Skip to playerSkip to main content
Kahit pa wala anilang nationwide strike, mapapahinto talaga sa pamamasada ang ilang jeepney driver dahil sa kakaunting pasahero at mahal ng diesel.


Hati rin ang opinyon nila sa kung solusyon ba ang taas-pamasahe at ang ayuda.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kahit pa walaan nilang nationwide the strike,
00:03mapapahinto talaga sa pumamasada ang ilang jeepney driver
00:08dahil sa kakaunting pasahero at mahal ng diesel.
00:12Hati rin ang opinion nila sa kung solusyon ba ang taas pamasahe at ang ayuda
00:18ang ilan nilang panukala sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:27Hindi na masada si Benny Medina ngayong araw,
00:30hindi dahil sa itinakdang nationwide strike,
00:33pero dahil ang presyoan niya ng diesel, hindi na pang hanap buhay.
00:38Biruin mo umaga hanggang gabi siya sa manibela kahapon,
00:41pero ang kinita niya kulang pang pambili ng isang kilong bigas.
00:46Ang diesel mo kahapon, 1,200 maghapon.
00:48Tapos ang kinita ko, sumobra 56 pesos kasa may bariya.
00:55Tapos nagboundary lang ako.
00:57Nabawasan pa niya mga pasahero dahil maraming naka-work from home
01:01o online class na bahagi ng pagtitipid ng bansa sa krudo.
01:06Bakit ka nga naman lalarga kung dalawa o tatlo lang ang sakay
01:10habang 101 pesos per liter ang diesel mo?
01:13Kaya si Benny, naghihintay ng racket sa kanilang kooperatiba sa Lagro, Quezon City.
01:19May magtatawag na yung private, papadrive lang gano'n, on-call, yun lang.
01:25Wala, desiro. Wala tayong magagawa.
01:28Kumuta ko sa 5-6 ngayon, wala ko may panghulog.
01:31Magkano ang araw-araw sa 5-6?
01:325,000.
01:33Magkano araw-araw yun? 200.
01:35Makakait din din naman yung kinukuha naan kasi pagkawa ng panghulog, okay lang.
01:40Pero pagka kumita, dudublihin.
01:44May pangakong ayuda naman ng gobyerno.
01:46Bagaman inuuna ang mga tricycle driver.
01:49Pero imbes na ayuda, mas gusto ng maraming choppers sa Lagro
01:52ang programang Libreng Sakay kung saan sila ang ikokomisyon at siswelduhan ng gobyerno.
01:59Nangyari na yan, sir, yung panlimik.
02:01Tapos noong 2022, nagpa-libre sakay sila.
02:04O, dalawang bunat ka lahat eh.
02:07San libo?
02:08Arawan na.
02:09O.
02:10Pwede na.
02:10O, mas nakakaraos yun.
02:13Okay na yun, kaysa wala.
02:14Kaysa ngayon nag-short ka.
02:16Sa Montalban Rizal ko naman nakilala, si Antonio Escabas.
02:20Siya naman hindi bumibitaw sa manibela kahit sandaang piso na lang ang take home.
02:26Short na pag 150, sandaan.
02:28Kaya yung ibang kasamayan ko, nag-ayawan na.
02:31Ang para sa akin lang po,
02:33malibre na pagkain sa sigarilyo, okay na.
02:35Kalahati na nga ng araw, pero hindi pa maabot ang kita niya sa pang-boundary.
02:40Wala pa akong boundary, dalawang daang patang.
02:42O. Pag kahit ko na hindi naka-boundary, pag hindi ako naka-boundary ngayon,
02:46gaya yung biyernes, ang pera ko, exact walang boundary.
02:50Ang ginawa ko, ang ginawa ko,
02:53nagbigay mo ng 300 shopper,
02:55nakiusap ako, nailis siya mo na sa utang ko.
02:57Sa mga umpukan, sa mga terminal,
03:00maririnig mo ang opinyon ng mga chuper sa tugon ng gobyerno sa krisis.
03:04Hati sila kung solusyon ba ang fair hike?
03:08Bipigil lang sana kami ng 200 katao.
03:11May 200 peso tayo.
03:12May 200 peso ka na.
03:14Makakadagdag sa diesel.
03:15Yung 600, makikigay, 300 na sana yung top pay.
03:19Wala.
03:21Wala, sinuopay.
03:22Hindi rin naman ako pa por sa pagtaas ng pamasahe.
03:24Bakit ka magtataas ng pamasahe?
03:26Ang tagal lang pinaglalaman na itaas ang sweldo ng manggagawa,
03:28di naman nataas.
03:30Hati rin sila sa ayuda,
03:31pero nagkaisang dapat ibaba sa 70 to 80 pesos per liter ang diesel.
03:36Pag binaba yung diesel,
03:38araw-araw kaming nakakatipid.
03:40Eh yung ayuda na yun,
03:41nakatulong lang sa amin na isang linggo yun.
03:43May mga chuper na nawawala ng tiwala
03:45kahit sa mismong suki nilang gasolinahan.
03:48Baka raw, ginagamit lang ng iba ang gera sa Iran para kumita.
03:52Mapigat nga, hindi tayo napuputokan.
03:54Yung mga gasolinahan ang pumuputok.
03:55Wala naman deliver.
03:57Matas araw-araw yung presyo eh.
04:01Sukdula na raw ang presyo ng diesel sa ngayon.
04:03At sa bawat sipa ng presyo nito,
04:05asahan-an nila ang paglagas pa sa hanay ng mga chuper.
04:09Para sa GMA Integrated News,
04:12Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended