Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, March 22, 2026:


Tigil-bayad muna para sa mga biniling modern jeep, ipinanawagan


Mga PUV at cargo truck, may toll rebate sa SLEX at STAR Tollway


Roblox ban sa Pilipinas, pinag-aaralan dahil sa panganib umano sa mga kabataan


Umano'y propaganda drive ng China sa mga paaralan sa Pilipinas, bineberipika ng DepEd


Iranian power plants pupulbusin kung 'di bubuksan ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras—Trump


Alex Eala, abante sa Round of 16 ng Miami Open


'Di bababa sa 4 sugatan nang mabagsakan ng binubuhat na bahay sa Zamboanga del Sur


Rep. Luistro: walang double standard sa PBBM, VPSD impeachment complaints


Malaysian, nahulihan sa NAIA ng 15 kg ng umano'y shabu na nasa P102M


Mahinang ani ng palay at pagmahal ng bigas, nakikita kung magigipit ang supply ng abono


Mga mais sa Koronadal, natutuyot na dahil 2 linggo nang hindi maulan


Tricycle sa Bulacan, ninakawan ng gasolina


3-term school calendar, aprubado na ng pangulo


Bangkang pangisda lumubog, 32 sakay na magsu-swimming nasagip


BARMM polls logistics at supplies, posibleng magmahal dahil sa mega OPH—COMELEC


Strawberry Festival, ipinagdiwang sa La Trinidad, Benguet


Philippine deer na itinuring na "locally extinct' muling namataan sa Marinduque


PBBM: Simula April 6 ang ayuda sa transport sector sa mga probinsya


Batang tumalon sa ilog para kunin ang nahulog na laruan ng kaibigan, nalunod


Comeback concert ng BTS, dinagsa ng worldwide fans


Euro II petrol na mas mababa ang kalidad, pinayagan ng DOE na magamit muna


Stranded na balyena, pinagkaguluhan ng mga tao at namatay kalaunan


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:15Transcription by CastingWords
00:30Ang hiling naman ng mga nakamodern jeepney bukod sa ayuda, moratorium o tingil bayad muna para sa kanilang biniling unit.
00:37Mula sa Quezon City, nakatutok live.
00:40Darlene Time.
00:41Darlene.
00:45Pia Ivan, talagang krisis para sa mga tsuperang taas ng presyo ng langis ngayon na inaasahang lalo pang magmamahal sa
00:53Martes.
00:53Kaya bukas, magtitigil pasada ang libo-libong jeepney drivers sa buong bansa.
00:58Dagdag sila sa mga nauna ng tumigil nitong mga nakaraang araw.
01:05Hindi pa mag-menor ang pagsirit ng presyo ng petrolyo.
01:10Sa Martes, ayon sa Industry Sources, 16-18 piso ang inaasahang dagdag sa kada litro ng diesel at siyam hanggang
01:1711 piso naman sa kada litro ng gasolina.
01:20Kaya po si Biraw lumagpas sa 120 pesos o higit pa ang kada litro ng diesel sa ilang gasolinahan.
01:28Sa ngayon talaga mam, wala. Talagang wala nang kinikita.
01:32Tsatsaga na lang po kami, wala nang ibang halap buhay.
01:35Swerte na si JR kung kumita ng 300 piso sa isang araw.
01:39Ang tricycle driver na si John Michael, halos 24 oras kung pumasada para umabot sa 500 piso ang iuuwi niya
01:46sa pamilya.
01:51Sabi nga ng jeepney driver na si Ray, mabuti sana kung may tumutulong sa kanila.
01:55Sa ngayon ang hirap. Masahol pa sa pandemic ngayon.
01:59Kaya nagkasa ng transport holiday bukas ang acto, Alliance of Concerned Transport Organization at iba pa nilang kasama.
02:07Nasa 20,000 modern at traditional jeep daw sa buong bansa ang hindi papasada bukas.
02:12Ibanggaman namin ang aming mga ulo sa pader.
02:15E talagang hirap na hirap po kami at talagang lugi po ang mga drivers natin kapag po sila bumiyahe na
02:22napakamahal po ng ating mga kurudo.
02:24At ito po ay talagang dagok po sa hanay ng transport sector.
02:28Nananawagan sila ng ayuda mula sa pamahalaan at pangunawa raw kung hindi makabayat agad sa pagbili ng mga unit ng
02:35modern jeep.
02:36Ang pinakahingi namin dito sa lahat, yung mga nakapag-modernize na po ma'am, yung moratorium sa mga banko na
02:45sana tulungan kami ng gobyerno na huwag muna kami makapagbayad dahil nga krisis ngayon kahit natong buwan o 6 na
02:51buwan.
02:52Inaasahang magtitigilpasada rin ang manibayla sa mga susunod na araw pero ngayon pa lang, mahigit 3,000 miyembro nila ang
02:58hindi na pumapasada sa Metro Manila.
03:01Sa hapon nga, ang sabi sa atin talagang gusto na muna nilang mag-anap ng ibang pagkakabuhayan kung talagang hindi
03:09masususpend itong excise tax, itong value-added tax at itong fair increase na katiting na nga binawi pa.
03:18Tigilpasada rin bukas ang nasa halos 2,000 miyembro ng Western Visayas Alliance of Transport Cooperatives and Corporations Incorporated.
03:27Suspendido ang face-to-face klase sa lahat ng antasay Luilo City bukas.
03:31Ayon sa LTFRB Region 10, naiintindihan nila ang sentimiento ng mga transport group dahil sa krisis sa petrolyo.
03:38Pero hindi daw dapat mabalda ang sektor ng transportasyon kaya nakikipag-ugnayan na sila sa mga LGU at mga pribadong
03:44kumpanya na maaaring tumulong para may masakyan ang mga pasahero.
03:48Sisimula na ngayong linggo ng DSWD ang pamimigay ng ayuda sa mga jeep niya at TNVS driver at mga motor
03:54taxi at delivery riders.
03:55Across the board, tigpa 5,000 pesos. May round 2, round 3, depending yan sa mga mangyayari na events sa
04:02mga darating na araw.
04:03Magsisimula tayo magbigay ng cash relief assistance sa TNVS driver sa Tuesday, March 24.
04:10Sa public utility jeeps sa Wednesday, March 25.
04:14Sa lahat ng delivery services sa Thursday at Friday, March 26 and 27.
04:20And then para sa motorcycle taxi, Saturday, March 28.
04:29Ivan, patuloy natin hinihingi yung panig ng DOTR at LTFRB patungkol dito sa moratorium na hinihingi ng ilang transport groups.
04:37At para po sa mga commuter, agahan nyo po yung alisbukas at asahan ang mas kakaunting masasakyan.
04:43Yan ang latest mula rito sa Quezon City. Balik sa'yo, Ivan.
04:47Maraming salamat sa'yo, Darlene Kai.
04:50Magkakaroon po ng toll discount ang mga PUV at cargo trucks sa S-Lex at sa Star Tollway.
04:55Sa S-Lex, mula po P160 pesos, magiging P147 pesos ang toll para sa Class 1.
05:02At para sa Class 2 naman, mula P321 pesos, magiging P295 pesos po ito.
05:08Habang mula P481 pesos, magiging P442 pesos para sa Class 3.
05:13Sa Star Tollway, magiging P104 pesos ang toll sa Class 1 at P208 pesos naman para sa Class 2 at
05:21P311 pesos para sa Class 3.
05:24Para mapabilang sa programa, dapat ay good standing at walang unsettled traffic violation ang mga driver sa alinman sa mga
05:31SMC Expressway.
05:33At ayon sa SMC Infrastructure, tatagal ng dalawang buwan ang toll rebate.
05:40Sa ibang balita, pinag-aaralan ng gobyerno na ipagbawal sa bansa ang online game na Roblox.
05:46Nagagamit anila kasi ito sa sexual predation at maging sa pag-brainwash sa mga kabataan para gumawa ng karahasan.
05:53Nakatutok si Jonathan Andal.
05:59Sa operasyon noong nakaraang linggo, nailigtas sa Laguna ang mga estudyanteng na bistong nagplano umanong gumawa ng pag-atake at
06:07karahasan.
06:07Sa kanilang paaralan, na-rescue sila bago pa na isagawa ang marahas na plano na binalak-ikasan itong Pebrero.
06:14Na-recruit sila sa pamamagitan ng online game na karaniwang nilalaro ng mga bata.
06:19They recruited the children on Roblox, dinala sa messaging platform. Doon, pinagsak yung mga videos, indoctrinating them, convincing them to
06:31commit terroristic acts.
06:32Sabi noon ng pulis siya, na-expose ang mga bata sa nihilistic violence online.
06:38At ipinanood sila ng mga video ng mass attacker at hinikayat na bumili ng armas.
06:43Sabi ng gobyerno, dapat na silang manghimasok dito. Dahil dito, pinag-aaralan ng CICC o Cybercrime Investigation and Coordinating Center
06:51na iban o ipagbawal sa bansa ang Roblox.
06:55Lalo't sabi ng CICC, nagagamit din ito sa sexual predation, grooming at exploitation ng mga minordeedad.
07:03Binigyan ng CICC ang Roblox ng dalawang linggo para makipag-ugnayan sa kanila.
07:08Parating na lang kami nagbablock pero kung hindi naman nakikinig sa atin.
07:12And I think even other states in the US, hindi talaga sila kinakausap na roadblocks.
07:17So they pursued legal actions against that platform.
07:20And we're getting yung mga feedback sa mga magulang.
07:24They're really, really pushing forward for the strict regulation of that particular gaming platform.
07:31If not, total blocking talaga ng platform.
07:34Ang cybercrime watchdog na Digital Pinoy, suportado ang ban na hindi naman daw may tuturing na censorship.
07:41Ito malinaw na accountability ito kasi mayroong corrective actions na ibinibigay at binibigay po sila ng due process.
07:48Kaya malinaw po na hindi po ito censorship.
07:51Nanawagan naman ang CICC sa mga magulang maging alerto sa mga red flag na mapapansin sa anak na nahuhumaling sa
07:59mobile games.
07:59Gaya ng pagbabago ng ugali at emosyon.
08:02Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng roadblocks tungkol dito.
08:05Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
08:12Biniberipikan ng Department of Education ang umano'y paggamit ng mga paaralan sa Pilipinas para magpakalat umano ng propaganda ng
08:19China.
08:19Ay sa DEPED, mariin itong tinututulan ang anumang tangkang paggamit sa mga pampublikong paaralan para sa foreign political influence o
08:28propaganda.
08:29Palalakasin daw ng DEPED ang proseso nito sa pag-aproba sa mga programa para matiyak na naayon ito sa mga
08:36itinakdang patakaran.
08:38Git ng DEPED, zones of peace, ang mga pampublikong paaralan.
08:44Ibig sabihin, wala dapat kinikilingan ang mga paaralan na dapat sana ay nakatoon lang sa paghubog ng kritikal na pag
08:55-iisip,
08:55pagiging makabayan at paggalang sa kasaysayan at soberanya ng Pilipinas.
09:00Ayon sa isang maritime security expert hiniling ng Philippine-Chinese Education Research Center sa DEPED,
09:05na sumali ang mga public schools sa essay contest kaungay ng World War II anniversary na tila kumikiling sa China.
09:12Sinisikap pa rin namin makuha ang pahayag ng Chinese Embassy kaugnay nito,
09:16gayon din ang reaksyon ng Department of National Defense at ng Malacanang.
09:22Update sa sigalot sa gitnang silangan, may bago na namang banta si U.S. President Donald Trump.
09:28Pasasapugin daw nila ang mga power plant sa Iran kung hindi nito bubuksan ng maayos ang Strait of Hormuz sa
09:34loob ng 48 oras.
09:37Inatake naman ang Iran ang dalawang bayan sa Israel na malapit sa mga nuclear side.
09:42Nakatutok si Mark Salazar.
09:48Pumalingaungaw ang mga sirena sa West Bank at Tel Aviv, Israel dahil sa missiles ng Iran.
09:53Maraming struktura ang nawasak.
09:56Damay rin ang isang kindergarten.
09:58Ayon sa mga autoridad, walang pasok nung araw na tinamaan ng strike ang paaralan, kaya walang naitalang nasugatan o nasawi.
10:06Inatake rin ang Iran ang mga bayan sa Israel na malapit sa isang nuclear site.
10:10Kabilang dyan ang dimona na malapit sa isang secretive nuclear reactor ng Israel.
10:16Walang napinsala sa nuclear research center sa lugar, pero halos apat na po ang sugatan.
10:22Nabalot ng makapal na usok at apoy ang gusali sa bayan ng Arad na tinamaan din ang missile attack ng
10:28Iran.
10:29Isa-isa rin sinagip ng pulisya at mga rescuer ang mga residente.
10:33Kinabukasan, tumambad ang lawak ng pinsala sa Arad kung saan dalawampung gusali ang nadamay.
10:39Sa huling tala ng mga otoridad, mahigit walumpu ang sugatan.
10:43Sampu rito'y malubha ang kondisyon.
10:46Sa pahayag ng Iran Revolutionary Guard,
10:49tinarget nila ang mga military installation at security center sa southern Israel.
10:54Ang Israel naglabas naman ng video ng kanilang pag-atake
10:58sa umano'y main site ng mga ballistic missile infrastructure sa western Iran.
11:03Marami raw silang nasirang ballistic missile array matapos ang pag-ataking ito.
11:08Binigyang tiin ng Defense Minister ng Israel na mas palalakasin ang sanib pwersa ng Israel at Amerika
11:13ang pag-atake nila sa Iran ngayong linggo.
11:17Si US President Donald Trump tila kumambyo naman sa pahayag niyang matatapos na raw ang kanilang mission sa Iran.
11:23Nagbabala ngayon si Trump na aatakihin ang Amerika ang iba't-ibang power plant sa Iran.
11:28Kung hindi nito bubuksa ng Strait of Hormuz ng mapayapa at walang pagbabanta sa loob ng 48 oras.
11:35Wala pang tugo ng Iran sa ultimatum ni Trump pero anila nananatiling bukas ng Strait of Hormuz
11:41at handa silang makipagtulungan para sa ligtas na paglalayag doon at kaligtasan ng mga marino sa lugar.
11:47Sa gitna ng nagpapatuloy na gulo, tuloy-tuloy rin ang pagpapauwi sa mga Pilipinong na iipit doon.
11:53Ligtas na nakauwi sa Pilipinas kahapon ang 25 Pilipino matapos ilikas mula sa Israel.
12:00Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar nakatutok 24 oras.
12:07Tuloy sa pag-arangkada sa tennis si World No. 29 Alex Ayala na nakaabante sa Round of 16 ng Miami
12:13Open.
12:14Sa kanyang pagsalang sa Round of 32 ngayong umaga, oras po sa Pilipinas,
12:18tila hindi nasira ang momentum ni Ayala sa pagtutuos nila ni Magdalene at Nampulan.
12:24Pero naging dikit ang laban ng dalawa na umabot sa tiebreaker round.
12:28At sa huli, nanaiig si Ayala sa loob ng dalawang sets sa score na 6-3, 7-6.
12:36Sunod namang makakaharap ni Ayala sa Round of 16 si Carolina Mukhova ng Czech Republic.
12:44Nauwi sa disgrasya ang bayanihan ng mga residente sa Misdalip sa Zamboanga del Sur.
12:49Hindi ba ba sa apat ang sugatan na bumigay ang bahay na pinagtutulungan nilang ilipat?
12:54Nakatutok si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
13:05Ang tinitinggalang katangian ng mga Pilipino na pagbabayanihan.
13:09Nasaksihan ang ilipat ng mga taga-barangay matalang sa Bidsalip sa Zamboanga del Sur ang bahay na ito.
13:16Pero hindi pa nakalalayo.
13:19Unti-unting tumagilid ang bahay.
13:22Bagya pang nakausad ang mga nagbubuhat hanggang sa
13:36Tuluyan nang bumagsak ang bahay.
13:40Agad sinagib ang mga nadaganan.
13:44Kabilang sa mga nasugatan, ang kapitan ng barangay at iba pang mga kawanih agad silang isunugod sa ospital.
13:51Maayos na ang kondisyon ng iba habang patuloy na ginagamot ang kapitan at isang barangay kagawad.
13:59Ayon sa isang opisyal ng barangay, humingi ng tulong sa paglilipat ang may-ari ng bahay.
14:04Gamito na ang yuta nga gitupuran sa maung balay, mga ito nga ipabalin.
14:10Duluyan nga yut ang balinan na yuta.
14:13Tapos, sa wala na namuk na dampong nga pangita po, na gabuk dahi ang maung balay.
14:23Tapos, mga ito nga kuwan yut siya siya, nga tabang na kugno yut siya kay.
14:29Na nga tapos nga balik pagyut ang katong buntung di tau.
14:33Oo, sa mocha, tabalik.
14:37Sinusubukan namin kunin ng pahayag ang may-ari ng bahay.
14:40Nagsagawa na rin ang investigasyon ng pulisya.
14:45Efren Mamak ng GMA Regional TV
14:51Nakatutok 24 oras
14:55Pinalagaan ni House Committee on Justice Chairperson Jervie Luistro
14:59ang pahayag ng company Vice President Sara Duterte
15:01na may double standard ang komite sa pagdinig ng impeachment complaint.
15:06Ang sa kampo ni Duterte, agad na isinantabi ng komite
15:09ang mga seryosong aligasyon laban sa Pangulo.
15:13Habang itinuring umano ng komite bilang katotohanan
15:16na ang mga aligasyon pa lamang laban sa Vice.
15:19Sagot ni Luistro, may malaki talagang pagkakaiba sa reklamo
15:23laban sa dalawang pinakamataas na leader ng bansa.
15:25Hindi anyo nakitaan ng komite na nagkaroon ng personal na partisipasyon ng Pangulo
15:30sa mga isyo ng korupsyon na ipinupukos sa kanya.
15:33Hindi raw sapat ang pagpirman ng Pangulo sa General Appropriations Act
15:36dahil bahagi ito ng kanyang tungkulin.
15:39Samantalang si Duterte Rao,
15:41ang mismong nagsabi sa isang video na kung siya ay papatayin,
15:46may kinontrata na siyang pumatay sa Pangulo
15:48kay First Lady Lisa Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
15:54Nasa kote sa Naiya ang isang Malaysian national
15:57na may dalang kilo-kilo ng hinihinalang shabu.
16:01Nadiskubli sa bagahe ng pasahero,
16:02humingit kumulang 15 kilo ng umano'y shabu
16:04na may street value na mahigit 102 million pesos.
16:08Hawak na ng pulisya ang suspect na nahaharap sa reklamang paglabag
16:12sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
16:14Patuloy ang embestigasyon ng pulisya
16:16sa mga posibleng koneksyon ng suspect.
16:20Pinangangang bahang maapektuhan sa Anihan
16:23at magdulot ng taas presyo ng bigas
16:24ang naghihigpit ng supply ng fertilizer
16:27o pataba, bunsod ng gera sa Middle East.
16:30Nakatutok si Darlene Cai.
16:35Masaya ng ilang magsasaka sa Santa Rosa, Nueva Ecija
16:38na nasa P26 to P27 pesos per kilo
16:40ang presyo ng palay ngayon.
16:42Pero baka raw bumaba ang presyo pagsapit ng Anihan.
16:45Ang pagpapababa kasi ng farm gate price ng palay
16:48ay isa sa pwedeng gawin para di lalong sumipa
16:51ang presyo ng bigas
16:52ngayong apektado ang lahat ng mahal ng petrolyo.
16:55Doble dagok pa sa kanila
16:57kung ipapasa sa kanila ang dagdag gaso sa langis
16:59sa mga rice trader.
17:00Kapag nangyari yun,
17:01baka mapilitan daw silang tipirin ng fertilizer
17:04o pataba at iba pang gamot sa pagtatanim.
17:06Tulad ng mga inputs,
17:08pagka tinipid mo yung pasok sa bukid,
17:11baka naman tipirin din po tayo sa pag-ani
17:14kaya dapat ibibigay din po natin
17:15kung ano yung sapat na pangangailangan
17:17ng palay natin at saka nung lupa natin.
17:20So ganoon po talaga,
17:21sa may presyo na lang po talaga tayo
17:23pagbabawi sana?
17:23Opo, sa presyo na lang po talaga.
17:25Problema pa ang mahigpit na supply ng fertilizer
17:27dahil sarado ang Strait of Hormuz
17:29na kontrolado ngayon ng Iran.
17:31Ayon sa Philippine Chamber of Agriculture
17:33at Trend Food Incorporated
17:34dapat paghandaan na ito
17:35lalot inaangkat pa mula sa gitnang silangan
17:38ng 13% ng chemical shipment sa bansa
17:40kabilang ang mga fertilizer.
17:43Ang China nag-anunsyo rin
17:44maghihigpit muna sa export nila ng fertilizer.
17:47Sabi naman ng Department of Agriculture
17:49may 284 days na stock tayo.
17:52This is about nine and a half months.
17:54So medyo comfortable yan
17:56kung naka-stockpile talaga sa atin
17:59kasi mahirap i-stock ka.
18:02Ang alam ko, yung fertilizer
18:03mahirap matagal i-stock yan
18:05na de-degrading yan.
18:07Kapag nagmahal ang fertilizer
18:08dahil sa gipit na supply,
18:11baka magbawas ng pag-a-apply
18:13ng pataba ang mga farmers,
18:15bababa ang ating ali,
18:17bababa ang supply,
18:19nataas ang presyo sa mga consumer.
18:21Sabi ng Agriculture Department,
18:23mamahagi sila ng 50 million pesos
18:25na ayuda sa libu-libong magsasaka.
18:285,000 pesos ang matatanggap
18:30ng bawat magsasakan gumagamit
18:31ng mechanized equipment.
18:33Kwalifikado raw ang mahigit
18:34siyam na libong magsasakan
18:35na nakalisa sa Registry System
18:37of Basic Sectors in Agriculture.
18:39Tiniyak naman ang National Food Authority
18:41o NFA na may sapat na supply
18:43ng bigas.
18:43Kaya ang pakainin ang buong Pilipinas
18:46ng sampung araw.
18:47Sa National Buffer Stock naman,
18:49meaning hindi lamang NFA,
18:51hindi pati yung pribadong sektor,
18:53pati yung mga ating mga household
18:55na may hawak na,
18:57tinatayang nasa more or less 55
18:59hanggang 61 days to last
19:02ng ating supply.
19:03So wala po tayong dapat ipangamba.
19:05Para sa GMA Integrated News,
19:07Darlene Kay nakatutok 24 oras.
19:11Unti-unti na pong nararamdaman
19:12ang mainit na panahon
19:14sa ilang lugar sa bansa.
19:15Sa Coronadal City sa South Cotabato,
19:18halos matuyot na mga taniman
19:19ng mais dahil sa init ng panahon.
19:22Ayos sa mga magsasaka,
19:23halos dalawang linggo na silang
19:24hindi nakararanas ang malakas sa ulan.
19:26At dahil dito,
19:28unti-unti nang natitigang ang lupa.
19:31Natutuyo at naging manipis na rin
19:33ang mga dahon ng mga pananim na mais.
19:35May ilang may hinampagulan
19:37pero anila,
19:38hindi ito sapat
19:39at halos tuyo na rin
19:41ang mga katabing kanal
19:42na pinagkukuna nila ng tubig.
19:44Kumakagat na rin
19:45ang mainit na panahon
19:46dito sa Metro Manila.
19:48Kaya may ilang residenteng
19:49dumayo pa sa Baseco Beach
19:51para maligo.
19:52Sa kabilayan ng dati
19:53ng pagbabawal ng mauturidad
19:55sa pagligo doon
19:56dahil banta sa kalusugan
19:58ang maraming tubig na Manila Bay.
20:00Anila,
20:01mas tipid magtampisaw dito
20:02kaysa lumayo pa.
20:03Lalo ngayong mahalang petrolyo
20:05at mga bilihin.
20:09Ang dami namin
20:10kaya dito na lang
20:11para makatipid.
20:13Kaysa pupunta ka pa ng malayo
20:15dito na lang sa malapit
20:16at saka dito ako nakatira dati.
20:21Kuli ka kung paano
20:23nilakawa ng isang tricycle
20:24ng kalga nitong gasolina.
20:27Makikita po ang isang rider
20:29na kumaaligid sa tricycle
20:31na nakaparada
20:32sa harap ng kapilya
20:33sa Bulacan.
20:34Hanggang sa lumapit
20:36na siya mismo sa tricycle,
20:37bitbit ang isang puting container.
20:39Pagpasok sa loob,
20:41makikita na ang pangalikot niya rito.
20:45Pag alis,
20:46meron na lang gasolina
20:47ang bitbit niya.
20:48Ayon sa may arinang tricycle,
20:50saktong kaka-full tank lang niya
20:52dahil ginagamit niya ito
20:53para maghatid ng anak.
20:56Hindi na siya nagreklamo
20:57sa mga otoridad
20:57at pinaus na lang ang video
20:59bilang babala
21:00sa mga posibli pang
21:01maging biktima
21:02ng ganitong modus.
21:05Aprobado na ni Pangulong Marcos
21:07ang pagbabago ng school calendar
21:08mula sa apat na grading period
21:10patungo sa tatlong term.
21:12Ang sa Presidential Communications Office
21:14target na masimulang ipatupad yan
21:16sa academic year 2026 to 2027.
21:20Sa unang term,
21:21limamput-apat na araw
21:22ang instructional days
21:23habang sampung araw naman
21:25ang assessment period.
21:27Ang ikalawang term,
21:28mayroon pong 55 instructional days
21:30at sampung araw na assessment period.
21:33Sa ikatlong term,
21:35may 61 instructional days
21:37at 6 na araw na assessment period.
21:40Layan daw nitong maiwasan
21:41ng madalas na pagsuspindi ng klase,
21:43bunsod ng mga kalamidad
21:44at mga national event
21:46na nagpapaigsi sa panahon
21:47ng pagpasok sa eskwela.
21:49At dahil may mababawas
21:50na isang grading cycle,
21:52inaasang makabawas ito
21:53sa bigat ng trabaho
21:54ng mga guro
21:55at makatutulong
21:56sa kanilang professional development.
21:59Binigyan din naman ang Pangulo
22:00na dapat mapanatili
22:01ang 180-day contact period
22:04sa pagitan ng mga guro
22:05at estudyante.
22:06Inatasan din niya
22:07ang Education Department
22:08na ihanda ang lahat
22:10ng maeskwelahan
22:10para sa full implementation.
22:14Sa mga nagbabalak
22:16mag-outing,
22:16maging mapagmatsyag po
22:17sa mga sasakayang pandagat
22:19na hindi otorizadong gamitin
22:20para sa recreational activities.
22:22Sa Kalatagan, Batangas,
22:24Lumubog
22:24ay isang bangkampangisda
22:26na may sakay
22:26ng mga magsuswimming.
22:28Ayon sa Philippine Coast Guard,
22:30posibleng pinasok ng tubig
22:31ang bangka
22:32matapos hampasin
22:33ang malalakas sa alon.
22:34Naggaling sa bayan
22:35ang balayan ng bangka
22:36at hinahatin
22:37ng mga sakay
22:38pa kalatagan
22:39para mag-swimming.
22:41Nailigtasama
22:42ng isang dumaraang
22:43fishing boat
22:43at ng response team
22:44ang 32 sakay ng bangka.
22:47Naglabas ang PCG
22:48ng Enforcement Inspection
22:49Apprehension Report
22:50laban sa operator ng bangka
22:52dahil sa mga nakitang paglabat,
22:54kabila ang iligal na paggamit
22:56ng sasakayang pandagat
22:57at pag-alis
22:58ng walang clearance
22:59mula sa Coast Guard.
23:02Apektado rin po
23:03ng mataas na persyo
23:04ng petrolyo
23:04ang gastos
23:05para sa pagdaraos
23:06ng kauna-unahang eleksyon
23:08ng Bangsa Maro Autonomous Region
23:09ng Muslim Mindanao
23:10o BAR.
23:11Ang Kaycomolec Chairman
23:12George Garcia,
23:13dahil mas mahal ang petrolyo
23:14sa labas
23:15ng Metro Manila,
23:16posibleng tumaas
23:17ng hanggang 20%
23:18ang gastos
23:19sa logistics
23:19at hanggang 25%
23:22naman
23:22sa supply.
23:24Kailangan kasing ibiyahe
23:26sa dagat
23:26ang mga balot machine
23:27at baterya nito
23:28papunta sa regyon
23:29para sa eleksyon
23:30sa Setiembre
23:31at target din nilang
23:32maimprinta
23:33ang mga balota
23:33sa Hunyo
23:34hanggang Hulyo.
23:38Nagibakulay
23:39ang Valley of Colors
23:40dahil sa pagdiriwa
23:41ng Strawberry Festival
23:42sa La Trinidad,
23:43Benguet.
23:44Highlights
23:44sa pagdiriwa
23:45ang parada
23:46ng Walong Float
23:46na likha
23:47ng iba't-ibang barangay.
23:49Gamit ang mga
23:50recyclable material
23:51tulad ng plastic bottles,
23:52ipinamalas sa mga
23:54Tagala Trinidad
23:54ang pagiging malikhain
23:56at pagpapahalaga
23:57sa kanilang produktong
23:58pangagrikultura.
23:59May mga mag-aaral ding
24:01nagtagisan
24:02ng husay
24:02sa pagsasayaw.
24:05Pumarada
24:06ang Drum and Liar Band
24:07mula sa limang paarala.
24:14Muling na mataan
24:15sa ilang bayan
24:16sa Marinduque
24:16ang Philippine Deer
24:18matapos ng ilang dekada.
24:19Sa tala ng DNR
24:21Mimaropa,
24:21hindi bababa
24:22sa sampung
24:23Philippine Deer
24:24ang nakita
24:25sa Banangay
24:25Makulapnit
24:27sa bayan
24:27ng Santa Cruz.
24:28May nakita rin
24:29mga footprints
24:30sa bayan
24:30ng Buak.
24:32Itinutuloy na
24:32locally extinct
24:33na naturang kusa
24:34matapos hindi
24:35mamataan
24:36sa loob
24:36ng mahabang panahon.
24:38Itinurn over
24:39naman sa DNR
24:40ang isang
24:41Cantor's Giant
24:42Chinese Softshell Turtle
24:44na nahuli
24:45na isang
24:45manggisda
24:46sa Apayaw.
24:48Pinangalanan
24:48ang pagong
24:49na si Malaya
24:50na tunay
24:51ng Malaya
24:51matapos
24:52pakawalan
24:52sa Apayaw River.
24:55Sa April 6,
24:57mga tatanggap
24:57ng ayuda
24:58ang iba pang
24:58nasa transport
24:59sector
25:00ayon mismo
25:00kay Pangulong
25:01Bongbong Marcos.
25:02Habang wala pa yan,
25:03tiis-tiis muna
25:04ang iba pang
25:05motorista.
25:06Nakatutok
25:06si Mark Salazar.
25:10Kapansin-pansing
25:11naguumpukan lang
25:12ang mga delivery rider
25:13at motorcycle taxi
25:15sa piling lugar
25:16gaya ng bus terminal
25:17na ito sa EDSA.
25:19Walang umiikot
25:20para makarami
25:21ng booking.
25:22Ngayon daw kasi
25:22bawat patak
25:23ng gasolina
25:24dapat nasusulit.
25:26Ngayon,
25:27nagpa-pull tank po
25:28ko ngayon
25:28ng 300.
25:30Kita ko pa lang po
25:30ngayon 300.
25:32Ay, ano na?
25:33Alas 12 na.
25:35Anong maliit pa
25:36yung gasolina
25:37sa magdamag
25:38o dalwan libo?
25:40Malinis na yun.
25:41Dati pag nagpapakarga
25:42ako rito
25:43ng dalawang litro,
25:44120.
25:46Yung dalawang litro
25:47ko sir,
25:47pumapalo yun
25:48ng isang libo
25:49to one-one
25:49bago ulit ako
25:50magpakarga ulit
25:51ng 120.
25:52Ngayon,
25:53yung isandahan ko sir,
25:53120,
25:54pumapalo na lang
25:55ng 600 eh.
25:57Napapasana
25:57all daw sila
25:58tuwing napapanood
25:59sa balita
26:00ang ayuda
26:01sa mga tricycle driver.
26:02Pero ang bibigan nila kami,
26:05siguro
26:05sa 100%,
26:0740%
26:08na tulong
26:09na rin yun sir.
26:10Medyo malaki-laki
26:10na rin sa amin yun.
26:12Ayon sa DSWD,
26:14sa Huwebes
26:14at Biernes
26:15ang simula
26:16ng 5,000 peso
26:17payout
26:17para sa mga
26:18delivery rider.
26:20Sa Sabado naman
26:21ang para sa mga
26:21motorcycle taxi.
26:23Ang ayuda
26:24sa probinsya
26:25matapos na
26:26ang Semana Santa.
26:27Ayon naman sa DA,
26:28ipinamahagi na rin
26:30ang 5,000 peso
26:31ayuda
26:31sa krudo
26:32sa sektor
26:33na agrikultura.
26:34Una nang nabigyan
26:35ng ayuda
26:36ang mga manging isda.
26:37Bagamat ang pamagat nito,
26:39krisis sa langis.
26:40Wala siyang
26:41anumang binanggit
26:42na salitang krisis.
26:43Aniya,
26:44matapos ang payout
26:45sa tricycle drivers,
26:46magsisimula
26:47sa April 6
26:48ang ayuda
26:48sa ibang
26:49transportation
26:49sector workers.
26:51Para sa ibang
26:52transportation
26:53sector workers
26:54na magsisimula
26:55sa April 6.
26:57Naintindihan natin
26:58ang sigaw
26:58ng mga
26:59nagpuprotesta
27:00na kababayan
27:01natin
27:01nasa sektor
27:02na ito.
27:02Pero gusto kong
27:03ulitin sa inyo,
27:04hindi kayo
27:05maiiwanan,
27:06hindi kayo
27:06pababayaan
27:07ng pamahalaan.
27:08Para sa
27:09GMA Integrated News,
27:11Mark Salazar,
27:12nakatutok
27:1324 oras.
27:15Puli Camp
27:16sa Hagonoy Bulacan
27:17ang disgrasya
27:18sa ilog
27:18na ikinamatay
27:19ng isang bata.
27:23Paray po
27:24ang kaway
27:25ng dalawang bata
27:26para makalapit
27:27sa gilid
27:27ng ilog.
27:28At ang isa po
27:29sa kanila
27:30nakakapit
27:30sa kongkretong dike.
27:32At habang napalayo
27:33ang isa
27:34at tuluyang lumubog.
27:35Patay ang grade 7
27:37na lalaki
27:37na tumalun daw
27:38sa ilog
27:38para makuha
27:39ang laruan
27:40ng isa sa mga kabarkada
27:41na magbibigay
27:42rin ng pabuya
27:42kung sino
27:43ang makakakuha
27:45Sinubukan pa siyang
27:46sagipin ng kabarkada
27:47pero tuloy yan
27:48siyang nalunod.
27:53Spring Day
27:54has finally come
27:55sa much-awaited
27:56comeback concert
27:57ng K-pop superstars
27:59BTS.
28:00Kaya ang
28:01army from
28:02all around the globe
28:03full support
28:04sa OT7.
28:06Sina RM,
28:08Jin,
28:08Suga,
28:09J-Hope,
28:10Jimin,
28:11V at Jungkook
28:11na namisraw
28:13ang kanilang fans.
28:14Thank you for
28:15joining us tonight.
28:17It's been a long journey
28:18but now
28:20we're finally here!
28:25Mula sa loob
28:27hanggang sa labas
28:28ng concert venue
28:29BTS made
28:31the whole city
28:32jump
28:32sa first ever
28:33performance nila
28:35ng kanilang bagong
28:35kanta
28:36mula sa kanilang
28:37comeback album
28:38na Arirang
28:38tulad ng
28:39Body to Body.
28:41Everything was lit
28:42nang kantahin nila
28:43ang Faya,
28:45ang kanilang title
28:47track na Swim,
28:48pati ang kanilang
28:49iconic songs
28:50gaya ng Dynamite
28:54at Batters.
28:59Hindi siyempre
29:00nawala ang love letter
29:02ng BTS sa army.
29:03Well represented rin
29:05sa South Korea
29:06ang Pinoy army.
29:11Ang daming Pilipino rito.
29:13Sobrang saya
29:14na naging part ako
29:15ng historic event na to.
29:17It was very heartwarming.
29:19It's the comeback
29:19that we really wanted.
29:21Pati na rin si
29:22kapuso army Megan Young
29:24na namit din
29:25ang fellow army
29:26na si American singer
29:27Becky G.
29:28Naka-colab ni J-Hope
29:29sa Chicken Noodle Soup.
29:30No words.
29:32I'm just
29:32I need time
29:34to process this.
29:35It's
29:38insane.
29:40Dito sa Pilipinas
29:43emosyonal ang fans
29:44sa comeback ng BTS
29:45na hindi lang daw
29:47basta pagbabalik
29:48kundi tila
29:49isa rin
29:49global cultural reset.
29:51Apat na taon po
29:52talaga namin
29:52inantay to.
29:53Sobrang saya po
29:54kasi nung
29:55nasa military service po sila
29:57grabe talaga
29:58yung hagul-gul namin lahat
29:59pero ngayon
29:59bumalik sila ng kumpleto
30:01dun pala po buo na kami.
30:02Sobrang happy po
30:04like hindi ko ma-explain
30:05yung naramdaman ko
30:06like gusto ko talaga
30:06umiyak.
30:07Yung reason baka sila
30:08nagpa-perform
30:08is because for all the people
30:09as well who love them.
30:11Para sa marami
30:12higit pa sa musika
30:13ang hatid ng BTS
30:14ito ay inspirasyon
30:16comfort
30:17at connection.
30:18Sila yun o
30:19isa sa nagkano sa akin
30:21para sa depression ko
30:22isa sila sa ano
30:23parang comfort ko
30:25nung time may depression ako.
30:27Grabe po yung iyak ko
30:29grabe
30:29makita ko lang po sila
30:31grabe para po
30:32nabuhay po ulit talaga ako
30:34ibang iba
30:35sobrang hiling
30:36para sa GMA
30:39Integrated News
30:40Jamie Santos
30:41nakatutok
30:4224 oras.
30:52Mas na matalang papayagan
30:53ng Department of Energy
30:54ang paggamit
30:55sa mga produktong petrolyo
30:56na nasa Euro 2
30:57classification
30:58na lower grade
30:59kaysa sa kasalukuyang
31:01ginagamit sa Pilipinas.
31:02Ayos sa DOE
31:03ito ay para maprotektahan
31:04ang supply ng petrolyo
31:05ng bagsa
31:06sanggita ng pabago-bagong galaw
31:08ng global oil markets.
31:10Limitado lang din daw
31:11ang paggamit sa Euro 2
31:12fuel
31:12sa mga sasakyan
31:14na ang model
31:14ay mula 2015
31:15pababa
31:16at traditional jeepney
31:18kabilang din
31:18ang mga power plant,
31:19generator
31:20at mga sasakyan
31:21pandagan.
31:22Sa kabila nito
31:23binigyan din ang DOE
31:24na pansamantala lang ito
31:26at mahigpit nila itong
31:27kocontrolin.
31:29Hindi rin daw nito
31:29papalitan
31:30ang Euro 4 fuel standards
31:31ng bansa.
31:32Para maiwasan
31:33ang maling paggamit nito
31:34kailangan paghiwalayin
31:36ng mga oil industry
31:37participant
31:38sa kanilang Euro 2
31:39at Euro 4 fuels.
31:41Dapat ay masabihan din nila
31:42ang DOE
31:43kung sakaling mag-o-offer sila
31:45ng Euro 2 fuels.
31:46At kailangan ay tukuin nila
31:48mga gasolinahang
31:49magbebenta nito.
31:52Isang balyena
31:53ang napadpad sa dalampasigan
31:54ng kalamansig
31:55Sultan Kudarat
31:56na matay ito kalaunan
31:58matapos pagkaguluhan
31:59at sakyan pa ng mga tao.
32:01Nakatutok
32:02si Mav Gonzalez.
32:06Pinaligiran ng mga bangka
32:08at sinakyan pa
32:08ang balyenang ito
32:09na stranded
32:10sa isang beach
32:11sa kalamansig
32:12Sultan Kudarat.
32:13Ayon sa nagpost
32:14ng video
32:14na si Hazi Masukat
32:15na padpad
32:16ang nanghihinang balyena
32:17sa Poral Beach
32:18kahapon ng umaga.
32:19Pero imbis na tulungan
32:21dinagsa ito
32:22ng mga tao.
32:23Ang ilan
32:23sumakay pa sa likod
32:25ng balyena
32:25habang pilit
32:26itong lumalangoy palayo
32:27dahilan para
32:28sumadsat ang tiyan nito
32:30sa mababaw
32:30na bahagi ng dagat.
32:31May lima naman
32:32ani ang lalaki
32:33na sumubok
32:34itulak ang balyena
32:35papunta sa malalim
32:36na bahagi ng tubig.
32:37Lalong gumulo
32:38ang sitwasyon
32:39ng palibutan
32:40ng mga bangka
32:41ang balyena
32:41at tila ginawang
32:42atraksyon
32:43ng mga nakasakay.
32:44Sa imbestigasyon
32:45ng LGU,
32:46alas 6 ng umaga
32:47kahapon
32:48napadpad
32:48ang sperm whale
32:49ang sperm whale
32:49sa public beach.
32:50Meron pong
32:51nakita ang tatlong
32:55balyena
32:55na
32:56ano na
32:57doon sa
32:59public beach
33:00po damin dito
33:02at yung isa po
33:04iniwan nila
33:05parang hinatitina
33:06din,
33:06iniwan yung isa.
33:10Unfortunately,
33:11yung mga tao po
33:12eh,
33:13instead na mag-report
33:14sa authority,
33:15probably
33:16they were so amazed.
33:17Alas 9 ng umaga
33:18na nakarating
33:19ang mga otoridad
33:20nang may mag-report
33:21na ng insidente.
33:22Mabilis naman daw
33:23na-dispers
33:24ang mga tao
33:24pero pahirapan
33:25ang pag-rescue
33:26sa balyena.
33:27Tapos po,
33:28yun ah,
33:29hindi po talaga
33:30siya nininwala
33:31so dumami na rin
33:32po yung mga tao
33:34hanggang sa
33:35napalibutan na po
33:36yung balyena
33:38ng mga pampo
33:39but
33:39yung action talaga
33:41is medyo late
33:42na rin
33:43talagang ayaw
33:44kumalaw
33:44and it's
33:45so huge
33:46almost 20 tons
33:47ang laki niya
33:49so
33:50inabot po siya
33:52ng low tide
33:53doon
33:55so
33:55we have to
33:56wait na naman
33:57na magkaroon
33:58ng high tide
33:58nung nagkaroon
34:00na ng high tide
34:01medyo weak na siya
34:03so
34:03minug namin siya
34:04sa isang lugar
34:05na hindi na matao
34:09at doon na po siya
34:10na parang
34:11talagang
34:12hindi na gumalaw
34:13alas 6
34:14kagabi
34:14na matay
34:15ang balyena
34:15nang suriin
34:16ng mga marine biologist
34:18may maliliit
34:19umano itong sugat
34:20it appears to be
34:21parang yung
34:22it was
34:25yung parang
34:26mga ano
34:27ng isda
34:27din
34:27kagat
34:28ng mga isda
34:29na maliliit
34:30mayroon
34:30mga gano'n
34:31na sumasatsat
34:32sa dalampasigan
34:34karamihan
34:35ay
34:35because they're
34:37not feeling well
34:37dahil may mga
34:38nakain basura
34:39hindi po sana
34:40natin pinaglaruan
34:42yung balyena
34:43na nastranded
34:44pero sana
34:45umaksyon tayo
34:46ng mas mabilis
34:47at tumawag
34:48sa otoridad
34:50para matulungan
34:51ng tama
34:51yung balyena
34:52dapat
34:53ang immediate reaction
34:55natin
34:55is compassion
34:56and mercy
34:57kasi nastranded
34:59yung hayo
35:00kahit na ano
35:00hayo pa yan
35:01kung balyena yan
35:02na nastranded
35:03sa beach
35:03or
35:05sawa
35:06na biglang
35:07tumatawid
35:07sa kalsada
35:08Para sa GMA Integrated News
35:11Mav Gonzales
35:12nakatutok
35:1324 oras
35:15Tinutunto na po
35:16ng otoridad
35:17ang mga sumakay
35:17sa balyena
35:18at pinag-aaralan
35:19kung kakasuhan sila
35:20ng paglabag
35:20sa Animal Welfare Act
35:22at sa Wildlife Resources
35:24Conservation and Protection
35:25and Protection Act
Comments

Recommended