- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Biyernes March 13, 2026.
- Jeepney driver, inireklamo ang mga sakay ng tricycle na nagmura at nanapak sa kanya
2 alagang aso sa Tondo, hinampas ng isang lalaki gamit ang baseball bat; 1 patay
- Halaga ng piso kontra dolyar, muling sumadsad sa panibagong all time low
- Hanggang P22/L na taas-presyo sa diesel, posible sa susunod na linggo, ayon sa ilang industry source
- 21-anyos na nagpanggap umanong dentista, arestado
- Mga base militar at sentro ng komersyo, damay sa patuloy na palitan ng air strikes sa Gitnang Silangan
- Pagbawas ng CAAP sa ilang bayarin sa mga paliparan, iniutos ng DOTr
- Omb. Remulla: Isa sa mga litrato sa joint affidavit ng ex-marines, kuha noong panahon ni FPRRD
- Sen. Dela Rosa na absent sa Senado mula noong Nobyembre, hiniling na makitira ang kanyang pamilya sa Senate mansion sa Baguio; hiling niya, tinanggihan
- Hinihinalang shabu na nasabat sa sumadsad na speedboat, umabot na sa 900KG
- 2.96 milyong Pilipino, unemployed; nadagdagan ng 800K kumpara sa parehong panahon noong 2025
- Security guard ng isang grocery store, sugatan matapos barilin
- Tricycle driver na isa sa mga suspek sa pagpatay sa 2 binaril at sinilaban sa loob ng sasakyan, arestado na rin
- Lalaki, sugatan matapos pagsasaksakin ng isa pang lalaki
- Butane gas stove, sumabog habang kumakain ang 11 estudyante; 8 naka-admit pa sa ospital
- Kaliskis ng mga isda, ginamit para makabuo ng artificial cornea
- Lalaki at alagang golden retriever, tila naglaro ng tug of war
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Jeepney driver, inireklamo ang mga sakay ng tricycle na nagmura at nanapak sa kanya
2 alagang aso sa Tondo, hinampas ng isang lalaki gamit ang baseball bat; 1 patay
- Halaga ng piso kontra dolyar, muling sumadsad sa panibagong all time low
- Hanggang P22/L na taas-presyo sa diesel, posible sa susunod na linggo, ayon sa ilang industry source
- 21-anyos na nagpanggap umanong dentista, arestado
- Mga base militar at sentro ng komersyo, damay sa patuloy na palitan ng air strikes sa Gitnang Silangan
- Pagbawas ng CAAP sa ilang bayarin sa mga paliparan, iniutos ng DOTr
- Omb. Remulla: Isa sa mga litrato sa joint affidavit ng ex-marines, kuha noong panahon ni FPRRD
- Sen. Dela Rosa na absent sa Senado mula noong Nobyembre, hiniling na makitira ang kanyang pamilya sa Senate mansion sa Baguio; hiling niya, tinanggihan
- Hinihinalang shabu na nasabat sa sumadsad na speedboat, umabot na sa 900KG
- 2.96 milyong Pilipino, unemployed; nadagdagan ng 800K kumpara sa parehong panahon noong 2025
- Security guard ng isang grocery store, sugatan matapos barilin
- Tricycle driver na isa sa mga suspek sa pagpatay sa 2 binaril at sinilaban sa loob ng sasakyan, arestado na rin
- Lalaki, sugatan matapos pagsasaksakin ng isa pang lalaki
- Butane gas stove, sumabog habang kumakain ang 11 estudyante; 8 naka-admit pa sa ospital
- Kaliskis ng mga isda, ginamit para makabuo ng artificial cornea
- Lalaki at alagang golden retriever, tila naglaro ng tug of war
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04Sama-sama tayong magiging sa Rakili!
00:15Bago sa saksi, sinigawan, minura at sinaktan pa ang isang jeep ni driver
00:19ng dalawang sakay ng tricycle na nakaalitan niya sa Pasig.
00:23Ang ugat o mano ng galit ng mga sakay ng tricycle,
00:27nausukan daw sila ng tambutso ng jeep.
00:30Nagbabalik ang saksing si Jamie Santos.
00:35Sa video na ibinigay sa Jamie Integrated News,
00:39makikitang binabagtas ng pampasaherong jeep ang bahagi ng bagong Ilog Pasig
00:43bandang alauna ng hapon nitong Webes.
00:46Nasa leftmost lane ang jeep at umiwas sa isang puting sasakyan.
00:50Pero ilang sandali lang, biglang lumitaw mula sa kanan ng isang tricycle.
00:55Maya-maya pa, bigla itong promeno.
00:58Nagpatuloy lang sa pagmamaneho ang jeep ni driver.
01:00Pero makikita sa video, napilit siyang hinaharangan ng tricycle at tinaayo siyang palusutin.
01:07Hanggang sa muli na namang biglang promeno ang tricycle driver.
01:10Dahilan, para bahagyang magpangabot ang kanilang mga sasakyan.
01:14Sa puntong ito, makikitang nagagalit na ang tricycle driver.
01:18Sumisigaw at nagmumura habang papalapit sa jeep.
01:35Hindi nagtagal, bumaba ang tricycle driver at diretsong sinapak ang jeep ni driver.
01:41Maging ang babaeng sakay ng tricycle, nakisali na rin sa pananakit.
02:07Ayon sa jeep ni driver, posibleng nagalit ang tricycle driver dahil inakala nitong hindi siya pinadaan nang umiwas siya.
02:14Sa puting sasakyan.
02:16Susunod na po siya sa kotse, pasok na po yun, naka-placer na po ako para pumasok.
02:21Ngayon po, anong nangyari sa sistema?
02:22Na ano po siya, hindi po siya napagbigyan, kaya nagagalit po siya.
02:26Minura po niya ako.
02:27Nagtungo ang jeep ni driver sa barangay bagong ilog para magpablater.
02:31Inireport na rin niya ang insidente sa Land Transportation Office, Pasig
02:35at sa Pasig City Tricycle Operation Regulatory Office.
02:39Nagreklamo na rin siya sa Pasig City Vehicle Traffic Investigation Unit.
02:43Gusto ko pong maputol yun na mabigyan po ito ng aaral sa kanya para hindi na po maulit sa iba.
02:52Pinatawag na ng Pasig City Tricycle Operation Regulatory Office ang dalawang sakay ng tricycle.
02:57Mag-asawa umano ang dalawa.
02:59Ang babae raw ang nakarehistrong driver ng tricycle na sangkot sa viral video.
03:04Paliwanag ng babae, kaya sila nagalit sa jeep ni driver dahil nakusukan sila ng tambutso ng jeep nito.
03:10May mga nakita rin ibang paglabag ang opisina sa mag-asawa.
03:14Napagalaman din po natin dito na yung lisensya niya po ay invalid dahil non-pro yung lisensya niya.
03:22Isa pa po, yung tricycle na dinadala niya ay hindi nakarehistro.
03:27Sa ngayon, naka-impound na ang tricycle sa tanggapan ng Tricycle Operation Regulatory Office.
03:32Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:39Gamit ang baseball bat, hinataw sa ulo at batok na isang lalaki ang dalawang aso sa Tondo, Maynila.
03:46Namatay ang isa sa mga aso.
03:48Saksi, si Jomar Apresto.
03:52Nakahiga ang asong yan sa eskinita sa barangay 103 sa Tondo, Maynila.
03:56Noong Merkules.
03:57Maya-maya, dumaan ang isang lalaki na kasuot ng itiw na hoodie at may hawak na baseball bat.
04:02Hindi gaanong hagip sa CCTV, pero ang lalaki, hinampas ang isa pang aso na si White.
04:07Pagkatapos, hinampas naman niya sa batok ang nakahigang aso na si Bruno.
04:11Nangisay si Bruno, pero nakatakbo pa ito papasok sa bahay.
04:15Pero ang asong si White, agad na namatay.
04:20Napahagulgol na lang ang 11-anyos na babae nang makitang patay ng kanilang aso.
04:24Ayon sa nanay ng bata na trauma ang anak sa nangyari, lalot 7 taon na nilang alaga si White na
04:30buntis din daw.
04:31Nagkataon din daw na nasa outing ang pamilya nila na maganap ang insidente.
04:35Yung anak ko po, PWD po yun. Mute and deaf.
04:38Kapag di namin pinapalabas yung anak ko, yun lang mga kalaro niya po.
04:42Sabi po sa amin, iba yung kao sa kanya, pa-psychiatrist namin kung anong level ba yung natamu niyang trauma.
04:51Sanay na nga raw ang mga kapitbahay na makitang pagalagala ang mga aso na parehong community dogs.
04:56Ang humataw sa mga aso, ang matadero raw nilang kapitbahay.
05:01Ang motibo raw sa krimen ay ang pagdumi at pag-ihi ng iba't ibang alagang hayo sa harapan ng bahay
05:06ng lalaki.
05:07Pwede mang pag-usapan po yun, di ba? Hindi naman po talagang, ano, bigla na lang niya haatawin yung dalawang
05:13aso.
05:14Kaya po yun lumalabas kasi tinatawag po yun ang mga kapitbahay namin para Bruno, Ka and White, kaya na kayo.
05:20Kustisya ang panawaga nila.
05:22Kailangan po namin ng tulong nyo dahil may pera po yung kalaban namin.
05:27At hindi namin alam po hanggang saan kami aarok na ipaglaban yung kaso.
05:32Ang gusto ko lang po, Kustisya.
05:33Nakapag-blutter na sa barangay ang pamilya laban sa lalaki.
05:37Hindi naman natin ipupwedeng katawin na basa-basta.
05:41Oo, may buhay din naman yan.
05:44Nasampahan na rin ang lalaki ng kaukulang reklamo sa polisya at sa Philippine Animal Welfare Society.
05:49Kinundinan ang Home for Abuse and Stray Animals o Hasang nangyari at sinabing tutulong sila sa kaso.
05:54Sinisigap ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng lalaki.
05:58Para sa GMA Integrated News, ako si Jomer Apresto ang inyo.
06:02Saksi!
06:04Muling sumadsad sa paribagong all-time low ang halaga ng piso contra dolyar.
06:09Nagsara ngayong Biyernes ang palitan sa magigit 59 pesos and 73 centavos kada dolyar.
06:15Pinakamababang level po yan ang piso sa kasaysayan.
06:18Mas mababa ito kumpara sa naitalang 59 pesos and 50 centavos na palitan.
06:23Nito lang lunes, March 9.
06:28Mga kapuso, maaaring umabot sa 22 piso kada litro ang taas presyo ng diesel sa susunod na linggo.
06:35Ayon po yan sa mga oil industry source.
06:37At sa gitna po ng pagsirit ng presyo ng langis, binabantayan din ang posibleng pagmahal ng servisyong medikal.
06:43Ating saksi ha!
06:48Karaniwang bumper to bumper tuwing umaga ang southbound lane ng EDSA mula Kamuning hanggang Cubaw.
06:54Pero kanina, tuloy-tuloy ang usad.
06:57Bahagya rin maluwag ang trapiko sa iba pang lugar sa Metro Manila kahit pabiyernes.
07:02Tingin ng ilang commuter, epekto ito ng pagpapatupad ng 4-day workweek sa ilang LJU.
07:08At mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan bilang pagtitipid bunsod ng malakihang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
07:16Pero wala pa raw datos ang MMDA para masabing kumunti nga ang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan sa
07:22Metro Manila dahil diana.
07:24Kitang kita talaga na umunti yung daloy ng trapiko.
07:27Kasi po lalo na po sa 4 days, siguro yung mga tao po natuto na rin po dahil sa pagtaas
07:33ng gasolina. Umiwas din po sila sa gasolina.
07:35Todo nga ang paghihigpit sa sinturon ng marami at mukhang kailangan pang mas higpitan.
07:40Lalo't ayon sa industry sources, 15 to 20 pesos kada litro ang posibleng maging dagdag sa presyo ng diesel.
07:4713 to 15 pesos naman sa gasolina.
07:50Batay raw yan sa 4-day average ng Minof Plats, Singapore.
07:53Pero mas mataas ang estimate ng ibang industry source.
07:5719 to 22 pesos kada litro sa diesel.
08:0013 to 16 pesos naman sa gasolina.
08:03Hindi natuloy malaman ng mga tsuper kung saan buhugot ng panggas.
08:07Maganday lang ako sa disisyon sa operator kung bawihin yung jeep.
08:12Sa batanes, sumipa na sa 112 pesos and 50 centavos per liter ang presyo ng diesel.
08:19Nang bombahin noong Merkoles ang ilang barko na may kargang langis habang tumatawid sa Strait of Hormuz, sumipa ang bentahan
08:26ng langis sa global market.
08:28Bago magsara ang bentahan kahapon, tumaas ng 12 US Dollars ang kada barilis ng diesel.
08:34Sumipa rin daw sa 30 US Dollars per barrel ang premium o insurance, transportation at profit margin ng oil importer.
08:41Si Pangulong Bongbong Marcos, pinatawag sa Malacanang ang mga executive ng oil companies para matiyak ang supply ng langis.
08:49Kaya umaasa ang mga tsuper sa 5,000 pisong ayuda ng gobyerno.
08:53Sa loob ng tatlong araw simula sa darating na Martes, March 17, target mabigyan ang nasa 139,000 tricycle drivers
09:02sa Metro Manila.
09:03Sisimulan lang sa Metro Manila, then we move out of Metro Manila.
09:07Yung mga cities at yung mga areas na napakaraming tricycle drivers, lahat yan matutulungan.
09:1239 payout centers ang tutukuyin ng DSWD.
09:16Sa Quezon City at Maynila, halimbawa dahil may 6 counselor districts, may 6 na payout centers din bawat isa na
09:23target mamahagi ng 1,000 na beneficiaryo kada araw.
09:27Driver's license lang. Hindi na kami muna hihingi ng philsis o kung anumang idea. Driver's license.
09:32Siguro din yung valid, ibig sabihin hindi expired. Siguro din yung pangalan doon ay ang nag-a-appear na pangalan
09:39doon sa talaan ng local government unit.
09:41Pagdating naman sa ibang mga nasa sektor ng transportasyon tulad ng jeep, bus, taxi, TNBS, motorcycle taxi at delivery rider,
09:51hindi na lokal na pamahalaan kundi transportation department na ang magiging katuwang ng DSWD dahil sa kanila manggagaling ang listahan.
10:0030 billion pesos ang paunang pondo mula sa DSWD na agaran ang magagamit para sa mga lubhang apektado na.
10:07At maaring maapektuhan pa kung magtuloy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
10:13Pagtitiyak ng DSWD, mapupuntas sa mga dapat makatanggap nito ang pondo at mahigpit daw nilang babantayan ang probisyong kontra sa
10:21pag-epal ng mga politiko sa pamamahagi nito.
10:24Pero hindi lang sa transportasyon at pagkain, mararamdaman ang pagmahal ng langis.
10:29Ayon sa ekonomistang si Prof. Emanuel Leiko, magdudulit din ito ng medical inflation o pagmahal ng servisyong medikala.
10:36Crudo kasi ang raw material ng maraming medical equipment at supply tulad ng hiringgilya, surgical equipment, oxygen mask kahit na
10:44gloves.
10:45At dahil magmamahal ang transportasyon, tataas din ang logistics cost ng mga ito na karamihan ay imported.
10:50Hindi malayo na magkakaroon din ng direct impact agad-agaran.
10:56Although meron silang mga long-term supply agreement, magkakaroon din sila ng hedging.
11:03I-anticipate na rin nila na magkataas ng presyo ito. So, umunti-untiin na rin nila.
11:10Ang Department of Health, binabantayan na raw ang posibleng pagmahal ng servisyong medikal at gamot sakaling magkaproblema sa supply chain.
11:17Kasi tumatas ang presyo ng lahat eh. Dahil nga sa nangyayaring gera, kailangan mag-catch up si Phila at yan
11:23ang pinapatutukan ng Pangulong.
11:25Pero ngayon palang ramdam na ni Lola Rosalina ang mahal na bayaring sa ospital.
11:29Kaya hindi raw nila alam saan kukuha ng pambayad para sa apong tatlong araw nang nakakonfine.
11:35Meron naman po yatang swa. Kahit konti mabawasan.
11:40Pero po kahit po naman mabawasan po yung pambayad, wala rin po.
11:44Para sa GMA Integrated News, ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
11:51Arestado sa Albay ang isang babaeng nagpapanggap umanong dentista at nag-aalok ng dental service sa social media.
11:58Ating saksihan!
12:02Hindi na nakapalag ang 21 anyos na babaeng niyan habang pinoposasan sa kamalig Albay.
12:08Ang babae nagpapanggap umano na isang dentista.
12:11Sa isang video, kita pa ang suspect na nagsasagawa ng dental procedure sa isang kliyente na undercover pala.
12:17Ayon sa mga otoridad, isinagawa nilang enchapid operation matapos makita ang social media post ng suspect na nag-aalok ng
12:23dental services.
12:25Accordingly, marami na siyang nakapitan.
12:27And ang parang mga customer niya nga is yung parang mga minor na parang gusto lang magkaroon lang pa ng
12:32mobil na braces.
12:34Na-recover ng polisya ang isang cellphone, marked money at ang mga ginagamit ng suspect sa dental procedures gaya ng
12:39nipper, UV light at iba pang dental tools.
12:42Ang Philippine Dental Association kinumpirmang hindi lisensyadong dentista ang suspect na wala pang pahayag.
12:48Naharap siya sa kasong paglabag sa Philippine Dental Act of 2007.
12:52Payo ng PDA sa publiko, tiyaking lisensyado ang dental practitioner bago magpagawa ng anumang dental procedure.
12:58Ito isang protection din sa mga pasyente. Kasi ito ay napaka-delikado kung hindi ka sa profesional magpapagawa.
13:06Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
13:11Aabot na sa halos 800 OFW at 54 na dependent ang natulungan ng gobyerno sa gitna ng sigalot sa gitnang
13:18silangan.
13:19Ayon po yan sa Department of Migrant Workers.
13:22At damay sa patuloy na palitan ng airstrikes ang ilang base militar at mga sentro ng komersyo.
13:27Saksi, si Sandra Ginaldo.
13:32Nabalot ng usok ang bahaging ito ng business district sa Central Dubai malapit sa Burj Khalifa.
13:38Ayon sa Dubai Media Office, isang gusali sa lugar ang tinamaan ng debris mula sa na-intercept na missile.
13:45Sa ulat ng Reuters, ilang bangko ang di muna pinapasok ang kanila mga empleyado sa kanila mga tanggapan sa Dubai.
13:52Kasunod ng babala ng Iran sa mga institusyong may kaugnayan sa Amerika at Israel.
13:59Magdadalawang linggo mula ng unang umatake ang Amerika at Israel sa Iran.
14:04Muling nagpakawala ang Iran ng mga missile at drone laban sa Israel.
14:08Ang Israel naman nagpakawala ng airstrikes sa Tehran.
14:14At sa grupong Hezbollah sa Lebanon.
14:17Sa Iraq, isang French officer ang patay sa umunay drone attack sa base militar doon, bagamat di malinaw kung saan
14:25galing ang drone.
14:27Sa Turkiye, napaulat ang pagsabog malapit sa base militar kung saan nakahimpil ang mga tropa ng Amerika.
14:34Ang Defense Ministry ng Turkiye, sinabing umabot na sa tatlong ballistic missile mula umaraw sa Iran at patungo sa Turkiye,
14:42ang nagpawagsak ng depensa ng North Atlantic Treaty Organization o NATO.
14:47Humingi sila ng paglilinaw sa Iran tungkol dito, bagamat dati ng sinabi ng Iran na hindi kasama ang Turkiye sa
14:54kanilang pinupuntirya.
14:55Sa kanyang unang pahayag mula ng hiranging bagong supreme leader ng Iran,
15:01sinabi ni Ayatollah Mochtaba Khomeini na dapat isaranan ng kanila mga karatik bansa ang mga base militar ng Amerika sa
15:08kanilang nasasakupan.
15:11Sa gitna rin ang tumataas na presyo ng langis sa world market,
15:14pinayagampan sa mantala ng Amerika ang pagbini ng langis mula sa Russia.
15:19Para ito sa langis ng Russia na kasalukuyan ang bumabiyahe o stranded sa dagat.
15:24Kasalukuyang may sanksyon sa Russian oil dahil sa gera nito sa Ukraine.
15:30Sa gitna na patuloy na sa galot,
15:32nakakasana ang pinakaunang chartered flight ng gobyerno para may uwi sa Pilipinas
15:37ang mga Pilipinong nais nang bumalik sa bansa.
15:40We have 480 passengers and 274 of them are OFWs.
15:47Marami doon sa standard Filipinos na hindi OFWs, are seniors and children.
15:51Merong galing sa Kuwait, may galing sa UAE, may galing sa Bahrain.
15:55So itatawid pa yun.
15:57Pag iyon ay tinawid mo, napakarami pong susuungin na mga challenges yan.
16:02Yung exit permit na lang, tsaka yung entry permit ay napaka-importante.
16:07At dahil po, maramadan ngayon, alam niyo naman, pag ramadan walang pasok.
16:11So marami po talaga mga difficulties.
16:13Ayon sa DMW, nasa isang libong Pinoy na ang nagpasabing gustong bumalik sa Pilipinas
16:19kaya maaasahan daw na masusundan pa ang ganitong chartered flight.
16:23Bukod pa sa pagtulong ng gobyerno na maisakay ang mga Pinoy sa commercial flight.
16:28Mula nung nagsimula yung gulo, lahat ng taong nag-call in.
16:31Yung mga nagsabi na kung may repat, I volunteer or I want to be included.
16:36So the flight, it's not, I think it's called a non-ticketed flight.
16:40So manifest lang, tapos binayaran ng government yung charter, the entire service.
16:47The charter service includes the plane and even the bus.
16:53Binabantayan din ng DMW ang mga seaman na nakadestino ngayon sa tinatawag ng warlike areas sa gitnang silangan.
17:01Kasama na dito ang mga seaman na sakay ng dalawang barko na tinamaan ng projectile malapit sa Strait of Horbus.
17:08Ayon sa DMW, nasa ligtas na silang lugar.
17:11Sila po ngayon ay nasa port at takasalukuyan po silang hinohotel para for their eventual repatration to the Philippines.
17:20Nakapag-contact na rin po sila sa kanikanilang pamilya at yung agency rin nila ay nakapagbigay na ng report at
17:26sila naman po ay inaalagaan.
17:28Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
17:34Iniutos po ng Transportation Department sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP,
17:40nabawasan ang ilang bayarin sa mga paliparan.
17:43Hakbang daw ito para makatulong na mapababa ang operating cost ng mga airline.
17:47Kabilang po sa pinababawasan ng passenger service charges at airport navigation charges.
17:52At mula naman sa isang buwan, pinaikli ng Civil Aeronautics Boarding Evaluation at Implementation Period sa labing limang araw
18:00para mas mabilis na maramdaman sa pamasahe ang anumang pagbaba sa presyo ng jet fuel.
18:05At sa DOTR, sa huli nilang monitoring ay nasa $188 kada bariles ang jet fuel,
18:12mahigit doble sa presyo nito noong Pebrero.
18:17Isa po sa mga litratong isinumite ng mga nagpakilalang dating sundalo
18:22ang hindi umunot-tugma sa timeline ng kanilang kwento.
18:25Ayon po yan kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
18:28Ang litrato kuha raon noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
18:33Saksi si Salimere Fran.
18:37Sa mga litratong sinumite sa joint affidavit ng labing walong dating sundalo
18:42ng pag-deliver umano ng mali-maletang pera sa ilang opisyal at personalidad,
18:47sabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia,
18:50may nakitang isa na hindi raw tumutugma sa timeline ng kanilang kwento.
18:55When we investigated that angle, it appears that this delivery was done
19:03during the time of Speaker Lord Velasco.
19:06Duterte time definitely yung isa roon, yung isang na-point out sa akin na nag-inform sa akin.
19:12Hindi dinukoy ni Remulia kung alin sa mga litrato ito.
19:16Pero ayon sa kanya, noon pa lang may indikasyon na may tila may pagmamanipula sa kwento.
19:22What you see here is really a manipulation of facts to make it appear that that was that.
19:30But actually, they were playing with timelines.
19:33And this is one timeline that they played with that this happened before the term of President Marcos.
19:43Naupong Speaker si dating Congressman Lord Alan Velasco mula October 2020
19:47hanggang sa matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
19:52It's a very reliable person telling me that that picture was taken
20:03during the time that Lord Velasco was still the Speaker of the House.
20:09So there was a delivery of money already at that time.
20:12Tinukoy naman ni Remulia si dating Congressman Mike Defensor na nasa likod umano ng litrato at kwento.
20:19Pero may isa pa umanong mambabatas na sumususog nito.
20:23I have reason to believe that Mike Defensor was called to task already by people concerned with that picture of
20:30the show.
20:31Well, he was instrumental in putting together the affidavit. I think we all know that.
20:36He's not denying it anyway.
20:37Meron na lumabit ni Mike Defensor tungkol sa picture to yun.
20:41Sige, tanongin niyo siya kung sino yan.
20:43He might want to tell you.
20:45Congress.
20:46Member of Congress.
20:48Kinukuha pa namin ang panig ni Defensor at ni Atty. Levy Baligod uko sa mga sinabi ni Remulia.
20:53Pero dati nang sinabi ni Defensor na wala siyang kinalaman sa affidavit,
20:58bagamat inaming tumutulong siya sa labing walong dating sundalo.
21:02Maglalabas na raw ng Sabinang Ombudsman laban sa labing walong dating sundalo,
21:06oras na makapagsumiti ang mga ito ng individual nila mga affidavit.
21:10Dito, mas matatanong raw isa-isa ang mga nagpakilalang security aid tungkol sa mga detalye ng kanilang deliveries.
21:18Lilinawi lang natin kasi ang hinahapon natin dito yung kamalian pa rin.
21:22The act itself is still what we are after.
21:25Siyempre gusto natin malaman talaga kung ano nangyari.
21:28Not to find fault on anybody, but to know if somebody can vouch for every action,
21:33kung sino talaga ang pwede maragot.
21:36Samantala, opisyal nang tinurn over ng ICI o Independent Commission for Infrastructure
21:41sa Office of the Ombudsman ang mahigit dalawang daang kahon
21:45na naglalaman ng findings sa mga imbisigasyon at nakalap na ebidensya.
21:50Opisyal na tinurn over ang hard drive niyan ni ICI Chairman at Retired Justice Andres Reyes Jr.
21:56kay Ombudsman Rimulya.
21:58Sa isang pahayag, sinabi ni Reyes na nakamit na ng ICI ang kanilang mandato
22:03at hanggang March 31 na lang ang kanilang operasyon.
22:07Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, ng inyong saksi.
22:13Matapos lumiba ng ilang buwan, nagparamdam si Sen. Ronald Bato de la Rosa
22:18at humiling na maggamit ng kanyang pamilya ang Senate Mansion sa Baguio City.
22:23Sa kanyang sulat kahapon kay Sen. President Tito Soto,
22:26sinabi niyang nice ng kanyang pamilya na tumira sa Senate Mansion ng ilang araw
22:31para sa isang fundraising event ng AFP.
22:34Inirefer ni Soto ang Helene de la Rosa kay Sen. Secretary Mark Leandro Mendoza.
22:40Pero sabi ni Mendoza, hindi mapagbibigan ang request dahil dapat kasama ang Senador
22:46bago payagang tumira sa Senate Mansion.
22:49May pagkukumpo ni rin daw ngayon sa Senate Mansion.
22:53Hindi na dumadalo na sesyon si de la Rosa mula noong Nobyembre
22:56matapos umugong na may ilalabas na arrest wanat
22:59lawan sa kanya ang International Criminal Court o ICC.
23:06Siyam nara ang kilo ng hinihinalang shabu
23:09na nakuha mula sa sumadsada speedboat sa Palungan, Occidental, Mindoro.
23:13Posibleng galing sa Vietnam basis sa nakitang markings.
23:17Sen is siya labagsusuri ng PIDEA.
23:19Nasa 90% ang purity ng droga.
23:21Mas mataas kesa sa 30% purity ng mga nakukumpiskang shabu
23:25sa local drug market.
23:27Isang babaeng Chinese national ang tinutugis kayo ng mga otoridad
23:30dahil lumalabas sa embestikasyon
23:32na siya ang bumili ng sumadsada speedboat
23:35na ginamit sa pagbiyahe ng droga
23:37ng dalawang naonang na-arestong Chinese.
23:39They are not ordinary criminals.
23:42These are syndicates.
23:44These are foreign.
23:46These are Chinese-run syndicates
23:50na minawalangya ang ating bansa.
23:55Singil ng Manila Water at Maynilad
23:57tataas simula Abril para sa Maynilad.
24:0027 centavos kada buwan ang dagdag singil
24:03para sa mga customer na kumukunsumo
24:05ng 10 cubic meters.
24:07Piso naman para sa 20 cubic meters ang konsumo
24:10habang higit 2 piso sa 30 cubic meters ang konsumo.
24:14Para naman sa mga customer ng Manila Water
24:1614 centavos ang dagdag singil
24:18sa mga kumukunsumo ng 10 cubic meters.
24:2129 centavos sa 20 cubic meters
24:24habang 58 centavos sa mga kumukunsumo
24:27ng 30 cubic meters.
24:29Ayon sa MWSS,
24:31bunso dito ng foreign currency adjustments.
24:34Para sa GMA Integrated News,
24:36June Vanalasyon ang inyong saksi.
24:40Halos 3 milyong Pilipino ang walang trabaho
24:42ayon sa pinakahuling Labor Force Survey
24:45ng Philippine Statistics Authority.
24:47Ito na ang itinutuloy na pinakamataas na bilang
24:49na walang trabaho mula noong June 2022.
24:53Saksi si Darlene Cai.
24:58Mabigat ang pasanin ngayon ang dating OFW na si Maria.
25:02Hirap siyang humanap ng trabaho rito sa Maynila
25:04na matay pa ang asawa niya noong nakaraang taon.
25:07Ngayon, mag-isa niyang itinataguyod ang tatlong anak.
25:11Mahirap, lalo na sa akin kasi syempre walang income.
25:15Ang mahal ng pamasahe, di ba?
25:18Tapos from Quezon Province pa ako.
25:21So kailangan mo talaga ng budget.
25:23Bumiyahe siya pa Quezon City para lumhok sa job fair
25:26ng DMW, Department of Migrant Workers.
25:28Dito namin nakilala si Rowena.
25:30Anim na buwan na raw siyang walang trabaho.
25:33Sa experience ko po is sobrang hirap
25:36kasi sobrang daming tao rin po
25:40nakagaya ko na nagahanap ng trabaho
25:42kaya sobrang hirap po.
25:45Parang kumbaga po is paunahan po
25:48na maghanap ng trabaho.
25:49Kabilang sila sa halos 3 milyong Pilipinong
25:52walang trabaho base sa pinakahuling
25:53Labor Force Survey ng PSA
25:55o Philippine Statistics Authority.
25:57Halos 800,000 ang nadagdag
26:00kung ikukumpara sa parehong panahon
26:02noong nakaraang taon.
26:03Ito na raw ang pinakamataas na bilang
26:06ng mga walang trabaho mula June 2022,
26:09panahon ng pandemia.
26:10Maraming dahilan pero isa dyan,
26:13may mga nawalan din daw ng trabaho
26:14matapos pumutok ang flood control scandal.
26:16Inaasahan na raw ng Philippine Statistics Authority
26:19na madaragdagan pa ang bilang
26:20ng mga walang trabaho sa mga susunod na buwan.
26:23Bahagi pa rin daw yan ang epekto
26:24ng nagpapatuloy na gulo sa gitnang silangan.
26:27At base na rin daw yan sa mga naging epekto
26:29ng mga nakaraang pandaigdigang krisis
26:32sa bilang ng mga nawalan ng trabaho.
26:59Ayon sa isang ekonomista,
27:01kawing-kawing ang epekto nito.
27:03Dahil nga bumagal ang economy,
27:05yung ating nang pagbagal,
27:07yung ating GDP growth rate na 4.4%
27:10ay parang may pandemia.
27:11Kaya maasahan din natin
27:13na ang mga labor statistics natin,
27:18yung employment, yung unemployment,
27:21underemployment,
27:22ay magiging malala.
27:24Ngayon, hindi pa lumalabas yung datos
27:27na ipapakita yung epekto
27:30ng Middle East War.
27:32Mas malala pa yun.
27:34So ngayon, malala na ito.
27:36Sa isang pahayag,
27:37sinabi ni Department of Economy, Planning and Development
27:39Secretary Arsenio Balisaca
27:41na patuloy daw ang gobyerno
27:42sa pagresponde
27:43at pagsuporta sa mga apektadong manggagawa.
27:47Para sa GMA Integrated News,
27:48ako si Darlene Kay,
27:49ang inyong saksi.
27:53Nakaupo ang security guard na yan
27:54sa labas ng binamatayang grocery store
27:56sa Fairview, Quezon City,
27:57nang lapitan siya ng dalawang nilaking nakasuot ng helmet
28:00at barilin.
28:02May kinuha pa ang mga suspects sa Gwaja
28:04bago sila tuluyang tumakas.
28:06Ang biktima naman,
28:07nakatayo pa pero bumagsak din kalaunan.
28:10Ayon sa polisya,
28:11service firearm at cellphone
28:12ang kinuha nila mula sa security guard.
28:15Maayos na ang kalagay ng biktima
28:17at patuloy ang pagtugis sa mga suspect
28:19na tukoy na
28:20ang pagkakakilalda.
28:24Arestado ang tricycle driver
28:26na isa sa mga suspects
28:27sa pagpatay sa dalawang binaril at siniliban
28:30sa loob ng sasakyan sa Peñaranda, Nueve Ecija.
28:33Nauna nang naaresto
28:34ang itinuturing mastermind,
28:36asawa nito at dalawang tauhan.
28:39Inutugis pa ang gunman.
28:40Patuloy naman ang paghiling ng hostisya
28:43ng pamilya ng dalawang biktima
28:44na inilibing na ngayong araw.
28:49Inundayan ang saksak
28:50ng isang lalaki
28:51ang isa pang lalaking nakatalikod
28:52sa kanya sa Israel.
28:54Sinubukang tumakas ng biktima
28:56pero natumba siya
28:57at ilang ulit pang sinaksak
28:59at pinagsisipa ng suspect.
29:02Isinugod sa ospital
29:03ang 47 taong gulang na biktima
29:05na nagtamon ng mga sugat.
29:07Ayon sa Israeli police,
29:08naaresto rin ang suspect
29:09at ngayon'y iniimbisgahan.
29:13Nauwi sa disgrasya
29:14ang dapat sanay masayang selebrasyon
29:16ng magkakaibiging estudyante
29:17sa isang kainan
29:18sa Dagupan City.
29:20Sa gitna po
29:20ng kanilang pagdiriwang,
29:22bigla na lang sumabog
29:23ang kalan
29:23na gumagamit
29:24ng butane gas.
29:26Sumabog umano ito
29:27dahil sa gas overpressure.
29:29Sa labing isang estudyante,
29:30walo ang naka-admit pa
29:31sa ospital.
29:33Gitnang pamunuan
29:33ng restaurant,
29:34hindi sila nagkulang
29:35sa maintenance
29:35ng kanilang mga kagamitan.
29:37Ito raw
29:38ang unang pagkakataong
29:39nangyari
29:39ang ganoong insidente.
29:40At ayon sa polisya,
29:41nagkaroon na ng inisyon
29:42na pag-uusap
29:43ang pamunuan ng kainan
29:44at ang pamilya
29:45ng mga biktima.
29:52Nakabuo ng artificial cornea
29:54ang ilang researcher
29:55sa Spain
29:56gamit ang kaliskis
29:57ng mga isda.
29:59At base sa kanilang
30:00pag-aaral,
30:01hindi masama
30:02sa living tissue
30:03ang nabuo nilang
30:04corneal implants.
30:06Posible raw ito
30:07maging murang alternatibo
30:08sa mga eye transplant.
30:09At bukod sa madaling
30:11makakuha ng mga kaliskis
30:12ng isda,
30:13makatutulong pa raw ito
30:14sa industriya
30:15ng pangingisda
30:16sa Spain.
30:17Pero paglilinaw
30:18ng mga mananaliksik,
30:20nasubukan pa lang nila
30:21sa mga experimental animal
30:23ang corneal implants.
30:25Hindi pa raw ito
30:26maari sa mga tao
30:27hanggat hindi pa dumaraan
30:29sa trial.
30:33Literal na apang malakas
30:34ang bonding
30:35ng fur baby
30:36at kanyang fur dad.
30:37Ang dalawa kasi
30:38nagpalakasa ng
30:39hila.
30:41Sa video ni
30:42Hugh Scooper Vincent,
30:43makikita siyang tila
30:44nakikipaglaro
30:45ng tug of war
30:46sa alagang golden retriever
30:48na si Chopper.
30:49Ang kwento ni Vincent,
30:51naisipan niyang ilagay
30:51sa leeg ang tali
30:52dahil ayaro niyang
30:53hinahawakan
30:54ang tali niya.
30:56At doon na lang
30:57doon biglang hinila
30:57ni Chopper
30:58nang may gigil
30:59ang tali.
31:01Pagtitiyak ni Vincent,
31:02safe naman sila pareho
31:03matapos ang paglalaro.
31:08Salamat po sa inyong
31:09pagsaksi.
31:10Ako po si Pia Arcangel
31:11para sa mas malaki
31:13misyon at sa mas malawak
31:14na paglingkod
31:15sa bayan.
31:16Mula sa GMA Integrated News,
31:18ang news authority
31:19ng Pilipino.
31:21Hanggang sa lunes,
31:22sama-sama po tayong
31:23magiging
31:24Saksi!
31:28Mga kapuso,
31:29maging una sa Saksi!
31:31Mag-subscribe sa
31:32GMA Integrated News
31:33sa YouTube
31:33para sa ibat-ibang balita.
Comments