00:00Balik operasyon na ang mga tanggapan ng Bangsamoro Government matapos ang pagtama ng malakas na lindol nitong lunes.
00:08Naghahanda na rin ang kanilang Ministry of Social Services and Development para sa paghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng
00:16kalamidad.
00:17Si Tricia Aragon sa Sentro ng Balita.
00:22Matapos ang pansamantalang pagsuspinde ng trabaho dahil sa malakas na lindol na yung manig sa Mindanao,
00:28muling magbabalik sa normal na operasyon ang mga tanggapan ng pahamalaang Bangsamoro.
00:34Inihayag ng Office of the Chief Minister ng BARM na natapos na ang inspeksyon at pagsusuri na isinagawa sa mga
00:41pasilidad at gusali.
00:43Laging magtiwala sa ating mga ahensya ng gobyerno, makinig sa kung ano man ang kanilang paalala o anunsyo at huwag
00:52magpapaniwala sa mga fake news.
00:54Kami ay ginagawa namin ang nararapat para sa ating mga kababayan.
00:58Kaugnay nito, hinikayat ang mga kawaninang pahamalaan na manatiling mapagmatsyag at laging isaalang-alang ang kaligtasan,
01:08lalo na sa panahon ng mga pagyanig at mga posibling aftershock.
01:12Ang pagbabalik operasyon ng mga tanggapan ay bahagi ng mga hakbang ng pahamalaang Bangsamoro
01:18upang maipagpatuloy ang paghatid ng halagang serbisyo habang tinitiyak ang kaligtasan ng publiko.
01:27Samantala, inihanda naman ang Ministry of Social Services and Development o MSST BARM
01:33ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng mga sleeping kits, food items, hygiene kits at iba pang pangangailangan ng mga bakwit.
01:41Libre po ang pagtulong ng Ministry of Social Services and Development.
01:45Buong-buo nyo po dapat makuha kung ano man ang assistance na dapat para sa inyo.
01:49Wala pong transaction fee involved para sa ating pagsaservisyo sa ating mga kapatid na Bangsamoro.
01:56Ayon naman sa mga nasabing ahensya ng Bangsamoro Government,
02:00laging handa ang mga ito lalo na sa kaligtasan at mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ng rehyon.
02:08Mula dito sa PTV Cotabato Regional Center, Trisha Aragon para sa Bayan.
Comments