Skip to playerSkip to main content
Aired (March 8, 2026): BAGONG SILANG NA SANGGOL SA NUEVA ECIJA, MAY TIMBANG NA LIMANG KILO… NA HALOS ‘SINGBIGAT NA NG APAT NA BUWANG GULANG NA BATA!

Ang inang si Racquel, alam na raw noon na malaki ang kanyang isisilang na sanggol, ngunit hindi niya akalaing aabot ito sa…5 kilos! Paano naging ganito ka-hebigat ang timbang ng kanyang baby? Panoorin ang video. #KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:01May mga baby na kapag ipinanganak,
00:04sadyang malaking bulas na.
00:07Pero ibahin nyo itong sanggol sa Nueva Ecija.
00:14Isinilang na ang mga bagong content ngayon.
00:19Dahil maging pagpapaanak sa mga buntis,
00:22aba, ikinocontent na rin ng mga midwives gaya ni Karen.
00:27Ah, baby boy, 740.
00:32Sinusunod ko lang din naman kapag kami nagre-request.
00:34Pero kapag kayong pasyente, ayaw nila, nire-respeto ko naman yun.
00:39Pero sa lahat ng pinaanak ni Karen sa kanyang lying-in clinic sa Munoz,
00:45sa Nueva Ecija, kay Mami Raquel daw siya pinaka-challenge.
01:00Okay na, Mami.
01:03Dito po.
01:05Dito pa nakalaki yung sinasabi mong kailas.
01:08Oh, thank you, Lord.
01:10Ang sanggol kasing iniluwal nito, napakalaking bulas.
01:14Tumimbang na agad ng...
01:24May haba rin itong 55 centimeters.
01:29Halos doble ang laki kumpara sa ordinaryong bagong silang na baby.
01:34Katumbas na ng tatlo o apat na buwang sanggol.
01:38Ito yung pinakamalaking baby na napaanak namin.
01:42Sige, naka lang.
01:46Ups, ups, ups, ups, ups, ups, ups, ups na, ups na.
01:49Kapay na, Mami.
01:54Pero paano? At bakit nga ba may ganitong sanggol na iniluwal na heavy gut?
02:03Buong akala ni Karen, normal ang magiging delivery ni Mami Raquel
02:07Nung inultrasound kasi ito nitong February 26
02:11o apat na araw lang bago manganak,
02:14lumabas na 3.3 kilos lang ang sanggol sa sinapupunan.
02:18Kapag more than 3.5, nire-refer na namin.
02:21Kasi hindi talaga pwede.
02:22Malaki yung maging punit niya or laceration.
02:26May tendency kasi na mag-bleed yung nanay.
02:29Nagpasya po kami na doon po ay manganak sa lying in kay midwife Karen.
02:34Kasi po, libre po yung panganak and accredited po ang pale health.
02:39Hanggang madaling araw nitong March 2, si Mami Raquel, nag-labor na.
02:44Habang naglalakad po ako papasok sa lying in kay midwife Karen,
02:48nararamdaman ko na po yung ulo ni baby na lalabas na po talaga.
02:51Pag IE ko, nagulat ako kasi andun na yung ulo.
02:54Nakita ko na malaki.
02:57Pero dahil palabas na raw ang sanggol.
02:59Wala na kaming chance na ipalipat sa ospital.
03:01Wala na pong anesthesia tinusok sa akin.
03:04Kasi po, ramdam ko na po yung ulo ni baby na lalabas na po talaga.
03:09Medyo kinabahan na rin ako ng konti.
03:11Kasi baka mamaya mag-shoulder distosia.
03:14Yun yung lalabas yung ulo.
03:15Tapos may iwan or may iipit yung balikat ng baby.
03:19Pero hindi ko na lang ipinakita sa nanay
03:21para makapag-concentrate siya sa kanyang pag-ire.
03:25Sige, baka lang.
03:27Nag-pray na lang po ako na mailabas si baby ng maayos ko.
03:33Ups, ups, ups, ups, ups, ups, ups, ups na, ups na.
03:37Okay na mami.
03:40Gusto po.
03:42Ganito pa nakalaki yung sinasabi mo ng gulas.
03:45Oh, thank you Lord.
03:46At laking gulat nila nung nakita si baby
03:50dahil napakalaking bulas nga nito.
03:52Baby by one, party three.
03:55Oh, thank you Lord.
03:56Thank you po.
03:58Masayang masaya.
03:59Pinangalanan niya itong Rock Aven.
04:02Pinagsama niya po yung pangalan ko na Raquel
04:05tapos po Aris yung sa husband ko.
04:07Kaya yun po yung pinangalan namin Rock Aven.
04:15Dahil sa laki niya,
04:16ang mga nabiling newborn clothes ni Raquel
04:19hindi tuloy magkasya.
04:21Ito na lang po yung pinapasaot namin sa kami.
04:23Pang six months to one year old po.
04:26Hirap din siyang kargahin ito.
04:29Nakakangalay po si baby
04:30kasi overweight po siya.
04:32Pasapasa po sa mga kasama po sa bahay.
04:34Si baby Avin,
04:36pangatlong anak na ni Mami Raquel
04:38at ng mister niyang si Aris.
04:40Yung dalawang anak ko po,
04:41normal naman po na.
04:43Yung panganay ko po is 2.8
04:46tapos po yung pangalaw is 3 kilos po.
04:49Hindi kaya siya yung damit guys.
04:51Hindi man niya raw inasahan
04:53na magiging heavy gat ang kanyang bunso.
04:56Tila meron ng mga senyales
04:58habang ipinagbubuntis niya palang ito.
05:00Nasabi po niyang malaki po yung tiyan ko.
05:03Ang sabi po nga nila eh,
05:04parang kambal po yung nasa tiyan ko.
05:07Kutob ni Raquel.
05:08Kaya raw lumaki ng ganito ang kanyang bunso
05:11dahil sa kanyang mga pinagkakain
05:13habang siya'y nagdadalan tao.
05:15Ay, nung second time mister ko po,
05:18pagkatapos ko kukupain ng kanin po eh,
05:20naghahanap po ako ng matamis.
05:22Like chocolate po.
05:24Pero may dapat bang ipangamba
05:26si Mami Raquel.
05:27Ayon sa Integrated Midwives Association of the Philippines,
05:31si Baby Avin.
05:32Pusibling may kondisyon na kung tawagin
05:35fetal macrosomya.
05:37May word tayo yung sinasabi,
05:39macrosomic baby.
05:40So ibig sabihin lang naman yun
05:42na ang baby ay pinanganak
05:43sobra sa kanyang timbang.
05:45Meron daw iba't ibang dahilan
05:47kung bakit nagkakaroon ng macrosomya.
05:51Kabilang na,
05:52kung sobra ang timbang ng nanay,
05:54kapag lagpas sa due date
05:56ang pagbubuntis
05:57o hindi kaya
05:58kapag nagkaroon ng diabetes ang nanay
06:01bago
06:02o habang ipinagbubuntis ang baby
06:04na kung tawagin
06:06gestational diabetes.
06:08Ang tanong,
06:10delikado ba
06:11ang fetal macrosomya?
06:14Ipinakonsulta namin siya
06:16sa isang pediatrisyan.
06:18Wala naman po akong nakitang
06:20ibang problema doon sa bata.
06:21I-advise ko sila
06:23na i-continue lamang
06:24yung pagpapasuso
06:25kasi mas importante yun.
06:27At gawin pa yung ibang
06:28regular na pagpapacheca.
06:30Karaniwa naman po
06:30yung mga batang ganyan,
06:32eh pwede rin lumaki ng normal.
06:34So may chance na
06:35paglaki niya,
06:36hindi na rin siya
06:37masyadong malaki.
06:38Meron po kami kasing
06:39tinatawag na
06:40physiologic weight loss
06:41na yung timbang ng isang baby
06:43ay pwedeng mabawasan
06:45ng 10%
06:46sa unang 10 araw
06:48ng baby.
06:48Masaya po ako
06:49kasi normal po yung result
06:51ni baby.
06:52So check out po niya
06:54niregaluhan din namin siya
06:55ng mga dagdag na baby clothes,
06:57pati na diaper
06:58at vitamins.
07:00Balak po namin
07:01bilihan siya
07:01pero nabigyan po
07:03ni Kakosomo,
07:04si Kakosomo,
07:04nakasave na po kami
07:05ng pambili.
07:09Ups, ups, ups, ups, ups,
07:11ups na, ups na.
07:13Okay na mami.
07:21Ang pagdating ni Baby Avin
07:25sa buhay ng kanyang
07:27Mami Raquel.
07:31Thank you for watching
07:33mga kapuso.
07:34Kung nagustuhan niyo po
07:35ang videong ito,
07:36subscribe na
07:38sa GMA Public Affairs
07:39YouTube channel
07:40and don't forget
07:42to hit the bell button
07:43for our latest updates.
07:45Thanks.
Comments

Recommended