00:00Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng cash relief assistance ng DSWD sa mga chupere na apektado ng pagtaas ng presyo ng
00:08langis.
00:08Bukas isimulan na paghahati ng tulong sa mga tricycle driver sa labas ng Metro Manila.
00:14Yan ang ulat ni Carlo Candelaria.
00:18Inaasahang makatatanggap ang may 328,000 tricycle drivers mula sa mga region sa labas ng Metro Manila
00:25ng 5,000 pisong cash at relief assistance mula sa DSWD bukas a 8 ng Abril.
00:31Sabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao,
00:34simultaneous ang gagawing payout sa mga major cities sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:39Yan ay alinsunod sa kautusan ng Pangulong Marcos Jr.
00:42Natugunan natin yung mga sulirani na kinakaharap ng ating mga tricycle drivers.
00:47Munsunod nga po ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
00:50Personal namang bibisitahin ng kalihim ng DSWD na si Secretary Rex Gatchalian
00:54ang ilang payout sites sa Kabanatuan City, Nueva Ecija, Alaminos at Urdaneta City sa Pangasinan.
01:00Sa mga magtutungo sa mga payout sites,
01:02kailangan lamang dalhin ng mga benepisyaryo ang kanilang original driver's license at photocopy nito.
01:08Mayroon namang mga itinalagang joint help desks ang DSWD regional offices,
01:12katuwang ang mga kinatawan ng mga LGU sa mga payout sites.
01:15Ayon kay Asik Dumlao, magkakaroon din ng mga pamamahagi ng ayuda sa mga jeepney drivers
01:20at mga drivers na nasa mga munisipalidad.
01:22In-anunsyo niya rin ang isa sa gawang special payout sa mga drivers sa National Capital Region
01:27na hindi nakapag-claim ng kanilang cash assistance
01:29dahil hindi nakasama sa naunang list na isinumite sa ahensya.
01:33Para sa mga tricycle drivers dito po sa Kamaynilaan,
01:38ang special payout ay gagawin sa April 13.
01:41Para naman sa mga jeepney drivers, ang special payout po nila ay April 14.
01:47Para naman sa mga TNVS drivers, April 15.
01:50Para naman sa mga MC taxi at service delivery riders,
01:54ang special payout po nila dito sa National Capital Region ay gagawin naman from April 17 to 19.
02:00Makikita sa Facebook page ng DSWD ang mga itinalagang payout sites sa iba't ibang bahagi ng bansa.
02:07Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments