00:00Hindi apektado ng tensyon sa Middle East ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.
00:05Ayon sa Armed Forces of the Philippines, walang indikasyong aalising sa bansa ang mga military asset ng US.
00:11Yun ang ulat ni Patrick DeJesus.
00:15Iniulat ka makailan ang paglilipat ng US sa kanilang Patriot Missile Defense Batteries
00:21at bahagi ng Terminal High Altitude Area Defense Anti-Missile System na nakadeploy sa South Korea.
00:27Ayon sa report ng isang South Korean news agency,
00:31posibleng irideploy ang mga naturang kagamitan sa Middle East sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon doon
00:38na nangyari rin noong nakaraang taon nang magkasanang operasyon ang Estados Unidos sa nuclear facilities ng Iran.
00:45Sa kabila nito, tiniyak naman ni South Korean President Lee Jae-myung
00:49na hindi apektado ang kanilang deterrence strategy laban sa North Korea at iba pang mga banta.
00:56Dito sa Pilipinas, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na walang indikasyong magkakaroon ng pull-out
01:03ang US sa kanilang mga military asset.
01:06Ilan sa mga kagamitang nasa bansa ay ang Typhoon Missile System
01:10at ang Navy Marine Expeditionary Ship o Nemesis Missile System.
01:14Parehong itinampok ang mga ito sa ipatibang pagsasanay noon,
01:18kabilang na ang balikatana.
01:20Iginiit ng AFP na ang theater arrangement sa South Korea patungkol sa redeployment ng ilang US Air Defense System
01:28ay hindi kapareho sa Pilipinas.
01:31Naniniwala rin ang AFP na ang upward trajectory ng Alyansang Pilipinas at Estados Unidos
01:37ay hindi apektado ng gulo sa Middle East na pinagtibay ng nagpapatuloy na maritime activities,
01:44iba't ibang aktibidad at pag-aproba kamakailan sa 2.5 billion US dollars ng security assistance sa loob ng limang
01:53taon.
01:53Sa susunod na buwan na ang taonang balikatan exercises ng Pilipinas at Estados Unidos kasama ang iba pang mga bansa.
02:02Kahit may tensyon sa Middle East, tuloy ang mga pagsasanay, pero nakamonitor din ang AFP sa sitwasyon.
02:09Well, our troops remain po. Yung readiness natin and yung posture natin, tuloy-tuloy naman po tayo kung ano man.
02:16But of course, with the current situation, nag-a-adjust din po tayo.
02:23Samantala, supportado pa rin ng nakararaming Pinoy ang Transparency Initiative ng Pamahalaan sa West Philippine Sea.
02:30Base sa Pulse Asia Survey noong February 27 hanggang March 2 na may 1,200 respondents sa buong bansa.
02:38Lumabas din sa survey na si US President Donald Trump ang pinakaguston na mga respondent na bumisita sa Pilipinas habang
02:46isinasagawa ang ASEAN Summit,
02:48habang Estados Unidos din ang pinakapinagkakatiwalaang bansa pagdating sa pagprotekta sa West Philippine Sea.
02:56They really appreciate the effort of the National Task Force for the West Philippine Sea and of course with the
03:02approval of President Marcos na meron talagang pangailangan na pataasin ng kamalayan ng Pilipino at i-expose ang Chinese aggression.
03:12Sa gitna naman ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, tiniyak ng Philippine Coast Guard na mananatiling prioridad ang
03:20deployment ng kanilang mga barko at asset para magpatrolya sa West Philippine Sea.
03:26Patrick De Jesus para sa Pabansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments