00:00At gumugulong na ang investigasyon sa mabilis na paglubog ng MV Tricia Kirstin III sa Basilan.
00:06Ilan sa mga sinisilip ang posibleng overloading at ang kakayahan ng barko dahil sa kalumaan nito?
00:13Nakatutok live si Gino Gaston.
00:15Gino!
00:19Emil, wala pang linaw sa ngayon kung ano ang nagdulot ng paglubog na isang passenger ferry kagabi malapit sa Basilan kung saan 18 ang nasawi.
00:30Nang lumarga ang MV Tricia Kirstin III mula Zambuanga City Port noong linggo ng gabi, papunta sana ng Hulusulu, maayos naman daw ang panahon, sabi ng mga opisyal ng Basilan.
00:41Maayos din at walang problema na nai-report ng MV Tricia.
00:45Pero ilang minuto bago mag-alaunan ng madaling araw kanina habang nasa may malapit sa barangay Labok-Labok, nag-distress call ang MV Tricia.
00:53Sa report na nakuha ng PCG at ni Basilan Governor Mujib Hataman, tumagilid daw ang barko saka pinasukan ng tubig.
01:01May nagsasabi na pinasok na ng tubig bago tumagilid.
01:04Ang sigurado, mabilis daw na lumubog ang MV Tricia.
01:07Aalamin kung may sinalubong na malalaking alon din ang barko.
01:11Ayon sa Philippine Coast Guard, lahat na posibilidad iimbestigahan nila.
01:16Kasama na dyan kung overloaded ang Roro Vessel.
01:18Ang sabi ng PCG Commandant Ronnie Hill Gavan, 344 ang kabuang sakay ng MV Tricia Kirsten 3.
01:25Nasa 317 ang pasahero, habang 27 ang crew.
01:29Bukod dyan, may 23 hanggang 27 itong crew.
01:33Ang maximum passenger load ng Roro ay 352 passengers.
01:37Bukod pa dyan, may lulanding daw itong mga truck.
01:40Aalamin din ang seaworthiness ng MV Tricia na 31 taon na mula nang ginawa.
01:46Base sa website ng marintraffic.com, 1995 daw itong ginawa sa Japan.
01:51Binili ng Allison Shipping Lines Incorporated noong taong 2020.
01:56Sa huling tala ng Coast Guard, 316 sa sakay ng barko na ang nailigtas.
02:00Labinwalo na ang patay, habang sampu ang nawawala, kabilang ang kapitan ng barko.
02:05Sabi ng Maritime Industry Authority o Marina,
02:08iimbestigahan nila ang trahedyang nangyari sa pakigipagtulungan sa Philippine Coast Guard.
02:12Batay sa paulang impormasyon, naglayag daw ang MV Tricia sa pinahintulutang kapasidad ng Roro.
02:19Kinumpirma ng Marina Regional Office 9 sa lungsod ng Zamboanga
02:22na ang lahat ng kinakailangan dokumentong pangkaligtasan at naaayon sa batas
02:27ay valid at may visa sa panahon ng insidente.
02:31Aalamin daw nila ang buong pangyayari at kung sino ang dapat panagutin.
02:36Patuloy ang search and rescue ng PCG sa lugar ngayon
02:38at hinahanap ang mahigit 20 nawawala pa.
02:42We use naman a systematic base of search and rescue approach.
02:45Kasama po yun yung pag-compute ng current sa area na yan.
02:49Yung lakas ng hangin din, so kasama yan.
02:51Iniutos na ni Pangulong Marcos na hatiran ng agarang tulong
02:54ang mga nakaligtas na pasahero sa Basilan at Zamboanga City.
02:58Ang DSWD po ay inutos na po ng Pangulo para po mabigyan ng karampatang tulong
03:02ang ating mga kababayan na naapektuhan po nito at nabigtima po sa nasabing insidente.
03:08Emil, hindi pa raw nakakausap ng Philippine Coast Guard,
03:16ang operator ng nasabing barko na Allison Shipping,
03:19dahil sa ngayon ang priority ay hanapin pa yung mga nawawalang pasahero
03:23na posibleng palutang-lutang pa hanggang ngayon sa karagatan.
03:27Emil.
03:27Chino Gaston.
Comments