Skip to playerSkip to main content
  • 7 hours ago
Senado, tiniyak ang ‘safeguards’ sa panukala na layong suspendihin o bawasan ang excise tax | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi maaabuso itong tiniyak ng Senado sa naritipigyahan panukalang buwasan o suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
00:11Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:15Ngayong nasa Malacanang naambola kung sususpindihin o babawasan ba ang excise tax sa langis,
00:21ang Senado tiniyak na hindi magagawang samantalahin ng mga kumpanya ng langis ang panukalang batas.
00:27May pangamba kasi ang ila na tanging malalaking kumpanya lang ang kumita at hindi rin maramdaman ang publiko ang inaasahang
00:34bawas sa presyo.
00:36Pero sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, naglagay sila ng safeguards para matiyak na imbis ng mga gasolinahan,
00:43taong bayan ang makikinabang sa pagsuspinde ng naturang buwis.
00:47Naglalagay rin ng safeguards para malaman po ng ating pamalaan ng ating gobyerno
00:53kung magkano at ano po ang quantities na iniimport ng mga oil players
01:01at magkano rin po o ano yung quantities na sa kanilang imbentaryo.
01:06Sa ilalim ng panukala, sa oras na masuspinde o bawasan ng excise tax,
01:11ang mga kumpanya ng langis kailangang magsumite ng buwan ng monitoring sa Department of Energy
01:17magkano ang iniimport nilang petrolyo at magkano nila ito ibinibenta.
01:22Magsumite din ang BIR at customs ng report magkano naman ang nawawala sa kita ng gobyerno kada buwan.
01:28Sa pamamagitan nito, masisiguro na walang maiipit na supply ng langis
01:33at hindi so sobrahan ang singil sa mga consumer.
01:36Sa ganitong sitwasyon na napakabilis po pagtaas ng presyo,
01:41huwag ka lang magbenta ng petrolyo, kikita ka na kaagad.
01:45Iiwan mo lang sa iyong tanke, kikita ka na kaagad.
01:48At yan ang ayaw natin mangyari dahil kung iniwan nila sa tanke yung kanilang petrolyo,
01:53wala tayong mabibili at lalong tataas ang presyo ng petrolyo.
01:57Kaya importante po na meron pong monitoring, may visibility
02:01at meron rin pong disclosure ang mga oil companies lalo na sa presyo na ibinibili nila.
02:08Sa oras naman na suspindihin o ibaba ang buwi sa langis,
02:11inaasahang 10 piso ang mababawas sa gasolina at 6 naman sa diesel.
02:17Samantala, kahit naman sinertipikahan ng Pangulo na urgent ang panukalang pag-amienda
02:22sa Biofuels Act of 2006, kung saan papayagan ang pag-iimport ng biofuels at bioethanols,
02:29kahapon, sa huling araw ng sesyo ng Senado, hindi pa rin lumusot ang panukala.
02:35Ayon kay Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri, gusto pa itong pag-aralan ng mga kapwa senador.
02:40Maraming mga farmers na affected, maraming industries, the coconut farmers, the sugar farmers,
02:47the ethanol producers, the biodiesel producers.
02:50Parang there was a lot of fear among our colleagues na ma-affected talaga sila.
02:55Tsaka malit lang naman yung mawawala sa presyo, di ba?
02:59Kasi malit lang ng blend ng biodiesel tsaka yung ethanol.
03:02So our colleagues, particularly the minority and some members of the majority,
03:06wanted a longer discussion on the floor.
03:09Sakali kasing ipatupad ito, may 400,000 magsasaka ang maa-apektuhan
03:14at mawawala ng kita mula sa blending ng biofuels at bioethanols.
03:19Kaya kakailanganin pa itong busisiin kung sa pag-iimport, bababa nga ba ang presyo?
03:25Yung biofuels, pag nag-import ka, may blend rin siya eh.
03:32So kalang makompute mabuti kung talagang bababa yung presyo.
03:35Handa naman ang Senado na magkaroon ng special session kahit nakabreak
03:39kung talagang kinakailangang ipasa ang panukala.
03:43Kung talagang sa pag-aaral, malaking impact sa consumers, pwede mag special session.
03:50Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended