00:00Samantala, nakahanda si Sen. Sherwin Gatchalian na suportahan ang Pag-asa Island upang matugunaan ang pangailangan nito sa istruktura at
00:08infrastruktura.
00:09Samantala, tuloy na tuloy na sa Abril ang Patriotic Tours sa isla.
00:13Ito ang ulat ni J.M. Thompson.
00:18Naging ligtas at matagumpay ang pagbisita ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Pag-asa Island.
00:24Doon nakaharap na Senador si Philippine Coast Guard Spokesperson Jay Tariela at ilang opisyal ng isla at personal na inalam
00:32ang mga pangangailangan ng mga residente doon.
00:35Pinapurihan naman ang Senador ang presensya ng mga naroon sa isla sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga
00:42residente.
00:43Aniya, simbolo ng soberanya ang mamamayan doon kaya nararapat lamang nasuportahan ng kanilang mga pangangailangan gaya ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan
00:55at siguridad.
00:56Ibinida naman ni Gatchalian ang ganda ng ilang mga pasilidad ng Pag-asa Island kabilang na dyan ng bagong gawang
01:02runway, pantalan at estasyon ng Philippine Air Force.
01:07Gayunman, personal ding nakita ng Senador ang ilang kakulangan sa government facilities gaya ng munisipyo.
01:15So, kawawa nga yung mayor at vice mayor at sanggun yan, nagsesesyon sila sa basketball court.
01:21So, dapat magsuportahan natin yung kanilang municipal hall dahil simbolo yan ng governance naman.
01:27Samantala, nakatakda namang maglunsad ang bayan ng kalayaan sa palawan ng Patriotic Tours patungong Pag-asa Island simula Abril.
01:37Layunin itong palakasin ng kamalayang makabayan at ipakita ang kahalagahan ng soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:45Magkakaroon din ng libreng transportasyon mula Puerto Princesa para sa mga mapipiling kalahok.
01:52J. M. Thompson para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.
Comments