sa official Instagram account ng GMA Regional TV at Sparkle GMA Artist Center.
16:57Nag-uumapaw raw ang chemistry ni na Jillian at Eman.
17:02Bumiyaki pa raw si Eman mula kota bato para surpresahin si Jill.
17:06Sobrang na-surprise mo kasi wala akong idea at all.
17:10So nagulat po talaga ako.
17:12And ayun, syempre I'm very happy, very very happy.
17:17And kasi po pag ano, yung nakikita ko lang siya, either nag-like siya or yung nagpag nagbe-message po siya.
17:25Actually, sobrang sweet po ni Eman, nagbe-message siya minsan na God bless as mga reminders to have a great day.
17:34Syempre, masaya po yung heart ko na nakita ko siya.
17:37I'm very thrilled and honored po na nakasama ko po siya ngayon manood ng gabi ng lagim.
17:44Pero teka, bakit parang may namumuong love triangle?
17:49Ang ka-love dim kasi ni Jill na si Rahil Biria sa abot kamay na pangarap at never say die,
17:54pabirong hinamon ng sparring si Eman.
17:58Ni-repost naman niya ni Eman with emoji na boxing gloves.
18:03Bukod sa kanyang showbiz crush, na-meet na rin ni Eman ang kanyang idol na si Ding Dong Dantes na dumalo rin sa premiere night.
18:14Kaya yun na ako?
18:15Kaya yun na ako?
18:16Kaya yun na ako?
18:17Kaya yun na ako?
18:17Kaya yun na ako?
18:18Kaya yun na ako?
18:18Kaya yun na ako?
18:18Kaya yun na ako?
18:19Kaya yun na ako?
18:19Kaya yun na ako?
18:19Kaya yun na ako?
18:20Kaya yun na ako?
18:20Kaya yun na ako?
18:21Saan man na mararating ng iyong professional career?
18:26Full support din sa movie ang ilang Sparkle at Kapuso stars, gaya ni na Barbie Forteza, Isabel Ortega at Jack Roberto.
18:34Naroon din si National Artist for Film and Broadcast Arts, Rikki Lee, GMA Network Senior Vice President and GMA Pictures President Attorney Annette Gozon Valdez,
18:44GMA Pictures Executive Vice President and GMA Public Affairs Senior Vice President Nessa Valdeleon at Sparkle First Vice President Joy Marcelo.
18:54Siyempre present din ang mga bida ng horror trilogy.
18:58Ang bida sa episode na Pochong na si Miguel Tan Felix at kanyang co-stars na si John Lucas, Ara San Agustin at Eva Darin.
19:07Sobrang intense and natuwa ako, nag-enjoy ako dahil iba't-ibang episodes, may iba't-ibang treatments so sobrang sulit.
19:17Present din ang bida ng verbalang na si Sanya Lopez at ang co-star na si Rocco Nasino.
19:23Iba-iba yung nararamdaman mo, every tema, iba yung feeling meron drama, meron kang matatawa ka, meron talagang seryoso, nakakatakot na baka nga magkatotoo.
19:33So nakakatawa, nakakaali yun.
19:36Kakilabot lang na may evidence eh, na totoong nangyari, true stories talaga.
19:40Dumating din ang cast ng Sanib na pinagbibidahan ni Jillian, kasama si na Ashley Ortega, Lotlot de Leon, Epi Kizon at Nikiko.
19:50Naroon din ang kanilang mga direktor.
19:52At syempre, ang multi-awarded journalist and host na si Jessica Suho.
19:57Napaka-intense. Parang, wow, nakagawa kami ng ganito. Hindi ako makapaniwala, nakaka-proud.
20:06Kasi, yung storya ang solid eh. Tapos yung mga effects at saka yung storytelling, wow talaga. Manood ho sana kayo.
20:17Aubrey Carampel, updated sa Showbiz Happenings.
20:20But I'm scared! Showing na ang KMJS Gabi ng Lagim the Movies sa mga sinehan simula bukas, November 26.
20:30And that's my chica this Tuesday night. Ako po si Ia Adaliano. Miss Mel, Emil.
20:35Salamat, Ia. Thanks, Ia.
20:38At yan ang mga balita ngayong Martes, 30 araw na lang. Pasko na.
20:44Ako po si Mel Tiyanko para sa mas malaking misyon.
20:47Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan. Ako po si Emil Sumangil.
20:51Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
20:55Nakatuto kami 24 o'r.
20:57Puno ng puso, ang Paskuso ng Pasko, puno ng pagmamahal.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended