00:00Sumukong sa polisya ang isang lalaking nagpakilalang kasama ng tatlong lahuling nagpapanggap na taga-Komelec.
00:06Nirekrut umano sila ng isang politiko at may mga pinagagawa gamit ang ilang gadget.
00:11Nakatutok si John Consulta, exclusive.
00:20Matapos mahuli ang tatlong lalaking nagpanggap na taga-Komelec
00:24at kumuha ng mga literato ng mga makinang gagamitin sa eleksyon sa isang paaralan sa Santa Cruz, Laguna,
00:28Sumuko sa PNP ang 21 taong gulang na lalaking nagpakilalang kasama nila.
00:34Itinuro ni Alias June, di niya tuloy na pangalan, ang hotel room na kanila umanong nirentahan.
00:39Isinuko rin niya sa mga polis ang isang drone, isang DSLR camera at iba pang gadget na dala na kanilang grupo.
00:46Ano niya, nirekrut siya sa QC at inalok ng trabaho sa loob ng 2 minggo na tatagal hanggang sa mismong araw ng eleksyon.
00:53Nasa 2,000 plus po, kada isang araw, para po sumama din sa trabaho.
00:59May mga binigay din po uniforms, ID, saka sticker po na para sa sasakyan.
01:04May mga t-shirt po kasi na n-cup na uniform po na may logo po na Komelec.
01:09Tapos sa ID rin po. Then pinagdala po kami ng picture para po ilagay sa ID.
01:15Dahil tubong Laguna, may espesyal na tasking na binigay anya sa kanya ang grupo.
01:20Labing dalawa anya silang nakasakay sa tatlong sasakyan.
01:24Naging navigator ako since alam ko yung pasikot-sikot dito sa lugar.
01:28So sa akin pinapatandaan yung mga pwedeng location na pupuntahan namin if ever may tawag.
01:35Ito nga yung mga sinuko ng tao na lumapit sa PNP, mga logo ng Komelec na nakalagay dito sa mga magnetic material.
01:46Ito raw ay ninalagay sa kanilang mga sasakyan kapag sila'y lumalakad na para nga sila ay magpanggap na mga membro o tauhan ng Komelec para ma-achieve ang kanilang misyon.
01:59Pagkumpisal pa ni Alias June, isang politiko ang kumuha ng kanilang servisyo.
02:03Hindi niya sinabi sa amin kung sino, pero nang tanungin kung ano ang pinapagawa sa kanila.
02:20Ang PNP, inaalam na kung may iba pang pakay ang nabistong grupo at kung may kasama pa silang nag-ooperate sa ibang bahagi ng bansa.
02:28Well, titignan natin yung mga ebidensya na nakuha natin.
02:32And meron nga tayong nakuhang drone and meron din tayong nakuhang mga kamera.
02:37And we will subject that to forensic digital examination para malaman natin kung ano yung mga laman ng mga ito.
02:45Well, initially, ang magiging kaso nila is usurpation of authority and malamang na matatagdagan yan.
02:52Depende na rin dun sa kalalabasan ng mga examination ng ebidensya na nakuha natin dito sa mga suspect natin na ito.
03:01Nag-iimbisigan na rin ang Comunic Laguna sa nabistong modus ng grupo.
03:05Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
03:10GMA Integrated News
Comments