00:01Sa agit na po ng mainit na panahon, biglang bumuhas ang ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong hapon.
00:08Ayon sa pag-asa, Easterly sa nagdadala ng mga ulap na panahon at isolated rain showers o thunderstorms sa Metro
00:15Manila.
00:18Magandang gabi po!
00:20Apat na libong pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa residential area sa Barangay Piñahan sa Quezon City.
00:27Umabot sa Task Force Bravo ang sunog.
00:30Sa kasagsagan ng sunog, isang nasawid dahil sa atake sa puso.
00:33Nakatotok si Bea Pinlak.
00:39Hindi pinatulog ng nagngangalit na sunog ang libu-libong residente sa Maynia Road, Barangay Piñahan, Quezon City, kagabi.
00:48Mabilis kumalatang apoy na lumamon sa magkakalapit na bahay na karamihan gawa sa light materials.
00:56Nakakontribute din doon yung malakas na hangin.
01:01Ang ibang bahay, gumuhok.
01:09Aliwat ka na ng pagsabog ng mga tangke ng LPG na naiwan sa loob ng mga bahay.
01:17Kumapansin ninyo kanina, pagka may pagsabog, biglang may apoy na malakas na lumalabas.
01:25Ayon sa mga opisyal ng barangay na apektado rin ng sunog, posibleng umabot sa apat na libong pamilya ang nawala
01:33ng tirahan.
01:46Pala isipan sa kanila kung paano makababangon.
01:49Hirap sa buhay, tapos nangyari pang ganito. So dapat aksyon ka agad.
01:56Mawa-awa talaga, lalo na yung mga mahihirap na wala naman po yung kakayanan.
02:02Ay, wala na kaming kabuhayan.
02:04Ewan po saan kami mapagpad ngayon.
02:08Isang 51-anyos na lalaki ang nasawi, matapos atakihin sa puso ayon sa BFP.
02:15Isinugod pa siya sa ospital, pero idiniklarang dead on arrival.
02:19Umabot ng Task Force Bravo ang sunog.
02:22Nanirespondehan ng halos sanda ang truck ng bombero at fire volunteer.
02:26Apat ang naitalang sugatan.
02:28Meron pong laceration, may possible dislocation ng braso.
02:33Meron din po isang boldner fire brigade na nakagat ng aso habang nagpa-firefighting.
02:39Isa sa mga naging hamon sa pag-apula sa sunog, supply ng tubig.
02:43Noong una kasi malakas naman yung supply.
02:46Meron naman tayong hydrant na malapit dito.
02:49Yun nga lang talagang, yung iba kasi hindi, medyo malayo.
02:55Ang mga residente, tumulong na.
03:00Pasado alas 5 ng madaling araw kanina na maapula ang sunog.
03:04Ayon sa BFP, halos 4 na milyong piso ang halaga ng pinsala.
03:09Inaalam pa ang sanhinang sunog.
03:11Para sa GMA Integrated News,
03:14Bea Pinlak, Nakatutok, 24 Oras.
03:18Dahil po sa nagbabadyang big time taas presyo sa petrolyo sa susunod na linggo,
03:23may mga motoristang maagal ang nagpakarga ngayong weekend.
03:26At may gasolinahan na nga sa Quezon City na naubusan pa ng diesel.
03:31At kahit po bawal ang hoarding, may mga motoristang nagpakarga pa rin ng galong-galong petrolyo.
03:39Sa gasolinahan ito sa Fairview, Quezon City,
03:41zero-zero ang presyo ng isang klase ng diesel kaninang umaga.
03:46Yun pala, ubos na ang supply nila.
03:48Sa dami raw ng nagpapakarga bago ang nagbabadyang big time oil price hike sa susunod na linggo.
03:54Marami pa rin po naghahanap po ngayon, wala na po kaming maibigay.
03:57Kinokontak ba po namin kung magkakaroon po kami ng isak dahil nga po sa nagkataasan po ng gas po ngayon.
04:03Ang isang ang motorista, galon-galon na ang pinakarga kanina.
04:07Tumanggi siyang humarap sa kamera pero anya, gagamitin niya ito sa mga heavy equipment sa kanilang negosyo.
04:12Ramdam na kanina ang buhos ng mga nagpapakarga.
04:15Sabi ng Department of Energy, ang minimum o pinaamababang posibleng dagdag,
04:2019 pesos kada litro sa diesel, 9 pesos sa gasolina, 31 pesos sa kerosin.
04:26Minimum kasi hindi pa po dito kasama yung mga premiums siguro at mga insurance na pag hindi ko masabi yung
04:35mga tinatawag nilang premiums kasi ang sama ng sitwasyon ngayon.
04:41Pero sabi ng DOE, hinihintay pa ngayong weekend ang desisyon ng mga kumpanya ng langis kung paano nila uutay-utayin
04:48ang taas presyo.
04:49May naranig ako noon kung malaki daw masyado, baka mag-daily sila ng staggered increase.
04:56Pero kung maliit lang, pwede nilang gawing like twice a week.
05:01Ang DOE at PNP nagtutulong ang mag-inspeksyon at manita ng mga gasolinahang nagtaas presyo agad kahit hindi pa dapat.
05:09Gaya raw sa isang gasolinahan sa Tagum City, Davao del Norte,
05:12naaabot sa 73 pesos kada litro ang benta sa diesel, katumbas ng 8 piso kada litro ang dagdag.
05:19Nakikiusap ako sa ating mga negosyante at mga trader, huwag ninyo sanang samantalahan ang sitwasyong ito.
05:26Pinapaalala ko sa lahat na ang hoarding at ang profiteering ay labag sa batas.
05:31Sabi kagabi ni Pangulong Bongbong Marcos, may ginagawa na ang pamahalaan.
05:36Nakikipagugnaya na tayo sa Kongreso upang mapagkaluoban ang Pangulo ng pansamantalang kapangyarihan
05:42upang bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo kung papalo ito sa 80 US Dollars kada barrel.
05:51Lagpas $100 na kahapon ang kada barrel ng Dubai Crude ayon sa DOE.
05:56Panawagan ngayon ang grupo ng mga trucker,
05:59higit sa excise tax, mas dapat alisin ng gobyerno ang VAT o value-added tax sa petrolyo.
06:04Ang excise tax ay fixed. Ang dapat na pag-aralan, yung pag-alis ng VAT.
06:10Habang tumataas ang presyo ng langis, tumataas din yung VAT.
06:14Sabi ng mga trucker, nag-abiso na sila sa mga kliyente na magtataas sila ng 20 to 30 percent
06:20ng kanilang transportation services.
06:22Unfortunately, hindi yan pwedeng hindi maka-apekto sa presyo ng commodities natin.
06:28Ang grupo naman ng mga city bus operator nagpaplano na raw magbawas ng papasadang mga bus.
06:33Yung muters ang mahihirapan. Kung lahat pa di-deploy mo,
06:38ay malaki po kasi ang magiging epekto sa operational cost.
06:43May mga grupo ng mga choper na nauna ng humirit ng taas-pasahe.
06:47Sabi ng gobyerno, may nakanda silang fuel subsidy at cash transfer para sa mga apektadong sektor.
06:52Hindi naman po solusyon yung taas-pasahe. Tanggalin na rin yung VAT.
06:56Yung nagpapalaki sa crude.
06:58Ako akong tataas pa, hindi na ako mga masada eh.
07:02Malaki na wala sa amin eh.
07:04Ang Department of Agriculture naglaan ng 150 million pesos para sa fuel subsidy sa mga magsasaka at mangyingisda.
07:19Sa isang diagram, ipinakita ni Navy Inspector General Rear Admiral Roy Vincent Trinidad
07:25kung paano ni-recruit ang tatlong Pilipino para magpasa ng impormasyon sa kanilang mga dayawang handler
07:31na pininiwalaang konektado sa China.
07:33Nakatago raw sa isang gaming app ang komunikasyon ng Pilipinong ni-recruit sa kanyang foreign handler.
07:38May mga communication gadgets na binibigay sa kanila para gamitin.
07:44Yung isa merong special gaming app, Tetris, na andun naka-embed ang communications nila.
07:50So may ipapram ka lang doon, ipasok mo ang password, maging communication app siya.
07:55Ang kanilang mga dayuhang kausap gumagamit pa ng mga paraan para itago ang kanilang totoong nationality.
08:01The information is given to the handlers na nasa abroad.
08:08English speaking, yung iba may accent na British, Australian.
08:13Yung isang obvious naman na Chinese ang accent.
08:16Sina alias Lawrence na dating nangkatrabaho sa Defense Department na lumipat sa Navy.
08:21Alias Allison na isang analyst ng security sector.
08:24At alias Danny na nakabase sa Manila at maraming kontak sa Philippine Coast Guard.
08:29The modus operandi here is all financial.
08:33From 4 to 6 digits ang halaga.
08:37Sa mga digital wallet at food delivery sinasabay ang paghahatid ng bayad sa kada informasyong pinapasa.
08:43Binibigyan din sila ng malaking bonus.
08:46Nakonsensya raw si alias Danny nang minsang makita ang nasirang barko ng PCG na binangganang barko ng China
08:52at nasaktan ang mga Pilipinong tauhan nito.
08:55Si alias Charles na isang Navy officer agad nagsumbong ng tangkay ng i-recruit ng isang babaeng dayuhan
09:01at sinimulang hingan ng mga sensitibong impormasyon.
09:04Ang pag-i-recruit sa mga Pilipinong nasa Navy sumabay sa panahong nabisto ang umunoy espionage activities ng China sa
09:10Pilipinas.
09:11Kasabay ito ni Alice Goh, we have yung may hawak na MC catcher, yung may hawak na LiDAR si Mr.
09:19Erdeng,
09:20yung Palawan 5 who were installing CCTVs in the approaches to Ulogan Bay, yung nakuha natin sa Grande Island and
09:27Chiquita Island.
09:28Ayon sa Philippine Navy, lumalabas na ang mga nadiscovering mga peking Pilipino kamakailan,
09:33posibleng may kaugnayan din sa pagkuha ng sensitibong impormasyon, tulad ng litratong ito na ibinigay ng aming source
09:40na nagpapakilalang Pilipino na nag-dodonate ng ambulansya sa isang LGU.
09:45Ayon sa source, hinuli ang lalaki at nabistong Chinese na nagpapanggap na Pilipino.
09:50If we start connecting the dots over the years, makikita natin merong trend, attempts to be able to infiltrate
09:57in a very subtle way to extract information from us.
10:02Information which could be derogatory or dangerous. It could endanger the lives ng ating mga kapwa Pilipino.
10:10This is a part of the insider threat program they were discovered.
10:14And we find this is a decisive result of our previous efforts to strengthen and harden the security sector and
10:24government agencies.
10:25Para sa GMA Integrated News, John Consulta, Nakatutok 24 Horas.
Comments