00:00Activated na rin ang alok na libreng komunikasyon ng DICT sa Cordillera para sa mga kababayan natin doon na may
00:07kaanak sa Middle East.
00:08Bukod dito, mahigpit na tinututukan ng DMW sa rehyon ang pangangailangan at kalagayan ng OFWs na Tubong Cordillera.
00:16Si Jezril Kate Lapizar ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:23Sa gitna ng tumitinding tensyon at nagbapatuloy na digmaan sa Middle East, patuloy rin ang sinasagawang monitoring ng Department of
00:32Migrant Workers Cordillera sa kalagayan ng mga Cordillera overseas Filipino workers sa mga bansang apektado.
00:38Ayon sa ahensya, nananatili silang nakikipag-ugnayan ng malapitan sa mga migrant workers offices sa Middle East para malaman ang
00:47sitwasyon ng ating mga kababayan at ganoon na rin sa kung anong mga tulong ang nahihahatid sa kanila.
00:53Batay naman sa kanilang datos, sa 557 na documented na Cordillera OFW sa Middle East, wala sa kanila ang mga
01:02nasa Iran.
01:03Ngunit wala rin kasiguraduhan dito dahil maaaring mayroong mga undocumented OFW na naroon ngayon.
01:10Ang hirap malaman kung ilan ang apektado, lalo na maraming mga Pinoy, maraming mga Filipinos ang umaalis ng bansa na
01:18walang dokumentos.
01:20So dahil maraming undocumented, hindi natin masabi kung ilan ang affected.
01:24Aniya, sa kasalukuyan, wala pang naitatalang mga nasugatan o pumanaw sa mga documented Cordillera OFW na nasa Middle East ngayon.
01:34Sa pakikipagtulungan naman ng ahensya sa Department of Information and Communications Technology Cordillera,
01:40na-activate na ang communication center sa regyon upang matulungan ang mga residente ng regyon na makausap ang kanilang mga
01:47kaanak sa Middle East.
01:49Siniguro nitong nakabukas ang kanilang mga tanggapan sa regyon at ganoon na rin sa Middle East upang tulungan ang mga
01:56nagnanais na makausap ang kanilang mga kaanak.
01:59Sinabi rin nitong maaari ding maghatid ang ahensya ng mga psychosocial counseling at services sa mga OFW na nakakaranas ng
02:07mental stress o psychological distress dulot ng digmaan.
02:11Sa ngayon naman, wala pang mga nagnanais ng repatriation mula sa mga Cordillera OFW sa Middle East.
02:19Ngunit pinapaalalahanan ng ahensya ang mga ito na makipag-ugnayan lamang sa mga migrant workers' offices sa kanilang mga lugar
02:26para sa mga agarang tulong na kanilang kinakailangan.
02:30We are very sorry that this is happening in the part of the world where our OFWs are and this
02:36is something we cannot stop but at the same time we would like to say that your government is here,
02:41we're ready to assist anytime.
02:43Sa ating pakikipag-usap naman kay Chris-Anne Manuel na tubong Abra at OFW ngayon sa Dubai, sinabi niya na
02:50unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon nila doon.
02:54Ngunit nananatili pa rin ang kanilang takot dahil sa mga naririnig ng mga pag-atake at palitan ng mga missiles
03:00sa himpapawid.
03:02Limitado pa rin naman ang paglabas ng mga tao dahil sa mga debris na patuloy pa rin nakuhulog.
03:07Tuloy-tuloy din ang pag-alala ng mga muslim sa Ramadan sa gitna ng nangyayaring digmaan.
03:13Bumabalik man sa normal ang sitwasyon sa lugar, nananatili pa rin silang nakaalerto sa kahit anumang posibleng mangyari.
03:20Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments