00:00Walang magiging adjustment sa mga RORI missions sa BRP Sierra Madre.
00:04Ayon sa National Maritime Council, umiiral pa rin ang provisional understanding sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
00:11Yan ang ulat ni Patrick De Jesus.
00:15Walang magiging pagbabago sa provisional understanding sa pagitan ng Pilipinas at China sa BRP Sierra Madre.
00:22Ito ang tiniyak ng National Maritime Council kahit na namonitor ang mas maraming barko ng China sa paligid ng Ayungin Shoal.
00:30Kasabay ng isinagawang drill kamakailan ng China Coast Guard, kabilang na ang pagdeploy ng armadong RIB at fast boat.
00:37Noong nakaraang taon pa, umiiral ang provisional understanding sa mga RORI missions sa BRP Sierra Madre matapos ang June 2024 incident.
00:46Kung saan may isang sundalong Pilipino ang naputulan ng daliri dahil sa pangaharas ng China Coast Guard.
00:53Dagdag ng NMC, ang Department of Foreign Affairs ang nakamonitor kung may magiging paglabag ang China sa kasunduan.
01:00Hindi naman nabago yung provisional understanding between our country and China.
01:09So our Department of Foreign Affairs and their counterpart are actually still talking.
01:13So we just leave it that way.
01:16Yung mga increase in their presence, expected namin yun, it will be a reaction on their part.
01:23Kasi it's a big embarrassment on their part.
01:27So they want to feel safe and you know, how to twist narratives again para ipakita nila na they're still concerned.
01:34Hindi naman na namataan ang PLA Navy warship 164 sa West Philippine Sea.
01:39Mula ng mangyari ang insidente ng pagbangga nito sa China Coast Guard Vessel 3104 sa Iskar Borosyol.
01:46Gaya ng nasilang barko ng China Coast Guard, nakasalukuyang nasa naval base ng Hainan Province sa China.
01:53Pusibling sumailalim din sa repair ang naturang PLA Navy warship ayon sa NMC.
01:58Samantala, kaugnay ng pagsisimula ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month.
02:07Sabay-sabay na nagpatunog ng busina ang mga barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa iba't ibang panig ng bansa.
02:14At itinaas din ang watawat ng Pilipinas.
02:25Sa nagpapatuloy naman na laban para sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea,
02:30isa rin sa hamon ang mga maling impormasyon na ipinakakalat ng China.
02:35Kaya naman patuloy na ipinatutupad ng kasulukuyang administrasyon ang Transparency Initiative
02:41para mas maging mulat ang mga Pilipino sa usapin ng WPS
02:46at matiyak na magpapatuloy hanggang sa mga susunod na henerasyon ang kahalagaan nito.
02:51Ang laban ng West Philippine Sea will never end in 2020.
03:17Ito ay hindi lamang laban ng Coast Guard, ng Armed Forces of the Philippines at ng National Martime Council.
03:24Ito ay laban nating lahat bilang Pilipino
03:26at ito ay ipapamana natin sa susunod na saling lahit ng Pilipino.
03:31Patrick De Jesus para sa Pabansan TV sa Bagong Pilipinas.