00:00May libre ng sakay ang ipatutupad ng DOTR simula ngayong araw hanggang bukas November 24
00:07mula alas 6 ng umaga hanggang alas 9 ng gabi po.
00:11Dahil dito, o dahil ito sa dalawang araw na transport strike ng Grupo Manibela,
00:16ipatutupad ang libre ng sakay sa mga rutang papunta sa Quiapo hanggang Cubao,
00:20Quiapo hanggang Doña Carmen, Commonwealth,
00:23Quiapo hanggang Fairview, Taft Avenue hanggang Alabang, at Commonwealth hanggang Cubao.
00:28Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:32na tiyaki may masasakyan ang mga commuters sa gitna ng inaasahan dalawang araw na protesta ng mga transport group.