- 11 minutes ago
- #grind
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Oil price adjustment, ipatutupad bukas
-Dept. of Agriculture: Stable ang presyo at supply ng bigas sa kabila ng import ban at sunod-sunod na bagyo
-Sofia Mallares ng Project Z, grand champion ng "The Voice Kids 2025"
-Mga manggagawa at kasambahay sa Cordillera, may taas-sahod na ngayong buwan
-Bride-to-be na nagpaalam na bibili lang ng bridal shoes, nawawala
-8 sa 20 sakay ng multicab, patay matapos itong mahulog sa bangin; 5, sugatan
-Manipis Road, nadaraanan na muli matapos matabunan ng bato at lupa mula sa gumuhong bahagi ng bundok
-San Beda Red Lions, nakamit ang ika-24 na championship title sa NCAA Season 101 Men's Basketball kontra-Letran Knights
-David Licauco, #grind pa rin sa work bago ipagdiwang ang holiday season kasama ang pamilya
-Asong nag-viral dahil naputulan ng dila, napaaway sa kapwa-aso, ayon sa Task Force ng Valenzuela LGU
-P11.4M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Brgy. Mambog; 2, arestado
-PCG: 3 mangingisdang Pinoy, sugatan kasunod ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa Escoda Shoal
-VP Sara Duterte sa mga bagong reklamong isinampa sa kanya: May panibagong "fishing expedition"
-Tricycle, biglang nagliyab sa kalsada sa Brgy. Ragandang
-Magkapatid, patay matapos martilyuhin ng sariling ama
-DOLE: Bawal ang sapilitang pagpapasayaw o perform ng mga empleyado sa mga Christmas party
-Pilipinas, may 17 gintong medalya na sa 33rd SEA Games
-INTERVIEW: CHARMAGNE VARILLA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Dept. of Agriculture: Stable ang presyo at supply ng bigas sa kabila ng import ban at sunod-sunod na bagyo
-Sofia Mallares ng Project Z, grand champion ng "The Voice Kids 2025"
-Mga manggagawa at kasambahay sa Cordillera, may taas-sahod na ngayong buwan
-Bride-to-be na nagpaalam na bibili lang ng bridal shoes, nawawala
-8 sa 20 sakay ng multicab, patay matapos itong mahulog sa bangin; 5, sugatan
-Manipis Road, nadaraanan na muli matapos matabunan ng bato at lupa mula sa gumuhong bahagi ng bundok
-San Beda Red Lions, nakamit ang ika-24 na championship title sa NCAA Season 101 Men's Basketball kontra-Letran Knights
-David Licauco, #grind pa rin sa work bago ipagdiwang ang holiday season kasama ang pamilya
-Asong nag-viral dahil naputulan ng dila, napaaway sa kapwa-aso, ayon sa Task Force ng Valenzuela LGU
-P11.4M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Brgy. Mambog; 2, arestado
-PCG: 3 mangingisdang Pinoy, sugatan kasunod ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa Escoda Shoal
-VP Sara Duterte sa mga bagong reklamong isinampa sa kanya: May panibagong "fishing expedition"
-Tricycle, biglang nagliyab sa kalsada sa Brgy. Ragandang
-Magkapatid, patay matapos martilyuhin ng sariling ama
-DOLE: Bawal ang sapilitang pagpapasayaw o perform ng mga empleyado sa mga Christmas party
-Pilipinas, may 17 gintong medalya na sa 33rd SEA Games
-INTERVIEW: CHARMAGNE VARILLA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00BEEP BEEP BEEP!
00:30BEEP BEEP BEEP BEEP BEEP!
01:00BEEP BEEP BEEP!
01:01Sa imported rice, naglalaro ang presyo sa P47 pesos, hanggang P57 pesos per kilo depende sa klase.
01:08Ayon sa Department of Agriculture, stable ang presyo at supply ng bigas sa kabila ng pinatupad na importation bund
01:15at mga pinsalang na idulot ng mga nagdaang bagyo sa mga taniman.
01:19Si Lito na may-ari ng isang karinderiya, ramdam daw yan.
01:21Kaya kalahating kaban ang important na bigas ang binili niya.
01:32Mayroon din mga mamimili na ilang kilo lang ang binibili dahil tight ang budget.
01:37Gaya ng security guard na si Philip Nasuki ng local rice.
01:39Malaking kaluwagan din. Kasi yung pwede mo na magami sa ibang binili.
01:49Tatlong beses kada linggo rin bumibili ng bigas ang junk shop helper na si Antonio.
01:57Ayon sa nagtitinda, may ilang local rice na tumaas ng piso ang kada kilo noong nakaraang buwan.
02:03Sabi ng ilang mamimili sana raw ay hindi na gumalawang presyo ng bigas lalo pat magpapasko.
02:09Pagkasa ang pangkasa sa bahay. Ayon ang magas maganda.
02:14Mataas, parang ipit kang pera mo sa busa.
02:17James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:26Happy Monday morning mga marit pare! May grand winner na ang The Voice Kids.
02:32Ang Project Z Talent ni Coach Zach Tabudlo at Queen Birit ng Pasig na si Sophia Maliares.
02:45Ang grand winner ng kompetisyon.
02:48Ang prizes ni Sophia, 1 million pesos, recording and management contract at trophy.
02:54Presented yan ni GMA Entertainment Group Officer in Charge, Cheryl Chingsi.
02:58At Vice President for Talk, Magazine, Musical, Variety Specials and Alternative Productions, Gigi Santiago Lara.
03:07Finalist, si Marian Ansay ng Jewel Squad ni Coach Julian San Jose.
03:11Diana Gupio ng Team Believe ni Billy Crawford.
03:15At Gia ni Sarito ng Benkada ni na Coach Miguel at Paolo ng Ben & Ben.
03:20Congratulations sa inyo!
03:22Sa iba pang balita, para sa mga manggagawa at kasambahay sa Cordillera, Administrative Region,
03:30may ipatutupad na taas sahod ngayong buwan.
03:32Ayon sa Regional Freepartite Wages and Productivity Board,
03:35may dagdag na 35 pesos ang daily minimum wage sa regyon.
03:40Dahil diyan, 505 pesos na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa privadong sektor simula sa December 30.
03:46Tataas din ang buwanang sahod ng mga kasambahay o domestic workers sa car ng 600 pesos.
03:536,600 pesos na ang minimum na pasahod sa kanila simula rin sa December 30.
04:01Hindi pa rin nahahanap ang 30 taong gulang na babaeng naiulat na nawawala
04:06matapos umalis ng kanilang bahay sa Quezon City noong Merkoles.
04:10Ayon sa kanyang fiancé, nagpaalam lang na bibili ng bridal shoes ng babae para sa kanila sanang kasal.
04:15Balita natin ni Dano Tingcunco.
04:21December 14, ikakasal dapat ang 31 anyos na si Mark R.J. Reyes
04:26at ang 30 anyos niyang fiancé na si Shera De Juan.
04:29Pero ang tanging hawak ni Mark,
04:32ang inarkilang bestidang pangkasal ni Shera na Merkoles pa nawawala.
04:36Nag-message siya sa akin parang 12pm po yun sir na dumating na yung kanyang wedding gown
04:40and yung other accessories po namin sir.
04:42So, nung na-receive niya po yun sir,
04:45nag-message siya sa akin agad na pupunta siya ng FCM to via bridal shoes po.
04:50Iiwan daw niya yung cellphone niya, pupunta na siya ng FCM.
04:53I-charge niya lang po sandali.
04:54Pag-uwi ni Mark Bandang ala 5 ng hapon, wala si Shera sa bahay.
04:59Nag-alala siya makalipas ang kalahating oras dahil hindi raw ugali ni Shera na hindi magparamdam ng ganong katagal.
05:06Nire-trace nila ang mga pinuntahan ni Shera.
05:09Sa mall, wala silang makuhang CCTV video dahil under maintenance daw.
05:13Pero may mga tindera daw na nagsabing nakita nila roon si Shera.
05:17Ang tanging mga CCTV na nakuha nila, isang kuha sa labas ng bahay nila kung kailan lumabas si Shera.
05:23At isang kuha mula sa barangay na sinasabing papunta siya sa Sakayan papuntang mall.
05:28Blanco pa si RJ sa posibleng dahilan ng kanyang pagkawala.
05:31Wala po kaming away, especially during that day.
05:35Ako po kasi yung first boyfriend ni fiancé ko po.
05:38So, ako talaga yung talagang wala po siyang ex.
05:42Wala po talaga kaming maisip sir na naging kaaway niya.
05:45Kasi kahit kung tatanungin niya po sir mga kapitbahay niya dito,
05:49hindi po talagang makabasagpinggan yun sir.
05:51Talagang sobrang malas na sayahin tao.
05:53Walang talagang masamang tinapay kahit kanino sir.
05:55Ayoko naman po sarang isipin sir na may nanguha sa kanya o ano.
06:00Kasi di naman po kami sir yung pamilya na may pera.
06:05Simula miyerkoles, nakikipag-ugnayan na si RJ at pamilya niya sa QCPD Station 5,
06:11Women and Children's Concerns Section, kung saan nila itinurn over ang cellphone ni Shera.
06:16Nagpahabili ng pulis siya na wala munang pahayag na ilalabas sa puntong ito.
06:20Mahal ko.
06:21Alam mo naman kung gano'ng katakamahal.
06:23Alam mo naman kung gano'ng iningatan ka, yung mga kapatid mo.
06:28Ayaw po namin na huwag naman po sana.
06:30Ayaw namin na magpapasko ng kulang po kami.
06:33Dano Tingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:38Ito ang GMA Regional TV News.
06:44Mainit na balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
06:49Nahulog sa bangi ng isang multi-cab sa Yungon, Negros, Oriental.
06:53Cecil, kumusta yung mga sakay nun?
06:54Rafi nasawi ang walo sa dalawampung sakay ng sasakyan.
07:01Batay sa investigasyon, papunta ang mga sakay nito sa isang lamay.
07:05Nang nawalan-umano ng treno ang multi-cab na paakyat na kalsada sa barangay Tigib.
07:12Nagpagulong-gulong daw ito sa bangin at tumama sa malalaking bato kaya limang pasahero ang dead on the spot.
07:18Sa ospital naman, binawi ang nagbuhay ang tatlong iba pa.
07:22Limang iba pa ang nagtamu ng mga sugat, kabilang ang isang bata at ang driver ng multi-cab.
07:28Sinusubukan pang punin ang pahayag ng mga sangkot at nadamay sa aksidente.
07:34Nadaraanan na muli ang manipis road sa Talisay City dito sa Cebu matapos magkalanslay doon.
07:40Nakuna ng cellphone video ang aktual ng pagbuhog ng bahagi ng isang bundok sa barangay Manipis nitong Biyernes.
07:55Agad na nakatakbo palayo ang mga residente at mga motorista.
07:58Ayon sa hepe ng Traffic Operation Development Authority ng Lungsod, lumambot ang lupa dahil sa mga naranasang pagulan sa lugar.
08:06Hinihikayat nila ang mga motorista na dumaan muna sa alternatibong grota para sa kanilang kaligtasan.
08:18Holiday season na pero hashtag grind pa rin si pambansang ginood David Licauco.
08:25This weekend, nagpakilig si David sa isang meet and greet with fans.
08:29As an introvert, isang araw yan sa mga natupad na New Year's resolution ni David ang mas maging comfortable around fans.
08:37This week naman, may mga nakaline-up pang taping si David at mapapanood na ang mga yan soon.
08:45Sa kabila ng busy sked, family first pa rin naman daw ang kapuso actor for Christmas celebration.
08:50Hindi raw tao kundi aso rin ang dahilan kung bakit naputol ang dila ng isang aso sa Valenzuela na nag-viral kamakailan.
09:12Balita hati di Dano Tingkungko.
09:14Ito ang sandaling naputulan ng dila ang asong si Kobe sa Valenzuela noong Martes.
09:23Nag-viral online ang kanyang sinapit dahil ang unang akala may sadyang pumutol sa kanyang dila.
09:28Pero sa pagsisiyasa at ng binuong task force ng Valenzuela LGU, hindi tao ang pumutol sa dila ni Kobe kundi ang nakaaway na aso.
09:37Nasaksiyan daw ito ni James na pauwi noon mula sa trabaho.
09:40Parang may naririnig na po kung sumisigaw-sigaw.
09:42Binuksan ko ulit yung headlight ko so at least makita ko.
09:47Si Kobe po is parang kagat-kagat po sa pisngi.
09:50But na-realize ko lang po pala nung natanggal na yung dila niya.
09:54Ayon sa task force, tugma naman sa CCTV ang kwento ni James.
09:58Wala raw ibang taong noon at imposible rin tao ang nakagawa dahil nangyari ito sa loob ng labing siyam na segundo.
10:04Imposible rin pong mabubuksan niya ang bibig ng aso. May anim pa na aso ang doon.
10:11Imposible rin pong hindi siya masusugatan.
10:14Wala tayong human parts. Nakita.
10:16Okay na po yun kasi at least po nalinawan po kami na dogfight lang po yun.
10:21Dan at Ingkongkong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:24Ito ang GMA Regional TV News.
10:32Mahigit 11 milong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa bypass operation sa binangon ng Rizal.
10:39Aristado sa peraso na isang lalaki at kanyang live-in partner.
10:43Nakuha sa kanila ng maotoridad ang mahigit sa isa't kalahating kilo ng hinihinalang shabu.
10:48Gayun din ang 2,000 pisong by bus money, toolbox, dalawang cellphones, isang baril, mga bala at isang kotse.
10:57Naharap sa patong-patong na reklamo ang mga sospek na tumangging magbigay ng panayam.
11:05Tatlong Pilipinong mangingisda ang sugatan kasunod na pagbomba ng tubig ng China Coast Guard
11:10sa kanila mga bangka sa Sabina o Escoda Shoal sa West Philippine Sea.
11:15Sakuhan ang Philippine Coast Guard sa pool ng water cannon ang bangka ng mga mangingisda ang Pinoy.
11:20Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson, Comm. J. Tariela, minor injuries ang tinamo ng mga mangingisda.
11:27Sinaklulohan sila ng PCG.
11:29Bukod dyan, sinubukan din daw harangin ng China Coast Guard ang BRP Malapasqua at BRP Cape and Ganyo
11:35na nooy naghahatid ng supply sa mga mangingisda ang Pinoy.
11:39Panawagan ng ilang mambabatas sa international community, panagutin ang China sa mga agresibo nilang aksyon sa West Philippine Sea.
11:47Sabi ng grupo ng mga mangingisda ng Pamalakaya,
11:50ang panibagong insidente ng pagwater cannon ay patunayan nila na walang batayang kontrol ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
11:57Palala rin daw ito na kailangang resolvahin agad sa mapayapang paraan ang issue sa West Philippine Sea.
12:03Kainun din na naman ang Amerika ang ginawa ng China na anilay delikado sa buhay at kabuhayan ng mga mangingisdang Pinoy.
12:10Giit naman ang China Coast Guard at People's Liberation Army na pinalis lang nila ang mga sasakyang pandagat na nanghihimasok daw sa anilay teritorya nila.
12:18Ang Escoda Shoal ay bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas alinsunod sa 2016 Arbitral Tribunal Ruling at United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS.
12:28Sinabi ni Vice President Sara Duterte na meron na naman anyang fishing expedition laban sa kanya matapos siyang sampahan ng mga reklamo.
12:40Mga reklamong plunder, graft, malversation at bribery ang isinampas sa ombudsman ng iba't ibang civilian groups.
12:46Kaugna ito sa magpaglustre-umano sa P612.5 million na confidential funds ng Department of Education at Office of the Vice President noong 2022.
12:57Bukod kay Vice President Duterte, kasama rin sa mga sinampahan ng reklamong labinibang iba pa at dati kasalukuyang tauhan ng bisi sa DepEd at OVP.
13:07Sa isang pahayag, sinabi ng bisi na pinitan niyang nag-iimbento ng mga paratang laban sa kanya para magmukhang may proseso at lihitimo ang imbistigasyon.
13:15Giit niya, hindi ito tungkol sa paghanap ng katotohanan, kundi pagtakip sa isyo ng nakawan sa pamahalaan.
13:23Dati na rin iginiit ng bisi na walang maling paggamit sa confidential funds ng kanyang opisina.
13:37Biglang nagliab ang tricycle na yan habang nasa kalsada ng barangay Ragandang sa Libak Sultan Kudarat.
13:42Ayon sa driver, may nag-spark sa kanyang tricycle bagay ito tuluyang nasunog.
13:48Sinubukan pa nilang apulahin ng apoy pero lumaki na yun kaya nagdesisya na silang lumayo.
13:53Walang sugatan o nadamay sa insidente.
13:56Iniimbestigahan na ang sanhinang apoy.
14:00Naranasan mo naman maging alay tuwing Christmas party para mag-perform o sumayaw?
14:05Ikaw kaya Raffi, game ka bang maging alay?
14:08Sa pagkanta na lang.
14:09Ay!
14:09Huwag ka sayaw.
14:10Ako lagi eh.
14:12Eko naman magaling kang sumayaw.
14:14O diba?
14:16O diba?
14:17Sabi ng doll eh, wala naman daw masamari yan.
14:20Basta willing at walang sapilitan.
14:23Balitang hatid ni Bam Alegre.
14:25Bagong hire noon sa gobyerno si Catherine Osikos.
14:31Alam na niya agad, bunod siya sa Christmas party.
14:34Hindi naman po sa apilitan.
14:35Parang matik na po kasi siya na pag new hire ka, sayo ka talaga.
14:42Matik din si Kate Bautista sa corporate Christmas party nila.
14:45Talagang performance level siya para rin sa bonding ng mga katrabaho.
14:49Masaya naman po.
14:50Tapos, may ikaw ba?
14:54Kasi syempre, iba't iba kayong sumasayaw.
14:58Happy lang naman talaga dapat ang mga performance sa Christmas party.
15:01Pero kung sapilitan na o kaya may banta ng parusa ang hindi paglahok,
15:05abate ka lang daw, sabi ng Department of Labor and Employment o DOLE.
15:09May karapatan na magreklamo ang mga empleyado sa National Labor Relations Commission o NLRC.
15:14Mahalaga para kay Joanna Parinho na may ganitong proteksyon para sa mga empleyado
15:18kasi hindi naman talaga niya forte ang performative arts.
15:21Hindi naman po kasi mandatory yung pagpe-perform.
15:25And then yung iba po kasi parang syempre, hindi sila confident mag-show ng talent.
15:30Ganun.
15:30So hindi dapat talaga hindi pili.
15:33Ayon naman sa HR officer na si Dovi Sulay,
15:35iba-iba rin talaga ang personalidad ng mga empleyado.
15:38Respeto sa bawat isa ang mahalaga.
15:41Kung bidabida kayo talaga, hindi masaya.
15:43Pero kung hindi, huwag ipilit kasi hindi naman lahat extroverted or may talent.
15:48So ayon, huwag naman natin ipilit.
15:50Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:55Oo nga naman, may dalawang school of thought kasi dyan, di ba?
15:58Pag talaga masaya kayo, eh automatic.
16:00Sabi, matik nga na mapapasayaw yung mga empleyado.
16:03Pero meron din talaga mahiyain at ayaw, di ba?
16:05Oo, pero yun nga, dapat walang sapilitan.
16:07Ako nga eh, pinipilit ko nga huwag yun na akong pasayawin eh.
16:10Pero depende rin eh kung may malaking bonus, malaking premyo.
16:14Depende, oo.
16:15Kung may bonus, ay may todo na dapat yan.
16:18Pero again, dapat nga talagang may consent at willing talaga yung participant na gawin yung mga pinagagawa sa mga Christmas party.
16:27At saka, syempre, huwag lang yung talagang dapat yung ayon sa kakayahan ng empleyado.
16:33Kaya lang, di ba may mga na-discover din tayo minsan na,
16:35ay, ang galing pala nitong sumayaw, mahiyain lang, o kaya kumanta, di ba?
16:38So meron din ganung bagay.
16:40Pero again, nasa dialogue yun, pakikipag-usap sa mga empleyado.
16:43Tsaka kung malaki bonus, go na yan.
16:45O, bukod sa pagsasayo, ano pa bang alay mo sa party?
16:48Ako?
16:48Oo.
16:49Hosting.
16:50Hosting, yan, lagi yan.
16:52Correct.
16:53At syempre, pagkain, yan, aalay natin.
16:56Yun.
16:57Lahat naman tayo yata, dun papunta.
16:59Di ba?
17:00So again, sa mga magkikristmas party,
17:02eh, kausapin nyo na maayos yung mga empleyado nyo para walang trouble.
17:06Masaya lahat, di ba?
17:16Labing pito na ang gintong medalya ng Pilipinas sa 2025 South East Asian Games sa Bangkok, Thailand.
17:22Labing dalawang gintong medalya ang nadagdag sa Pilipinas nitong weekend.
17:25Gabi ng riyan ang nakuha ni multi-gold medalist Agatha Wong sa women's category ng Taishikwan Taishian sa Wushu.
17:33Gold medal din ang nakuha ng Philippine Judo team sa mixed team event ng Judo.
17:38Sa latest tally, as of 11 a.m. ngayong araw, may 119 medals na ang Pilipinas.
17:44Pang-anim ang Pilipinas sa sampung bansang kalaho sa 2025 SEA Games.
17:49weather update tayo ngayong lunes.
17:59Kausapin natin si pag-asa weather specialist Charmaine Varilla.
18:02Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali.
18:05Yes, magandang umaga Sir Rafi at sa lahat po natin mga tigil subay-bayk ngayong araw.
18:10Opo, may namamang retor po kayo posibleng mabuong low pressure area o bagyo sa Christmas week.
18:14San po ito posibleng nga magpaulan?
18:15Yes po, Sir. May pinapakita po yung ating tropical cyclone threat potential na isang posibleng low pressure area.
18:23Ngunit mababa naman yung chance na mag-isang ganap na bagyo.
18:26At sa nakikita nga natin, mamumo ito sa may bahagi ng southeastern par ng ating par at kikilos pa Hilagang Kanluran.
18:35So maaari ito kung magpaulan sa may silang bahagi ng ating pansa.
18:38Unang-una na nga dyan sa may Karaga, maging dito sa may bahagi ng Davao Region, Eastern Visayas, Bicol Region.
18:46So ito po yung mababantayan natin kung sakaling bang matutuloy itong low pressure area na nakikita natin.
18:51Bagamat mababa pong maging bagyo ito, yung lakas ng ulan na magiging dala nito.
18:56Ano pong magiging lakas ng ulan nito?
18:58So sa ngayon, dahil yung possible pa na pagkakaroon nito ay by next week,
19:05wala pa tayong nakikita ang mga measurement kung gano'ng talaga kalalakas yung magiging paulan ng mga ito.
19:10Pero chances are, maaari pa rin itong umapot sa moderate heavy rains po ng mga paulan.
19:17Bumaba na po sa 14 degrees Celsius ang minimum temperature sa Baguio City.
19:21Posible pa ba itong bumaba?
19:22Yes po sir, base nga po sa nakikita natin ng ating climate data section,
19:29maaaring bumaba pa yung temperatura dito sa may bahagi nga ng mountainous part ng Luzon up to 8 degrees by next month.
19:39So ito po yung nakikita natin.
19:41And nasa range naman po yan ng 8 degrees to 11 degrees.
19:45At January na po, nabanggit nyo, yung pwedeng peak ng taglamig dyan po sa lugar na yan.
19:55Yes po, and nakikita din po natin magtutok.
19:58Ito up until February na kung saan maaaring umabot din po ng as low as 10 degrees Celsius.
20:06So pag 10 degrees Celsius, papano po yung mga pananim?
20:08Anong pwedeng gawin?
20:09At talagang pwede ba mag-develop ng undap pag ganito nakababa ang temperatura?
20:13Yes po, so karaniwan po kapag mababa na po talaga ng,
20:20especially kapag nagsisingle digit na po yung temperatura dito sa may mountainous part sa may area ng northern Luzon,
20:27karaniwan po dyan sa mga halaman ay nakaka-experience na ng tinatawag nating frost.
20:32So dahil resilient naman po yung ating mga kababayan dyan,
20:36since natural na phenomenon sa kanila yan,
20:39meron na po sila mga na-i-prepare na mga greenhouses para sa kanilang pananim.
20:43Pero regardless, since meron pa rin po tayo yung mga small-time farmers na wala masyadong mga technology sa mga gaitong mga advanced methods,
20:52ay kailangan pa rin po na paghandaan, especially yung pagbaba ng temperatura pagpasok ng next month po or unang buwan ng taon po.
21:01Pag-amihan po, ba saan usually umuulan?
21:03Pag-amihan po, usual po talaga nagkakaroon tayo ng mga paulan dito sa may Cordillera at saka Cagayan Valley.
21:13Tapos dahil medyo shielded po dito sa may Ilocos region,
21:16pag lang lumalakas ng sobra yung amihan dito lang po sa bahagi ng Ilocos Norte.
21:21Pero dito talaga, Sambay Cordillera at saka Cagayan Valley yung nakaranas ng malalakas mga pag-ulan.
21:27And ina-expect natin po natin na for this week, tuloy-tuloy-puli yung mga malalakas mga pag-ulan sa area po na yan.
21:36Maging dito po sa Metro Manila, lalo pang nararamdaman yung lamig ng panahon,
21:39lalo pang mga bawa ba? Base sa inyong monitoring?
21:43Yes po, nos. Bakasin po sa ating monitoring, especially by next month,
21:47kung saan nakikita natin yung posibleng pinakamalamig na temperatura dito sa Metro Manila.
21:52Maari pa po yung mabot up until 18 degrees Celsius.
21:56So expect po po natin na mailalamig pa po yung temperatura na nararamdaman po natin ngayon.
22:02So 18 degrees Celsius, sweater weather na talaga yun.
22:04Maulan po ngayon sa ilang bahagi ng Metro Manila, ano pong dahilan nito?
22:08Yes po, nos. Kasalukoyan pa rin po tayong naapektuhan ng mga.
22:12Northeast Monsoon. Kaya expect po natin na meron pa rin po tayong mga light rains
22:16dito sa bahagi ng Metro Manila.
22:19Ano pong inaasahan natin panahon sa iba pang bahagi ng bansa in the next coming days?
22:25So more on yung malalakas po talaga ng mga paulan, especially today,
22:29sa may area pa rin ng Cagayan Valley, Cordillera,
22:31tapos dito sa may bahagi ng Aurora and Quezon.
22:34Dahil po yan sa Northeast Monsoon, tapos yung Easter List po,
22:38nakaka-apekto rin sa may Bicol Region,
22:40Eastern Visayas, Caraga, and Davao Region.
22:43And for the next, for this week,
22:46nakikita natin na magtutuloy-tuloy yung mga paula sa mga na-mention po natin na lugar.
22:50Magpapalit lang, pwedeng palik yung shear line,
22:53or dito sa may part ng Mindanao,
22:54pwedeng bumalik yung intertropical convergence zone,
22:57o yung IDCC nga po na tiyatawag natin.
22:59Baka meron pa po kayong paalala sa ating mga kababayan
23:03tungkol sa mga aasahan nilang weather in the next coming days
23:08na sa inyo pong pagkakataon.
23:10Yes po, so ipapaalala ko lang po yung kahit na po dito sa parts natin
23:17or sa may bahagi nga na nakaralanas lang ng mga pulok-pulot
23:21at saka panandali ang mga pagulan.
23:23Nakitaan po natin na meron pa rin po tayong cases na nagkakaroon ng flooding
23:26kahit saglitan lang yung mga paulan
23:29dahil nga dito sa patuloy na epekto ng Easterlies.
23:33Kaya patuloy pa rin po yung ating mga pag-iingat
23:35kahit po mga localized thunderstorms,
23:38kaya-kaya po nyan magdulot ng mga pagbaha.
23:41Especially nga sa mga lugar po na malapit po sa ilog
23:44at doon sa mga syudad na madalas din pong makaranas
23:48ng mga pagbaha at pag-uho ng lupa.
23:50Okay, maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo sa Balitang Hali.
23:54Yes po, maraming salamat.
23:55Si Pag-asa Weather Specialist, Charmaine Barilla.
Be the first to comment