Skip to playerSkip to main content
  • 4 weeks ago
Mga taga-Cordillera, hinimok ng DILG na gamitin ang 'Subaybayan Portal' para mabantayan ang update sa mga proyekto ng gobyerno | ulat ni Jezryl Khate Lapizar - PTV Cordillera

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malinaw at tapat na sistema, ito ang layunin ng DILG at Cordillera Region LGU
00:06na palakasin kasunod ng paglulunsad ng Subaybayan Portal
00:09para sa pagbabantay ng mga proyekto sa lungsod.
00:13Si Jezreel Kate Lapizar ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:20Pagkadismaya ang nararamdaman ng karamihan kaugnay ng mga ulat ng katiwalian
00:25at pagkakaantala ng ilang proyekto ng pamahalaan.
00:28Para sa kanila, mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na sistema
00:32upang masigurong napupunta sa bayan ang ibinabayad na buwis sa pamahalaan.
00:37Devastated kami doon sa news na yun.
00:41Yung ating mahalagang pera to dalas sentabo, mahalaga yun.
00:46Kinita natin yun. Bakit napupunta doon sa mga grabing mga buwaya na tumitira doon sa ating mga pundo?
00:55Nakakalungkot at it is really frustrating na maraming pondong allocated sa specific project
01:03para sa welfare ng ating mga kababayan.
01:06But nakikita natin na ang mga proyekto, mga project, funds na nilaan ng gobyerno
01:12ay napunta lamang sa ilang tao at nagagamit sa korupsyon.
01:16Dahil rito, pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government Cordillera ang publiko
01:22sa paggamit ng Subaybayan Portal bilang bahagi ng pagpapalakas ng transparency
01:27at monitoring sa mga proyekto ng pamahalaan.
01:31Ayon sa DILG, nagsisilbing online platform ang Subaybayan Portal
01:35kung saan maaaring imonitor ng publiko at ng pamahalaan
01:39ang implementasyon at progreso ng ibat-ibang proyekto ng mga lokal na pamahalaan
01:45kabilang ang mga infrastructure projects na pinopondohan ng national government.
01:50Sa pamamagitan ng portal, mas napapadali ang pag-track ng status ng mga proyekto
01:55mula sa pagpaplano hanggang sa kanilang komplesyon
01:59habang tinitiyak din ang wastong paggamit ng pondo ng gobyerno.
02:03Patuloy ang pagtas ng compliance ng mga LG sa paggamit ng portal
02:07at may monitoring mechanism din ng DILG
02:09upang matiyak ang regular na pag-update ng mga project information po na to.
02:15At nakapatuloy rin po yung capacity building activities
02:17at technical assistance na binibigay ng DILG
02:20para matulungan sila sa pag-encode sa sistema ito.
02:24Tinitiyak naman ng ahensya na tama ang mga naa-upload na mga impormasyon sa portal
02:28sa pamamagitan ng kanilang mga engineers at field officers na pumupunta sa mga project site
02:34upang ikumpirma ang mga ito.
02:36Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa kanilang partner agencies
02:41upang masolusyonan ang hamon sa internet connectivity sa ilang LGU sa reyon
02:46upang masigurong laging naa-update ang mga proyekto at programa nila sa portal.
02:52Nabibigyan ng akses ang publiko upang masubaybayan ang paggamit ng pondo ng bayan.
02:57Pinapalakas nito ang trust and confidence ng mamamayan sa lokal na pamalaan.
03:02Nagsisilbi itong deterrent laban sa maling paggamit ng pondo
03:05dahil bukas sa publiko ang informasyon tungkol sa mga proyektong ito.
03:10Hinimok naman ng ahensya ang mga lokal na opisyal
03:13at kaukulang personnel na maging maagap sa paglalagay at pag-update ng datos sa Subaybayan portal
03:18upang masiguro ang maayos at transparent na pagpapatupad ng mga proyekto
03:23para sa kapakinabangan ng publiko.
03:26Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended