Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, March 8, 2026:
Lalaking ilegal na gumagawa ng mga baril, arestado
PBBM, isusulong ang membership ng Pilipinas sa UN Security Council pati kaligtasan ng mga Pinoy sa Middle East
QC LGU, pinag-aaralang magtayo ng high-rise residential units para sa mga nasunugan sa NIA Road
PNP, nagbabala sa mga pekeng accommodation at staycation online
DOE, nagpaalala kung magkano lang dapat ang presyo kada litro ng petrolyo mula March 6–9
Mahigit 50 bahay, natupok sa kambal na sunog sa Cebu City; 2 sugatan
P1.6M ilegal na mga sigarilyo, unprocessed mineral ores at P23M smuggled footwear, magkakahiwalay na nabisto
Hot air balloon, sumabit sa cell tower sa Texas; 2 sakay ligtas na naibaba
98 bangka, naglayag sa 2026 Baybay Festival; 2,000kg isda ipinamahagi
Ilang shipping company, may taas-pasahe; ilang biyahe, pansamantalang sinuspende
69 na OFW na nagpa-repatriate mula Dubai, nakabalik na sa bansa; isang Pinoy, sugatan nang tamaan ng shrapnel sa Qatar
Kontra-pambabastos sa kababaihan at kapayapaan sa Middle East, sigaw ng mga raliyista
MMDA GM Torre, hindi raw palalagpasin ang traffic violation ng misis
PBBM, First Lady, at Kris Aquino, nagsama-samasa pa-birthday lunch kay Kris ng Unang Ginang
Ilang lugar sa Iloilo at Cotabato City, hanggang 40°C ang heat index
David Licauco, ipinasilip ang training para sa sinalihang indoor fitness competition sa Taiwan
Cast ng bagong serye na "Firewall," excited at naghahanda na sa action scenes
Mga taga-Tadian, naglaro ng basketball nang naka-bahag
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Lalaking ilegal na gumagawa ng mga baril, arestado
PBBM, isusulong ang membership ng Pilipinas sa UN Security Council pati kaligtasan ng mga Pinoy sa Middle East
QC LGU, pinag-aaralang magtayo ng high-rise residential units para sa mga nasunugan sa NIA Road
PNP, nagbabala sa mga pekeng accommodation at staycation online
DOE, nagpaalala kung magkano lang dapat ang presyo kada litro ng petrolyo mula March 6–9
Mahigit 50 bahay, natupok sa kambal na sunog sa Cebu City; 2 sugatan
P1.6M ilegal na mga sigarilyo, unprocessed mineral ores at P23M smuggled footwear, magkakahiwalay na nabisto
Hot air balloon, sumabit sa cell tower sa Texas; 2 sakay ligtas na naibaba
98 bangka, naglayag sa 2026 Baybay Festival; 2,000kg isda ipinamahagi
Ilang shipping company, may taas-pasahe; ilang biyahe, pansamantalang sinuspende
69 na OFW na nagpa-repatriate mula Dubai, nakabalik na sa bansa; isang Pinoy, sugatan nang tamaan ng shrapnel sa Qatar
Kontra-pambabastos sa kababaihan at kapayapaan sa Middle East, sigaw ng mga raliyista
MMDA GM Torre, hindi raw palalagpasin ang traffic violation ng misis
PBBM, First Lady, at Kris Aquino, nagsama-samasa pa-birthday lunch kay Kris ng Unang Ginang
Ilang lugar sa Iloilo at Cotabato City, hanggang 40°C ang heat index
David Licauco, ipinasilip ang training para sa sinalihang indoor fitness competition sa Taiwan
Cast ng bagong serye na "Firewall," excited at naghahanda na sa action scenes
Mga taga-Tadian, naglaro ng basketball nang naka-bahag
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:12Transcription by CastingWords
00:37Transcription by CastingWords
01:01Transcription by CastingWords
01:30Nang simulan na pagkahalugog sa work area ng bahay...
01:42Nang simulan na pagkahalugan sa work area ng bahay...
01:51Nakumpis ka sa operasyon ng isang submachine gun kit para sa calibre .22, dalawang pistola, parts ng iba't ibang baril
01:58at mga bala.
01:59Pwedeng i-benta niya sa mga magiging hold-upper o kaya magiging gun for hire. So wala na silang magagamit
02:10ng mga firearms na ngayon dahil atin pong nahuli yung tagagawa nila ng mga baril.
02:16Wala pang payag ang suspect na naram sa paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition Act. Para sa GMA
02:23Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
02:29Pagsusulong sa interes ng Pilipinas ang isa sa mga pangunahing layunin ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang nakatakdang talumpati sa
02:35United Nations General Assembly.
02:38Ipapanawagan niya rin daw ang paghupa ng tensyon sa Middle East at ang kaligtasan ng mga sibilyan gaya ng mga
02:43Pilipino.
02:44At mula sa New York City, nakatutok si Joseph Moro.
02:53Bago magtanghali kanina, oras sa Pilipinas, lumipad sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Luisa Arnenta Marcos patungong Amerika.
03:01Kasama ng Pangulong ang opisyal kabilang Sina Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro at Migrant Workers Secretary Hans Leo Kakdak.
03:08Ayon sa DFA, nakatakdang magtulumpati ang Pangulo sa isang special session ng United Nations General Assembly sa Martes, March 10
03:15para manawagan ng kapayapaan sa gitnang silangan.
03:18Kasabay na rin ito ang pagkampanya para maging non-permanent member ang Pilipinas ng United Nations Security Council para sa
03:25taon 2027.
03:26Hanggang 2028, nagdag ng DFA ang biyaheng ito ang tamang pagkakataon para manawagan ang Pangulo para sa kapayapaan sa Middle
03:33East at kaligtasan ng lahat ng mga sibilyan, lalo na ng mga Pilipino.
03:38Ang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos dito sa Amerika ay nangyayari sa pagitan ng gera ng Amerika at Israel contra
03:45sa Iran na nakakapekto na sa ekonomiya ng Pilipinas,
03:48katulad na lamang sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
03:52Makikipagpulong din ang Pangulo kay UN Secretary General Antonio Guterres para pag-usapan pa rin ang Middle East.
03:58Magsasalita rin ang Pangulo sa 70th session ng Commission on the Status of Women o CSW-70.
04:05Noong biyernes natanong ang DFA kung isusulong ng Pangulo ang isyo sa West Philippine Sea.
04:10I cannot preempt what the President will say but definitely pag-uusapan po ang international developments, regional developments at yung
04:20mga bagay na mga kaapit.
04:22Sabatala, pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagtatayo ng high-rise residential units para sa mga
04:28nasunugan sa Quezon City kamakailan.
04:31Sabi ni Mayor Joy Belmonte, nakikipagnayan ng LGU sa National Housing Authority at Department of Human Settlements and Urban Development
04:38para malaman kung ano ang gagawin sa bahaging nasunog.
04:42Isinusulong daw ng LGU ang in-city housing para sa mga residente.
04:46Nananatili sa iba't ibang evacuation center ang mga nasunugan.
04:50Nagbigay ng pagkain at modular tents ang iba't ibang ahensya ng gobyerno.
04:55Samantala, naglagay ang QC Veterinary Department ng Pet Holding Area para sa mga alaga ng mga nasunugan.
05:04Sa mga nagpaplano ng kanilang bakasyon, doble ingat po sa mga nag-aalok ng sobrang murang bakasyonan online.
05:11E bakas kami yan ang tips ng pulisya para hindi maloko alamin sa aking pagtutok.
05:20Summer is waving and the beach is calling.
05:25Kaya naman si Leslie heto't excited na sa bagong resort sa Batangas na target nilang puntahan ng kanyang mga kaibigan.
05:31At tulad ng marami sa atin, ang mga bakasyong ganito talagang pinag-iipunan ni na Leslie.
05:36Kaya naman masinsin sila kung mag-research at mag-plano.
05:39Isa sa mga paraan nila ng mga kaibigan para matiyak na sulit ang gaso sa bakasyon
05:43ang pag-check sa mga review at comments sa napupuso ang destinasyon.
05:47We read comments kasi sa isang post. Tapos yung comment na yun, yung nag-comment,
05:54minsan pinipersonal message namin through Facebook, social media, kung legit ba yung comment nila doon sa beach resort na yun.
06:03Hindi lang isa, kumbaga marami din.
06:05Very good yung ganyang pag-iimbisiga kung legit ang bakasyon ang pupuntahan ayon sa PNP Anti-Cybercrime Division.
06:12Lalot ngayong magsasummer na at paparating na rin ang Simana Santa, inaasahang dadami pa ang nauusong vacation scam.
06:19Yung tinatawag po natin vacation or accommodation scam po ay karaniwa nga ginagawa po ng mga cybercrimi na sa pamamagitan
06:28po ng pag-post
06:29na mga fake staycation or resort offers po.
06:32Sa unang dalawang buon pa lang ng taon, dalawang putsyam na reklamo na ang natanggap ng PNP ACG
06:37mula sa mga na-scam ng peking accommodation at staycation offer online.
06:42Ilang mga red flag ika nga o mga senyales sa maaring scam ang isang alok na accommodation
06:47kung ito'y too good to be true o di hamak na mas mura kumpara sa mga kahalin tulad na
06:52resort.
06:53Pwede rin mag-check sa LGU kung totoo ang nasabing lugar o hotel, kung may address ba ito at telepono
06:59at kung ito'y rehistrado.
07:01Agad din magduda kapag tila nagmamadaling maningil ng down payment ang katransaksyon.
07:05I-check din ang mga larawang ginagamit na pangakit dahil maaring peke o nakaw na larawan lang yan mula sa
07:11ibang website.
07:13Sakali namang mabiktima, payo ng PNP ACG.
07:16Mahalaga pong itago natin lahat ng evidence po tulad ng screenshots ng conversation,
07:22resibo ng bayad, account details po ng scammer po,
07:25at yung mga links ng pages po or mismong account po na ginamit ng scammer po.
07:34Nagpaalala po ang Energy Department sa kung hanggang magkano lang dapat ang presyo
07:38kada litro ng petrolyo bago ang nakaambang oil price hike sa Mates.
07:42Pero sa isang gasolinahan sa Aurora, haba halos isandaang piso na ang litro ng diesel.
07:48Na ayon sa may-ari nito, ay dahil umano sa mataas din nilang kuha sa supplier.
07:53At mula sa Quezon City, o mula sa Quezon na kami-supply, si Darlene Kai.
08:02Pia, hindi nawala ng pila sa buong maghapon yung ilang gasolinahan dito sa Quezon City
08:08tulad na lang dito sa kinatatayuan ko sa Filcoa.
08:10Dahil yan sa pagkukumahog ng ilang motoristang magpagas bago yung panibagong dagdag-singil ngayong linggo.
08:16Yung ilang gas stations tuloy na ubusan ng langis.
08:24Patuloy ang gantihan ng Iran at alyansang Israel at Amerika.
08:30At bukod sa mga nasasawi, apektado rin ang digmaan ng langis sa gitnang silangan.
08:36Ilang oil facilities ang tinatarget o nadadamay sa mga pagsabog.
08:40Paralisado rin ang paglalayag partikular sa Strait of Hormuz,
08:44ang kipot sa Persian Gulf na kontrolado ng Iran.
08:46Dahil walang makalayag na mga tanker ng langis,
08:49patuloy ang pag-alagwa ng presyo ng petrolyo na damarin sa ating bansa.
08:54Kaya mahigpit na abiso ng Energy Department sa mga kumpanya ng langis,
08:57mula March 6 hanggang bukas March 9,
09:00hindi dapat lagpa sa P76.50 ang kada litro ng gasolina.
09:06Ang diesel dapat hanggang halos P70 lang.
09:09At ang kerosene, di dapat hihigit sa P100.
09:13Babala ng DOE, bawal ang hindi otorizado at hindi nakaschedule na taas presyo sa petrolyo,
09:19bukod pa sa hoarding at iligal na bentahan ng langis.
09:23Hinikaya ni Senate President Pro Tempore Ping Lakson ang publiko
09:26na i-report sa otoridad ang mga gasolinahang maagang nagtaas presyo.
09:31Para matiyak na nasusunod yan,
09:33may mga polis na nag-iikot sa ilang gasolinahan ayon sa post ni Energy Secretary Sharon Garin.
09:37Pero sa gasolinahan ito sa Aurora,
09:40ang dating P58 to P63 kada litro ng gasolina at diesel,
09:44pumalo na ngayon sa P73 to P97.
09:48Paliwanag ng may-ari, wala raw silang control sa presyo
09:52dahil nakadepende sila sa presyong ipinasan ng mga supplier.
09:55Ang pagtaas po ng presyo ay beyond control po yan ng mga refailer na katulad namin.
10:02It all comes down from the distributor.
10:06Sila po ang nagkakontrol ng presyo.
10:08Sinusubukan namin kunan ang pahayagang DOE kaugnay rito.
10:12Sa Quezon City, tatlong gasolinahan sa Commonwealth Avenue ang naubusan na ng langis.
10:16Sa isang gas station sa Fairview, puro zero-zero na ang nakalagay sa price board,
10:22maliban sa isang klase ng gasolinang may natitirang supply.
10:25Wala na po kami ngayon ma'am, diesel po and then 91 po, leaded po.
10:30Ang mara na po kami ngayon ma'am, 95 na lang po tayo.
10:33Isa na lang.
10:34Pagtitiyak naman ang Bureau of Customs.
10:36Dalawang buwan pa naman po yung ating supply.
10:38Hindi dapat tayo kabahang kagad.
10:41May kakayanan naman po kaming bisitahan yung ating mga warehouses po
10:46o yung depo na tinatawag ng mga oil companies
10:49upang mabigyan po namin ng kaalaman din po ang mga taga Department of Energy.
10:54Magsasama-sama po kami upang hindi po magkaroon ng artificial shortage.
10:59Sa ngayon, tumitingin na raw ng mga alternatibong pagkukuna ng petrolyo ang pamahalaan.
11:04Si Senator Sherwin Gatchalian naman,
11:06nag-hahain ng resolusyon sa pagbuo ng task force sa magbabantay sa presyo at supply ng petrolyo.
11:17Pia, kanina-kanina lang, nagkaroon na ng supply yung mga gasolinahan na nakuna namin naubusan na.
11:22Pero hindi pa rin lahat ng klase.
11:24At sa mga inikutan namin gasolinahan, Pia, dito sa Quezon City,
11:27bawal yung pagbili ng langis na ilalagay doon sa mga drum o malalaking container
11:32para maiwasan yung mga nag-whore.
11:34Yan ang latest mula rito sa Quezon City. Balik sa'yo, Pia.
11:37Maraming salamat, Darlene Kai.
11:42Nilamon na apoy ang mga bahay sa barangay at kasambagan sa Cebu City.
11:46Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagliabang isang transformer ng POSTE.
11:51Nadamay ang isang bahay at inabot ang tanke ng LPG sa loob nito kaya sumabog.
11:55May kitlimampung bahay ang natupok.
11:58Halos apatamilyong piso ang halaga ng napinsala.
12:01Dalawa ang naitalang sugataan habang may kitpitumpung pamilya ang apektado.
12:06Bukod sa lakas ng hangin, inibisigahan din kung sanhin na pagkalat ang sunog ang pagdaloy ng apoy sa koneksyon ng
12:12kuryente.
12:14Nasam-sam sa magkakahihwalay na operasyon ang iba't-ibang kontrabando, gaya ng mga smuggled na sapatos, pati mga hindi na
12:21prosesong mineral ore.
12:23Nakatutok si Darlene Kai.
12:29Pinabuksan ng PNP Highway Patrol Group ang baletang karga ng pinara nilang sasakyan sa Bayumbong, Nueva Vizcaya.
12:35Pinara ang kotse dahil sa paggamit ng improvised na plaka.
12:39Nanghinga ng mga papeles, biglang tumakbo ang sasakyan kaya hinabol.
12:43Doon na nadiskubre ang dala nitong kontrabando.
12:46Ito po pala ay may dala-dala po na hindi po baba sa 450 rims na mga undocumented or illegal
12:56mga smuggled cigarettes.
12:57Nasa 1.6 milyon pesos ang halaga ng mga sigarilyo na tingin ng HPG ay mga tirapan ng mga nasabat
13:04na iligal na sigarilyo sa Pampanga at ibabagsak sa mga maliliit na tindahan.
13:11Bistado naman sa isang bodega sa Pampanga ang nasa 25 milyon pesos na halaga ng smuggled footwear.
13:17Walang inabutang tao sa bodega. Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlanang may-ari ng bodega.
13:24Unprocessed mineral ore naman ang nasabat sa isang truck sa Surigao.
13:28Sinita ng PNP Highway Patrol Group ang truck dahil sa paggamit ng improvised na plaka.
13:33Walang naipakitang dokumento ng sasakyan ng driver.
13:35Nang tignan ang laman ng truck doon na nakita ang mga unprocessed na mineral ore na dadalhin sa Davao.
13:41Driver lang po ang nahuli po natin dyan.
13:44Yes, ang naharap po yan sa reklamong Republic Act 7942 or ito yung tawag po natin Philippine Mining Act of
13:521995.
13:53At sa isang banda rin po, siya rin po matitikitan.
13:56Dalanggabihin po ng pagkakagamit po niya ng improvised data.
13:59Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
14:07Abot langit ang pangamba ng mga rescuers sa Amerika na aksidenteng sumabit sa isang cell tower ang isang hot air
14:13balloon na may sakay na dalawang tao.
14:16Ligtas kaya silang naibaba?
14:18Kuya Kim, ano na?
14:24Muisbuhay na inakit ng mga rescuers ang cell power na ito sa Texas, Amerika.
14:29Sa taas kasi ng tore, may sumabit na hot air balloon na may sakay na dalawang pasayero.
14:35Dahil nasa 928 ang taas ng cell tower o katumbas ng 80 hanggang 100 story building.
14:40Ang pagrescue ng mga biktima, pahirapan.
14:46Panaligtas na maitawid ang mga biktima mula sa balloon papunta sa tore.
14:49Gumamit ang mga rescuers ng tali at harness hanggang sa.
14:53Bigtas nilang nababa ang dalawa.
14:55Ang kanilang high angle rescue, success!
14:59Ang hot air balloon ay isa sa pinakaunang paraan ng paglipad ng tao.
15:03Nagsimula ito noong 18th century sa France.
15:06Eksperimento ng magkapatid na Joseph Michel at Jacques-Étienne Moncoulphère.
15:10Ang pinakaunang hot air balloon gawa sa papel at tela.
15:15May ideya ba kayo kung paano nakakalipad sa ere ang isang hot air balloon?
15:18Sa ilalim ng mga balloon, may burner na gumagamit ng propane gas.
15:22Kapag sinindihan ito, umiinit ang hangin sa loob ng balloon.
15:25Kapag ang hangin sa loob ng balloon ay mas mainit at mas magan kesa sa hangin sa labas,
15:31umaangat ito patas.
15:32At pag gusto naman ang pilotong bumaba, pinapatay o binabawasan lang ang apoy.
15:37Lumalabig ang hangin sa loob, kaya nagingiging mas pabigat ang hangin at unti-unting bumatuba ang balloon.
15:43Laging tandaan, kimportante ang may alam.
15:46Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 hours.
15:52Naglayag sa dagat ang halos isandaan mga bangka bilang bahagi ng kapistahan sa Bugay, Cagayan.
15:58Sa Nueva Ecija, ay dinaos din ang pista bilang pagpupugay sa masisipag nating magsasaka.
16:03Nakatutok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
16:07Lumalabig ang paglayag sa baybay ng Bugay sa Cagayan sa sabay-sabay na paglayag ng halos sandaang bangka para sa
16:14Baybay Festival 2026.
16:17Nagsimula ang parada sa sabangan at natapos sa isang pamosong beach doon.
16:21Layon itong ipakita ang kahalagahan at kagandahan ng dagat at magpasalamat sa masaganang biyaya ng dagat sa mga manging isda.
16:29Ipinamalas din sa pista ang mga ipinagmamalaking potahe ng bugay gaya ng isdang bulong unas,
16:35binagoongan at sisig, dalawang libong kilo ng isda ang libreng ipinamahagi sa mga bisita.
16:42Sa Talavera, Nueva Ecija, labing limang grupo ang nagpasiklaban sa street dancing sa pagdiriwang ng Hugas Kalawang Festival 2026.
16:52Sinisimbolo nito ang pagtatapos ng trabaho ng mga magsasaka sa bukid.
16:56Tampog din sa mga sayaw ang hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka
17:00at masaganang ani sa tulong ni San Isidro Labrador, patron ng mga magsasaka.
17:06Malaking tulongan nila ang mga ganitong aktibinad sa turismo ng lalawigan.
17:10Winner ang lahat dahil sa huli, nag-uwi ang bawat kalahog ng tig 60,000 pesos mula sa lokal na
17:17pamahalaan.
17:20Para sa GMA Regional TV at Integrated News, CJ Torida, nakatutok, 24 oras.
17:29Kung kailan malapit na po ang Semana Santa at inaasahang maraming babiyahe,
17:33nagtaas po ng pamasahe ang ilang shipping company dahil sa patuloy na gulo sa Middle East.
17:38At may ilang biyahe rin ang barko na nagbawas muna ng mga biyahe para raw makatipid sa krudo.
17:44Nakatutok si Darlene Cai.
17:48Sa kapuloang gaya ng Pilipinas na marami ang umaasa sa mga barko,
17:52masakit para sa ilang pasahero ang pagtaas ang pamasahe ng ilang shipping company.
17:57Sa Cebu City, nag-anunsyo ng pansamantalang fare increase ang ilang shipping company.
18:02Merong efektibo ngayong araw, meron ding simula ngayong lunes.
18:05May mga anunsyo rin ang pansamantalang suspensyon ng ilang biyahe bilang pagtitipid sa krudo.
18:11Ayon sa Maritime Industry Authority o Marina,
18:13bagamat karapatan ang mga operator na ayusin ang kanilang mga passenger at cargo rate,
18:17alinsunod sa Republic Act 9295, may patakaran dapat para rito.
18:22Pwede ang hanggang 20% at aas pasahe pero sa gitna lamang ng krisis.
18:27At dapat maaga ang pag-abiso.
18:29Kailangan po nila na inform ang Marina at ang publiko.
18:35Kailangan po ng publication.
18:37Pag ang trading route ng isang barko ay sa inter-region,
18:42dapat yung mga affected na mga regions ay kailangan po nilang mag-pascale doon ng mga new rates po nila.
18:51At two weeks po ang requirement ng publication for upward rate adjustment.
18:58At bukod sa taas pasahe, ayon sa Marina,
19:00dapat mag-abiso rin agad ng bawas pasahe ang mga shipping firm,
19:04oras na magbawas presyo ang krudo.
19:06Kailangan din po nilang mag-pause ulit ng adjusted rates.
19:11Ito na po yung bumabang rates pero it will take effect immediately.
19:16Sa Batangas, may shipping company na magtataas ang pamasahe sa Roro sa rutang Batangas-Calapan
19:20simula March 23.
19:23May taas pasahe rin sa iba pang ruta.
19:25Maaga man ang abiso, dismayado pa rin ang ilang pasahero sa Batangas Port.
19:34Ang Jimny driver namang si Jesus,
19:37nag-aalala sa pag-alagwa ng presyo ng petrolyo.
19:40Noong isang linggong araw,
19:42limandaang piso kada araw na agad ang natapya sa arawan niyang kita.
19:46Ano parawang matitira kapag may panibagong dagdag singil?
19:59Ang grupong Manibela ipoprotesa sa linggong ito ang patuloy na taas presyo ng langis.
20:04Kung ganito po lagi ang pahayag ng ating gobyerno nang wala pong solusyon na nakikita,
20:11kasi parang inaabangan na lang natin na tumaas at pasanin yung hirap itong tulot ng gera sa Middle East.
20:21Sabi nila, panahon na raw para sa pisong provisional fare increase.
20:25Bakit pa naman kami bibiyahe, mamamasada, kung malulugi lang din naman po kami.
20:30Sana maunawaan ito ng ating mga kababayan.
20:33Okay lang kasi malulugi naman yung mga driver natin kung hindi sila magtataas ng pamasahe.
20:40Mabigat din po kasi wala naman kami magagawa.
20:42Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Energy sa mga oil company
20:46para sa pagpapatuloy ng fuel discount program sa mga motorista,
20:50lalong-lalo na sa mga PUV driver, TNVS driver at delivery riders.
20:56Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
21:01Patuloy ang pag-uwi ng mga Pilipinong na ipit sa gita ng krisis sa Middle East.
21:05Isang kababayan naman natin sa Qatar, ang sugatan ng tamaan ng shrapnel.
21:10Ang Department of Migrant Workers naglabas sa mababala sa mga tripulante
21:13para iwasang dumaan sa Persian Gulf at Strait of Hormuz.
21:17Nakatutok si Jamie Santos.
21:27Gumuhit ang mga misail ng Iran sa ere ng West Bank at Jerusalem
21:30sa ikalawang linggong ng pakikipagpalitan nila ng atake sa Israel at Amerika.
21:35Ang mga pag-atake, pilit na sinasalag ng pwersa ng Israel.
21:45Dumadagundong din ang mga pagsabog sa Lebanon.
21:47Bago yan, tinarget ng Israel ang ilang bahagi ng Central Beirut
21:52kung saan isang apartment ang tinamaan.
21:55Mahigit dalawang daan na ang nasawi sa Lebanon
21:57simula nang mag-air strike ang Israel
22:00sa mga lugar na kontrolado ng grupong Hezbollah.
22:03Kasunod yan ang pag-atake ng grupo sa Israel
22:05bilang ganti sa pagkamatay ng Supreme Leader ng Iran.
22:09Babala ng Israel sa gobyerno ng Lebanon
22:11patuloy na madadamay ang buong bansa
22:14kung hindi nila makokontrol ang Hezbollah.
22:19Ramdam din ang tensyon sa iba't ibang bansa sa Middle East
22:22tulad sa Kuwait kung saan nasunog ang gusali ng social security
22:26dahil sa drone attack ng Iran.
22:27May mga napinsala rin infrastruktura sa Dubai.
22:31Ngayong araw, balikbansa ang 61 OFWs mula Dubai, UAE
22:36dahil sa nagpapatuloy na gera sa Middle East.
22:39Sa Doha, Qatar, isang Pilipino naman ang nasugatan
22:42ng tamaan ng shrapnel mula sa na-intercept na misail.
22:45Ligtas na ito at nagpapagaling.
22:48Dalawang putsyam na Pilipino ang pansamantalang
22:50pinatuloy sa mga temporary accommodation
22:52matapos lumikas mula sa kanilang tirahan
22:55dahil malapit ito sa mga danger zone.
22:57Sa Tel Aviv, 35 Pilipinong pilgrims at turista
23:01ang tinulungan ng embahada para makatawid
23:04ng border patungong Egypt at Jordan.
23:06Patuloy ang repatriation efforts ng gobyerno
23:09sa mga Pilipinong turista na stranded
23:11sa iba't ibang lugar sa Middle East.
23:13Sa ngayon, 82 sa mahigit isang daang stranded
23:17na mga Pinoy sa Jordan ang pauwinan ng Pilipinas.
23:2031 Filipino tourist ang nasa Amnam pa.
23:24Samantala, pinirmahan ni Secretary Hans Kakdak
23:26ang Advisory No. 11 Series of 2026
23:30na nagtatakda sa Persian Gulf at Strait of Hormuz
23:33bilang war risk operation area o war risk zone.
23:36Ang mga tripulanting Pilipino po,
23:40particular sa mga ship owners na nagdadala
23:43ng tripulanting Pilipino ay hindi po inaasahan
23:47na nando doon sa area na yun or else
23:50bigyan ng right or refuse sailing
23:52ang ating mga tripulanting Pilipino
23:54at hanggang maaari iwasan itong bahagi ng mundo na itong
23:58gawa ng napakadelikado po sa ngayon.
24:01Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos,
24:04nakatutok 24 oras.
24:07Nagkatensyon sa kilos protesta ng mga militanteng grupo
24:10ngayong International Women's Day.
24:16Sinubukan makalapit ng mga ralista sa U.S. Embassy.
24:19Hinarampo sila ng mga polis at panawagan ng mga ralista
24:22ang pagwawakas ng gera sa Middle East
24:25at pagsugpo sa pambabastos sa kababaihan.
24:29Sa isang pahayag,
24:30nagpaabot ng pagbati at papuri
24:32si Pangulong Bagmo Marcos para sa kababaihan.
24:35Tiniyak niya
24:36ang anyay commitment ng administrasyon
24:39na napakikinggan, iginagalang
24:41at nabibigyan ng kapanyarihan ang kababaihan.
24:44Nanawagan naman si Vice President Sara Duterte
24:46na magkaisang itaguyon
24:48ang isang kinabukasan
24:49kung saan ang bawat Pilipina
24:51ay may dangal na mamuno
24:53at ang mga babae
24:55ay may oportunidad
24:56at hindi lamang mga tungkulin.
25:01Walang lusot kay MMDA General Manager
25:03Nicolás Tore III
25:04maski ang kanyang misis
25:06na nagkaroon ng paglabag
25:07sa Batas Trapiko.
25:08Sa social media ay binahagi ni Tore
25:10na lumabag ang kanyang misis
25:12sa number coding scheme.
25:14Nahulirawa kanyang misis
25:15sa pamagitan ng no contact apprehension.
25:18Pabiraw sabi ni Tore
25:19hindi lang siya General Manager,
25:21General Payer din
25:22dahil siya rawan nagbayad
25:24ng 500 pesos sa multa ng misis.
25:26Wala ho manong sinisino ang MMDA
25:28at kahit na kanyang misis
25:30kailangan dumaan
25:31sa tamang proseso.
25:32Biro pa ni Tore,
25:33impound na ang kasunod
25:34kapag lumabag ulit
25:36ang kanyang asawa.
25:40Nagkita po sa Malacanang
25:41si na Pangulong Bongbong Marcos,
25:43First Lady Lisa Araneta Marcos
25:45at si Chris Aquino.
25:46Naghanda ng home-cooked lunch
25:48ang unang ginang
25:49para sa belated birthday celebration
25:51si Chris sa Bahay Pangulo.
25:54Inorganisya ito
25:55ng designer na si Michael Leyva
25:57na kapwa kaibigan
25:58ni na Mrs. Marcos
25:59at ni Chris.
26:01Itong unang pagkakataong
26:03nagkaharap muli ang Pangulo
26:04at si Chris
26:05sa loob ng 31 taon
26:07matapos siyang makapanayam
26:09ni Chris sa isang palabas noon.
26:11Ang kwenta ng First Lady
26:12related siya kay Chris
26:14at mag-asawa
26:15ang tsahi ng First Lady
26:17at ang tsuhin
26:17ni Chris Aquino.
26:21Nakaranas ng mataas
26:22sa heat index
26:23o ramdam na init
26:24ang ilang lugar sa bansa.
26:26Sa Dumangas,
26:27Iloilo,
26:27ramdam ng ilang magsasaka
26:28at tricycle driver
26:29ang init ng panahon.
26:31Ayos sa pag-asa
26:32nasa 40 degrees Celsius
26:33ang damang init noon
26:34dahil isang coastal town
26:36ang lugar.
26:37Nakaranas din
26:38ang 40 degrees Celsius
26:39na heat index
26:40sa mga residente
26:41sa Cotabato City.
26:48Ipinasilip ni David Licauco
26:50ang kanyang training
26:51para sa sinalihan niyang
26:52International Indoor Fitness Competition
26:54at syempre,
26:56kumasa rin ako
26:57sa kanyang training.
26:58Narito ang aking chika.
27:02Mula nang mag-post
27:03si David Licauco
27:04ng kanyang first ever
27:05Indoor Fitness Competition
27:07sa Taiwan, Kamakailan.
27:08Maraming naging interesado
27:10sa bagong fitness trend na ito.
27:13Sinamahan ko
27:14ang pambansang ginoo
27:15sa kanyang training
27:16para malaman kung
27:17gaano ito
27:18ka-challenging.
27:21Bakit importante
27:22warm-up?
27:24Para hindi ka ma-injured.
27:26Hindi pumayag
27:27si David
27:27na kwento lang.
27:29Dapat
27:29may immersion din daw ako.
27:31Yan.
27:32O, sa ba?
27:33Five reps.
27:35Yes.
27:36Nakasabay pa namin
27:37sa training
27:37si Sparkle star
27:38Vince Maristela.
27:39I was bored
27:40with the gym.
27:43Lifting lang.
27:44So,
27:45ah,
27:46nag-ganap ako ng
27:47training na with purpose.
27:48Pare-pareho
27:49ang format ng race
27:50kahit saang parte
27:51ng mundo.
27:52Di tulad ng triathlon.
27:53Di na kailangan
27:54ng special skills
27:55tulad ng swimming
27:56at biking.
27:57Dito,
27:58kailangang makumpleto
27:59ang 8-kilometer running.
28:01At may 8 workout stations
28:03na kailangang daanan.
28:04Gabilang na dito
28:05ang lunges
28:06na may hawak
28:07na pabigat.
28:07Meron ding
28:08burpees
28:08with broad jumps.
28:10Ang pagtulak
28:11ng sled
28:11na may weights.
28:12Challenging din
28:13ang sled pulling.
28:15Lalo na
28:15kung may kasamang intriga.
28:18Sino yung nisip mo?
28:19Wow!
28:21Ito to.
28:22Hinila mo pabalik sa'yo.
28:23Oo,
28:23hinila mo pabalik sa'yo.
28:24Sino?
28:25Is there a letter A?
28:27Huh?
28:27Is there a letter A?
28:29A?
28:30Mahirap din
28:31ang ski erg
28:32at rowing.
28:33At ang pinaka-challenging
28:35kay David
28:35ang wall balls.
28:37No age limit daw ito.
28:39Pero dapat
28:40kumonsulta muna sa doktor
28:42para siguradong safe
28:43kung magsisimula na nito.
28:45Mahirap naman talaga siya.
28:47Challenging naman talaga siya.
28:48Hindi siya yung parang usual
28:49na weights-weights,
28:51buhat-buhat.
28:52Pero again,
28:53lahat naman nagisimula
28:54sa mahirap.
28:56And then eventually,
28:56mas dadali siya lang dadali.
28:58Ang goal daw ni David,
28:59to be better
29:00and achieve balance.
29:02Magandang mind conditioning din
29:04ang workout para sa kanya.
29:05It's some
29:07form of
29:08meditation.
29:09Yes,
29:10yun lang yung ginagawa mo
29:11at
29:12at one time eh.
29:14Out of 2,500 racers,
29:16nag-number 50 si David
29:18nang sumali siya sa Taiwan
29:19at kauna-unahang Pilipino
29:21na nag-place
29:22sa Open Division.
29:24Goal daw ng pambansang ginoon
29:26na makatungtong
29:27sa top 3 podium
29:28representing the Philippines.
29:31David,
29:31what motivates you?
29:32I feel like
29:34para how you do one thing
29:35is how you do everything.
29:36Sa business,
29:37sa pag-aarte,
29:38para medyo chill lang ako.
29:39So parang gusto ko na
29:40sa lahat ng aspeto
29:42ng buhay ko,
29:42na challenge ako,
29:43may chine-chase pa rin ako.
29:49Excited at more than ready
29:50ng sumabak
29:51sa mga action scenes
29:52ang cast
29:52ng bagong kapuso
29:53action drama series
29:54na Firewall.
29:56Narito ang aking chika.
30:00Action-packed na seryeng
30:02puno ng puksaan
30:02laban sa mga
30:03nagahasik ng kasamaan
30:04gamit ang internet.
30:06Yan daw ang dapat
30:07abangan sa bagong
30:08seryeng Firewall
30:09na pangungunahan
30:10ni na Kylie Padilla,
30:12Miguel Tan Felix,
30:13Kailin Alcantara,
30:14Jack Roberto
30:15at Buboy Villar.
30:17Kasama rin nila
30:18sina Rodion Cruz,
30:19Rafael Landicho
30:20at marami pang iba.
30:23First time daw ni Kailin
30:24na gumanap
30:25sa isang action series.
30:26Pero excited siya
30:27dahil magagamit siya
30:29ang favorite
30:29pastime niyang firing
30:30at makakasama niya
30:32si Kylie
30:33na itinuturing niyang
30:34girl crush.
30:35I was intimidated
30:37kay ate Kylie
30:38kasi even though
30:39she's very feminine
30:41looking,
30:42like super ganda po niya,
30:44but angas talaga eh.
30:46May intimidation po
30:47ng onti.
30:48Pero
30:48ngayon po wala na.
30:51It's just
30:51actually ngayon
30:52parang sister
30:53slash mom
30:55yung relationship
30:56namin.
30:58Si Rojo naman
30:59mula sa pagkapanalo
31:00sa Stars on the Floor
31:02last year.
31:03Lulundag naman
31:04ngayon sa mga eksena
31:05na may bit-bit
31:06na baril.
31:07Diyan naman si
31:07Kylie.
31:09Siya yung mag-guide
31:10sa amin sa mga action scenes.
31:11Ready naman tayo.
31:12Tsaka,
31:13yun nga,
31:13as a dancer din,
31:14pag may mga
31:15tuturo ng mga fight scenes,
31:17kaya naman natin
31:17ma-pick up.
31:19Balik action series
31:20Tini 2
31:21para kay Miguel
31:21matapos bumida
31:23sa Voltes 5
31:24at mga batang riles.
31:26Pero bago raw
31:26mapanood ng firewall,
31:28may aabangan tayong
31:29action pasabog
31:30mula sa Kapuso Star.
31:32Meron akong
31:33isang surprise
31:34ngayong April
31:36ipapalabas.
31:37Sobrang excited na ako.
31:38Nakita ko yung material.
31:39Masasabi ko lang,
31:40inefortan.
31:41World,
31:42world class siya.
31:46And that's my chica
31:47this weekend.
31:48Ako po si Nelson Canlas.
31:49Pia,
31:50Ivan.
31:55Thank you, Nelson.
31:56Salamat, Nelson.
31:57Ito mga kapuso,
31:58hindi po mga naka-jersey
31:59o kaya sports attire
32:00ang mga naglaro
32:01sa isang basketball match
32:03sa Tadian Mountain Province.
32:05Ang mga manlalaro
32:06nakasuot ng bahag.
32:09Yan po ang
32:11bahag kitball
32:12na bahagi ng kanilang pista
32:14na ayawing
32:15di lambak
32:16at Tadian Festival.
32:18Di lang basketball skills
32:19na ipinamalas
32:20sa mga manlalaro
32:21kundi maging
32:21ang kultura
32:22ng mga iguro.
32:28Preserve.
32:29I-preserve natin
32:30ang kultura,
32:30ang heritage.
32:31Yun ang ano eh,
32:32mas makabulhang
32:33dahilan kung bakit
32:34nila ginawa yun.
32:35Tama.
32:36At yan po ang mga balita
32:37ngayong weekend,
32:38mga kapuso,
32:39para po sa mas malaki
32:40mission at mas malawak
32:41na paglilingkod sa bayan.
32:43Ako po si Tia Arcangel.
32:44Ako po si Ivan Mayrina
32:45mula sa GM Integrated News,
32:47ang News Authority
32:48ng Pilipino.
32:49Nakatoto kami,
32:5024 oras.
Comments