Skip to playerSkip to main content
  • 13 minutes ago
Panayam kay DICT Usec. David Almirol Jr. ukol sa naiulat na umanoy breach incident core infrastructure ng eGovPH app

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00...nayulat na umunoy breach incidents sa core infrastructure ng eGovPH app
00:04at ipag-uusapan kasama si Department of Information and Communications Technology Undersecretary David Almirol Jr.
00:11Yusek Almirol, magandang tangali po. Welcome po sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:16Hello, Josh. Magandang tangali.
00:19Sir, nilinaw po ng DICT na walang verified breach sa core infrastructure ng eGovPH.
00:25Pakipaliwanag po kung paano po ninyo natukoy na isolated lamang ang mga naiulat na insidente.
00:31Opo, wala pong breach po sa ating eGovPH app.
00:34So, yung pong mga nabalita dati na noong 2014 na mayroon pong breach,
00:40ito po ay isang third-party system na nag-integrate sa eGov.
00:44Ito po isang e-complaint system ng isang ahensya na nag-integrate sa eGov
00:49na doon po nagsusumbong yung mga reklamo po nila.
00:52So, yung pong data na pinakita po doon sa sinasabing breach ay hindi po data ng eGov yun.
00:58Ito po ay data ng isang third-party e-complaint system na wala naman pong mga personal information.
01:05So, mali po yung balita na eGov miss po yung nabridge.
01:09Ngayon po kasi, nasa 1,000 maigit na po na government systems ang naka-integrate po sa eGov.
01:14Isa lang po yun sa naka-integrate sa eGov.
01:16So, tatandaan po natin na ang eGov po ay hindi po kami nangangalaga ng datos po ng bawat ahensya.
01:23So, example, pag pumunta ka sa eGov at nag-click ka ng pill health, wala sa amin po ang datos
01:27ng pill health.
01:28Nakay pill health po yun.
01:29Pag nag-click ka naman ng GSIS or pag-ibig, ang datos po wala sa amin.
01:35Nasa GSIS din o pag-ibig.
01:37Ganoon din po yung nangyari po doon sa isang nire-report nila na meron daw pong bridge po na nangyari.
01:43Pero hindi po eGov up po yun.
01:44It's a third-party system na isa lang sa nag-integrate po sa eGov.
01:48So, Yusek, sa gitna po ng inyong pag-iimbestiga, no?
01:51May pangamba pa rin yung publiko tungkol sa posibleng pagkuhan ng kanilang personal data.
01:56Ano po yung konkretong ebedensya na nagpapatunay na walang large-scale data extraction na nangyari?
02:04Dito po sa eGov team natin, iskampante po tayo na wala po tayong mangyaring hacking po.
02:08Number one, naka-full encrypt po tayo sa eGov.
02:10So, ibig sabihin, lahat ng datos po natin po sa registration, sa atnatawag po na EKYC, ay full encrypted po
02:17ito.
02:17Kahit po yung programmer namin, hindi po kaya po mabasahin po yung datos po, no?
02:22So, aside po sa full encryption na ginawa natin sa ating eGov, meron po tayong layers of security natin na
02:28nilagay.
02:30And at the same time, kahit po na unified platform po siya, ang mga datos po ay wala po sa
02:35DICT, wala po sa amin.
02:37Kanya-kanya po ang mga government agency na nangangalaga po ng kanya-kanya mga datos po nila.
02:42Integration lang po yung pong sakop po ng eGov super app natin.
02:46Alright.
02:46Yusek, meron kasi mga unverified posts online na yung mga senior citizens na kadalasan nabibiktima nito
02:52at sinasabi na nalilimas yung kanilang mga savings account dahil nagpapanggap na itong mga tawag na natatanggap nila
02:59ay mula sa eGov PH app.
03:02Pero para lang po marinawan, sa mga reklamo po na natatanggap ninyo,
03:07ano po ba yung mga naging modus itong mga naging insidente?
03:12Parami po modus yan na nagkukunyari po yan na tumatawag na sila ay empleyado ng gobyerno.
03:18Yung iba nga dyan, nag-prepetend na eGov staff daw sila or PSA staff sila or National ID staff sila
03:25at ini-encourage nila yung citizen na mag-update nung kanilang record.
03:29So, during the conversation, kung yung pong tao ay sinasaniwala na empleyado lang ng gobyerno yung kausap,
03:37so, nagda-download naman na siya ng mga peking app naman na at pinapasok po yung email niya, password niya,
03:43kaya po nakukuha po yung kanilang mga email password.
03:47Kaya po, ang lagi po namin sinasabi, wala pong employee ng gobyerno, pati po si eGov app,
03:55natatawag po sa inyo para lang po mag-install ng app or mag-update ng record.
04:00Wala pong ganon. So, huwag po tayong maniniwala na kailangan mag-update ng record
04:06by talking to someone. Wala pong ganon.
04:08Scam po yun pag may tumatawag agad-agad na nag-prepetend na eGov app staff sila
04:13or ibang mga ahensya.
04:15So, yun sa eksagitna ng mga kumakalat na online claims,
04:18paano ninyo binabalanse yung transparency sa publiko
04:21at yung pangangailangang hindi makukompromiso ang security investigations?
04:27So, maganda po ngayon yung ginawa natin sa eGov dahil isa po siyang decentralized system.
04:33Kumbaga, unified po yung interface sa tao.
04:36Talaga pong pag pumasok yung Pilipino po doon,
04:39nandun na po lahat ng government services niya.
04:41Nandun niya ma-access niya yung napakarami mga government services
04:44kasi ito naman po yung binin ng ating mahal na pangulo na dalhin ang gobyerno sa tao.
04:48Pero syempre po, kailangan mag-ingat pa rin po tayo.
04:50Especially yung mga nag-i-scam at ginagamit po nila yung eGov.
04:55Dahil nga, ang dami ng users ng eGov po ngayon,
04:58nasa 40 million downloads na po tayo.
05:00At talagang gamit na gamit po yan, talagang dinala natin ang gobyerno malapit sa tao
05:05para wala nang tila, wala nang traffic.
05:08Pero po, taakibat dito po yung magpapagkunyaring mga tao
05:12na ginagamit po yung popularity ng eGov para makapang-scam po sila.
05:16So, part na rin po ng initiative natin ay yung pong pagbibigay ng information
05:20na it-download mo lang pong eGov sa App Store at Google Play.
05:25Huwag po kung kanikarin ng mga tao.
05:27Okay. Yusek, paano natin yung information dissemination,
05:31paano natin tinataas pa yung kamalayan ng publiko na gumagamit
05:34o tumatangkitit itong eGov PH app para hindi sila mabiktima ng scam?
05:38Do we put up warnings or do we send the messages sa kanila
05:41na sabihin na bigyan sila ng warnings sa mga possible scams
05:46na pwede nila mainkwentro o mainkwentro?
05:48Opo. So, meron na po tayong messaging na pinapadala po sa mga users ng eGov
05:54na mag-ingat po sa mga scam activities, especially po yung gumagamit po sa pangalan ng eGov
06:01at nag-prepetent na mga empleyado po sila ng gobyerno.
06:05At meron din po tayong pangipagtulungan po sa CICC na pag meron pong tumatawag sa inyo
06:11na nag-prepetent na eGov, is-tapos sila, isumbong nyo po yan sa eGov din.
06:17Sa eGov, meron pong button doon ng report.
06:19Pagka-click mo ng report button, i-click mo po yung scam,
06:23i-report mo po yung nang-scam sa inyo para investigahan po yan
06:27ng ating CICC naman po yung mag-i-investiga.
06:31Yung search sa inyong technical assessment, may nakita po ba kayong vulnerabilities
06:35na kailangan agad na ayusin kahit walang na-verify na breach?
06:39Sapat po ba yung kasalukuyang cybersecurity capacity ng pamahalaan?
06:43Ang cybersecurity po ay isa pong tuloy-tuloy po na aktividades.
06:47Hindi po ito dapat tumitigil.
06:49So we're working together with our cybersecurity bureau
06:52na dapat maya't maya po kinecheck po yan
06:54at dapat kinocomply po agad-agad ng team namin
06:57pag may mga nakita pong mga vulnerability.
06:59Malait man po yan o malaki,
07:01sinakailangan pong asikasuhin po yan.
07:04Although nag-focus po kami sa pinatawag na cybersecurity by design,
07:07ibig sabihin, lahat po ng ginagawa namin sa DICT e-gov
07:11ay prioridad po namin ang cybersecurity.
07:14Kasi po, nandito po yung aming credibilidad po.
07:17Isa lang po yan, magkaroon ng breach po yan
07:19na magkakaroon po tayo ng distrust sa ating ginagamit ng e-gov.
07:23Kaya po, since day one,
07:25naging prioridad po namin po ang sekuridad po ng e-gov.
07:29Kaya nag-full-incrept po tayo
07:30para po whether magkaroon ng disclosure o hindi sa data,
07:34wala pong mababasang datos at all
07:37kasi nga naka-full-incrept po tayo.
07:38Yan po yung ating in-implement po.
07:40Tuloy-tuloy po yan
07:41at hindi po tayo tumitigil po
07:43na magdagdag ng mga additional security measures.
07:45Okay.
07:46Yusek,
07:47baka maaaring natin gawin,
07:50babala na rin ito
07:51at para mag-ingat yung ating mga kababayan.
07:53Doon sa nasabi mo na e-gov or report,
07:56i-report doon sa e-gov PH app
07:58na pwede nilang gamitin
08:00kapagka sila ay nabiktima
08:01o mabibiktima ng scam.
08:03Matanong ko lang po,
08:04pagka po ba nag-report sila
08:05at sakay na nabiktima na sila,
08:06may babalik pa ba yung perang nakuha sa kanila?
08:08May posibilidad pa ba makibalik?
08:11Yung pong pag-report po dyan
08:13ay depende po kung ano po yung kanilang
08:16nagamit po.
08:17Normally po yan,
08:18mga e-wallet po yung mga nagpapadalhan.
08:20Pwede pong isumbong po ninyo ito
08:22sa mga CICC.
08:25Si CICC naman magko-coordinate po yan
08:27kung ano pong banko
08:28or Gcash man yan
08:30o maya man yan
08:31at we hope po na
08:32tumulong po sila sa investigation
08:34pati po yung pagbabalik.
08:36Ang pinaka-problema po dito
08:37pag binigay mo na po kasi
08:39yung email mo,
08:41yung password mo,
08:42yung OTP mo
08:43doon sa scammer,
08:44parang ikaw na po yung gumamit.
08:46So kaya po nga po yung
08:47nagiging paliwanag natin lagi
08:50na sana po
08:51sa ating mga mahal na kababayan
08:54alam po natin po
08:55yung napakagandang intention po
08:56ng e-gov.
08:57Na talagang napakaraming
08:59government agencies na po yung nandyan
09:01at talagang we're giving
09:02efficient and ease of doing business
09:05sa ating mga mamamayan
09:07at expected na po ito
09:11na talagang
09:11pati po mga scammer
09:13ay magkukunyari sila
09:14na gagamitin po ang pangalan ng e-gov
09:16kasi nasa 40 million users na po tayo
09:18sa e-gov.
09:19Kaya po,
09:19ang kababala po natin
09:21at ulit namin sinasabi,
09:23wag na wag po kayo magpapaloko
09:25sa mga tumatawag
09:26o nag-prepetent po
09:27na staff po ng gobyerno.
09:28Kahit hindi po e-gov yan,
09:29minsan nag-prepetent po silang
09:31national ID staff
09:32or PSA staff
09:33or GSIS staff.
09:35Hindi po totoo yun.
09:36Wala pong government employee
09:38ang tatawag po sa inyo
09:39at humihingi po ng password
09:41o magda-download manually po
09:43ng mga sistema
09:44or mga mobile app.
09:46Scam po agad-agad po yun.
09:48So, Yusek,
09:49sa nabanggit po ninyo,
09:50meron na po ba kayong
09:51coordination at pag-uusap
09:52sa lahat ng mga ahensya
09:53ng pamahalaan
09:54na nandyan sa e-gov.ph
09:56para pagsabihan sila
09:58na ang kanilang mga kliyente
09:59ay abisuhan din
10:00na may mga scammers
10:01na gumagamit
10:02ng kanilang mga ahensya.
10:05Opo.
10:05Meron kaming inter-agency meetings
10:07na kasama po namin po dito po
10:09ang CICC
10:11para po magkaroon po kami
10:12ng information
10:14de-dissemination.
10:15Hindi lang po si DICC
10:17dapat po ang mag-disseminate.
10:19Dapat kanya-kanyang
10:20government agencies po
10:21ang mag-disseminate.
10:22Kung maalala ko ninyo,
10:24may mga nare-receive tayo
10:25po mga text messages
10:26minsan po sa iba-ibang ahensya
10:28na nag-prepetent
10:29na may violation ka
10:30or nag-prepetent
10:31na meron kang
10:32kailang i-update sa record mo.
10:34So, dapat combined forces po
10:36sa lahat ng ahensya.
10:37So, meron na po kaming
10:38initiative po na
10:39na pangkalahatan po
10:41ay mag-disseminate po kami
10:42lahat po ng information
10:43again sa scammers po.
10:45Okay, Yusek.
10:46Mensahe niyo na lang po
10:47sa ating mga kababayan
10:48na patuloy na gumagamit
10:49itong EGOV PH app.
10:51Pati na rin po
10:51ang inyong mensahe
10:52para ma-maximize nila
10:54itong EGOV PH app
10:55para dun sa mga nais
10:56humingi ng tulong
10:57na mga financial, medical
10:59para makakuha ng appointment
11:01dyan sa EGOV PH app
11:03at makapunta sa e-servisyo
11:04o EGOV Servisyo Hub
11:06sa naman.
11:08Opo.
11:08Hindi lang po sa naman
11:10as-sequeng.
11:11Meron na tayong Cebu ngayon
11:12at sa ating servisyo hub.
11:14Sa EGOV app po
11:15pag nangangailangan po kayo
11:16ng mga financial
11:17or medical support
11:19alimbawa
11:20wala kayong pamili ng gamot
11:21or
11:21kung bayit po sa hospital
11:23nagkulang po
11:24tumutulong po
11:25ang gobyerno
11:25nandyan po ang DOH
11:27nandyan po ang
11:29PhilHealth
11:29ang DSWD
11:30Kung gusto ko ninyo pong
11:32mag-set ng appointment
11:33gamitin nyo lang po
11:34yung EGOV app
11:34meron pong button po dyan
11:36ng EGOV Servisyo Hub po.
11:38Para magtarot po kayo
11:39ng appointment
11:41at yung mga ibang
11:42government services naman
11:43huwag na po kayong
11:44pabila pa.
11:45Nandyan na po yung
11:46iba-ibang klase
11:46ng government services
11:47nandyan na po yung
11:48national ID nyo
11:49yung driver's license nyo
11:51yung PRC ninyo
11:52PhilHealth nyo
11:53pag-ibig nyo
11:54GSIS nyo
11:55so
11:56makakatipid po kayo
11:57sa biyahe
11:58at hindi na
11:58kinakailangan pong
11:59gumaksos pa ng
12:01gasolina
12:01or
12:02matraffic po
12:03bahay na lang po
12:04ma-avail nyo na po
12:06ang napakaraming
12:06government services
12:07para
12:08spend time with your
12:09family na nga
12:10yun po yung ating
12:11sinasabi ngayon
12:12instead of wasting time
12:13falling in line
12:14to complicated
12:16processes ng government
12:17madali na po ngayon
12:18dahil po sa ating
12:19EGov Subra
12:20Okay
12:21Bago po ang lahat
12:22na ulitin na natin
12:23Yusek, Asik
12:24na wala po
12:24sa ating mga manonood
12:26wala po
12:26tatawag sa inyo
12:27na mula sa mga
12:28ahensya ng gobyerno
12:29o maging sa
12:30tauhan o magpapanggap
12:31na tauhan
12:31ng EGov PH app
12:33nahihingi
12:34ng inyong OTP
12:35at ng inyong mga
12:36personal na informasyon
12:37On that note
12:37maraming maraming salamat po
12:38sa inyong oras
12:39DICT Undersecretary
12:40David Almirol Jr.
12:43Salamat po
12:44Maraming salamat po
12:45Josh and Mike
12:46Maraming salamat po
Comments

Recommended