00:00Bayan Pinayo ng Bagyong Verbena ang ilang lugar sa Visayas.
00:06May bahay na inanod at ilang ilog ang umapaw dulot ng matinding pagbaha.
00:13Mabilis naman ang pagtugon ng rescue team sa mga residenteng na trap ng baha.
00:18Yan ang ulit ni Gab Villegas.
00:19Sa kuha ni Jit Beronibla, hindi agad nakalapag ang AirAsia Flight Z2343 sa Rojas Airport kaninang alas 8.45 ng umaga
00:31dahil sa malakas na hangin na dala ng Tropical Depression, Verbena.
00:35Dahil dito, muling bumalik ang flight sa Maynila at nireschedule ito.
00:39Ligtas naman na nakalapag ang aeroplano sa Rojas Airport kanina bago magtanghali.
00:43Kumapaw ang tubig sa ilog Hilabangan River sa barangay Kamugaw sa Kabangkalan City sa Negros Occidental
00:54dahil sa pagulan dulot ng Tropical Depression, Verbena.
00:57Dahil dito, binahaang ilang lugar sa lungsod at apektado na rin ang pagbiyahe ng mga sasakyan sa ilang kalsada.
01:03Kumapaw rin ang tubig sa bahagi ng Nelyas Bridge sa Karkar, Cebu
01:14dahil sa malakas na pagulan dulot ng pananalasa ng Tropical Depression, Verbena.
01:19Dahil dito, hindi na rin makatawid ang mga sasakyan sa nasabing tulay.
01:23Sa kuha ni Kenneth Raburo, inanod naman ang isang bahay sa barangay Villamonte sa Bacolod City
01:37dahil sa malakas na agos ng tubig dulot ng Tropical Depression, Verbena.
01:42Inaalam pa kung mayroong mga residente sa loob ng inanod na bahay.
01:45Sa Bacolod City pa rin, nagsagawa ang Bureau of Fire Protection ng Rescue Operations sa mga apektadong residente sa lungsod.
01:55Makikita na ibinyahe ng mga bumbero ang mga residente mula sa mga binahang lugar sa Mandalangan Bridge patungo sa isang mall.
02:03Tiniyak ng BFP Bacolod na handa nilang tulungan ang mga splanted para mailigtas mula sa baha.
02:10Hindi naman madaanan ang kalsadang ito sa barangay Mabini sa Viga, Catanduanes
02:14dahil sa landslide dulot ng pananalasa ng Tropical Depression, Verbena.
02:18Ayon sa LGU, naiulat na ang insidente sa PDRRMO para sa isasagawang clearing operations.
02:25Gab Villegas, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pinas.
Comments