00:00May ginagawa na ring mga hakbang ang BARM upang mapababa ang konsumo ng kuryente, lalo na ngayong panahon ng Ramadhan.
00:06Si Tricia Aragon ng PTV Cotabato sa Detaly.
00:13Sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM,
00:17ay ipinatupad din ng Office of the Chief Minister ang Memorandum Circular Number 0049.
00:23Ito ay apat na araw na trabaho o compressed work week para sa lahat ng kawaninang pamalaan sa Bangsamoro Region.
00:31Ngayong buwan ng Ramadhan, ang mga Muslim personnel ay magtatrabaho mula alas 7.30 ng umaga hanggang alas 3.30
00:39ng hapon nang walang noon break.
00:41Ang mga non-observing personnel naman ay mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
00:47Paalala naman ng Office of the Chief Minister, pagkatapos ng Ramadhan sa susunod na linggo,
00:52a-adapt na ang lahat ng 10-hour shift o 10 oras na trabaho sa loob ng apat na araw
00:59para mabuo ang 40-hour weekly schedule.
01:02Sakop nito, hindi lang ang mga regular employees, kundi pati na rin ang mga contract of service o COS, job
01:09order o JO, at mga consultants.
01:12Ito ay pagtalima rin sa Memorandum Circular No. 114 na nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto
01:21sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagtidipid ng enerhya sa buong bansa.
01:28Samantala, alinsunod sa Bangsamoro Holidays Act,
01:32idineklarang Regular Non-Working Holiday ang Merkules, March 18, 2026 para sa pag-alala ng Day of Shuhada.
01:40Ngunit paalala sa lahat ay may pasok pa rin sa Huwebes, March 19, 2026.
01:45Ang opisyal na long weekend ay magsisimula sa Biyernes, March 20 dahil sa pagdiriwang ng idilfitiers sa buong bansa.
01:54Mula dito sa PTV Cotabato Regional Center,
01:58Tricia Aragon para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments