Skip to playerSkip to main content
  • 12 hours ago
DA, magpapatupad ng mga hakbang para hindi na maulit ang oversupply ng highland vegetables at pagkalugi ng mga magsasaka sa Cordillera | ulat ni Audrey Villena - PTV Cordillera

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, naglatag ng mga hakbang ang Department of Agriculture
00:03para maiwasan ang pagkasayang ng mga ani
00:07ng mga magsasaka ng highland vegetables sa Cordillera region
00:11dahil sa oversupply at iba't ibang hamon
00:14tulad ng mataas na presyo ng petrolyo.
00:17Si Audrey Villena sa Sentro ng Balita.
00:22Dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo nitong nagdaang buwan,
00:27naging suliranin ito sa mga magsasaka.
00:30Maraming nabulok na pananim sa mga bukirin
00:32at nagbenta ng gulay ng palugi sa iba't ibang lugar para lamang hindi ito masayang.
00:37Plano ng Department of Agriculture na magpatupad ng planting calendar
00:41bilang isang solusyon para maiwasan ang oversupply sa mga gulay.
00:45Sa naturang hakbang, magkakaroon ng schedule ang mga magsasaka
00:49kung anong uri ng gulay ang pwede nilang itanim depende sa kalagayan ng panahon.
00:54Malalaman din kung saan ang pinakamainam na lugar para ito ay itanim
00:58batay sa datos ng produksyon at demand sa merkado.
01:01Matutulungan ang mga magsasaka, sir, sa pamamagitan ng pag-usap-usap para maiwasan po yung sabay-sabay
01:10na patatanim nila na kung walang kakontrata, usually, ang kanilang pinupuntahan ay yung ating trading post.
01:19Kung ganun at hindi nag-usap-usap yung magtatanim nito, kadalasan po nagkakaroon tayo ng maraming supply sa specific na
01:28mga gulay.
01:29Kinakailangang magkaroon ng koordinasyon ng iba't ibang farmers association,
01:33lokal na pamahalaan at Department of Agriculture upang maayos ang pagpapatupad ng planting calendar.
01:39Kung hindi magtatanim ang magsasaka ng gulay na nakaschedule,
01:42pwede silang magtanim ng spices o ibang high-value crops.
01:46Ayon pa sa DA, pwede rin madagdagan ang source of income ng mga magsasaka dahil na idagdag ang live stocks.
01:53Hiling din ng mga magsasaka ang direct marketing system at agri-facilities gaya ng greenhouse.
01:59Tugon ng ahensya?
02:00Tayo din ho sa part ng regular program, nagbibigay naman po tayo ng greenhouses.
02:05In fact, nireduce natin yung pagbibigay ng seedling at gusto natin dumami yung mabibigyan natin ng greenhouses
02:13kasi kahit papano, it also lessens yung pest and disease nila.
02:18As part of our support also to good agricultural practices.
02:23So dumami po yung ating greenhouses over the past 2 or 3 years.
02:27Kung may dalawang cold storage facility sa Benguet, kulang ito para sa lahat ng lalawigan.
02:33Magandang balita naman dahil napondohan ngayong 2026 ang karagdagang cold storage facility sa regyon.
02:40Odry Villana, para sa Bayan.
Comments

Recommended