00:00Extended hanggang bukas ang pamahagi ng ayuda para sa mga tricycle driver kahit holiday.
00:07Sa day 3 kanina, maraming pa rin wala sa listahan ang dapat mabigyan
00:12at may mga sumbong na sinisingil para maabutan ng tulong.
00:18Nakatutok si Ian Cruz.
00:23Nabigo noong Martes pero sumakses ngayong Webes
00:27ang mga tricycle driver ng Batasan Toda sa Quezon City
00:31na nakakuha ng 5,000 pisong ayuda kanina.
00:34Masaya po, nagpapasalamat ako at nagkaroon din.
00:37Napakalaking bagay kasi malaking tulong yan sa amin bilang driver, bilang nagmama niyo.
00:44Halos na, kasi napakalaking ngayon, napakataas ngayon ng gas eh.
00:48Pero di gaya nila, may mga muling pumila pero nabigo dahil wala pa rin sa listahan.
00:54Sa abalam, malaki. Dahil hindi ka makabiyahe.
01:00Pag magbiyahe ka na kunti lang, wala kang pera da madala sa pamilya mo.
01:05Sabi ng mga chuper, hanggang bago magtanghali,
01:08inaasikaso pa ng namumuno sa Batasan Toda kung paano makaka-payout ang nasa isang daang chuper.
01:15Nasa tatlumpong tricycle driver din sa katuparan Toda ang di nakatanggap ng ayuda.
01:20Wala na naman. At least, magtyaga-tyaga, baka magkaroon.
01:26Hindi na lang natin idaan to sa init.
01:29Sa Paranaque, may inihabol rin halos isang libong chuper sa listahan.
01:33Kasi pinipilit po namin na maipasok sila within the day.
01:37Para po by that day din po, maibalik po ng DSWD sa amin na clean na po yun
01:43and then i-schedule ko na po yun for the following day para po magbigyan na sila ng payout.
01:47Yung mga nakatanggap ng ayuda sa ikatlong araw ng rollout, ikinatuwa ang mabilis anilang sistema.
01:55Pangbibili po ng kasulina, tapos yung iba pambiling pagkain, ulam.
02:01Papadala ko sa ano, pambili ako.
02:05Pambili ako po. Pambili ng gamot niya yung papa ko kasi stroke na siya.
02:11Pagtitiyak ng DSWD kahit holiday bukas, tuloy ang pamamahagi ng tulong.
02:17Hindi nila kailangan mangamba kasi bukas may special, meron pa rin tayong continuous payout sa Quezon City.
02:23So masasama naman sila ulit doon.
02:26Ang ibang LGU, kailangan lamang doon mag-request ng special payout day.
02:31Paalala pa ng kagawaran, walang bayad sa pagkuhan ng ayuda.
02:36Kung kayo ay tricycle driver at merong nanamantala doon sa sitwasyon,
02:40hiningan kayo ng processing fee, huwag kayong mag-atubiling dumiretso dito sa DSWD kahit sa Facebook account namin.
02:47I-investiga namin at parurusahan natin kung napatunayan natin na may naningil at nanamantala doon sa proseso.
02:53Ayon sa DSWD, sa susunod na linggo naman sisimulan ang pamahagi ng 5,000 pisong ayuda
03:00para sa motorcycle taxi riders, TNVS drivers, jeepney drivers at delivery service drivers.
03:08Sabi ng DSWD, hintayin daw ang schedule mula sa LTFRB.
03:13Pag-aaralan pa ng DSWD at DOTR kung daragdagan ang ayuda ng mga driver ng pampasaherong jeep.
03:21Kapag natapos na ang DSWD sa pamahagi ng ayuda sa mga tsuper dito sa Metro Manila,
03:27dadako naman sila sa labas ng NCR.
03:30Sisimulan daw ito sa malalaking syudad at sa mga kalapit nitong bayan.
03:34Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, 24 Horas.
03:42Pag-aaralan pa ng DSWD.
Comments