Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, January 24, 2026:


2 senior citizen nasawi, halos 400 residente nawalan ng tirahan sa sunog sa Brgy. Tejeros


13 sugatan sa salpukan ng jeepney at SUV


5 bangkay mula sa lumubog na MBCA Amejara, natagpuan sa dagat na bahagi ng Sarangani, Davao Occidental


2 Pinoy nasawi, 4 hinahanap mula sa pagtaob ng M/V Devon Bay sa West Phl. Sea


Bulkang Mayon, nagbuga ng mahigit 6,000 tonelada ng asupre na pinakamataas mula noong January 16


State of emergency sa 18 estado; higit kalahati ng Amerika, tatamaan ng matinding pag-ulan ng niyebe


Birthday party sa Cainta, nauwi sa rambulan; Ilang aawat, nasaktan din


Kultura at tradisyon ng mga Ilonggo, bumida sa mga pagtatanghal sa kasadyahan sa kabanwahanan


Nasunog na motorsiklo | Mga estudyanteng nasalpok ng truck


Zaldy Co, kailangan umuwi ng Pilipinas kung tetestigo sa impeachment vs. PBBM, ayon kay Rep. Luistro


Hermit crab, ginawang shell ang isang lata


Alex Eala, sa susunod na linggo sasabak para sa WTA 125; Pangulong Marcos, posibleng manood sa kaniyang laban


Karera ng mga pusa | Tambayan ng pusa | Nagsusumamo na aso | Instant pet attraction


Gabbi Garcia at Khalil Ramos, “ikinasal” sa pinagbidahang music video; Behind-the-scenes photos, ibinahagi ni Gabbi


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Ginising ng nagngangalit na apoy ang mga residente ng Barangay Tejeros sa Makati City kaninang madaling araw.
00:37Di bababa sa 126 na pamilya o halos 400 individual ang nawala ng tirahan ayon sa mga otoridad.
00:45Halos walang nasalbang gamit ang mga nasunugan para unang iligtas ang kanilang pamilya at mga alagang hayop.
00:52May sunog na pala doon sa tabi namin. Buti nakalabas pa kami. Mahirap.
00:59Sobrang po ang sakit sa nangyari sa amin. Lahat ng gamit, ubos, walang naitsira.
01:06Si Reyn, may mga galos sa binti. Tumalon siya sa krikbit-bit ang anim na taong gulang na apo.
01:13Nanghihina ka kasi wala kang gamit. Hindi mo alam kung saan na mag-umpisa ulit. Kung saan na makatira.
01:22Anim ang sugatan. Sa kasamaang palad, may mag-asawang senior citizen na nasawi.
01:30Na-trap sila sa bahay nilang natupok. Hindi muna nagpaunlak ng panayam ang kanilang mga kaanak.
01:35Bedry din po yung isa daw. Hawak daw ng apo eh. Hawak ng apo.
01:39Sabay silang bumaba pero naiwan talaga dahil mabilis na kumalat ang apo eh. Hindi na kaya.
01:46Tumutulong tayo pagdating doon sa mga funeral arrangements. Kung saan ibuburol din yung mag-asawa na hindi pinalad at hindi nakalabas dito sa sunog na ito.
01:59Ayon sa BFP, mabilis kumalat ang apoy sa dikit-dikit na mga bahay na pawang maagawa sa light materials.
02:07Ang mga daan sa lugar, makitid at may mga nakaparada pang sasakyan.
02:12Natagalan din daw sa pagresponde dahil iba raw ang unang isinumbong sa mga otoridad.
02:18As per PNP, sabi nila na nireport sa kanila kasi ang akala ay kaguluhan lang.
02:24Yung unang sumabak dito yung bumbero, malaki na yung apoy.
02:28Halos dalawang milyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala.
02:33Tinitingnang pinagmula ng sunog ang isang bahay na matagal na umanong walang kuryente.
02:38May posibilidad na gumamit sila ng pang-ilaw na pwede kandila, pwede gasera, pwede rin sigarilyo.
02:49Mag-aalasyete ng umagan na Apola ang sunog na umabot ng ikatlong alarma.
02:54Para sa GMA Integrated News, Bea Pimlac nakatutok 24 oras.
03:00Disgrasya sa Antipolo City, labing tatlo ang sugatan ng salpukin ng SUV ang isang pampaseherong jeep sa Sumulong Highway.
03:08Ang nahulikan na disgrasya sa pagtutok ni Chino Gaston.
03:16Alas 9 ng umaga sa kahabaan ng Sumulong Highway, paakyat ng Antipolo ang puting SUV na ito.
03:22Nang biglang tumawid ng double yellow line ng highway at direkt ng sumalpok sa pamparating na passenger jeepney.
03:30Sa nakas ng impact, wasak ang harapan ng SUV at nasira ang harapan bahagi ng jeep.
03:35Kwento ng driver ng jeepney, laking gulat niya nang sumalubong bigla ang SUV.
03:41Mapansin ko itong SUV, gumawang siya minsan, tapos bumalik sa linya niya, tapos gumawang na ng gusto, kumain na ng gusto sa linya ko.
03:50E ako, dire-direkt ko lang ako sa daan ko. Hindi ako pa ganyan-ganyan kasi ang iniisip ko, buhay ng tao ang hawak ko.
03:58Bagyang nasugatan ang siyam na pasahero ng jeepney at ang apat na sakay ng SUV.
04:04Agad naman silang dinala sa ospital.
04:06Ano yung mga natang bumuntugat?
04:08Dito po, tapos dito, tapos sa ito po.
04:13Tumangging magbigay na pahayag ang SUV driver.
04:20Babala nung opisyal ng lungsod sa mga motorista, sumunod sa batas trapiko, lalo sa mga kalsadang dumaraan sa bulubunduking bahagi ng antipolo.
04:28Kahit anong lagay, sir, natin na mga rumble strips, yung po mga signages, tinagdag, ano po natin yan, marami po nilagay natin dyan, pati mga pedestrian lanes.
04:41Kung hindi po talaga susunod yung ating mga kababayan, yung mga disiplina po talaga ang kailangan natin.
04:47Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston Nakatutok, 24 oras.
04:51Na-recover sa dagat, sa bahagi ng Sarangani sa Davao Occidental, ang mga labi ng limang sakay ng lumubog na motorbanka sa Davao Golf.
05:02Sampu pa ang pinagahanap.
05:04Nakatutok sa John D. Esteban ng GMA Regional TV.
05:10Anim na araw, mula ng lumubog ang motorbanka na Amihara sa Davao Golf.
05:14Limang bangkay ang natagpuan palutang-lutang sa dagat na sakop ng bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.
05:20Ngayong umaga po, nagkaroon po tayo ng report galing po sa ating BCJA vessel.
05:28Meron niya pong nakita ng mga bangkay at narecover yung mga maliliit niya na nabangkatin nila sa mother catcher vessel around 11.30, 11.45 am.
05:39Na i-relay po ang ating mga piloto habang lumilipad.
05:43Na meron niya po silang nakita na isa pang floating character body.
05:49Oo.
05:50Isang nga po ang isang floating debris, white debris.
05:53Malapit din naman po ito sa ating Sar area.
05:55Kinukumpirma pa kung sino sa labing limang nawawala ang narecover.
06:00Ihahati na mga bangkay sa Balot Island, Davao Occidental sa kaililipad sa Davao City.
06:05Kinumpirma rin ng Coast Guard District Southeastern Mindanao na may nakitang puting debris at mga kulay orange na palutang-lutang kung saan nakita ang mga bangkay.
06:14Pero hindi na nagbigay ng detalye kung ito ba ay life vest at kung suot ba ito ng mga nakitang bangkay.
06:21Matatanda ang may kumalat na larawan sa social media, makikita ang pitong tao na nakalife vest sa dagat at may puting debris.
06:29Sa ngayon, isa pa lang sa labing anim na sakay ng bangka ang nasasagip.
06:34Sampu pa ang pinagahanap.
06:36Mula sa GMA Regional TV One Mindanao, Jandy Esteban, Nakatuto 24 Horas.
06:41Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na dalawang Pilipinong tripulante ang nasawi mula sa isang tumaob na Singaporean flag vessel sa West Philippine Sea.
06:52Patuloy ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard na sinasagupa ang malalakas na alon sa lugar.
06:58Nakatutok si Jamie Santos.
07:04Ipinagpatuloy ngayong araw ng Philippine Coast Guard ang pagsuyod sa West Philippine Sea
07:08para mahanap ang apat na tripulanting Pinoy mula sa tumaob na barkong MV Devon Bay.
07:14Agad dineploy ng PCG ang mga sasakyang pandagat nila,
07:17kabilang 24-meter at 44-meter vessels,
07:20at nag-gradyo sa mga barkong napadpad sa kung saan tumagilid at tumaob ang barko.
07:26141 nautical miles can lura ng Sabangan Point sa Agno Bay, Pangasinan,
07:30bandang alas 8.30 ng gabi noong Webes.
07:32Nasa lugar na rin ang 97-meter vessel ng Coast Guard na BRP Gabriela silang
07:38upang palakasin ang search and rescue mission.
07:41Patuloy po yung ating pagkakandak ng ating search and rescue mission.
07:44Definitely, the Philippine Coast Guard will never stop
07:47until we find po itong four more missing crew po ng MV Devon Bay.
07:52Puro Pilipino ang 21 sakay ng Singapore flag vessel
07:55na naglayag mula Zamboanga del Sur patungo sana ng China,
07:59dala ang mga karga nitong iron ore.
08:01Kinumpirma ng PCG na 17 tripulante ang nasagip ng isang dumaang barko ng China Coast Guard
08:07base sa impormasyon mula sa Hong Kong Rescue Coordination Center.
08:11Nakikipag-ugnayan sa kanila ang PCG para sa turnover ng mga nailigtas na tripulante
08:16at sa iba pang detali ng operasyon.
08:19Pero ang Department of Migrant Workers kinumpirma ngayong araw
08:22ang pagkasawi ng dalawang tripulanting Pilipino.
08:24Isa sa mga hamon sa paghahanap ng mga nawawala ang malalakas na alon sa lugar.
08:29Currently po, yung sick conditions sa iya is magagang malakas po yung halil at malakas po yung current.
08:36So ang ginagawa po natin, sinasabihan rin po natin ng radio broadcast.
08:41Nagbabala rin ang Coast Guard na may posibilidad na tuluyang lumubog ang MV Devon Bay
08:45matapos mamataan ng oil sheen at isang capsized life raft malapit sa huling naiulat na lokasyon ng barko.
08:52Sa ngayon, wala pang naoobserbahang malaking oil spill.
08:56Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
09:02May git tatlong linggo na sa evacuation center ang ilang taga-albay
09:06dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
09:09Pero may problema raw ang iba sa sitwasyon sa kanilang palikuran.
09:14Mula sa Legaspi-albay, nakatutok live.
09:16Si Oscar Oida.
09:17Oscar
09:18Yes, Ivan.
09:23May git-anin na libong tonelada ang nai-record na sulfur dioxide emission kahapon.
09:29Yan na rin ang pinakamataas mula noong January 16.
09:32Ang mga evacuees naman, ilan sa kanila may iningaw mo ng problema sa palikuran.
09:41Para sa mga evacuee na may git tatlong linggo lang na sa Barrio Elementary School, Kamalik Albay,
09:47wala raw silang naging problema sa supply ng pagkain at tubig.
09:51Yun nga lang, medyo di na raw komportable ang paggamit ng palikuran.
09:56Lalo na sa mga may edad gaya ng 77 anyos na si Alejandria.
10:01Ang mga toilet bowl kasi, puro pang bata.
10:05May hirap talaga, maliit.
10:10Ang kwan, malaya na ang pagkwako, turog, pag-agiko.
10:18May hirap na, ang mata ko.
10:22Ano pong sabi ni Nanay?
10:23Baka siguro po, pinapaliwanagin po siguro na yung pag nagsisiyar siguro siya, pag umupo siya, medyo nahihirapan siya.
10:30Kasi dahil sa edad niya, yung tuhod niya, yan mahina na.
10:35Dahil 77 years old na si Nanay.
10:37At nagkakaroon na raw ng mga pagbabara.
10:41Siguro po, kaya kaagad nag-a-plus.
10:45Kasi?
10:46Kasi maliit siguro po.
10:48Basta sabi ng teacher, ganyan daw yan talaga.
10:51Nag-aapaw daw dito, dito sa floor.
10:54May ibang room na medyo bara siya.
10:58Kasi ang isang family, mga nasa 30 to 40, individual.
11:03Well, estimate po mga nasa 10 family ang per room.
11:08Kasi ang, ano kasi niya, kung maliit ang imbakan sa ilalim, magpupunot po talaga siya.
11:15Yun po ang siguro ang cost kayo.
11:17May mga nagawa namang malaki-laking toilet sa paaralan, pero di pa rin nagagamit.
11:23Ayon sa Albai PDRMO, ganyan din ang idinaraing na problema sa iba pang evacuation centers sa probinsya.
11:31Bagay na pilit daw nilang tinutugunan.
11:34We are in contact with the Office of Civil Defense.
11:37Nag-commit naman sila ng kanilang ding resources upang matugunan yung kung anuman kakulangan.
11:44Nasa alert level 3 pa rin ang Bulkang Mayon.
11:47Indikasyon ng mataas na antas ng aktibidad.
11:50Sa pinakuling pagmamantay ng FIVOX, umabot sa 6,110 tons per day ang nai-record na sulfur dioxide emission kahapon.
11:59Doble sa inilabas na asupre kahapon at pinakamataas na nai-itala mula nitong January 16.
12:08Sa nakalipas na 24 oras, nai-itala ang pagbuga ng lava dome at pag-agos ng lava.
12:23Kasama ang 261 na rockfall events at mga ozon o pyroclastic density currents.
12:31May katamtaman ding pagsingaw na napapadpad sa mga bayan sa timog kanluran.
12:36Namamaga pa rin ang bulkan.
12:38Tuloy-tuloy ang drone surveying ng FIVOX sa Mayon upang maimapa ang lawak ng lava flow at pyroclastic density current o ozon.
12:56Habang sa mga kumulidad sa palibot ang bulkan, namahagi sila ng mga ashpan na panukat sa ibinubugang abo ng mayon.
13:05Mahalag raw ito sa patuloy na pag-monitor sa bulkan at sa pagpapatupad ng nararapat na mga hakbang sa kaligtasan.
13:13Kaugnay nito, Ivan, ay pinapayuhan ang lahat na laging maging alerto at umantabay sa abiso ng kinauukulan.
13:25Mula rito sa Legaspi Albay. Balik sa iyo, Ivan.
13:29Maraming salamat, Oscar Oida.
13:33Halos magkaabusan na ng food supplies sa grocery na yan sa New York, Amerika dahil sa nagbabadyang winter storm doon ngayong weekend.
13:40Nag-deklara na ng state of emergency ang gobernador ng state of New York bilang paghahanda.
13:47Sa pinakahuling ulat sa American media, di bababa sa labing walong estado nag-deklara na ng state of emergency.
13:53Nag-panic buying din ang mga nasa ibang estado gaya sa Texas, Arkansas at Georgia.
13:59May git kalahati ng mainland United States ang inaasahang maapektuhan ng winter storm.
14:04Ang ating embahada sa Washington, D.C. nagpaalala sa mga Pilipino roon na maghanda at sumunod sa mga babala ng mautoridad.
14:12Pinaiiwas din nila mga Pilipino na maglakbay o bumiyahe sa gitna ng winter storm.
14:19Nauwi sa rambulan ang kasiyahan sa isang birthday party sa Kayentarizal na damay pati ilang aawat lang.
14:26Nakatutok si Jomera Presto.
14:27Pagkalabas ng bahay ng lalaking ito, nilapitan niya ang isa pang lalaki sa Flora Street, Barangay Santo Domingo sa Kayentarizal, pasado alauna ng madaling araw kanina.
14:41Maya-maya, sinundan siya ng kanyang asawa.
14:43Tila nagkaroon ng komprotasyon na magkabilang panig.
14:46Hanggang sa sinuntok ng lalaki ang isa pang lalaking nakapula na agad tumumba.
14:52Sinuntok niya rin ang lalaking una niyang nilapitan pero nakailag ito.
14:55Kumuha naman ang bote mula sa saradong tindahan ng isa pang lalaki at inihagis ito sa nanununtok.
15:01Tumakbo rin papunta sa tindahan ng babae.
15:03Kumuha ng bote at akmang ibabato rin sa ibang tao.
15:06Maya-maya, isang lalaki ang sumipas sa babae.
15:09Sa kuhang ito, may kita na sinusubukan ng awati ng ilang residente ang mga nag-aaway.
15:15Pero hindi sila nagpaawat.
15:17Natigil ang gulo na dumating ang mga taga-barangay.
15:20Ayon sa barangay, naalimpungatan ang lalaking lumabas ng bahay at ang asawa nito.
15:25Ilang kabataan daw kasi ang nagiinuman kanina.
15:28Dalawang beses na umano silang inikutan ng barangay bago napatigil.
15:32Habang nagliligpit, doon na daw lumabas ang lalaki.
15:35Di umano ay mayroong karamdaman yung kanya may bahay.
15:39Kaya siya ay lumabas at na kanya din nga sinabihan.
15:44Mayroong daw birthday kaya sila nagiinuman.
15:47Sa isa pangangulo ng CCTV, kitang isang lalaki na kumuha pa ng malaking bato habang papalapit sa nag-aaway.
15:54Hindi na nakita sa video pero pagbalik ng lalaki, wala na ang hawak niyang bato.
15:59Maya-maya, halaman naman ang kanyang kinuha at inihagis.
16:02Ayon sa barangay, dati nang may hidwaan na magkabilang panig pero hindi na nila ito e-dinitalye.
16:08Humigit kumulang sa dalawa po yung mga kabataan.
16:11Hindi naman lahat ay mga minors. May mga nakahalo lang talaga.
16:16Sinubukan namin makausap ang lalaking unang nasuntok.
16:19Hindi siya humarap sa kamera pero kwento niya, sinubukan niya lang umawat pero nadamay pa siya.
16:24Desidido raw siya magsampa ng reklamo.
16:27Hindi na namin nakausap ang lalaking naalimpungatan umano dahil sumailalim din siya sa medikal.
16:32Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
16:37Ibinida ang mga kwento at tradisyon ng mailonggo sa kasadyahan sa kabanwahanan na isa sa mga pinaka-inaabangan sa Dinagyang Festival 2026.
16:48At mula sa Iloilo City, nakatutokla si John Sala ng GMA Regional TV.
16:54Mayong hapon, John!
16:55Pia, may yaman sa kultura at tradisyon ang probinsya ng Iloilo.
17:03Pero hindi mo na nga kailangang libutin pa ang buong probinsya para ma-experience ito
17:08dahil kanina nga ay nasaksiyan ito sa performances ng mga tribong kalahok sa kasadyahan sa kabanwahanan 2026.
17:14Todo hataw sa paghiyaw ang mga bisitang nakikisaya sa kasadyahan sa kabanwahanan.
17:26Ito ang isa sa highlights ng taon ng Dinagyang Festival o Pista ng Santo Niño ng mga taga-Iloilo.
17:32Walong grupo mula sa iba't ibang bayan sa probinsya ang nagpakitang gila sa kanilang makukulay na performance.
17:37Gamit ang naglalakihang props at tradisyonal na kasuotan.
17:41Ipinakita ng bawat grupo ang kanika nilang interpretasyon ng ganda at saya na kapistahan.
17:47Namanghang mga manunood sa energy, talento at syempre, magpapakita ng mga kwento at tradisyon ng Iloilo.
17:55Yung mga mga ganda performance ng mga nakasumali.
17:59Madami kami nakita na hindi pa kami nakikita.
18:03And ang gagaling ng mga municipalities at yung mga dancers talaga. Colorful.
18:09Ayon sa ilang turista, maliguradong babalik sila sa susunod na taon dahil sa world-class performances ng mga tribo.
18:17Mula sa Iloilo Freedom Grandstand, nagsasagawa ng street dance sa mga kalahok papunta ng Wervana Street sa La Paz at dediretsyo na sa Iloilo Sports Complex.
18:26Ngayong gabi gaganapin ang religious sadsad sa San Jose Parish Placer.
18:30At bukas ng umaga, idaraos ang Dinagyang Tribes Competition kung saan pitong tribo ang maglalaban-laban.
18:36Pia, kasabay nga ng pagdiriwang ng Dinagyang Festival dito sa Iloilo City ay ang pagdagsa din ng mga local at foreign tourists.
18:48Kaya naman nakabantay ang otoridad sa mga kalsada at lahat ng festival sites dito sa Iloilo City.
18:55Yan ang latest mula dito sa Iloilo City. Balik sa inyo, Pia.
18:57Salamat ngid, John Sala ng GMA Regional TV.
19:03Mga estudyante ang magkakaanak na sawi ng salpukinang trailer truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Isabela.
19:09At isang rider naman sa Ilocos Norte ang nasunog kasama ng kanyang motorsiklo.
19:14Nakatutok si Bernadette Reyes.
19:16Nagliwanag ang bahagang ito ng bypass bridge sa Lawag City, Ilocos Norte dahil sa nagliyab ng motorsiklo.
19:27Pero hindi lang yan ang nasunog dahil ang rider nito naabutan ang pagsiklab ng apoy matapos na maipit sa kanyang motor.
19:36Bago magliyab, sumalpok ang motor sa isang sasakyang nakaparada noon sa tulay.
19:40Tumilapon pa ang angkas dahil sa lakas ng impact.
19:43Isinugod siya sa ospital pero ang rider bigong maisalba dahil sa laki ng apoy.
19:49Sumuko na sa pulisya ang driver ng nakaparada ng sasakyan.
19:52Depensa niya, itinabi niya lang ang kanyang sasakyan dahil naubusan ito ng gasolina.
19:57Nag-hazard light naman daw siya at sumisenyas pa noon sa ilang motorista gamit ang kanyang cellphone flashlight.
20:04Patuloy pa ang imbistigasyon ng pulisya.
20:12Sa hiwalay na aksidente naman sa Santiago City, Isabela, halos mayupi na ang tricycle na ito matapos masalpok ng trailer truck.
20:21Patay ang apat na estudyanteng sakay ng tricycle.
20:24Pauwi na sana noon galing eskwela ang mga bitima at ilang metro na lang bago makababa ay sinalpok naman sila ng truck.
20:31Magkakapatid ang tatlo sa mga bitima.
20:34Minsan naman nila ang isa.
20:36Nakaligtas naman ang tricycle driver.
20:38Kustisya ang panawagan ng mga kaanak ng mga bitima.
20:42Hawak na ng pulisya ang truck driver na maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.
20:48Para sa GMA Integrated News, Gunadette Reyes, nakatuto 24 oras.
20:55May hamon ang chairperson ng House Committee on Justice kay dating Congressman Zaldico.
21:00Kung totoo nga ang posibleng siyang maging testigo sa isang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
21:06Dapat daw umuwi muna siya ng Pilipinas.
21:10Nakatutok si Jonathan Randall.
21:11Ang pasabog daw na testigo ng grupong naghain ng ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos,
21:27hindi raw basta-bastang makakaharap sa Kamara.
21:30Ayon kay Batangas 2nd District Representative Jerville Luistro na chairperson ng House Committee on Justice.
21:35Kung gusto raw tumistigo ni dating Congressman Zaldico, kailangan nitong umuwi ng Pilipinas.
21:42Dapat lahat ng witnesses under oath, which therefore means you have to come and take your oath before you give your testimony.
21:54Ang magiging issue na nga lang dyan because he is a fugitive and he is facing the possibility of being arrested.
22:03Will he be willing to compromise that possibility of being arrested to be able to appear before any investigative body?
22:14Pero hindi ba pwedeng via video call na lang ang pagtestigo at gawin ang panunumpa sa Embahada ng Pilipinas kung saang bansa man naroon si Ko?
22:22I haven't seen that under the rules, ang nasa ilalim po ng rules ng impeachment, dapat sa Justice Committee chair panunumpaan lahat ng affidavits and counter-affidavits.
22:44And that includes the giving of testimony before the Justice Committee.
22:50Ang huling lokasyon ni Ko ay sa Lisbon, Portugal.
22:53Ayon kay Interior Secretary John Vic Rimulia, si Ko ang nagdawid kay Pangulong Marcos sa bilyon-bilyong pisong insertions at kickback umano sa 2025 budget, bagay na dati nang itinanggi ng Malacanang.
23:06Sa ngayon, sa tatlong impeachment complaints, iisa pa lang ang opisyal na natanggap ng Office of the House Secretary General.
23:13At nai-transmit na sa Office of the Speaker, ang ikalawa at ikatlong impeachment complaint, hindi tinanggap noong Webes ng Office of the Secretary General.
23:22Dahil nasa abroad si House Secretary General Shelloy Garafil para tumanggap ng award.
23:26Kung magpang-apang-apot yan sa plenary, it depends kung alin ang unang makakarating sa Justice Committee.
23:39If it will be the first impeachment complaint, which will be referred to the Justice Committee,
23:46technically, applying the Francisco ruling, it already bars the two subsequent complaints.
23:54Kung i-transmit nila ng sabay-sabay, at the same time, the three impeachment complaints to the Justice Committee,
24:05this is my opinion, we will be prompted to consolidate all those three.
24:12Patuloy naming sinusubukang makuna ng pahayagang kampo ni Ko at Secretary General Garafil.
24:17Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
24:24Nahulikam sa dagat sa Mindanao ang isang uri ng alimango na tila stock sa isang lata ng sardinas.
24:32Nakakaaliman sa unang tingin, pero alam niyo bang isa ito sa mga nakakabahalang epekto ng irresponsabling pagtapo ng basura?
24:40Kuya Kim, ano na?
24:41Masdan ang latang ito, may bumagalaw mag-isa.
24:49Pero kung titignang maigi, yan ay dahil dito naglulungga ang isang hermit crab.
24:54Ang video kuha ni Ronnie habang papauwi raw sa kanilang tahanan sa Surigao del Sur.
24:57Ang mga hermit crab may malalambot na abdomen at tumaasa lamang sila sa mga inabando ng mga shell para sa kanilang proteksyon.
25:04Pero marami sa mga hermit crab na pipilitang magtago sa mga artificial shell.
25:09Ang kaso ang marami sa mga ayahan gaya nitong lata, basura ng tao.
25:12Napakadelikado rin ito lalo't ang mga lata may matatalas na bahagi.
25:16At alam niyo bang hindi lang ito ang maaring masamang epekto ng hindi wastong pagtapo ng basura?
25:19Kuya Kim, ano na?
25:22Ang littering o hindi wastong pagtatapo ng basura, hindi lamang nagdudulot ang polusyon.
25:27Maaring din itong maging banta sa mga hayop.
25:29Ang mga plastic na basura sa ating karagatan,
25:32maaring maka-injure ng maygit 600 species ng hayop na nabubuhay sa dagat o malapit sa dagat.
25:38Kaya huwag basta-basta magtapo ng basura.
25:40Sapagkat ang ating kapabayaan, tulot ay panganib sa kapaligiran.
25:44Ang responsabeng pagtatapo ng basura, simple hakbang para maprotektahan ang kalikasan at mga nila lang na umaasal ito.
25:50Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 oras.
25:57Mas motivated daw maglaro ngayon sa WTA 125 ang Pinoy Tennis Ace na World No. 49 na si Alex Iala.
26:06Lalo't gaganapin ang kompetisyon sa Rizal Memorial Sports Complex.
26:10At posible raw manood ng laban si Pangulong Bongbong Marcos.
26:14Nakatotok si JP Soriano.
26:16Lakas at liksi.
26:21Yan ang pinakita ng Pinoy Tennis Ace at World No. 49 Alex Iala sa practice game kaninang umaga sa Rizal Memorial Sports Complex Tennis Court.
26:29Ang venue ng WTA 125 Philippine Women's Open na aarangkada na sa lunes, January 26.
26:36Nakalaro niya sa practice game si Nalulu Sun ng New Zealand at Solana Sierra ng Argentina.
26:42Ngayong hapon, all smile si Alex sa kanyang media day.
26:46I'm here, I'm home. I'm so happy to be here.
26:50I'm alongside so many great Filipino athletes here at the draw.
26:56So I hope you guys can come out, support and pray for us.
27:01Mas motivated than ever daw si Iala dahil alam niyang home court ang nalaroan niya.
27:07So, so, so surreal to have a home tournament and to see it come to life.
27:13Parang kung kailan lang ang layo-layo nitong dream na to.
27:18Labing dalawang taong gulang lang si Alex Iala ng huling makapaglaro at makapag-ensayo dito sa Rizal Memorial Sports Complex.
27:23At sa kanyang pagbabalik para sa WTA 125, isang mural po ang itinayaw kung sa makikita iba pang sports icon.
27:30Gaya ni Manny Pacquiao, Heidelin Diaz, Carlos Yulo at ngayon, ang patuloy na gumagawa ng kasaysayan si Alex Iala.
27:37I feel very flattered, especially being alongside so many great names.
27:42I think that's the first mural for me.
27:44So, you know, it's a new experience, it's new emotions.
27:48So, but I am very proud to do what I can.
27:53Sasabak sa susunod na linggo si Alex at posidli raw manood si Pangulong Bongbong Marcos.
27:59He said, I want to watch Alex if given the opportunity and given the right timing.
28:05Ngayong araw nakita namin nage-ensayong ilan sa mga tennis stars sa Rizal Memorial Sports Complex.
28:11Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
28:15Good vibes ang hatin ng isang pusa na may kakaibang tambayan.
28:24At animoy nagkarera naman ang dalawang pusa sa isang paaralan dahil sa Cat Food.
28:29Ang mga usapang pets, tinutukan ni Jonathan Andal.
28:33C1, C2, kang takbo!
28:39Animoy na sa Meow Rathon ang mga pusang si na C1 at C2.
28:44Nang salubungin ang nagpapakain sa kanilang cat lover na si U-Scooper Olive Omega.
28:52Tuwing tatawagin niya, talagang paspas ang takbo ni na C1 at C2.
28:56C1, C2!
28:58Araw-araw niya raw, binibisita at pinapakain kahit weekends at holidays.
29:02Ang mga pusa na pinanganak at nakatira sa eskwelahan.
29:08Ang puspin na si Ginger Boy parang nag-cosplay as si Nando Ming Rice.
29:16Rice cooker at mangkok kasi ang hilig niyang higaan na kahit saan pa nakapatong,
29:22doon talaga siya hihilata.
29:25Pinusuan ng netizens ang poging si Ginger Boy pero may tanong ang ilan.
29:30Bime, nagsabi naka-lowered ka daw.
29:32Kwento ng kanyang fur mom, kuting pa lang si Ginger Boy, maikli na talaga ang mga paa niya.
29:39Maraming netizens naman ang naantig sa isang aso sa General Santos City.
29:44Behave lang kasi siya sa paghingi ng pagkain sa mga customer na isang karinderiya.
29:48Para mapansin kasi, itinataas niya ang dalawa niyang paa na parabang nagsusumamo.
29:54Sinabayan pa yan ng kanyang tila puppy eyes.
30:00Cuteness overload naman ang hatid ng fur babies na sina peanut at butter.
30:06Kahit anong okasyon kasi, game ang Golden Retriever at Labrador Retriever duo na magsuot ng mga kostyum.
30:13At sabay sa pagpit senyor nitong sinulog festival, naging instant pet attraction ang dalawa sa mga cebuano at turista.
30:22Ayon sa kanilang fur parents, bukod sa pagbibigay sayag, gusto rin nilang hikayatin ang mga kapwa fur parent na maging responsabling pet owner.
30:30Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal na Katutok, 24 Horas.
30:34Buntik nang bumati ng best wishes ng malalapit na kaibigan ng kapuso couple na sina Gabby Garcia at Khalil Ramos.
30:46Bumida kasi ang dalawa sa isang music video na tila married couple.
30:50Ready na ba silang tutuhanin yan? Alamin sa aking chika.
30:53Tila may maagang valentines pampakilig ang kapuso sweethearts na sina Gabby Garcia at Khalil Ramos.
31:03Ani mo'y wedding bells are ringing talaga.
31:06Bida ang dalawa sa music video ng latest song ng grupong Ben & Ben.
31:11Caption ni Gabby sa kanyang post.
31:13Naging emosyonal daw sila ni Khalil pagkarinig sa kanta dahil it felt so close sa kwento nila.
31:19Isa daw itong love letter to the person you chose to commit to, grow with, and build a life with.
31:29Foreshadowing ang comment ni newlywed kapuso star Carla Abeliana.
31:34Magko-congrats na sana ako ang comment naman ni It's Showtime host Darren Espanto.
31:40Actually nakakatawa kasi ang dami ding nag-akala na totoo siya.
31:45Congrats.
31:46Oo, we made it clear literally for the music video.
31:48Pero Gabby, malapit na bang maging totoo ang eksena nito?
31:54Tanungin natin si Khalil.
31:56Wala ba? Tsaka na lang kami, kalma lang kami.
31:58Alam mo yun, parang we're super secured naman sa isa't isa na hindi namin kailangan magmadali, mag-mag-worry.
32:05Okay naman kami.
32:06Excited naman si Gabby at palapit na ng palapit ang finals night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
32:13Unexpected daw ang mga nangyayari ngayon at magiging mas mainit pa ang mga tagpo sa reality show.
32:22Malapit-lapit na ang pagtatapos pero exciting, dami pa rin exciting.
32:26Kasi recently nagkaroon ng wild card so nagdagdagan na naman sila and mas marami mga pang houseguests na narating.
32:33And that's my chiquette. It's Saturday night. Ako po si Nelson Canlas. Pia, Ivan.
32:41Salamat guys.
32:42Thank you, Nelson. At yan po ang mga balita ngayong Sabado para sa mas malaking misyon at mas malawak ng paglilingkod sa bayan.
32:50Ako po si Pia Arcangel.
32:52Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMT-Grated News, ang News Authority ng Pilipino.
32:57Nakadodo kami. 24 oras.
33:03Nakadodo kami. 24 oras.
Comments

Recommended