Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Pope Leo XlV, nanawagan ng tigil-putukan sa Gitnang Silangan | ulat ni Joyce Salamatin

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nanawagan si Pope Leo XIV ng ceasefire o tigil putukan sa gitnang silangang.
00:06Yan ang ulat ni Joyce Salamati.
00:10Direktang sinagot at pinatunayan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu
00:14na siya'y buhay sa kabila ng usap-usapang pinakakalat ng Iran na umano'y patay na siya.
00:20Sa kanyang video post, makikita na nag-order pa ng kape si Netanyahu sa isang coffee shop sa Jerusalem
00:26habang kausap ang isa niyang aid.
00:28Dito, mariin niyang pinabulaanan ang balitang namatay siya dahil sa isang strike ng Iran.
00:34Tumugon pa si Netanyahu gamit ang isang slang na Hebrew word.
00:47Ibinalitan ng White House na halos nasira na at wala ng kapasidad ng Iran
00:51para makapagsagawa pa ng ballistic missile operations
00:54dahil sa pinaiting na Operation Epic Fury ng Estados Unidos.
00:59Hindi na rin umano'y efektibo ang kakayahan ng Iran para sa naval combat operations
01:04dahil sa tuloy-tuloy na aerial operations sa Iran.
01:07Ayon sa White House, aabot sa 95% ang naitalang ibinaba sa pag-atake ng Iranian drones.
01:14Nasa 90% na rin ang mga napalubog at nasiraumanong Iranian vessels.
01:19Samantala, nasa 6,000 targets na sa Iran ang tuluyang napasabugan at nasira ng Estados Unidos
01:26upang subpuin ang malagim na terorismo ng Iran.
01:31Tiniyak ni U.S. President Donald Trump na sa kabila ng banta ng Iran
01:36na patuloy na pagsasara ng Holmuz Strait kung saan idinadaan ang 20% langis ng mundo.
01:43Magpapadalaan niya ang Estados Unidos ng mga warship o bargong pandigma
01:47para panatilihin itong bukas at ligtas.
01:52Pagsisiguro pa ni Trump, tuluyan ng sinira ng Estados Unidos
01:55ang kakayahan at kapabilidad ng Iranian military.
01:59Umaasa naman si Trump na tutulong din ang iba pang malalaking bansa na apektado ng sitwasyon.
02:05Sa ngayon, patuloy umanong mag-ooperate ang Estados Unidos para bombahin ang coastal areas ng Iran
02:11kabilang na ang mga barko o sa sakyang pandagat na nasa Holmuz Strait
02:15upang sa lalong madaling panahon ay muling mabuksan at madaanan na ito.
02:21Samantala, sa isang pahayag ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi,
02:25pinalagan nito ang pahayag ni Trump kaugnay ng pagpapasara ng Iran ang Hormuz Strait.
02:31Nilinaw ni Araqchi na nananatiling bukas ang daanan sa mga bansa maliban lamang sa Amerika at Israel.
02:38Nanawagan din ang Iran sa mga kalapit nitong bansa na paalisin ang mga bansang nanggugulo at nakikisali,
02:45samantalang ang Israel lamang umano ang kanilang pakay.
02:48Sa kabilang banda, sinabi ni Araqchi na sa gitna ng mga pag-uusap ng Iran at Estados Unidos,
02:55tiniyak-aniya ng Tehran na walang silang nuclear weapons.
02:58Pero tinanggihan-aniya ito ng US dahil sa hindi naintindihan na technical details.
03:04Idiniin ng Iran na hindi kikitang Estados Unidos sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis at mga taripa.
03:11Pinayayaman lang umano nito ang mga kumpanya at pinahihirapan ang mga tao.
03:18Samantala, nanawagan si Pope Leo XIV sa lahat ng mga Kristiyano sa kitnang silangan na maging responsable sa nangyaring tensyon
03:26doon.
03:27Dito, binigyang din ang Santo Papa na sana'y magkaroon na ng ceasefire o tigilputukan at mabuksan rin ang dayalogo
03:35ng mga bansang sangkot sa kaguluhan.
03:37Dagdag ng Santo Papa, hindi makakamit ang ustisya at kapayapaan mula sa paghahasik ng lagim at pagganti sa isa't isa.
03:47Nakipag-usap naman si French President Emmanuel Macron kay Iranian President Massoud Pesekskian hinggil sa kasalukuyang tensyon sa Middle East.
03:56Hiniling niya ang agarang pagtigil na ng Iran sa mga pag-atake nito sa iba't ibang bansa sa reyon tulad
04:03ng Lebanon at Iraq.
04:04Ipinaalala rin ni Macron sa Iran na kumilos at sumunod sa maipit na defense framework ang France.
04:10Tinitiyak nito ang proteksyon sa kanilang mga interests at freedom of navigation.
04:15Aniya, kinakailangan ng isang bagong balangkas na magsisilbing daan tungo sa kapayapaan at seguridad ng lahat.
04:22Kasama na rito ang pagsisigurong hindi gagawa ang Iran ng nuclear weapons at ballistic missile program.
04:29Nanawagan din siya na sa lalong madaling panahon ay bumalik na ang malayang paglalayag sa Strait of Hormuz.
04:36Joy, salamat din para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended