Skip to playerSkip to main content
PBBM, ipananawagan ang pagkakaroon ng kapayapaan sa #MiddleEast sa kanyang pagharap sa UN General Assembly | ulat ni Cleizl Pardilla

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakatagdang dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa United Nations General Assembly
00:05kung saan kabilang sa kanyang ipananawagan ay ang kapayapaan sa gitnang silangan.
00:11Ang ilang pang mga magiging aktibidad ng Pangulo sa kanyang working visit sa Estados Unidos,
00:17alamin natin sa Sentro ng Balita ni Clazel Pardilla Live.
00:23Angelique, nakatagdang lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. patungo ng New York
00:29para sa kanyang dalawang araw na state visit.
00:32Haharap siya sa United Nations General Assembly para ipanawagan ang kapayapaan at kaligtasan ng mga sibilyan
00:39na ayon sa Department of Foreign Affairs ay mahalaga sa harap ng sigalot na nangyayari sa Middle East.
00:51Dalawang pagpupulong ang dadaluhan ni Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly o UNGA.
00:58Plataforma ito ng mga bansa para talakayin ang mahalagang isyo tulad ng seguridad, ekonomiya,
01:05nagbabagong panahon at krisis na nangyayari sa mundo.
01:09Irerepresenta ng Presidente hindi lamang ang Pilipinas,
01:13kundi ang mga bansa sa rehyon para ipanawagan ang kapayapaan sa harap ng gera sa gitnang silangan.
01:22Napakahalaga po ng biyaheng ito.
01:24Ito po ang tamang pagkakataon dahil sa mga nangyayari ngayon sa Middle East.
01:31Ang UN ang pinakaangkop na lugar upang manawagan ng ating Pangulo para sa kapayapaan sa Middle East
01:38at sa kaligtasan ng lahat ng mga sibilyan, lalo na ng ating mga kababayan.
01:44The President will offer a voice from our region, from developing countries,
01:50and call for restraint, respect for international law, including the UN Charter and Humanitarian Law,
01:58and for all concerned to return to the negotiating table for peace.
02:05Magsasalita rin si Pangulo Marcos sa isang special session sa United Nations General Assembly,
02:12layo itong makalap ng malawak na suporta mula sa iba't ibang bansa para sa kandidatura ng Pilipinas
02:18na maging non-permanent number ng UN Security Council para sa taong 2027 hanggang 2028.
02:28Mahalaga po ito dahil nagbibigay ito sa Pilipinas ng kapangyarihan at boses
02:33sa mga usaping global safety at security.
02:38Importante po ang mga usaping ito para sa mga Pilipino
02:41at mga mamamayan mula sa mga developing countries.
02:45May impact po ito sa ating sovereignty, maritime security,
02:51sa global economy at sa safety ng ating overseas Filipino workers.
02:57Responsibilidad natin na tumulong para maging mas mapayapa at patas ang mundo.
03:03Responsibilidad din natin protektahan ang interes ng ating bansa.
03:09Sa pagsali sa UN Security Council, ngayon pa lang ay magiging bahagi tayo ng solusyon
03:15para handa tayo sa kahit na anumang hamon na harapin natin sa hinaharap.
03:23Ibibida ng Pangulo ang aktibong pakikipagtulungan ng Pilipinas sa UN mula ng itinatag ito noong 1945.
03:30Kabilang ang pagalang sa batas, kooperasyon sa iba't ibang bansa
03:34para sa pagpapaunlad ng ekonomiya, pagtugon sa climate change at pagprotekta sa karapatang pantao.
03:40Makikibahagi rin si Pangulong Marcos sa ikapitumpong sasyon ng Commission on the Status of Women.
03:46Isasulong niya ang mga hakbang ng Pilipinas sa pagprotekta ng mga kababaihan at kabataan.
03:52Makikipagpulong din si Pangulong Marcos kay UN Secretary General Antonio Guterres
03:56para talakayin ang sitwasyon sa Middle East na nakakaapekto sa mga bansa gaya ng Pilipinas.
04:02Binigandiin ang punong ehekotibo ang pangako ng bansa na patuloy na makipagtulungan sa United Nations
04:09at iba pang bansa para umanap ng solusyon sa mga problemang kinaharap ng mundo.
04:15Sasamahan si Pangulong Marcos, si First Lady Lisa Marcos,
04:18mga pinuno ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers at Presidential Communications Office.
04:24Kasama rin si na Presidential Advisor on Peace and Unity,
04:27Secretary Carlito Galvez at iba pang opisyal ng pamahalaan.
04:34Angelique, magtatagal ang working visit ng Pangulo mula March 9 hanggang March 10.
04:40Yan ang muna ang pinakahuling balita. Balik dyan sa studio.
04:44Maraming salamat sa iyo, Clay Zell Pardilia.
Comments

Recommended