00:00Doble kayo na ang NGCP para maibalik sa loob ng sampung araw
00:04ang naandalang power transmission services sa maraming lugar dahil sa Bagyong Uwan.
00:10Yan ang ulat ni Harley Valverna.
00:14Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines
00:17na marami sa kanilang istruktura at power transmission lines
00:21ang napinsala sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan.
00:25Kabilang dito ang mga natumbang poste at naputol na kable ng transmission lines.
00:32May 16 na tuppled structures or yung tumumba na poste.
00:37Meron tayong 12 nakahilig or leaning structures
00:41tapos may 26 na ibang facilities na cut conductors or naputol yung kable
00:49o di kaya may nakasampang vegetation o puno.
00:52Sa ngayon ay marami pa rin power transmission lines ang unavailable
00:56pero meron na rin mga na-restore o naisaayos na.
01:01Pero ayon sa NGCP, hindi pa na ibabalik ang buong power transmission services
01:07sa Mountain Province at sa Camarines Norte
01:10habang partial outage naman ang naranasan sa Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Ifugao, Quezon Province, Camarinesur, Albay, Sorosogon at Northern Samar.
01:23Pag sinasabi namin walang transmission service, ibig sabihin nun na hindi nakakaratis sa kooperatiba.
01:29Pag sinasabi namin partial, hindi ibig sabihin nun na may kuryente na yung ibang lugar
01:34kasi posibling may lugar na may transmission service pero hindi pa handa ang kooperatiba.
01:40Tawag na ito, nagbigay na ang Department of Energy ng 10 araw na palugit sa NGCP
01:47para ma-restore o may balik ang lahat ng nasira at naantalang power transmission services.
01:54Samantala, inanunsyo rin ng NGCP ang pagtaas ng transmission rates ngayong Nobyembre
02:00mula sa 1 pesos and 39 centavos per kilowatt hour noong nakarang buwan.
02:06Tataas ito sa 1 pesos and 51 centavos o katumbas ng 7.91% increase.
02:13Ang isang customer na kumokonsumo ng 200 kilowatt hour na kuryente kada buwan
02:18ay magkakaroon ng 302 pesos na average transmission rate sa kanilang bill.
02:25The increase in rates generally is due to the, by the unsecure service reserve.
02:34The increase is due to the high prices of the reserve market.
02:38Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.