00:00Naharap sa panibagong reklamo si Health Secretary Ted Herbosa
00:03hingil sa maygit isang bilyong halaga ng expired at hindi na-deliver ng mga gamot.
00:08Samantala, siniguro naman ang pamahalaan ng tulong sa mga Pilipinong apektado
00:13ng panghina ng piso contra dolyar.
00:16Yan at iba pa sa Express Balita, Niklong Tanyog, Fajardo.
00:23Tiniyak ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26na may mga hakbang na ipinatutupad ang pamahalaan para mabawasan ng epekto
00:31ng paghina ng piso contra dolyar.
00:34Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro,
00:38hindi ito ninais ng pamahalaan at ito ay epekto ng mga geopolitical tension
00:43sa pagitan ng US, Israel at Iran sa gitnang silangan.
00:47Alam po natin ang ginagawa ng Pangulo at ng Administrasyon na ito
00:51upang maibsan po ang impact ng epekto nitong sigalot sa Middle East.
00:58At gabin po ang lahat para po maayos ang lahat na nangyayari,
01:04pati po ang pagtulong sa ating mga kababayan.
01:08Naharap sa panibagong reklamo si Department of Health Secretary Ted Herbosa
01:13tungkol sa umano'y 1.4 billion na halaga ng expired
01:16at hindi na-deliver ng mga medisina at bakuna.
01:20Sa 33 pahin ng reklamong inihain sa Office of the Ombudsman
01:24ng Anonymous Concerned DOH Personnel,
01:27kinasuhan si Herbosa at 16 na iba pang opisyal ng kagawaran
01:31ng grave and of serious dishonest, grave misconduct
01:34at conduct prejudicial to public service.
01:37Nakasaad sa reklamo nakasama sa mga nag-expired na mga gamot
01:41mula Disyembre hanggang ngayong Marso
01:43ay bahagi ng mga programa para sa family planning
01:46at mental health na nagkakahalaga ng 68 million pesos.
01:50Hiling ng mga naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman,
01:54patawan ng preventive suspension si Herbosa
01:56at iba pang opisyal kaugnay nito.
02:00Sa ibang balita, isang miyembro ng New People's Army o NPA
02:04ang nasa kote ng mga otoridad sa isinagawang operasyon
02:08sa Occidental Mindoro noong linggo, March 29.
02:11Ayon sa inisyal na ulat mula sa 203rd Infantry Bantay Kapayapaan,
02:15habang nagsasagawa ng operasyon ng 68th Infantry Kaagapay Batalyon
02:19sa Sitio Salafay ng Barangay Monte Claro,
02:22nagkaroon sila ng enkwentro laban sa humigit-kumulang
02:25na labing limang membro ng NPA.
02:28Dahil sa nangyaring sagupan sa pagitan ng NPA at militar,
02:31dalawa ang sagatan na agad namang dinala sa AFP Medical Center.
02:35Sa kasamaang palad, isang first lieutenant
02:38ang nasawi habang nakikipaglaban.
02:40Nagbigay naman ng simpatya
02:42ang sandatahang lakas na Pilipinas sa kanilang pamilya.
02:45Klontanyog Fajardo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments