00:00Sumalpok sa isang establishment ang isang sasakyan matapos barilin ang lalaking nagmamaneho sa San Jose del Monte, Bulacan.
00:08Patay ang driver.
00:09Saksi si Jamie Santos.
00:15Bumanga sa isang establishment ang isang puting sasakyan sa kahabaan ng muzon sa San Jose del Monte, Bulacan kaninang hapon.
00:22Nagdere-derecho ang sasakyan sa establishment matapos umanong pagbabarilin ang sakay nito ng di pa nakikilalang salarin.
00:30Sa video na nakuha ng GMA Integrated News, makikita ang rescue team na sinusubukang ilabas ang sakay ng sasakyan.
00:37Kinuha nila sa driver's side ang isang duguan at wala ng manay na lalaki.
00:42Agad siyang tinatbo sa ospital.
00:44Kwento ng first responder ng barangay muzon, sa ulo at dibdib ang tama ng biktima.
00:50Dala po namin sa kanya doon is 120.
00:52But din-neclare po si patient doon ng 140 kasi nagtry pa rin po si ospital ng lungsod mag-CPR.
00:59Kwento ng kapitan ng barangay, nakatanggap sila ng tawag mag-aala una ng hapon.
01:05Barilan pa raw ang unang nai-report sa kanila.
01:08Pero pagdating daw nila sa area, ilang basyo ng bala ang nakita nila.
01:12Tila plano raw talagang tuluyan ang gunman ng biktima.
01:16Ilang metro pa lang kasi bago ito bumanga sa isang establishmento,
01:19ilang putok ng baril ang pinakawalan nito.
01:22At nang bumanga, muli ulit binaril lang kanma ng biktima.
01:26Talagang papatayin kasi sa tapat pala pinaputokan na.
01:32Siguro ilang basyo rin po yung nakita namin doon at mga bagong basyo pa po ito ng baril.
01:37At doon po sa may gilid mayroong pang isang kutsing na tages kasi siguro may tama na yung driver, bumanga
01:45na siya.
01:45Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang San Jose del Monte Police habang patuloy na isinasagawa ang follow-up operation at
01:52imbistigasyon sa pamamarila.
01:54Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments