00:00Para kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., may mga bagay na natututunan ang bansa sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle
00:10East.
00:11Ito ang pagpapalakas ng depensa at kahalagaan ng modernization program para sa Armed Forces of the Philippines.
00:18Kabilang sa dapat abigyang prioridad ang dagdag na anti-missile system,
00:24kailangan din anya ng mas malaking reserba ng petrolyo dahil sa naranasan na pandahigdigang krisis sa langis, dulot ng tensyon.
00:33It's all a question of national resilience and national defense.
00:38Kaya siniseryoso dapat natin hindi lip service lamang yung modernization.
00:43Kaya pinag-aaralan natin mabuti ang supply chain ng ating mga acquisitions.
00:50Aminado naman ang kalihim na walang kakayahan ng Pilipinas na tumulong sa pag-escort ng mga barko sa Strait of
00:58Hormuz na kontrolado ng Iran.
01:01Kaugnay na rin ito ng panawagan ni US President Donald Trump sa iba't ibang bansa na makiisa sa pagbibigay ng
01:08seguridad sa Strait of Hormuz
01:10na mahalagang waterway sa mga tanker na naghahatid ng malaking supply ng krudo sa buong mundo.
01:16Sa kabila nito, handa ang ating gobyerno na makiisa sa lahat ng hakbang para mapahupa ang tensyon.
01:25Nalalagay sa panganib yung Filipino-siferers natin at saka yung mga OFW natin.
01:32Lahat ng moves na ma-deescalate ito, lalo na yung mga indiscriminate na attack,
01:39hindi dapat sana mapara agad.
01:43Secondly, international trade, yung ating fuel supply, fertilizer supply.
01:52May buwelta naman si Teodoro sa tinawag niyang bagong uri ng kasinungalingan ng China hinggil sa West Philippine Sea.
02:00Kasunod ito nang inilabas ng Chinese Embassy na isang liham noong 1990 mula kay dating Philippine Ambassador Bienvenido Tan
02:08na nagsabing hindi saklaw ng territorial sovereignty ng Pilipinas ang Scarborough Shoal sa ilalim ng 1898 Treaty of Paris.
02:18Ani Teodoro, lahat ng paraan ngayon ay ginagawa ng China para magpakalat ng maling impormasyon na ang target ay mga
02:27Pilipino.
02:27That letter, that binding at all, yan ang problema sa China.
02:34Lahat ng pagsisinungaling, ginagawa nila.
02:38Hindi ito makabatas.
02:46Kaya nga lahat ng klase ng pag-iimbento, ginagawa na nila.
02:51Kasi ito'y internal political effort nila, extension of the internal political effort.
02:59Una na rin iginiit ng Department of Foreign Affairs na walang basihan sa kasaysayan at international law,
03:06ang pag-angkin ng China sa Scarborough Shoal at iba pang bahagi ng West Philippine Sea.
03:12Patrick De Jesus para sa Pabansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments