00:00Samantala, patuloy pa rin ang pamamahagi ng cash assistance ng DSWD sa Tricycle Drivers sa Metro Manila.
00:05At nanatiling on-schedule pa rin naman ito, ayon sa kagawaran.
00:09Kumpleto na rin ang listahan ng mga driver ng motorcycle taxi at TNBS na susunod na makatatanggap ng ayuda.
00:15May report si Gab Villegas.
00:21Lapis ang pasasalamat ng mga Tricycle Drivers na sina Jose at Ariel
00:25sa natanggap nilang 5,000 piso ng cash relief assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o
00:31AICS
00:32ng Department of Social Welfare and Development.
00:35Malaking tulong na ito sa mga bayarin namin.
00:38Dahil sa kuryente, tubig, at sa bahay kasi nang umupahan.
00:42Gagamitin ko ito sa panggas ko araw-araw.
00:45Ngayon, pupunuhin ko na yung tanke ko para hindi maabala yung biyahe ko tuloy-tuloy kahit mahalanggas.
00:51Ilan lang sila sa mga nabenefisyohan sa ikalawang araw ng payout sa Ryzen Garden sa Quezon City Hall
00:57na isa sa 6 na payout sites ng DSWD sa lungsod.
01:01Aabot sa 23,000 tricycle drivers sa QC ang target na mabigyan ng tulong.
01:06Personal na tinignan ni DSWD Secretary Rex Gatchelian ang distribusyon ng tulong.
01:11Ayon sa DSWD, aabot sa higit 40,000 mga tricycle drivers na ang nakatanggap na CRA mula sa AICS ng
01:18DSWD.
01:19Sinabi ng kalihim na on schedule ang kanilang pamimigay ng ayuda sa mga total driver.
01:24Tinatayang 30,000 tricycle driver naman ang target na mabigyan.
01:28Yung mga nagka-conting issue dahil wala sila yung mga pangalan nila sa listahan,
01:32pinapasok na rin namin para tomorrow masama na sila.
01:35Ayon sa DSWD, kumpleto na rin ang listahan ng mga motorcycle taxi at TNVS drivers
01:41at tinaasahan na sila naman ang susunod na makatatanggap ng 5,000 piso ng tulong sa ilalim ng AICS ng
01:47kagawaran.
01:48Nakikipag-ugnay na rin ang DSWD sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB,
01:54pati rin sa mga lokal na pamahalaan para sa schedule ng payout.
01:57Isusunod naman sa mabibigyan ang mga jeepney driver at mga nasa delivery services.
02:02Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na hindi ito ang una at huling beses
02:07na magbibigay ng tulong ang pamahalaan para sa mga tsuper na umaaray rin sa pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
02:15Patuloy rin na babantayan ang pamahalaan ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado
02:20at ang sitwasyon sa gitnang silangan.
02:23Gab Humilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments