00:00Tiniyak ng Senado na hindi maabuso na mga kumpanya ng langis ang naretipigahang panukalang batas patungkol sa pagbabawas o suspensyon
00:08ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
00:11May detalye si Luisa Erispe.
00:16Ngayong nasa Malacanang naambola kung sususpindihin o babawasan ba ang excise tax sa langis,
00:22ang Senado tiniyak na hindi magagawang samantalahin ng mga kumpanya ng langis ang panukalang batas.
00:28May pangamba kasi ang ila na tanging malalaking kumpanya lang ang kumita at hindi rin maramdaman ng publiko ang inaasahang
00:36bawas sa presyo.
00:37Pero sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, naglagay sila ng safeguards para matiyak na imbis ng mga gasolinahan,
00:44taong bayan ang makikinabang sa pagsuspinde ng naturang buwis.
00:48Naglalagay rin ng safeguards para malaman po ng ating pamalaan ng ating gobyerno
00:54kung magkano at ano po ang quantities na iniimport ng mga oil players
01:02at magkano rin po o ano yung quantities na sa kanilang imbentaryo.
01:07Sa ilalim ng panukala, sa oras na masuspinde o bawasan ng excise tax,
01:12ang mga kumpanya ng langis kailangang magsumite ng buwan ng monitoring sa Department of Energy
01:18magkano ang iniimport nilang petrolyo at magkano nila ito ibinibenta.
01:23Magsumite din ang BIR at customs ng report magkano naman ang nawawala sa kita ng gobyerno kada buwan.
01:29Sa pumamagitan nito, masisiguro na walang maiipit na supply ng langis
01:34at hindi so sobrahan ang singil sa mga consumer.
01:37Sa ganitong sitwasyon na napakabilis po pagtaas ng presyo,
01:42huwag ka lang magbenta ng petrolyo, kikita ka na kaagad.
01:46Iiwan mo lang sa iyong tanke, kikita ka na kaagad.
01:49At yan ang ayaw natin mangyari dahil kung iniwan nila sa tanke yung kanilang petrolyo,
01:54wala tayong mabibili at lalong tataas ang presyo ng petrolyo.
01:58Kaya importante po na meron pong monitoring, may visibility
02:03at meron rin pong disclosure ang mga oil companies lalo na sa presyo na ibinibili nila.
02:09Sa oras naman na suspindihin o ibaba ang buwi sa langis,
02:12inaasahang 10 piso ang mababawas sa gasolina at 6 naman sa diesel.
02:18Samantala, kahit naman sinertipikahan ng Pangulo na urgent ang panukalang pag-amienda
02:23sa Biofuels Act of 2006, kung saan papayagan ang pag-iimport ng biofuels at bioethanols,
02:30sa huling araw ng sesyo ng Senado, hindi pa rin lumusot ang panukala.
02:35Ayon kay Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri, gusto pa itong pag-aralan ng mga kapwa Senado.
02:40Maraming mga farmers na affected, maraming industries, the coconut farmers, the sugar farmers,
02:47the ethanol producers, the bioethanol producers.
02:50Parang there was a lot of fear among our colleagues na affected talaga sila.
02:55Tsaka malit lang naman yung mawawala sa presyo, di ba?
02:59Kasi malit lang ng blend ng bioethanol saka yung ethanol.
03:02So our colleagues, particularly the minority and some members of the majority,
03:07wanted a longer discussion on the floor.
03:09Sakali kasing ipatupad ito, may 400,000 magsasaka ang maaapektuhan
03:14at mawawala ng kita mula sa blending ng biofuels at bioethanols.
03:19Kaya kakailanganin pa itong busisiin kung sa pag-iimport, bababa nga ba ang presyo?
03:25Yung biofuels, pag nag-import ka, may blend rin siya eh.
03:32So kalang makompute mabuti kung talagang bababa yung presyo.
03:35Handa naman ang Senado na magkaroon ng special session kahit nakabreak,
03:40kung talagang kinakailangang ipasa ang panukala.
03:43Kung talagang sa pag-aaral, malaking impact sa consumers, pwede mag special session.
03:50Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments