Skip to playerSkip to main content
Kaunting ulan lang ay maraming lugar na sa Metro Manila ang nalulubog sa baha. Paano pa kaya pagdating ng taong 2040 na ayon sa Climate Change Commission ay posibleng 30% ng Metro Manila ang permanenteng malubog sa tubig. Dahil ‘yan sa nagbabagong klima na nagpapataas ng lebel ng tubig sa dagat.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kaunting ulan lang, maraming lugar na sa Metro Manila ang nalulubog sa baha.
00:05E paano pa kaya pagdating ng taong 2040 na ayon po sa Climate Change Commission,
00:10e posibleng 30% ng Metro Manila ang permanenting malubog sa tubig.
00:17Dahil po yan sa nagbabagong klima na nagpapataas ng level ng tubig sa dagat.
00:22Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:24Nitong Setyembre, binaha ang maraming lugar sa Quezon City matapos bumuhos ang katumbas ng isang linggong ulan sa loob lang ng tatlong oras.
00:35Base sa National Adaptation Plan 2023 to 2025,
00:39kabiling ang Quezon City at ang buong Metro Manila sa mga flood-prone areas sa bansa.
00:44Katunayan, sa pagitan ng taong 2030 hanggang 2050,
00:48tinatayang magkakaroon ng significant sea level rise sa Metro Manila
00:52dahil sa extreme weather events.
00:55At ang mas nakababahala pa,
00:57By 2014, it is projected that around 160 square kilometers of land may be permanently inundated,
01:06placing more than 30% of NCR land at risk.
01:11Ayon sa Climate Change Commission,
01:13meron ng mga nakalatag na pulisiya para labanan ng epekto ng climate change,
01:18pero kailangan din ng kongkretong aksyon mula sa lokal na pamahalaan.
01:22Sa flood summit ngayong araw,
01:24pinahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanyang pagkalismaya
01:27sa kawalang aksyon ng DPWH sa Drainage Master Plan ng Lunsor.
01:32We presented this to the Department of Public Works and Highways,
01:36hoping to get their support in completing the proposed solutions therein.
01:42Unfortunately, hindi po pinansin ng DPWH ang ating Master Plan,
01:47and then ma-tanggu sila.
01:49And worse, they implemented 17 billion pesos worth of flood control projects
01:55na either palpa o hindi namin makita.
01:59It finally made sense.
02:01Kaya naman pala lumala ang pagpaha sa Quezon City.
02:04Inimbestigahan na raw na LGU ang mga ito
02:07at isinumiti na sa Independent Commission for Infrastructure.
02:11Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng DPWH ukol dito.
02:17Sa kabila nito, patuloy ang pag-a-upgrade ng mga drainage line
02:20at road network sa Lunsod para sa mas mabilis na pagdaloy ng tubig.
02:25Naglalatag na rin daw sila ng mga retention ponds.
02:28We are developing basketball courts with integrated detention basins
02:33that can collect rainwater.
02:35Ang attachment area ay maliging imbakan ng tubig
02:38para maibwasan o magawasan ang baha.
02:42At kapag tumigil na ang ulan,
02:44hindi-hindi pakakawalan ang tubig sa kang estero o imbunan.
02:49Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City,
02:52patuloy sila sa pagawa ng mga programa
02:54para maibisan na epekto ng mga pagbaha sa mga residente.
02:58Ito ngang lagarian creek na naghahati sa barangay Kalusugan
03:01at barangay Rojas District,
03:03pinalapad at inalis ang mga silt at mga basura.
03:07Maging ang Quezon City Memorial Circle,
03:09magkakaroon din daw ng retention ponds
03:11na kaya makapag-imbak ng 928 cubic meters ng tubig.
03:16Para sa GMA Integrated News,
03:18Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended